CHAPTER 13

Chapter 13: Savior



NAGISING ako sa isang marahang paghaplos ng kung sino sa aking buhok. Banayad ang bawat paggalaw at tila iniingatan ang bawat pagdampi ng palad nito sa buhok ko. Ramdam ko rin ang malambot nitong palad animo'y hindi nakagawa ng kahit anumang gawain bahay. Ang sarap sa pakiramdam ng gumagawa no'n kaya pinatili kong nakapikit ang mata hanggang sa nakatulog ako ulit.



"HOW  IS she?"

"She's okay now, ma'am. Konting pahinga na lang po ang kailangan niya. Hindi naman po malaki ang sugat sa ulo niya at kaya naman po naming gamutin ito rito sa clinic."

"Good to hear that."

Tila iyong mga nag-uusap ang naging hudyat para buksan ko ang mga mata. Nabobosesan ko ang tinig na 'yon kaya 'di na ako nagtaka kung sino ang nagmamay-ari nito.

Matapos ang usapan nila na hindi nalalamang gising na ako rito sa clinic. Narinig ko na lang ang papalabas na si Ma'am Miranda dahil pahina nang pahina ang tunog ng takong nito.

Ramdam na ramdam ko rin ang nakangangatog na aircon dito na nagpatindig ng mga balahibo ko. Sa pagkakatanda ko ay nasa Leehinton ako kanina, ah? Bakit parang nasa north pole ako ngayon nang magising ako?

Nilibot ko ang mga mata at kulay puting mga dingding ang aking nakita. Pilit kong inalala ang mga pangyayari at kung bakit ako napunta rito. Ang huling natndaan ko lang ay ang pagpasok ng mga kababaehan ay sinipa ako. Ang tanging palatandaan ko lamang sa gumawa no'n ay ang sapatos nila. Hindi ko man nasilip ang mga mukha nila bago ako mawalan ng malay.

Ang hindi ko lang alam ay kung paano ako napunta rito. Sino ang nagdala sa akin? Imposible namang makakaya ko pang pumunta sa clinic sa pagsipa ng mga babaeng iyon, 'di ba?

Biglang nakuha ng atensyon ko ang babaeng naka-uniform na puro puti rin ang suot na damit na nakatayo habang inaayos ang mga papel sa kanyang mesa malapit sa pinto. Ito 'ata ang nurse ng eskwelahan namin.

Sakto lang ang tangkad nito. Maputi siya at bumagay sa kan'ya ang ilong na hindi naman sobrang tangos at hindi rin sobrang pango,  katamtaman lang. Napansin niya yatang nagising na ako kaya lumapit agad ito sa akin.

"Kumusta? Anong pakiramdam mo?" malumanay na tanong nito.

Napakurap ako dahil ang ganda pala niya sa malapitan. Mapupungay ang kanyang mga mata tapos ang kinis pa ng mukha. Napatulala na lang ako dahil sa ganda niya.

"Miss Fernandez?" kuha nito sa atensyon ko na nagpawala sa pagtahak ng bawat pigura sa mukha nito.

"A-ah o-okay naman p-po," utal na sagot ko kasabay nang pagbangon.

Napadaing naman ako dahil biglang kumirot ang sugat ko sa ulo. Napahawak na lang ako ro'n 'sabay ipinikit ng mariin ang mga mata na para bang maiibsan nito ang sakit na nadarana. Bawat galaw ko sa katawan ay napapadaing na lamang ako hatid ng sakit na parang may dumagan na malaking tao.

Inalalayan  naman kaagad ako ng nurse at saka sinabihan na magpahinga na lang muna. Pinainom niya rin ako ng pain reliver para maibsan ang sakit. Hindi naman daw malala ang sugat ko sa ulo.

Hapon na at umalis na ako sa clinic. Excuse naman daw ako sa lahat ng subjects kaya ayos lang. Mabuti na nga iyon at hindi ko makikita ang pagmumukha ng bakulaw na Dave na 'yon!

Maayos naman na ang pakiramdam ko at kaya ko na. Medyo masakit lang 'yong katawan ko dahil pinagtatadyakan ako ng mga hindi kilalang tao. Kapag makita ko lang talaga at malaman kung sino ang may gawa no'n, baka kalbuhin ko lahat ng buhok niya!

Malapit na ako sa bahay nang maalalang ang nilagay ng nurse para sa sugat ko kaya napatigil ako saglit para kunin 'yon.

Lagot ako nito kay nanay kapag nakita niyang may sugat ako sa ulo. Mag-aalala 'yon at baka isiping nagbubulakbol ako sa buhay kaya napapaaway.

Nasa bungad na ako ng pinto nang dambahin ng kaba ang buo kong sistema sa nakita. Nanlalaki mata akong napasigaw, "'Nay!" Hindi ko na maramdaman ang paa kong lakad takbo ang ginawa para lang mapunta sa kinalalagyan niya. Mabilis ko itong dinaluhan sa sahig at marahang tinapik ang pisngi. "'Nay? 'Nay? Naririnig mo ba ako, 'nay?"

Tila pinipiga ang puso ko sa nakikitang walang malay na ina na nakahandusay sa loob ng aming tahanan. Paulit-ulit kong tinatawag si nanay pero walang makuhang sagot na nagmumula sa kaniya.

Aalis na sana ako para humingi ng tulong pero bigla na lang kumunot ang noo ni nanay kasabay nang pagdilat nito ng mata. Agad na nagsalubong ang paningin namin na ikinangiligid ng luha ko.

"'Nay!" Humagulgol ako at niyakap ito. "Ano pong nangyari? Bakit po kita nadatnang walang malay? Sabi na ngang huwag kang masyadong magpagod, eh! Nanay naman, e!"

"A-Ayos lang ako, anak," sagot nito sa 'kin at pinilit na tumayo pero nahilo lang ito kaya mu tik nang sumadlak ulit sa lupang sahig namin sa kusina.

Inalalayan ko ito tumayo at pinaupo sa upuan saka binigyan siya ng tubig. Mangiyak-ngiyak akong kumuha ng efficascent dahil iyon lang naman ang naiisip kong pansamantalang magpapaginhawa sa kaniya. Bukod doon ay wala naman kaming ibang puwedeng gamitin sa ganitong oras, iyong efficascent lamang ang narito sa bahay.

"Ano ba kasing nangyari, 'nay?"

"Okay nga lang ako, anak. Napagod lang talaga ako," malumanay na anito, hindi man lang sinagot ang tanong ko.

Napabuntonghininga ako. Tiyak na iniisip nito ngayon na dapat ay huwag akong mag-alala sa kaniya pero anong magagawa ko? Sa nagdaang araw ay walang pahinga ito. Siya lahat ang gumawa nang pagpitas ng mga gulay sa likod ng bahay pati sa paghahanda nito para sa pagbenta ng palengke.

Ayaw niya rin kasing tumutulong ako dahil mapapagod lang ako kinabukasan. Kapag nagpumilit naman ako ay pagagalitan ako nito, kaya hindi na lang ako tumututol sa mga sinasabi nito.

"Huwag ka nang magtrabaho bukas, 'nay. Ako na lang," buong lakas kong pagpapahayag.

Doon na sumalpok ang kilay ni nanay. "Hindi p'wede, anak, may pasok ka bukas kaya hindi ka p'wedeng um-absent. Kaya ko na ang sarili ko, anak. Huwag ka ng mag-alala."

"Ayan ka na naman, 'nay sa mga rason mo para hindi ako makatulong, e. 'Nay, hindi mo kayang mag-isa lahat ng 'yan, kailangan mo ng tulong ko at mas mapapadali ang trabaho kapag apat na kamay ang gumagawa kaysa sa dalawa lang, 'di ba? 'Nay hu—"

Pinutol nito ang sinasabi ko at mas lalong naningkit ang mga mata. "Day-day, huwag ng matigas ang ulo. Kaya ko naman. Pumasok ka sa eskwelan bukas!" pinal na aniya pero sumimangot ako.

"Ayo'ko, 'nay!"

"Diane!"

Umabot ng ilang oras ang diskusyon namin ni nanay ng sumuko ako at pumayag ulit na huwag um-absent pero ang hindi niya alam ay nagsisinungaling lang ako.

Tama na ang ilang araw na sakripisyo niya, tutulungan ko siya bukas at walang makapipigil sa akin kahit ano pang magiging rason niya.

Sumapit ang umaga at maaga akong gumising para magsaing at mag-init ng tubig. Ginayak ko na rin ang mga gamit na dadalhin sa palengke pati na rin ang mga gulay na nakalagay na sa tricycle.

Oo, mayroon kaming tricycle dahil pinilit ko talaga si nanay na bumili nito noong isang taon habang malakas pa ang benta ng mga tinda namin. Hulugan ito at hindi naman buo ang babayaran kaya hindi masakit sa bulsa. Malapit na ring matapos ang bayarin nito  ngayong buwan kaya makakahinga kami ng maluwag at puwede ko nang mapa-ckeck up si nanay.

Nadatnan ako ni nanay na nagkakape at gulat na nakatingin sa akin. "Bakit ang aga mo yata ngayon?"

"Hindi ko gustong mas mapagod ka pa, 'nay. Hayaan ko na ako, okay?"

"Bakit parang iba ang ibig mong sabihin? Huwag mong sabihing a-absent ka talagang bata ka ngayon? Aba't!"

"Nanay naman, e! Pumayag ka man o hindi, tutulong at tutulong pa rin ako sa 'yo. Sige ka, isusumbong kita kay tatay, magagalit iyon sa 'yo!" biro ko pa pero hinampas lang ako ni nanay ng kalendaryong nakarolyo na nasa gilid nito.

"Ang tigas talaga ng ulo mo, Day-day! Manang-mana ka talaga kay Conshito!" sukong anito sa akin.

Ngumisi lang ako dahil napapayag ko na talaga siya. Hindi nga ako nakapasok sa eskwelahan ngayong araw at maayos na tinulungan si nanay sa pagtitinda. Pinapaupo ko lang siya sa tabi at ako na ang umaasikaso sa mga suki namin. Mahirap na at baka himatayin ito sa sobrang pagog na naman.

Lumipas ang tatlong araw at tatlong magkakasunod na absent ang nagawa ko. Ako na kasi ang nagtitinda dahil hindi inaasahang nagkatrangkaso si nanay.

Kasalukuyan ko na siyang pinapakain at  pagkatapos no'n ay pinainom ko na siya ng gamot. Bumaba na rin naman ang lagnat niya at hindi katulad noon na mas mainit pa yata siya sa isang kumukulong tubig. Nakatulong din kasi ang ginagawa kong pagpunas ng tuwalyang basa sa malamig na tubig.

"Pasensya na, anak, hindi ka tuloy nakakapasok sa eskwelahan ng dahil sa akin," mahina niyang sambit.

"Nanay, ano ka ba? Mas importante pa ba 'yong eskwelahan kaysa sa'yo? Huwag mo nang isipin iyan, ang isipin mo lang ay ang pagpapagaling," pinal kong wila sa kaniya.

"Salamat, anak."

"Si nanay parang tanga naman! Bakit ka nagpapasalamat? Ako dapat ang nagpapasalamat sa 'yo, hindi ikaw, ano?!" natatawa kong ani na nagpangiti sa kaniya. "Kulang ang salitang pasasalamat sa 'yo, 'nay dahil hindi ka nagsawang itaguyod ako. Hindi matutumbasan ang mga sakripisyo kaya kahit ganito lang man ang maitulong ko para mapagaan ang trabaho mo ay kayang-kaya kong gawin."

"Laking pasasalamat ko talaga at naging anak kita."

"Aba, siyempre naman, nanay, dapat lang ano! Sa ganda kong ito?" Hinawi ko ang buhok na nagpatawa sa kaniya pero bigla itong naubo kaya hinagod ko ito sa likod.  "Magpahinga ka na po, 'nay." Inalalayan ko itong mahiga, pagkatapos ay niligpit ko na ang pinagkainan nito nang makitang mahimbing itong natutulog.

Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ng bumalik sa isip ko ang taong nagdala sa akin sa clinic matapos akong mawalan ng malay. Tinanong ko rin kasi noon ang nurse pero parang ayaw niyang sabihin. May kutob akong kilala niya ito dahil siya lang naman ang taong nasa loob ng clinic at hindi siya umaalis.

Napawi ang isiping iyon ng biglang may kumatok sa pinto namin. Ilang ulit itong kumatok kaya napasigaw na ako. "Teka lang!" Pinatuyo ko muna ang kamay at mabilis na nagtungo sa pinto.

Sino ba 'to? Atat na atat, e. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong bisita. P'wede pang mga suki namin sa palengke at sinadya pa kami rito. Minsan naman talagang may pumupunta rito para pakyawin ang mga tinda namin kaya minsan ay hindi na kami nakapupunta sa palengke.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan ang taong bubungad doon. Nanlalaking mata akong navsalita, "Bakit ka nandito?"

Tinaasan niya ako ng kilay at pumasok na lang basta-basta sa bahay. Ang kapal! Hindi ko pa nga pinapapasok, e!

"Is that what you do when you have a visitor?" Prente itong nagtungo sa kusina at naupo sa upuan namin. Magiba sana!

"Anong visitor? Bwisita kamo!" singhal ko at inirapan ito.








A S T A R F R O M A B O V E
★☆★

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top