CHAPTER 16

Chapter 16: The visit



BAKIT ba ako napunta sa sitwasiyong ito? Bakit ba kasi ako pumunta rito? Parang ako yata ang magkakasakit sa ginagawa kong ito!

Kanina pa ako nakatitig sa bimpong hawak at nagdedebate sa kalooban ko kung ano ang uunahin. Ang pagpapainom ng gamot pero magigising siya o ang unahin muna 'yong sa bimpo?

Napakagat-labi na lang ako at napabuga ng hangin. Uunahin ko na lang siguro iyong pagpapainom ng gamot at kapag nagising siya, ay siya ang magpupunas ng bimpo sa katawan niya.

Marahan kong tinapik ang pisngi ni Dave kaya naramdaman kong sobrang init pala talaga nito. Kailangan niya na talagang uminom ng gamot.

"Dave. . . Dave gising. Iinom ka pa ng gamot mo," marahan kong sabi at tinapik ulit nang mahina ang pisngi nito na naging dahilan para kumunot sandali ang kaniyang noo. Doon na unti-unting nagmulat ang mga mata nito na naging dahilan para magsalubong ang mata naming dalawa.

Napatitig ito ng ilang sandali sa akin bago bumuga ng hangin at natawa. "Of all people, bakit ikaw pa ang nasa panaginip ko?" Napatakip ito sa mata, akala yata isa akong panaginip. Nang magmulat ulit ang mata nito ay parang hindi pa rin makapaniwalang narito pa rin ako. "Nagdidiliryo na yata ako."

Parang tanga.

Ganito ba magkasakit ang isang Dave Kendrick Lee? Nababaliw na. Gusto ko siyang sapukin pero huwag na lang, kawawa naman dahil may sakit. At kapag ginawa ko iyon ay baka kaladkarin ako ng mga katulong niya rito sa bahay.

"Ouch!" reklamo nito matapos kong pitikin ang noo nito habang nanlalaki ang mga mata. "Y-you're r-real. What the?! Why are you here?" gulat na sambit nito at tinuro ako. Nagpumillit itong bumangon pero pinigilan ko.

"Malamang. . ." bigla akong natigilian. Anong sasabibihin ko? Na nag-aalala ako sa kaniya kaya pumunta ako rito at gustong magpasalamat sa mga ginawa niya? "M-malamang a-absent ka kaya ako p-pinapunta ng mga teacher natin. Tama na nga ang tanong, inumin mo na 'to. Para ka ng apoy, kulang na lang ay masunog ka sa sobrang init mo."

Inabot ko kay Dave ang gamot pero nakatitig lang ito sa akin. Napakunot ang noo ko sa inaasta niya.

"Is that a true medicine? Baka lason 'yan," bintang nito sa kabila ng sitwasiyon niya. Kapal!

"Anong lason? Kung may balak akong patayin ka, sana kanina pa ay sinakal na kita!" singhal ko at pilit na nilagay ang tableta sa kamay nito. "Inumin mo na nga! Ikaw na nga itong inaalagaan, ikaw pa itong may ayaw." Simangot ko.

"Okay, okay, iinumin na po, doctora!" natatawang aniya. Binigay ko sa kaniya ang tubig matapos na nilagay nito ang tableta sa bibig. Nang matapos siya ay saka ko hinagis sa mukha nito ang basang bimpo. "What the hell?!" bulalas nito.

"Punasan mo 'yang sarili mo. Mukhang nakakagalaw ka naman." Napairap ako.

"What? Ganiyan ka ba mag-alaga? Mas lalo akong lalagnatin sa ginagawa mo! Alam mo namang hindi ako nakagagalaw masyado," pangongonsensiya niyang sabi sa huli.

Bigla nga talaga akong nakonsensiya dahil alam ko namang hindi dapat ganoon ang ginawa ko, kaya binawi ko sa kaniya ang hinagis na bimpo.

Pansin ko ang pagngisi nito pero pinabayaan ko na lang. Kinuha ko ang kamay nito at unang pinunasan, kasunod ang kabila. Ang laki ng kamay ng taong ito, halos tatlong kamay ko yata ang pagsasama-samahin sa isa nitong kamay lamang.

Nang matapos kong punasan ang dalawa nitong kamay ay piniga ko ulit ang bimbo sa maliit na batyang may tubig. Sinunod kong pinunasan ang mukha nito. Bigla akong napatigil nang dumapo ang kamay ko sa noo niya. Napalunok ako sa sariling laway nang magtama ang paningin naming dalawa ni Dave.

Hindi ko maipaliwag ang nararamdaman dahil bigla na lang ginulo ang sistema ko sa paraan ng paninitig nito. Tila may kuryenteng dumaloy sa kamay ko nang hawakan ito ni Dave, para akong napapaso na ewan.

Natapos ko ang pagpunas sa noo nito at kasalukuyan na akong nasa leeg nito. Napalunok ako at nanginig ang mga kamay ko. Pupunasan ko na sana iyon nang hawakan ako ni Dave.

"Ako na. Baka chansingan mo pa ako." Ngumisi ito pero iba yata ang hatid no'n sa sistema ko. Tila may sumipa sa dibdib ko at nagsasabing napakaguwapo niya sa paningin ko.

Nang makabawi ay nagsalita ako, "M-mukha mo!" Napaiwas ako ng tingin at muling binalik iyon sa kaniya. "H-hindi ka naman tao para pagpantasyahan ko!"

Ganoon na lang kabilis ang pag-asim ng mukha nito sa sinabi ko. "Baka nakakalimutan mong maraming babaeng gustong humawak sa katawan ko," pagmamayabang niya.

"E 'di roon ka magpahawak!" inis kong wika at napairap kasabay nang pagbigay sa kaniya ng bimpo.

"Where are you going?" tanong nito matapos na mapansin ang pagligpit ko sa gamit ko.

"Uuwi!" inis na sagot ko.

Ewan ko ba pero inis na inis ako sa kaniya. Ang sarap niyang hambalusin kung wala kang sana siyang sakit.

Padabog kong kinuha ang bag at nagmartsa papuntang pintuan pero napatigil ako nang humirit ulit ang hari ng mga playboy.

"Already? Hey, wait. I can't do this, masakit ang kamay ko," pag-aarte niya.

"Sa pagkakaalam ko, lagnat ang mayroon ka at hindi nabalian ng buto!" singhal ko at sinamaan siya ng tingin. "Bumaba naman na ang lagnat mo, uuwi na ako. May nag-aalaga naman sa 'yo rito. Saka hapon na, baka kapag gabihin ako ay mag-aalala pa si nanay."

Nagpaalam na ako sa kaniya, pati na rin sa maid na nakabantay kay Dave. Gusto kong batukan ang sarili matapos na makalabas sa mansiyon nila.

Anong pumasok sa isip ko at nagdrama ako ng gano'n? May pautal-utal pa akong nalalaman. Jusme, kakahiya naman sa kagandahang taglay kong ito.

Payapa akong nakauwi at naabutan kong nagliligpit si nanay. Nagbihis muna ako ng pambahay at tinulungan ito sa mga natitirang trabaho.

"'Nay, natatandaan mo 'yong kaklase kong si Dave?" tanong ko sa kaniya.

Napalingon ito sa akin at napatigil saglit sa ginagawa. "Naku! Oo naman Day-Day, bakit ko naman makakalimutan ang mabait na batang iyon? Kumusta na pala siya?"

Mabait daw?!

"Nagkasakit po siya, 'nay. Trangkaso."

"Jusko! Uso pa naman iyon ngayon dahil sa panahon natin ngayon. Idagdag pang ber months na, malamig sa gabi at sobrang init naman sa umaga. Tiyak na magkakatrangkaso ka talaga sa klima."

Pinagpatuloy ko lang ang paghuhugas habang sinasagot si nanay. "Oo nga, 'nay, e. Binisita ko siya kanina. Mukhang hindi yata iyon makapapasok bukas."

"Naku! Ipagluluto ko siya bukas ng specialty kong sopas. Ibigay mo sa kaniya, ah? At para gumaling na rin."

Napalingon ako. Ang special naman ng lalaking iyon. "'Nay naman, parang may gamot naman 'yan, e."

"Siyempre, pagmamahal." Tumawa ito kaya napatawa ako sa hirit ni nanay.




KINABUKASAN, inulan ako ng mga tanong ni Miche kesyo bakit hindi raw ako bumalik at nakuha ko pang um-absent. Naiwan kasi siyang mag-isa sa cafeteria. Wala naman kasi itong kaibigan bukod sa akin.

"Totoo?" tanong nito at inayos ang salamin.

Napatango ako sa kaniya. Kinuwento ko kasi ang nangyari kahapon kaya ganoon na lang ang gulat nito sa nalaman. Siyempre, sinong hindi magiging ganoon ang reaksyon dahil kilalang-kilala si Dave ng mga estudyante rito sa Leehinton.

Mahina itong napatili. Sa maliit na panahong narito siya sa Leehinton ay marami-rami na itong alam. Hindi ko nga lang alam kung saan ba niya nakukuha iyan o dakila lang talaga siyang chismosa.

"Kung ako sa 'yo, baka pinunasan ko na nang walang pag-aalinlangan ang dibdib no'n!" kinikilig na aniya.

"Ewan ko sa iyo, Miche." Napairap ako.

Patuloy lang kami sa pagkukwentuhan hanggang dumating na ang mga guro namin. Wala pa rin si Dave kaya napagdesisyunan kong pupuntahan ulit ito, saka may ipapadala si nanay mamaya sa akin. Naging mabilis ang klase at tuluyan ng nagtapos.

Nasa labas ako ng gate ngayon at hinihintay si nanay sa sopas nitong ipapadala sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay natanaw ko na ang tricycle namin. Kinawayan ko ito para malamang narito na ako.

"'Nay!" tawag ko at ngumiti naman ito nang makita ako.

Nang marating ang kinaroroonan ko ay inabot agad nito supot na naglalaman ng sopas. Nakalagay ito sa isang disposable tupperwear. Siguradong binili pa ito ni nanay sa palengke. Wala naman kaming ganito, e.

"Dahan-dahan lang Day-Day, mainit pa 'yan at baka mapaso ka. O siya, ikumusta mo na lang ako kay Dave, ha? Ako'y uuwi na dahil walang tao sa bahay natin. Mag-ingat kang bata ka, ha?"

"Opo, 'nay! Ingat ka po sa pag-uwi!" paalam ko sa kaniya.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang pumunta sa bahay nina Dave. Nang marating iyon ay agad naman akong pinapasok ng guard. Agad akong dinaluhan ng mga maids ngunit laking gulat ko nang may babae at lalaking sobrang ganda na nasa living room.

Napalingon sila sa akin at sinuri ako. Doon ako tinablan ng hiya. Hindi man lang ako nakapag-ayos ng sarili bago pumunta rito.

Pasimple kong inayos ang buhok at binati sila. "Good morning po."

Napatayo ang babae. Kahawig ito ni Dave. Huwag mong sabihing magulang niya ang mga ito?

Grabe! Sobrang bata naman nila tingnan!

"Good morning. Anong kailangan mo, iha?"

"A-ano. . . b-bisitahin ko po sana si Dave, kaklase niya po ako. M-may dala po akong sopas para sa kaniya," mahina kong sabi at napayuko.

Narinig ko ang pagtawa ng babae. "Hon, she's so cute," anito at napabaling sa asawa. "What's your name, iha?"

"D-Diane Jyle Fernandez po," nahihiya kong sambit.

Nagpakilala ang ginang sa akin at nakipagkwentuhan ako sa kanila. Magaan ang loob ko dahil parang ang bait naman ni Tita Jade. Siya ang naglagay ng sopas sa bowl para ako mismo ang maghatid no'n sa anak nila.

Mabait naman si Tito Kendrick, kinakausap niya din ako. Masaya nga sila na may bumisitang kaklase ni Dave at napag-alaman kong ako ang unang nakapunta sa bahay nila. Kapag sinabi kong una, unang babaeng nakapasok dito.

Nang malaman ko 'yon, gusto kong bumilib kay Dave. Sa dinami-rami ng mga babae niya tapos hindi man lang makapag-uwi ng isa? Naku, asa! Sa pagiging hari ng playboy niya ay hindi mangyayari 'yon!

Nang makapasok na ako sa kuwarto ni Dave ay nadatnan ko itong nakaupo na sa kama at nakangising nakatingin sa cellphone nito. Hindi man lang napansin ang pagpasok ko.

Ano kaya ang pinagkakaabalahan ng hari na 'to?

"Yes, babe. I'm okay. I'm not sick anymore. We can continue that when I go to school," malanding aniya sa kausap.

Hindi ko marinig ang sinasabi ng nasa kabilang linya dahil naka earpods ang hari. Parang kumulo bigla ang dugo ko sa narinig. Anong continue? Gago ito! May sakit na nga at lahat, nakuha pang lumandi! Ibuhos ko sa kaniya itong sopas niya, e!

Padarag kong tinungtong sa side table nito ang dala na naging dahilan para mapalingon ito at nanlaki ang mata.

"'Gulat ba kita?" pabalang kong saad. "Oh, niluto 'yan ni nanay. Kain muna bago lumandi!" inis kong tugon.

Nasaksihan kong lumunok ito at kumurap ng ilang beses hanggang sa patayin nito ang cellphone ng wala man lang paalam sa kausap na kalandian.

"What's t-that?" utal na tanong niya.

"E 'di tingnan mo!"

"Tinatanong lang naman, e. Ang sungit-sungit," patutyada nito at kinuha ang sopas. Sininghot niya muna ito saka sinimulang kainin.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang kumakain. Biglang nawala ang inis ko sa kaniya. May parte sa puso ko na may galak na kaalamang  bumaba na ang lagnat nito. Parang sinat na lang siya ngayon.

Napabaling ito sa akin. "You want?" alok niya pero napailing ako.

"Para sa 'yo 'yan, hindi sa akin."

"Bakit ba ang sungit mo?" kunot-noong baling nito at napatigil sa paghigop ng sabaw ng sopas.

"Itanong mo sa pader." Sinamaan niya ako ng tingin. Mukhang pagaling na nga, nakukuha nang mangbuwisit sa akin.








A S T A R F R O M A B O V E
★☆★

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top