Day 362 : First time

First time
-----

Fifteen minutes kaming na-late ni Harry sa conference. A professor from a research of congenital diseases in pediatrics was giving a talk when we slipped inside the hall.

It was amusing to find two empty seats for us. Base sa laki ng ngiti ni Harry at pagtapik niya sa balikat ni Chard, mukhang nagbilin siya para sa reservation ng magkatabing upuan.

I finished the cup of coffee given to us when Prof. Hidalgo and I were asked to talk about the Minnesota research. Kinabahan ako nang kaunti magsalita sa harap ng lahat dahil nakatitig si Harry. I saw him in his Kamahalan face tapos kumikindat kapag napapasulyap ako. He was distracting me. Nananadya. Nagpapaulan siya ng status sa social media na naka-tag ako. Nagme-message rin ng kakulitan. Ang ingay ng cellphone ko sa mga notifications.

Ilang ulit ko tuloy natawag na Harry si Prof. Harrold, Prof. Hidalgo, at kahit si Prof. Luffreig. But instead of them getting angry, natukso pa 'ko. I was considered as one of the youngest in research and they're congratulating me for having a suitor. I couldn't tell them na sinagot ko na 'yung lalaking sobrang kulit.

Pagbalik ko ulit sa upuan, w-in-elcome ako ng stickman drawing ni Harry.

"What's this?" bulong ko sa kanya.

He wrote down his answer: Wag kang bumulong. Makita ka ni Prof.

I stared at the stickman holding flowers.

I wrote down : What's this?

He answered : Welcome back message. At flowers. :D
#Nanliligaw

"Madi-distract natin 'yung nagpe-present sa harapan," bulong ko sa kanya habang malikot ang mata sa paligid. Gosh. Ngayon lang ako kinabahan uli nang ganito. "Baka sitahin tayo ng mga professors!"

He wrote : Don't whisper in my ear, Jianna. Sulat mo na lang.

Nailing ako, luminga sa paligid at mabilis na nagsulat : Para kang high school!

Ipinasa ko pabalik kay Harry 'yung notepad.

He wrote : Ginawa mo to nung high school ka? Dahil kanino? Bakit? Paano?

I pressed my lips together to suppress a smile. Sinulyapan ko siya. Kunot ang noo niya at sumisenyas na isulat ko ang sagot sa papel.

Pagseselosan niya ba kung ginawa ko nga 'yun noon? I wanted to see him jealous but too bad dahil puro pag-aaral ang nasa isip ko no'ng high school ako. Crushes and courting were alien language to me.

I wrote : No. Yung mga kaklase ko.

He smiled in satisfaction when he read my answer, then wrote : Ayun naman pala. Mae-experience mo na kasama ako. :D
#Kelegs

Nangiti ako sa hashtag niya. Parang hindi appropriate sa Kamahalan na nakilala ko. No, scratch that. The Harry I'm seeing recently is far from the indifferent and workaholic head researcher that I first met. This Harry is makulit, maraming hirit, sweet, attentive, at laging may pasakalye sa feelings niya. If I as much as leave him in his social account for an hour, I would be flooded with tagged posts.

When I checked the hall again, napansin kong napapalingon sa amin ang ilang attendees. Sina Chard at Jules naman na malapit sa amin, nagpapatay-malisya.

I wrote : Quit it. Lumilingon yung ibang professors dito. Pasa ka nang pasa ng papel.

I meant to stop him from giving me notes but instead of listening to me, lalo lang siyang nangulit. 'Wag ko raw isuko ang pag-iibigan namin. He drew a stickman na nakatitig sa'kin, stickman na nadadapa, stickman na umiiyak, at stickman na tuma-tumbling no'ng nag-I love you ako. Wala akong magawa kundi magpigil ng tawa.

"Ang kulit mo, Kamahalan," bulong ko sa kanya nang tantanan niya 'yung notepad.

"I just want to see you smile," bulong niya pabalik. "Para makabawi sa lahat ng pagpapaiyak ko sa'yo."

Bumaling ako sa kanya. Tumitig. "What are you talking about? You don't have to do that. Bumawi, I mean."

"But I mean to show you I love you everyday. So, it's kind of the same."

Ngumiti ako. Tototohanin niya nga yatang manligaw araw-araw. Kahit sinagot ko na siya.

He sighed and fixed his eyes on me. "Ang ganda ng ngiti mo."

I felt my cheeks burning when we both heard his name being called. Tinatawag siya kasama si Professor Sutherby ng Stanford.

"May presentation nga rin pala ako. It's your chance to get even. Try to distract me, too, Jianna," sabi sa'kin ni Harry habang tumatayo sa upuan niya.

"Gusto mo lang titigan kita, eh," sabi ko.

"You got it right, babe. Sa'kin ka lang tumingin. Para kelegs."

Nailing ako habang natatawa. "Do well."

"Sigurado 'yan. Marami akong energy dahil sinagot mo 'ko," sabi niyang ngumisi bago maglakad palapit sa podium.

Nang mag-discuss siya, nakita ko uli si Kamahalan.

***
By lunch ay dumating ang flowers ko. Kasabay pa namin si Harry na kumain pero by 3:00 PM, nagpaalam siya. Tapos na ang mga presentations ng limang researches and we will end the conference with a forum.

Susunduin niya raw ako after para mag-date. In-announce niya sa lahat.

Time went slow when Harry left. It was new to me. I love research and everything related to it... so why am I finding myself a little bored? I kept on glancing at the drawings in his notepad.

By 7:00 PM, tapos na kami sa forum at wala pa rin si Harry. Nagkakayayaan silang mag-dinner habang itinataboy naman ako para sa date ko. Since I wanted to see Harry, I hailed a cab and went home first.

Pag-switch ko ng ilaw sa living room, napatunganga ako. Instead of a white light turning on, drop lights were fixed from my ceiling. Nalalaglag na ilaw from white to blue to red. It was hanging from the door leading to the dining.

I followed the lights to the dining room. A decorated table in lace and satin was set for two. Candle-lit. May basket ng blue roses. At sa gitna ng table, nando'n 'yung box na pwede ko lang buksan kapag sinagot ko na si Harry.

A paper was folded underneath the box. Kinuha ko at binuklat.

It was a letter. Harry's letter for me.

It began with my name and ended with my tears.

Tatlong ulit kong binasa 'yung sulat. Tatlong ulit din akong umiyak. Harry told me that he loves me... but tonight is the first time that I'm really making sense of his words, of his feelings.

Isinulat niya si Neah hanggang sa pagdating ko para sa kanya.

My universe thinks that I am his miracle. His cure. His second life.

And I couldn't stop my tears because I finally understood that he loves me not because I love him first. Nor because I stayed in love with him even after getting hurt. He loves me simply because he does.

Sa pagitan ng pag-iyak, binuksan ko ang kahon na nasa mesa at nakita ang singsing sa loob. I'm not familiar with diamonds but I know the gem on it is not a diamond. Mamula-mula 'yun. I took the ring and put it on my finger.

Kinakalma ko na ang sarili ko nang mag-send si Harry ng message. Umuwi raw siya sandali sa apartment niya.

Ang bilis kong nakalabas ng bahay at tumakbo papunta sa kanya. He was just two blocks away but even that short distance felt intolerable. Gusto ko siyang makita agad.

I barged into his apartment. Wala siya sa dining at sa kitchen. Wala rin sa living room. I went straight to his bedroom and found him closing the bathroom door behind him. Kaliligo pa lang niya. Nakatuwalya.

"Jianna, why are y--"

Patalon akong yumakap sa kanya at umiyak.

"Hey... Bakit ka umiiyak?" tanong niya nang gumanti ng yakap sa akin.

" 'Yung letter mo kasi..."

"Hm." Bumuntonghininga siya. "Nabasa mo na?"

"Yes."

"Pinaiyak kita?"

"No..." sabi kong sumisinghot. "I just... you love me."

Naramdaman ko siyang ngumiti. "Yeah. I love you."

"Yeah."

Hinagod niya ang likod ko habang inaalo ako. Pinabayaan akong umiyak.

Nang tumahan ako, bumuntonghininga uli siya. "Do you feel okay now?"

Tumango ako at hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Then, let go first. Mababasa ka," sabi niya.

"Huh?"

"Mababasa ka ng towel ko," sabi niya. "Kailangan kong magbihis."

Napakurap ako bago rumehistro sa isip ko na hubad nga pala siya.

Good grief! He's effing naked! At dikit na dikit ako sa kanya.

"What are you thinking about? Nakakalmot mo 'ko, Jianna. Don't claw on my back," natatawang sabi ni Harry.

"I'm sorry," sabi ko. "I'm just..." Sa kalituhan ko ay basta na lang akong bumitaw. Pero sa biglaang galaw ko, bumagsak sa sahig ang tuwalyang nakasabit sa baywang niya.

Tinakpan ni Harry ng palad niya ang mga mata ko bago pa 'ko may makita.

"Pambihira..." bulong niya.

"I'm sorry, I didn't mean--"

Inalis niya ang palad niya sa mata ko pero napalitan agad ng tuwalyitang gamit niya sa buhok niya. Before I could react again, hawak na niya 'ko sa magkabilang balikat ko at napihit na niya patalikod sa kanya.

"Pambihira talaga..."

"Hindi ko naman sinasadya," sabi kong nakasimangot. Nararamdaman ko ang pagkilos niya sa likod ko. Nagtutuwalya uli siguro.

"Hindi ba talaga?" tukso niya. "Tinutukso mo 'ko, Aling Jia, mahina ako sa'yo."

"Gano'n?" Napangiti ako at nagtangkang pumihit paharap. "Patingin nga ng alindog mo!"

Napigil niya 'ko agad sa balikat. "Oy, Jianna, 'wag ganyan!" sabi niyang natatawa. " 'Wag mong tuksuhin ang sarili mo."

"Baka ikaw ang natutukso. Patingin lang!"

"Makulit!" Humalakhak siya at niyakap ako mula sa likuran para pigilin ang pagkilos ko. "Seryoso. 'Wag kang makulit. Pagbihisin mo muna ako."

Ngumiti ako at napahawak sa braso niya. I meant to do what he said... pero nakita ko ang ilang pilat sa kamay niya. It must be from the accident, kung saan niya 'ko hinila galing sa kotse ko.

"Your scars... are these from that time?" malumanay kong tanong habang hinahaplos ang mga pilat niya.

"Yeah."

Bumuntonghininga ako. It doesn't look bad now but...

"You really love me," bulong ko. "You love me from then."

"I love you way before then."

Yeah. He must have, right? He must have loved me from the time I heard his crazy heartbeat.

Tumango ako at inabot ng halik ang braso niya. I have always wanted to kiss away his sorrows. Now I wanted to kiss away his scars.

"Jianna... you have to leave the room," paalala niya.

Lumunok ako. "What if I just want to kiss you?"

He sighed heavily. "You will make me want to kiss you, too."

"What if... I don't want to leave the room?" mahina ang boses na tanong ko.

Hindi siya kumibo.

Mahigpit akong humawak sa braso niya habang halos mabingi ako sa tibok ng puso ko.

I wanted him. He should know. But gosh, kaya ko bang sabihin?

"Harry... I..." Lumunok ako. Nakikiramdam. "I wanted... I want--"

"Damn..." narinig kong bulong niya bago niya ako iharap sa kanya at malalim na halikan.

I returned the favor. Kumapit ako sa katawan niya at mariing pumikit.

I didn't know that a kiss could be that powerful. That the lips could ignite a desire to get naked and talk skin to skin to another. Harry traced my skin with his lips and tasted every inch of me naked. I moaned his name when he claimed me his for the first time. He breathed mine. We crumpled the bed with our weights and soiled it with our sweats.

Pagkatapos, habang yakap niya 'ko, pabulong niyang tinapos ang hindi ko masabi, "I wanted you, too. I've always wanted you."

"Hm." Sumiksik ako lalo sa tagiliran niya at komportableng pumikit. I was sore and sleepy.

Humigpit ang yakap sa'kin ni Harry at hinalikan ako sa noo. "I love you. Sleep tight."

Napangiti ako. "I love you, Harry."

Sleep won. #0520ma /01212017

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top