CHAPTER 15
Chapter 15: Sick and help
NASA kalagitnaan ako nang mahimbing na pagtulog ng marinig ko ang pagtawag ni nanay sa 'kin.
"'Nay, gusto ko pang matulog. . ." Hindi ko pinansin ang paulit-ulit na tawag nito sa akin at pinagpatuloy ang pagtulog.
"Gising na anak," wika ni nanay habang niyuyugyog ako.
Bakit ba ako ginigising? "'Nay, naman eh. Natutulog pa 'ko, eh!" reklamo ko pero nakapikit pa rin. Nakamot ko ang ulo at sinubsob ang mukha sa unang niyayakap ko.
"Naku, Day-Day! Matutulog ka na lang ba riyan at huwag nang papasok sa eskwelahan? Mag-a-ala siete na!" bunganga nito.
Magaling na nga talaga siya dahil nakukuha niya na akong talakan ngayon. Pero ganoon na lang ang pagmulat ko sa narinig at tiningnan ang cellphone. May klase pala ako!
"Late na ako, 'nay!" taranta kong sigaw at mabilisang gumayak papuntang eskwelahan.
NANG marating ko ang Leehinton ay agad akong pumasok sa room. Agad akong sinalubong ng mga tanong ng mga kaklase kong hindi naman sa akin namamansin noon. Inulan ako ng mga tanong kung bakit ba absent ako ng ilang araw. Malugod ko itong sinagot at napapatango na lang ang iba.
Nang maupo ako ay napansin kong may nakaupo sa gilid ko. Hindi ako pamilyar sa kaniya. Nakasalamin ito at nakatutok lang sa notebook nito. Hindi pa naman nagsisimula ang klase pero nagsusulat na siya.
Napansin niya yatang may nakatingin sa kaniya kaya napaangat ito nang tingin na naging dahilan para magtama ang mga mata namin. Hindi ko inaasahang ngingiti ito sa akin dahil mukhang mahiyain.
"Hi, ikaw si Diane, 'di ba?" alanganin niyang tanong. Napatango ako. "B-bago lang kasi ako rito sa Leehinton. . . s-sana maging magkaibigan t-tayo." Napakamot ito sa gilid ng labi nito at nahihiyang ngumiti.
Ngumiti naman ako para mawala kahit papaano ang hiya nito sa akin. "Ano ka ba? Oo naman! Diane Fernandez!"
"M-Miche Delapaz." Kinuha nito ang kamay kong nakalahad.
Lumipas ang ilang ninuto ay naging palakwento si Miche. Mabilis kaming nagkasundo dahil sa mga bagay na parehong gusto. Naging open si Miche sa akin, nagkuwento ito sa buhay niya kaya mas lalo ko siyang nakilala kaya ganoon din ang ginawan ko. Hanggang sa recess at lunch break ay magkasama kaming dalawa.
Pansin ko ring wala si Dave ngayon, may mga pangilan-ngilan din akong kaklaseng absent dahil may trangkaso raw. Maulan ngayon kaya siguro ganoon.
Nagkasakit din kaya siya? Napatigil ako bigla. Bakit ko ba siya pinagtutuunan ng pansin? Bahala siya.
Napatigil ako sa pagsubo ng kanin at hotdog ng magsalita si Miche. "May narinig ako kaninang pinag-uusapan ng bawat estudayante. Hindi ko na sana pagtutuunan ng pansin pero narinig ko ang pangalan mo, Diane."
"Naku, sanay na ako riyan, Miche. Simula noong naging school model ako, marami na akong naririnig na kuwento patungkol sa akin." Tumawa ako.
Binaba niya ang kutsara't tinidor na hawak."Iyong kuwento bang may mga babaeng pumasok sa cr para pagtulungan ka ang naririnig mo?" gulat na tanong niya.
Nangunot ang noo ko at napailing, naging interisado sa sinabi ni Miche. "Ano raw sabi?"
"Na-expelled sila, iyon ang sabi-sabi. Kilala mo ba sina Vina, Yhara at Yna?" tanong nito pero umiling lang ako. "Sila 'yong gumawa no'n sa 'yo."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na 'to. Hindi ko man lang sila nakita. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. Mabuti na nga at na expelled sila.
"Pero, sino 'yong nakakita na sila ang gumawa no'n? Sa pagkakaalam ko ay ako lang nasa cr no'n at iyong tatlong pares ng paa ng babae. Bukod doon ay wala na akong ibang nakita sa loob," taka kong saad.
"Pero ang pagkarinig ko kanina ay si Dave raw ang nakakita. Kilala mo ba siya Diane?" Siguradong hindi kilala ni Miche si Dave dahil bagong lipat pa lang ito sa Leehinton.
Napatigil ako bigla. Si Dave? Biglang bumilis ang tibok ng puso kaya napahawak ako sa dibdib ko.
S-siya?
Bakit niya naman gagawin iyon? Hindi kami bati sa araw na iyon. Ibig bang sabihin, siya 'yong nagdala sa akin sa clinic?
Napakagat labi ako sa isiping iyon at may hindi mapangalanang galak na umaapaw sa puso ko. Sa araw na iyon ay pinagbintangan ko pa siyang siya ang naghagis ng binolang papel sa akin. Napag-alaman ko na hindi rin pala siya ang naghagis no'n dahil may nagsumbong sa akin na ang kaklase kong babae ang gumawa ko no'n.
Nakonsensya ako lalo. Pinagsalitaan ko pa si Dave ng hindi maganda tapos tinataboy ko pa noong pumunta sa bahay namin. Kailangan kong magpasalamat sa kaniya at makabawi.
"O, saan ka papunta, Diane?"
Napabaling ako kay Miche. Nakalimutan kong kasama ko pa pala siya. Natangay ako ng tuluyan nang isiping bisitahin si Dave.
"Ano. . . may nakalimutan pala ako, Miche. Mauuna na muna ako, ha?" Mabilis akong tumakbo palabas ng cafeteria at pumunta sa classroom para kunin ang bag ko, hindi man lang hinintay ang sagot ni Miche.
Nang palabas na ako ay bigla kong naalala na hindi ko pala alam kung saan ang bahay ni Dave kaya hinahap ko sa buong campus ang mga kaibigan nito. Ilang minuto akong palibot-libot hanggang sa mamataan ko si Xavier na nakaupo sa soccer field.
Tumakbo ako papunta sa kinaroronan niya. Nang tumigil ay habol-habol ko ang hininga. "Xav!" Napalingon ito sa akin.
"What?" masungit na aniya, malayong-malayo sa mapaglarong Xaviet na nakasanayan ko. Anong nangyari rito? May regla yata ito ngayon. Himala at hindi sila magkadikit ngayon ni William.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at ginawa na ang balak. "Alam mo ba kung saan ang bahay ni Dave?" tanong ko at tumaas ng bahagya ang kilay nito.
"Of course, who woudn't? He's my friend, siyempre alam ko!" pasungit na aniya, tunog pabalang.
Pinagtalunan namin ng konti ang pag-uusap kung saan nakatira si Dave. Hanggang sa mainis yata sa akin kaya binigay nito ang kumpletong address ng bahay ng taong gusto kong bisitahin.
KASALUKUYAN na akong nasa labas ng gate sa sinabing bahay ni Xav. Sa totoo lang ay sobrang nakalulula ang gate ng bahay. Sobrang taas saka sobrang engrande ng design. Halatang-halata na napakayaman ng taong nakatira rito.
Lahat na yata ng puwedeng ilarawan sa paligid ay may nakakambal na sobrang ganda. Hiyang-hiya ang mga pangit na bagay sa lugar na ito.
Puti at itim ang pintura ng gate, ganoon din ang kulay ng bahay sa loob. Maraming naggagandahang halaman at bulaklak ang nakapalibot dito at kitang-kita mula rito sa gate ang isang fountain.
Inulit ko ulit ang pag-press ng door bell dahil parang wala namang sumasagot. Pinindot ko ulit iyon hanggang sa may narinig akong boses. Nanggaling iyon sa guard at hindi na nag-atubiling buksan ang gate
"Kaklase po ako ni Dave. Nandiyan po ba siya?" tanong ko. Tumango ito at pinapasok ako sa loob. Binigyan niya ako ng instruction kaya narating ko ang loob ng mansiyon ng walang kahirap-hirap.
"Ma'am, nandito po ang kuwarto ni Sir Kendrick." Tinuro nito ang isang puting pintuan at binuksan nang dahan-dahan. "May sakit po siya kaya pumasok na lang po kayo."
Tama nga talaga ang hinala ko. Totoo nga talagang may sakit siya dahil nadatman ko itong nakahiga sa kama at balot na balot ng kumot. Parang turon!
Marahan akong naglakad patungo sa kaniya, takot na gumawa ng ingay at baka magising ang mahimbing na pagkakatulog niya.
Ito yata ang unang pagkakataon na mapagmamasdan ko siya na walang kahit anong itatapon na mga pabalang na salita. Nakaaawa. Iyon ang unang pumasok sa isip ko.
Lamig na lamig ito at ramdam ko rin ang aircon sa loob ng kuwarto niya. May sakit na nga at lahat, nakuha pang mag-aircon ng loko. Hinanap ko iyon at nagtagumpay naman ako, in-adjust ko sa pinakamahina ang aircon para kahit papaano ay hindi maging mainit sa pakiramdam niya.
Lumapit ulit ako sa kaniya pero napatigil lang ako nang may kumatok. Iniluwa no'n ang maid na naghatid sa akin kanina. May dala-dala itong tray.
"Ma'am, p'wede pong pakisuyo? Ikaw na po muna ang magpainom ng gamot kay Sir Kendrick. May niluluto kasi ako sa baba at baka masunog," nahihiyang aniya sa akin.
Ngumiti naman ako at malugod na kinuha ang tray na naglalaman ng soup at gamot ni Dave. "Sige po, ako na po ang magpapainom sa kaniya."
"Naku, salamat po, ma'am." Ngumiti siya sa akin at nagpaalam nang umalis.
Nang masara niya na ang pinto ay napatitig ako sa tray na binigay nito sa akin. Isang biogesic at tubig. Sa gilid ay may maliit na batya at puting bimpo.
Napatigil ako bigla. Huwag mong sabihin pati ang pagdampi ng bimpo sa katawan niya ay ako ang gagawa? Nanlaki ang mata ko sa isiping makikita ko ang katawan nito.
Jusmiyo!
A S T A R F R O M A B O V E
★☆★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top