CHAPTER 11
Chapter 11: Gift
"PERFECT!" PUMALAKPAK si Mr. Bernard sa aming dalawa ni Dave at nakisabay na rin ang buong team.
"Ang ganda mo rito, Diane!" dagdag komento pa ni Mr. Bernard sa mga litratong tinitingnan nito sa kaniyang DSLR. "Oh, look at this." Lumapit ito sa akin at pinakita ang mga iyon. "Beautiful, right? Unang tingin ko pa lang sa 'yo ay alam ko ng maganda kang subject when it comes to this!"
Napangiti naman ako sa mga sinasabi nito. Talaga ngang napakaganda ng mga kuha nito sa 'kin kanina. Walang kupas ang talento nito sa pagkuha ng litrato.
Tila may mahika ang bawat pitik ng kamay nito sa hawak nitong camera. Napapaganda niya ang mga modelo niya.
"Don't get ahead of yourself. Baka lumaki ulo mo katatanggap ng compliment," matabang na bulong sa 'kin ni Dave.
Inis akong lumingon sa kaniya. "Alam mo, kanina ka pa, e. Ang sarap mong ihampas sa pader, sa totoo lang!"
"Go on. . . if you can," mas lalong pang-aasar nito at ngumisi.
Natigil kami sa bulungang bangayan ng tinawag kami ni Mr. Bernard.
"Dave, Diane, you two did a great job. The two of you look dazzling on our shoot!" Nakipagkamay sa aming dalawa ni Mr. Bernard sa at saglit kaming nag-usap.
May binigay itong pagkain sa amin na sa tingin ko ay p-in-ro-vide ng Leehinton.
Sabay na tinanggap namin iyon ni Dave at sinimulang kumain.
Ang ibang kasama nito ay nagliligpit na ng mga kagamitang ginamit sa photoshoot pero pinatigil muna iyon ni Mr. Bernard at pinakain kaya wala silang magawa.
Sa sobrang pagkukwento ni Mr. Bernard ay pati 'yong mga next client niya na pi-picture-an ay nasabi na niya.
Ang dami niyang baong kuwento kaya walang dull moments sa pagitan naming lahat. Palabiro rin itong tao kaya magaan kasama sa trabaho.
Habang nagkukwento naman siya ay bigla akong napasulyap sa katabi pero hindi ko naman inasahang nakatingin pala si Dave. Kaya ang resulta ay nabulunan ako sa harap nito at tumalsik pa talaga ang kinakaing burger sa mukha nito.
Shutanghina ka talaga, Diane!
Napapikit si Dave at pagmulat nito ay sinamaan niya ako ng tingin.
"What am I? A f*cking trash bin?"
"S-Sorry, hindi ko talaga sinasadya." Taranta akong naghamap ng panyo pero wala akong makita pero nahagip ng mata ko ang pulang towel sa isang bakanteng upuan.
Iyon ang ginamit ko pamunas sa amos na nasa mukha nito.
"Akin na nga!" singhal nito at mabilis na hinablot ang telang nasa kamay.
"Are you okay, Dave?" Lumapit si Mr. Bernard. "Karen, give me some tissue nga riyan. Faster!" utos nito sa mga personal assisstant nito
Gusto kong kuritin ang sarili sa kahihiyan. Bakit ngayon pa umiral ang kagagahan ko ngayon? Sa harap pa ng ibang tao! Kahihiya!
"Here po, sir." Napatigil bigla sa pag-abot ng isang rolyo ng tissue ang assisstant ni Mr. Bernard. "Hala, naku, Sir Dave, hindi po iyan face towel! Basahan po iyan!"
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Kaya pala parang iba ang amoy.
"What the?!" Bumaling si Dave sa akin at mas lalo akong pinukol ng masamang tingin.
Napakamot ulo ako at nag-peace sign sa hari ng Leehinton pero masamang tingin lang ang kapalit niyon.
Tinulungan siya nina Karen at Mr. Bernard na ayusin ang sarili pati na rin ang burger na nasa buhok nito ay pinagtulungang alisin ng dalawa.
Parang prinsipe naman ang isang ito. May kamay naman siya, ah?
Lihim akong napasimangot. Sa kanilang dalawa ay nagpapatulong siya pero sa akin masamang tingin lang ang binigay. Unfair kaya!
Ilang sandali lang ay nagpaalam na ang buong team sa amin. Todo ngiti naman kaming dalawa ni Dave at ilang beses rin kaming inasar ng lahat na may spark daw ang mga mata naming dalawa.
Gusto kong masuka. Ano kami? Kuryente?
Hinatid namin sila hanggang parking lot at tinulungan din ang iba sa pagbitbit ng mga gamit.
Alam naming hindi na iyon dapat pero ang saya kausap ni Mr. Bernard.
"Oh siya, aalis na kami, ha? It's good to work with you. 'Til next time, Dave, Diane," masiglang paalam nito.
"Maraming salamat din po," wika ko at kumaway.
Hinatid namin sila ng tingin sa gate hanggang sa hindi na sila abot ng paningin.
Nagpasya na rin akong umalis at hahakbang na sana pero hindi iyon natuloy nang hawakan ni Dave ang kaliwang braso ko.
Taka ko itong tiningnan. Problema na naman ba nito?
Aawayin niya ba ako dahil nabugahan ko siya kanina ng burger sa mukha? Babawiin niya na ba itong uniporme ko sa ginawa kong iyon?
Hindi pa man ako nakapagsasalita ay inunahan na ako nito.
"Uh. . . here." Inabot nito ang isang puting paper bag.
Pinagmasdan ko ang hawak nito. Baka kung ano na naman ang nasa loob nito kaya hindi ko muna tinanggap.
"Ano 'yan?" tanong ko.
"Basta!" Kinuha niya ang kamay ko at pilit na nilagay ang hawakan ng paper bag na iyon.
Nang masigurado niyang nasa akin na ang dala ay mabilis na kumaripas iyon ng takbo. Parang tanga lang.
Napatitig ako sa paper bag na bigay nito at binuhay niyon ang kuryosidad sa aking sistema.
Hindi naman yata ito bomba na kapag binuksan ko ay sasabog na lang.
Ilang minuto akong napatitig doon at kalauna'y pinagpasyahang buksan ang nilalaman niyon.
Lumantad ang isang kahong kulay puti rin kaya hindi na ako naghintay ng ilang minuto para buksan iyon.
Nanlaki ang mata ko sa sumalubong sa paningin. Bigla akong napatitig sa daang nilandas ni Dave at nabalik iyon sa binigay nito.
Isang iphone 12 pro max na kulay puti! May note na nakalagay sa likod ng cellphone na iyon kaya agad ko itong binasa.
I don't know what's your favorite color but I think you will like this. I'm sorry for your broken phone.
-DKL
Napahawak ako sa dibdib matapos na basahin iyon. Naghuhurumintado ito sa hindi malamang dahilan. Napailing ako para iwasang makaisip ng kung ano-anu pang ideya.
Maglalakad na sana ako pero nakita ko hindi kalayuan si Xavier na may kausap na babae. Hindi lang isang babae kun'di isang napakagandang babae.
Pinagmasdang kong mabuti ang mukha ng haring iyon at hindi nga ako nagkakamali na galit ang nakapinta sa mukha nito.
Hindi ko naririnig ang lumalabas sa bibig nito kaya hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nito sa babaeng nakayuko.
Ipinagkibit-balikat ko na lang ang nakita at inumpisahang maglakad para hanapin si Dave.
Bakit ba kasi umalis iyon nang napakabilis? Parang bula na bigla na lang nawala. E 'di maghahanap pa ako sa kaniya para makapag-thank you rito.
Anong ini-expect ninyo? Isasauli ko ang cellphone na 'to? Aba, masamang tanggihan ang grasya, ano! Pakapalan na lang ng mukha ito.
Nang marating ang classroom namin ay nakapagtatakang walang ibang kasamang hari si Dave. Mag-isa lang ito nakaupo sa likuran at nagtitipa sa cellphone nito.
Bigla na lang tumunog ang Iphone ko kaya napatingin ito sa gawi ko. Nagkasalubong kamin ng paningin at ako ang unang umiwas sa hindi malamang dahilan.
Napapalunok akong napabaling sa cellphone ko at binuksan ang natanggap na mensahe.
From: Gwapong Dave
Where are you?
Ilang ulit akong napakurap sa harap ng screen ng cellphone ko at pilit na pinproseso ang pangalan ng taong iyon.
Hindi naman ako nag-save ng number nito rito, ah?
Tila may sumipa sa dibdib ko kaya agad akong napahawak doon. Siya ba ang nag-save nito rito?
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa gilid ni Dave at laking gulat ko na lang na nakaupo na ako sa puwesto ko.
Napalunok ako ulit at napahigpit sa hawak na Iphone. Napasulyap ako kay Dave at laking gulat ko na nakatingin ito sa akin.
"Anong t-tinitingin-t-tingin m-mo r'yan?" utal kong puna sa kaniya.
Naman, Diane, ano bang nangyayari sa 'yo ngayon? Halos noon, e, para kang siga sa kanto kapag bumabato ng mga salita sa kaniya, ano't may pautal-utal ka pang nalalaman ngayon?
Mahina kong kinurot ang sarili para ma-distract kahit papaano. Ano ba 'yan, Diane!
"I'm not looking at you, assuming mo masyado," supalpal nito sa sinabi ko at tinaasan ng kilay.
Napamura ako sa isipan. Gusto ko sana siyang patulan pero huwag na lang. Baka kasi bawiin ang Iphone ko at ipahubad itong unipormeng suot-suot ko.
Naalala ko bigla na gusto kong magpasalamat sa kaniya pero tumakas yata ang kakapalan ko ng mukha ngayon.
Napahigop ako sa hangin at ibubuka na sana ang bibig pero hindi ko na naituloy ang nais na sabihin nang biglang pumasok si William, nakapamulsa itong abot tainga ang ngiti na hindi mo mawari kung ano ang pinanggalingan.
Pasipol-sipol pa ito at bigla na lang ako kinindatan nang magtagpo ang mga mata naming dalawa.
Inasiman ko siya ng mukha at inirapan pero tumawa lang ito.
Good mood yata 'to ngayon, ah? Anong ganap nito sa buhay ngayong araw?
Nang marating ang upuan nito at nakipag-high five muna siya kay Dave.
"What's wrong with you today? Stop giving me that f*cking smile, it creeps the hell out of me, dude," asik sa kaniya ni Dave.
"Right, right. What's wrong with me today? Hmm. . ." Kunwaring nag-isip ito ng ilang sandali.
"Are you inlove, dude?!" bulalas ni Dave.
"Me?" Tinuro ni William ang sarili. "I guess, I am."
Napangiwi ako sa mukhang pinapakita ni William sa 'ming dalawa ni Dave. Parang tanga ang isang ito. Sigurado ba siyang inlove talaga siya?
Parang hindi naman kapani-paniwala iyon. Siya? Ang dakilang hari ng mga playboy? Mai-inlove? Naku! Asa, naman! Sa ugali nilang 'yan na halos araw-araw nagpapalit ng mga babae tapos mai-inlove?
Bigla akong napangisi sa naisip.
Good luck sa lovelife mo William kung sakali man. Pahirapan ka sana ng babaeng magugustuhan mo! Turuan ka sana ng leksyon sa mga pinaggagawa mo.
"Diane, you're smiling. Inlove ka rin ba?" Sumulpot ng hindi inaasahan si William sa harap ko kaya sa gulat ko ay nasuntok ko ito sa mukha. "Ouch! Ouch! F*cking ouch!" Napahawak ito sa ilong at napangiwi sa sakit.
Nanlaki naman ang mata ko nang makitang dumugo ang ilong nito. Taranta akong napakuha ng panyo sa bulsa at agad na tinakpan ang dumudugo nitong ilong.
"Hala, sorry! Sorry! Kasalanan mo, e! Bigla ka na lang kasi sumulpot sa harapan ko!"
"Kasalanan ko pa? Ouch! Akin na nga! Gusto mo yatang mawalan ako ng ilong sa ginagawa mo at masira pa 'tong kagwapuhan ko," matabang na aniya at hinablot ang panyo ko sa kamay saka lumayo ito sa akin.
"Sorry talaga," paumanhin ko pa.
Sana talaga pumangit ka na lang!
Ewan ko ba pero gusto kong matawa. Kanina ang ganda-ganda ng ngising bungad nito tapos ngayon nakasimangot na habang hinahawakan ang ilong nito.
Hindi sadyang nasira ko ang araw nito. 'Buti nga! Ang suwerte ko naman yata ngayon, ah? Ganito ba ang hatid ng karma?
"What's funny?" masungit na puna sa akin ni Dave.
Taka ko siyang tiningnan at binigyan ng nagtatanong na mga tingin. "Mukha mo, nakatatawa," pabalang kong sagot na ikinalukot ng pagmumukha nito.
Naagaw naman ulit ng atensyon ko ang sumisipol na si Xavier at nakapamulsa rin kagaya kanina kay William.
"Where have you been? Kanina pa kita hinahanap," bungad na tanong sa kaniya ni Dave.
"Sa piling ng mga mahal ko, bakit? May irereto ka ba ulit sa 'kin, dude?" Excited na umupo si Xav sa gilid ni Dave kaya napairap ako.
Puro talaga babae ang bukambibig ng mga haring ito. Tamaan sana ng bulalakaw para magbago na ng tuluyan.
Hindi na ako nakinig sa usapan nilang tatlo dahil babae lamang ang topiko nila ang babastos pa minsan ng mga bibig. Hindi man lang nahiya sa nakaririnig, lalong-lalo na ito si Dave.
Ewan ko ba at bigla na lang akong nainis sa kaniya. Bahala siya riyan!
A S T A R F R O M A B O V E
★☆★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top