Day 370: Home

***

I was a little sore from curling up on the couch when I heard Harry's car on the driveway. I was sleepy but the happy feeling of knowing he came home to me woke me up. Pagtapat ko sa pinto ng bahay, saktong pagkatok naman niya. I opened the door for him. He's still in the clothes he wore when he went to the lab this morning. He still looks so good... kahit halatado nang pagod. May bitbit siyang plastik ng pagkain gaya ng sabi niya. Nangiti ako.

"You're home," I said softly.

Napatanga siya sandali, for reasons only known to him. Pagngiti niya, hindi ko napigilang lumapit pa at yumakap. I breathe his scent in. Nagbuntonghininga naman siya nang ikulong ako sa braso niya.

He must be more tired than expected. It's already three in the morning.

"Yeah. I am home," he said in a weak voice.

"Pagod ka na yata masyado. Kakain pa ba tayo o gusto mo nang matulog?"

Iginala ko ang mga mata ko sa mukha niya. Namumungay na ang mata niya sa pagod at puyat, but there was also something else in there.

"Harry babe?" untag ko. Tumititig na naman kasi siya kaysa sumagot. Gosh. He shouldn't melt me at three in the morning. "Ano'ng iniisip mo?"

"You... by the door... and..."

Nakaabang ako sa sasabihin niya pa.

Tumikhim siya kaysa magpatuloy at iniangat ang bitbit niya. "Kain tayo. Dito ka naghintay sa living room?"

"Hey. What about me and the door?" ani ko.

"Kumatok lang ako para i-check kung gising ka pa."

I wasn't sure that's the thought after the 'you by the door' but... "Why? Pa'no kung tulog ako?"

"Mag-aakyat-bahay ako," aniya.

Mahina akong natawa. "No, you won't. In case I was asleep, I gave you a spare key so you can just get in like a normal person. But I fought all urge of sleeping to wait for you because you said you'd be home."

Mahina ring natatawa si Harry habang lumalakad kami pa-kusina. "'De. Kumatok lang talaga 'ko para kung gising ka, mapagbubuksan mo 'ko. Para kelegs. Kung tulog ka naman, puwede naman akong pumasok nang tahimik."

"At kelegs pa rin 'yon?" usisa ko.

"Aba'y siyempre, Binibini. Hahalikan kita pagdating ko, eh."

Damn. If that's his plan, it was regretful that I was too fast to open the door.

"Nakatulog ka sa couch?" Magaan niyang hinaplos ang buhol na naman sa buhok ko.

"Yes."

"Sa susunod na makatulog ka sa couch sa paghihintay sa 'kin, kahit magising ka 'pag dumating ako, 'wag kang babangon."

I'm already noting it mentally without him telling me. I wanted soft kisses while sleeping.

Kumuha ako ng bowls at kubyertos namin. Inalis naman niya sa plastik ang take-out bowls.

"Noted. Hindi ako babangon para sa kiss," I said playfully.

"Very good. At para mabuhat kita habang tulog ka. Pangarap ko 'yon. Tuparin mo ang pangarap ko."

"Noted, Dr. Lastimosa. I'd do that. Kahit magising ako next time, magtutulog-tulugan ako."

Mahina kaming tumawa.

Kumalat ang amoy ng ramen sa kusina nang isalin iyon ni Harry sa mga bowls namin. It's from the ramen house we used to frequent near the lab. May dala rin siyang dumplings. Gising na gising na 'ko para kumain nang maupo kami nang magkatabi sa dining table.

"Spicy 'to?" tanong ko nang haluin ang ramen.

"No. At mainit 'yan. Dahan-dahan."

"I won't. And oh, I almost forgot... Sandali." Mabilis akong tumayo at bumuwelta sa living room. I snatched my tablet and gave it to Harry. Nakabukas iyon sa pinagpuyatan ko. "I compiled relevant data that might help our research. You can read it later, kapag mas may energy ka na. You need to sleep."

Sumulyap lang siya sa tablet bago mapatitig na naman sa 'kin. I'm getting curious and suspicious with all the staring.

"Hey, Harry babe... what is it?" untag ko. "You're clearly thinking about something. May nangyari sa lab? May problema sa team?"

Umiling siya. "Wala. Napapatitig lang talaga 'ko sa 'yo."

Umiling din ako. "No. It won't suffice na maganda ako nang bagong gising kaya ka tumititig."

"Sus ginoong self-support. Masyado kang fast-learner, Aling Jia, baka mas troll ka na sa 'kin sa susunod."

"Eh kasi... I know you're really thinking about something! Spill it!" Hindi naman siya kung klase na bigla na lang nawawalan ng salita o kakulitan kahit pa pagod siya. "And don't tell me you're just tired."

"Kain na, Binibini, para makatulog na tayo pareho. Gusto pa kitang titigan uli sa panaginip ko."

Now he's just changing the topic. Nanliit ang mga mata ko sa kanya pero tumusok lang siya ng isang dumpling at isinubo sa akin.

"Cute ka na. 'Wag ka nang lalong magpa-cute sa singkit-mata mo. Patay na patay na 'ko sa 'yo, wala nang kalaban-laban."

"But—"

Sinubuan niya uli ako ng isa pang dumpling.

"Pambihira ang curiosity ni Jianna. Kain na muna para may lakas kang ma-curious uli bukas."

Yeah, right, because I won't stop asking. Pero dahil pagod siya at mukhang hindi talaga siya magsasabi, ngumuya na lang ako. Gusto ko na siyang makapagpahinga. Para lalong i-break ang curiosity ko, humawak siya sa kamay ko habang sumusubo.

"I'll let you off."

"Thank you."

"But I will ask again later."

Lumapad ang ngiti niya bago magaang pisilin ang pisngi ko. "Alam ko."

"Let's eat para makatulog na."

***

Nakapulupot sa 'kin si Harry nang magising ako. It wasn't surprising since it's only five in the morning and we hit the bed at about four. Malalim ang paghinga niya habang halos ay nakasubsob sa balikat ko, nakayakap habang hawak ang isang kamay ko, at nakadantay ang isang paa sa 'kin.

I wanted to do something special for him—like maybe cook for him—but it's a challenge to peel myself away first without waking him up. Madali pa naman siyang magising.

Pinakikinggan ko ang paghinga niya nang mangapa ako ng phone ko. Natutukso akong tumitig lang sa pagtulog niya but that's counterproductive. He might want to go to the lab as soon as he could just to escape all my questions about his thoughts the night before. Kailangan kong samantalahin ang oras na makakasama ko siya.

Nakuha ko ang cell phone sa ilalim ng unan ko. He stirred so I stopped moving for a while. Nang malalim na uli ang paghinga niya, I kissed his cheeks. He smiled a little smile... that earned him another kiss. Lalo siyang dumikit sa balikat ko. I stopped myself from kissing him again. Nag-search ako ng pancake recipe sa phone ko.

Hindi talaga ako nagluluto. Kapag maayos ang pakiramdam ni Mommy dati, lagi siya sa kusina. She would cook for me and watch my reactions with the meals she makes. When I was younger I thought that she was fishing for compliments or that she's making sure that I love her. Mahilig kasi akong kumain. Saka ko lang na-realize na ginawa niya ang mga ginawa niya dahil nararamdaman niya kung gaano lang kaikli ang oras na mayroon siya para makasama ako. I wished I had cooked with her o sana ay naturuan niya man lang ako, pero hindi na kami nagkaroon ng chance para do'n.

After another fifteen minutes or so, I was confused by the different pancakes recipes that I have read. Cooking pancakes for breakfast looked easy for Mommy. It looked easy on television shows and movies. But now it's confusing. I should cook it nonetheless. I wanted to surprise Harry.

It took time—again—para humiwalay kay Harry sa higaan. He has this habit of pulling me closer whenever I try to disentangle. Lalo rin siyang dumadantay, inilalayo ko pa lang ang katawan ko. After a lot of attempts and giving him kisses, nakabangon ako mula sa kama.

"I'll cook for you. Just sleep..." mahina kong bulong sa kanya.

Maingat ang naging hakbang ko palabas ng kuwarto. Tahimik ang pagsasara ko ng pinto.

Pagdating sa kusina, naghagilap ako ng mga gagamitin na naka-specify sa recipe. I found almost everything... although I had to double-check with google. Cooking utensils looked intimidating than the laboratory equipments I'm used to.

Nang nakalatag na lahat sa table—pati ingredients—napakagat-labi ako. 'Cause like... Wow. I'm really trying to do this.

I scanned the less intimidating recipe I picked online and sighed.

"Now... what the hell am I going to do first?"

***

By 5:30, I was panicking with the mess in the kitchen. My pancakes doesn't hold that they looked more like pale mashed potatoes. I have more-or-less a kilo of suspicious mixture in the mixing bowl and flour and egg were all over the place, including my hair.

Tinawagan ko si Teodoro pero ang sabi ay hintayin kong magising si Harry para magpatulong. I don't know what to do. I read and reread the recipe but cooking seems out of my league. Sinubukan ko namang sumunod step by step sa instructions. But knowing when something's really cooked or ready is tricky.

I paced back and forth in front of the room before finally going in. Mahimbing pa rin ang tulog ni Harry. Napatitig lang ako bago lumabas uli.

Maybe I should call Auntie Faith. But she's timezone's away and I don't want to disturb her trip with Uncle. Kung kay Helga, Jenessy, o Hannah naman ako tatawag, istorbo rin dahil sobrang aga pa.

Nagligpit na lang ako sa kusina at nangalumbaba sa pagtitig sa mashed pancakes. I was getting sleepy and almost tempted to order food online when Harry stepped into the kitchen.

"Good morning."

Natigilan siya nang lumingon ako. "Hello."

"What are you frowning about?" nakangiting tanong niya sa 'kin.

I sighed. I wanted to surprise him but it got down to this. Tumayo ako at maamong lumapit sa kanya. "I need your help."

Napasulyap siya sa kawali sa kalan. "About?"

"Pancakes." Kumawala uli ang isang buntonghininga sa akin. Kumapit ako sa laylayan ng kamiseta niya bago tumingala. "I wanted to cook for you... but I can't cook."

Mahina siyang tumawa. "Did you ask for anyone's help? Mukhang kanina ka pa gising."

"Five," amin ko. "I called Teodoro for help but that evil thing told me to ask you."

"Ask me sa pagluluto?" aniya. Kuminang ang kakulitan sa mga mata niya. Parang may joke na siya at si Teodoro lang ang may alam.

"Yes. Help me cook for you."

I was stunned when he laughed. May joke nga na hindi ko pa gets.

"Why?" ani ko.

"Nanto-troll si Songbird," sabi niya. "Puwede kitang tulungang magluto dahil matulungin ako. Pero hindi rin ako marunong magluto."

Napatanga ako. "What? But when I was at your house... nag-breakfast tayo..."

"Binili ko lang 'yon sa convenience store sa malapit."

"Ano'ng... alam mong lutuin?"

"Nilagang itlog," proud na sabi niya. "Saka pancit canton."

"Instant noodles 'yon!" reklamo ko.

"Ikaw ba? Ano'ng alam mong iluto?" balik niya.

Sumimangot ako. "Nilagang itlog din!"

Mas lalong lumutong ang tawa ni Harry. "Eh 'di 'yon ang almusal natin?"

"No! Ayoko!"

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at iginiya ako sa kawali. "You don't want to give up on this?"

Makalat ang pagkakasabit ng mixture ng pancake sa tagiliran, handle, at maging puwitan ng kawali. "No. I want to learn this."

"Okay. 'Asan ang recipe?"

Atubili kong ibinigay ang phone ko kung nasaan ang recipe. Nanonood ako sa kanya nang basahin niya iyon.

"It looks easy... but what's a mixer?" aniya.

Sumimangot ako. Ang mixer ang nagsabog ng flour at itlog sa kusina. I tried to use the electric one and everything flew. May manual naman pero late kong nakita.

"At pa'no ka nagsukat ng ingredients?" dagdag niya.

"I couldn't find measuring cups. Nagtantiya ako sa baso." Drinking glasses at the house are mostly 8 ounces each... I guess.

"Maliban sa mga hindi ko alam na kitchen utensils... gumamit na lang tayo ng ibang measuring method para sigurado. At maghanap tayo ng recipe na bagay sa dami ng iluluto natin," sabi niya. "This one says it's for eight servings... pero ano'ng malay natin do'n. Let's make our own calculation."

"Agree. What should we use to measure?"

"Beaker."

Napatango ako. "Brilliant! I have beakers. Sandali lang."

Tumakbo ako palabas ng kusina papunta sa luma kong kuwarto at kumuha ng beakers. I grabbed litre-sizes and ml-sizes.

"I searched and it said that liquid measuring cups are different from dry measuring cups," sabi ni Harry. "One measures volume, one measures weight. When the recipe says one and one-fourth cup of milk, it means ten ounces or 296 milliliters. But one and a half cup of flour is another matter entirely."

Sumimangot uli ako. Kaya ang palpak ng pancakes ko. Sa measurement pa lang, mali na.

"For liquid, we can use the beaker by converting every cup measurement to milliliters," dagdag niya. "For dry ingredients, we need a scale."

"I have a laboratory balance."

"Working pa?" manghang tanong niya.

Tumango ako. Lumapad naman ang ngiti niya.

"Kaya RIP ako sa 'yo, eh. Pakasalan mo na 'ko."

Mahina akong tumawa bago umiling. What about my feelings for him right now? Naisip pa lang niyang gumamit ng beaker, gusto ko na siyang pakasalan uli.

"Kunin ko lang 'yong scale."

Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagbabasa sa cell phone ko.

When we have everything that we need, we measure all the ingredients in precision. Hindi na intimidating ang kusina dahil sa mga equipments na pamilyar na ako. Kulang na lang, pati ang temperature ng apoy na gagamitin namin sa pagluluto ay i-grade namin.

After another round of mess (na gawa uli ng electric mixer dahil sinubukang gamitin ni Harry), we succeeded in cooking pancakes. Nakasandal kami sa kitchen counter, admiring the pile that we cooked. Pareho kaming may hawak na tinidor. Sabay kaming nagpagpag ng flour mula sa buhok namin bago tikman ang iniluto namin.

We both went "hmm."

"Good," I said.

"Puwede na tayong magpakasal sa isang linggo," sabi ni Harry at mahinang tumawa.

"Let's do?" baling ko sa kanya.

He smiled a knowing smile bago ako subuan." #840g / 01012020++

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top