CHAPTER 14

Chapter 14: Great cook



"TABI!" SINGHAL ko sa paharang-harang na bakulaw sa daanan ko.

"You need to  be good here, you know? Bisita ako rito!"

"Mamamo! Sino ba nagsabing pumunta ka rito? Wala akong matandaang sinabihan ko ng bahay namin! Stalker ka ba, ha?"

"I'm not stalking you, why would I stalked you? Maganda ka ba?" supalpal nito.

Aba't!

"Alam mo, ang kapal mo, ano? Ikaw na nga itong pumasok sa may bahay na may bahay, ikaw pa itong nang-iisulto!"

Napabuga ito ng hangin at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "I'm not insulting you, hindi ka lang talaga pasok sa standards ko," mahanging saad niya.

Hindi pasok? Naalala ko bigla 'yong mga kalandian niyang babae. Iyon ba ang mga type niya? 'Yong pasok na pasok sa standards niya? Gago 'to, ah?!

"Kung nandito ka lang para laitin ako, umalis ka na sa pamamahay ko!"

"I told you, hindi kita nilalait o iniinsulto. Nagsasabi lang talaga ako ng totoo."

Napairap ako ulit, hindi ko alam kung bakit ba naiinis ako sa taong ito. Nakagigigil. Kapuputok pa lang mng araw pero narito siya, nangbubwisit sa maganda kong umaga.

Magsasalita na sana ako pero naudlot iyon ng tawagin ako ni nanay sa kuwarto niya. "Anak, sino 'yang kausap mo? May kaaway ka ba?"

Sinamaan ko ng tingin si Dave at inambahan ng suntok pero tumawa lang ito saka kumaripas papuntang lababo para makawala sa kamay ko.

"Ah, ano, may kaibigan lang akong bumisita, 'nay," labas sa ilong na banggit ko.

Kaibigan. Ulol! Napangisi si Dave sa sinabi ko at parang gustong-gusto sa nakikitang inis na nasa mukha ko.

Napatingin ako sa hagdan nang mapansing lumabas si nanay habang ginagawang alalay sa pagtayo nito ang paghawak sa dingding namin.

"'Nay! Bakit kayo tumayo? Hindi pa kayo magaling!" Mabilis ko itong dinaluhan para suportahan sa paglalakad.

"Medyo maayos na ang pakiramdam ko, anak. Saka gusto kong makita itong kaibigan mo," napatigil ito sandali sa sinasabi at napatingin sa gawi ni Dave. "Ikaw ba iyan, Dave anak?" taka nitong tanong.

Anak? Ang kapal talaga ng lalaking ito!

"Opo, tita! Sinabi kasi sa 'kin ni Diane na may sakit daw kayo kaya ako napadalaw," sagot ni Dave at ngumiti.

Kairita! Straight tagalog 'yon, ah? Kapag sa akin, umi-english pang nalalaman! At kailan pa sila naging close ni nanay? Siguro ay binudol ito ng lalaking ito si nanay? Malilintikan talaga ang lalaking ito sa 'kin!

Gusto kong tusukin ng mata nito dahil sa pagsisinungaling. Anong sinabi? Hindi ko nga sinabi sa kaniya, e. Asa naman siya. Kung wala lang talaga rito si nanay, kanina ko pa nasapak ang bakulaw na Dave na ito!

Inalalayan ko si nanay na maglakad sa kusina kaya tumayo si Dave para alalayan din ito. Inirapan ko lang ito dahil obvious naman na nagkukunwari lang itong mabait.

Kung alam mo lang talaga ang pinagagawa niya sa 'kin, 'nay. Ewan ko na lang.

Nagkakwentuhan sila ni nanay ng ilang sandali at bigla na lang akong inutusan nito na bumili ng manok sa kabilang kanto para raw ay ipagluto ko ang hari ng mga playboy.

Mabilis lang naman akong nakauwi kaya heto ako ngayon at naghihiwa ng sibuyas at ibang sangkap sa pagluto ng adobo. Kainis!

"Saan mo nalaman na nandito ang bahay namin, ha? Stalker ka, 'no?" biglang akusa ko sa nakaupong Dave na nakahalumbaba sa kahoy na lamesa.

Bumalik na si nanay sa kuwarto nito dahil bigla siyang nahilo. Sabi na kasing huwag munang maggagalaw. Ang tigas ng ulo.

Wala na rito si nanay sa baba kaya nagagawa ko na ang gusto kong gawin kay Dave.

"Why are you asking? It's none of your business," sagot nito.

"Ang sabihin mo, isa ka na sa mga stalker ko kaya ka—aray!" napahiyaw ako ng tumalsik ang mainit na mantika sa kamay ko.

Kasalukuyan ko na kasing ginigisa ang manok kaya hindi ko napansin ang mga hindi mapalagay na mantika, tatalon-talon, e.

Hinipan ko ang parteng natamaan pero laking gulat ko nang kunin iyon ni Dave. "Tsk. Careless, idiot." Ilang beses akong napakurap sa hindi inaasahang galaw nito at halos mapanganga ng mas lalo niyang inilapit ang mukha sa kamay ko. Hinipan niya ito napabaling ang tingin sa akin. "Masakit pa?"

Pagkasabi na pagkasabi nito ay ang tanging naririnig ko na lang ay pagtibok ng puso ko. Nawala lang ito nang tawagin nito ang atensiyon ko ulit.

"Ah. . . o-okay na a-ako." Binawi ko ang kamay at hinarap ang niluluto.

Hindi ako kumportable sa paninitig nito kaya mabilis kong iniwas ang tingin sa kaniya. Ang tanging nagagawa ko lang para huwag masyadong ma-distract sa mga tingin nito ay ituon ang buong atensyon sa niluluto.

Napakagat-labi ako nang maisip ang pagbilis ng tibok ng puso ko kanina. Hindi naman siya ganoon noon, ah? Ano't parang naging iba ang karakter nito? Mabilis kong pinalis ang konklusyong pilit na umaakupa sa isip.

Nang matapos ako sa pagluluto ay sinunod kong hinanda ang mga plato at juice na nasa pitsel. Napatigil lang ako nang binasag ni Dave ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Hindi ko alam kung paano ko natapos ang lahat ng gawain habang nasa akin ang mga titig nito.

"You didn't inform me na ganito pala ang kalagayan ni'yo."

Napaangat ako ng tingin dahil hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. "Na?"

"This. Your mother." Kinuha niyo ang kutsara't tinidor na nasa kamay ko at nilagay iyon sa bawat platong nasa ibabaw ng mesa. "Sana man lang ay nag-text ka."

Hindi ko mawari kung nagtatampo ba ang tono ng pananalita nito o ano. Hindi ko alam kung totoo ba itong nakikita ko. Baka pinaglalaruan lang ako ng imahinasiyon ko ngayon sa nakikita.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. "Miss mo lang yata ako, e," biro ko at pilit na tumawa. "Gusto mo lang akong ka-text ,'no? Aminin!" dagdag ko pa.

Sa totoo lang ay hindi ko man lang naisipan na tingnan ang cellphine na binigay nito dahil abala ako sa pag-aasikaso kay nanay sa mga nakaraang araw. Nawala sa isip ko na may cellphone pala ako at hindi naman dumaan sa isip ko na mag-text kay Dave. Lowbat na yata iyon dahil hindi ko naman nahawakan sa nagdaang dalawang araw pati ngayon.

"Yes, I'll admit, na-miss kita." Halos manlaki ang mata ko sa sinabi nito. Diretsong nakatitig ang mata nito sa akin at seryoso ang mukha ngunit kalauna'y ngumisi ito. "Na-miss kong manira ng araw mo."

"Gago!" Kinuha ko ang pinakamalapit na pot holder at hinagis 'yon sa kaniya pero nasalo niya lang ito habang tatawa-tawa. "Umayos-ayos ka at baka palayasin kita sa pamamahay namin," gigil kong wika.

"Diane! Bakit mo inaaway si Dave? Bisita natin 'yan!" suway bigla ni nanay.

Gusto ko sana itong sabihan na huwag muna magtatayo pero baka pagalitan lang ako. "Hindi ko naman inaaway 'yan, 'nay. Normal ko 'tong pananalita," katwiran ko pero naglakad lang iyo papunta sa 'kin at palihim akong kinurot.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at pilit na ngumiti dahil kung sakalinf makita ako ni Dave na kinurot ni nanay ay baka tawanan lang ako at asarin lalo. Mukhang maayos na yata ang pakiramdam ni namay dahil nangungurot na.

"Kumain na tayo, Dave anak," anyaya nito kay Dave.

Nang-aasar ang tingin nito sa akin na para bang gustong-gusto na naiinis ako. Kumain na kami at mabilis na natapos iyon. Nililigpit ko na ang mga pinagkainan namin.

Pinagpahinga ko na si nanay sa kuwarto niya at kasalukuyan kaming naghuhugas ng pinggan ni Dave. Pinilit kasi ako nito kaya sige, pagbigyan ang hari.

"Mali!" sinampal ko ang kamay nito. "Ano ba 'yan? Marunong ka ba talagang maghugas ng pinggan? Akin na nga!" Kinuha ko sa kaniya ang sponge at plato.

Parang tanga kasi dahil parang takot ihagod 'yong sponge sa pisngi ng plato.  Paano niya malilis 'yon kung hindi naman ididiin? E di, hindi malilinis ang pinggan!

"Marunong ako. Akin na," pilit nito pero iniwas ko lang ang sponge.

"Huwag na! Ako na lang! Baka makabasag ka pa! Umupo ka na nga lang do'n." Inirapan ko ito at tinapos ang paghuhugas.

Binalot ng katahimikan ang pagitan namin. Ramdam ko ang paninitig nito sa likuran ko kaya napakagay labi na lang ako habang nilalagay sa tray ang mga baso

Nasa panghuling baso na ako nang magsalita si Dave na nagpatigil sa kamay ko na nasa ere."You're a great cook."








A S T A R F R O M A B O V E
★☆★

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top