Day 361 : Warm

TCWDM : Dapat ay Christmas day ko ito ipopost, pa-Christmas ko sa inyo kaso tinamaan ako ng sakit. May sakit pa rin ako hanggang ngayon pero tolerable naman na mag-type. So, sorry sa late greeting. Merry Christmas, readers! Happy holidays! ^___^

Warm
-----

Natapos ang conference by seven thirty in the evening. Nagpaalam ako kina Professor Hidalgo, Chard, at Jules na mauuna nang lumabas ng function room at maghihintay na lang sa kanila sa parking lot. We arranged to eat dinner together.

Paglabas ko sa hallway, nakita ko si Harry na nakatungo sa pagkakaupo sa isa sa mga benches. May katabi siyang bouquet ng bulaklak habang naghihintay.

He raised his eyes and looked at my direction. He smiled.

Seryosong nag-apply siyang driver ni Prof para manligaw?

Binilisan ko ang hakbang ko palapit sa kanya.

"You're really here," sabi ko.

"Of course. Ako ang driver n'yo tonight," malaki ang ngiting sabi niya at tumayo. "Your flowers for today."

Kinuha ko ang bouquet ng blue roses na iniabot niya bago mapalingon sa direksyon ng function room. Nakalabas na sina Prof sa silid at nakatingin sa amin habang palapit.

Now what? Paano ko ipakikilala si Harry?

I was working on the introductions in my head when the professor called out.

"Dr. Lastimosa," bati ni Prof, "you're really here in Minnesota."

"Nice to see you, Prof. I haven't heard from you in a while," sabi ni Harry at sumalubong.

I watched in amazement when the two of them exchanged the usual 'How are you's'. They looked closely acquianted and I have no idea how. Nang tuluyang makalapit sina Chard at Jules, ipinakilala sila ni Prof kay Harry.

"Nakilala ko si Dr. Lastimosa sa isang conference sa Stanford. Paborito ito ni Dr. Hughes," sabi ni Prof sa amin. "He will join us for dinner."

"I hope you don't mind having me," sabi ni Harry.

"It's alright, Dr. Lastimosa," sagot ni Jules. "Si Prof naman ang manlilibre."

Mahinang tumawa sina Prof at Harry. Napapatingin naman sina Chard at Jules sa akin at sa hawak kong bulaklak.

Nagyaya si Prof papunta sa parking lot habang casual lang silang nag-uusap-usap tungkol sa conference.

Professor Hidalgo came straight from a research in Japan just to join the conference. Naging professor namin ito nang kumuha kami ng Masteral sa cell at molecular biology sa University of Minnesota.

"Will you be joining the conference, Dr. Lastimosa?" tanong ni Chard kay Harry.

"Not really. Biglaan lang ang pagpunta ko rito," sagot ni Harry.

"What brings you to Minnesota?"

"Si Jianna. Manliligaw kasi ako," Harry said.

Sandali kaming natahimik. Hindi ko masalubong ng tingin ang curiosity nina Chard at Jules.

"Really, Ji?" untag ni Jules. Tumaas ang pitch ng boses niya.

"Y-yeah," sagot ko lang.

I'm all for letting everyone know that Harry's courting me. Pero wala namang gulatan. Hindi pa nga ako nakakalma sa mga tags ni Harry sa social media, ngayon naman ay kailangan kong mag-explain sa mga colleagues ko tungkol sa amin.

"Nag-volunteer ngang mag-drive ngayon si Dr. Lastimosa dahil manliligaw daw siya rito kay Jianna," dagdag ni Prof.

Nagsimulang manukso sina Chard at Jules. They both know my epic knowledge about dating. Nakikitukso pa si Harry. Good grief.

"Sa'n kayo nag-meet?" tanong ni Jules.

"Harry's the head of research in Stem Cell CHD in the Philippines. 'Yung kinukuwento ko sa inyo? I worked under his supervision," sagot ko. " 'Ayun."

Hindi ko na idinagdag 'yung tests na ginawa ko sa feelings ko at 'yung mga pagnanakaw ko ng halik. Siguradong lalo akong pauulanan ng tukso.

"Kailan ang sagutan?" tanong ni Chard.

"Oo nga, Aling Jia. Kailan?" dagdag ni Harry.

"Uh... Hindi pa... yata. May schedule ba dapat?" sagot ko.

"Hindi pa? So, sasagutin mo nga!" si Jules.

Hindi ako umimik. Pa'no ko sasabihing mas nauna pa nga akong mag-confess? This is more like, sinagot ako ni Harry.

"Magiging boyfriend mo nga?" kulit pa ni Jules.

"Gosh, Jules..."

Ang laki ng mga ngiti nila sa kawalan ko ng sagot.

"May reservation tayo sa resto. Sumakay na tayo sa kotse," sabi ko na lang.

"Change topic na lang daw, guys," sabi ni Harry. "I'll drive to the resto."

"Yeah. Change topic," I told them.

Sumakay kami sa kotse na tinutukso pa rin ako. Si Prof ang naupo sa passenger seat. Tatlo naman kami sa backseat.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang napunta na sa research ang usapan. Ang bilis na-engage ni Harry sina Jules at Chard sa topics sa bio-technology. Si Prof. Hidalgo naman, panay ang build-up. As if, I don't know how smart Harry is. Napag-usapan din ang research ng stem cell sa Pilipinas at attempts para mag-engineer ng grafts.

"We will have a discussion tomorrow about significant breakthroughs in graft engineering. There will be guests from Harvard and Stanford. Do you want to join us?" alok ni Prof kay Harry.

"I'd like that, Prof," sagot ni Harry at tumingin sa'kin sa rear-view mirror. "Para masilayan ko si Jianna maghapon."

He winked.

Pambihira, Harry.

Yumuko ako para hindi mapansin ang pamumula ng mukha ko. Babaliwin talaga ako lalo ng lalaking ito.

***
By ten in the evening, nakauwi na kami ni Harry sa bahay at nasa sarili na naming mga kwarto. We didn't bother discussing kung uuwi ba siya sa apartment niya dahil nasa bahay ko na 'yung gamit niya.

Maghapong umulan pero ngayon pa lang nag-iingay ang kulog. It was hard for me to sleep dahil bukod sa napakaliwanag sa kwarto (bukas ang lahat ng ilaw ko), nakabantay rin ako sa ingay ng kulog.

Bumangon ako sa pagkakahiga at kumuha ng earplugs. Pagbalik ko sa kama, babahagya ko nang naririnig ang tunog, pero nakabantay naman ako sa pagkurap ng liwanag ng kidlat sa transom window.

A little before eleven, lumabas ako ng kwarto ko suot pa rin ang earplugs. I went to the kitchen and brewed coffee.

Umiinom na ako ng kape nang sumilip si Harry sa kusina.

Tinanggal ko ang earplug sa tainga ko at ipinatong sa mesa.

"Can't sleep?" untag niya.

"Yeah. Gusto mo ng kape?" alok ko at tatayo sana.

"Ako na," pigil niya at lumapit sa cupboard. Kumuha siya ng mug niya at nagsalin ng kape. Pagkatapos, naupo siya sa upuan sa kanan ko.

He quietly sipped his coffee. Dumagundong naman ang kulog sa labas. Bahagyang napahigpit ang hawak ko sa mug ko.

"I heard you went out of your room," sabi ni Harry. "I got worried. Malakas ang kulog."

"Yeah. Hard night," sabi ko at bumuntonghininga.

"Kinatok mo sana ako kung nahihirapan kang makatulog."

Napatingin ako sa kanya. His eyes were gentle.

"Akala ko kasi tulog ka na," sagot ko.

"Hindi ako makatulog dahil sa'yo," sagot niya. "I know you'd find it hard to sleep."

Nagbaba ako ng tingin sa kape ko. He knew, right? Kahit no'ng lagi niya pa 'kong itinataboy, he'd be with me when I need him. He would rescue me when I need it.

"You know what, I really love watching how lightning lights up the night sky. No'ng buhay pa si Mommy, kahit mahina ang puso no'n, nanonood kami ng kidlat sa malaking window sa taas kapag ganitong mga gabi. When I was left alone again, nights like this became scary."

Nakita ko sa peripheral ko kung paanong pinanonood ni Harry ang pagsasalita ko.

"This trauma with thunders... I think it only came back because I felt alone again," dagdag ko.

"You're not alone tonight. I'm here," sabi niya.

"I know... Just..." Bumuntonghininga ako.

"Gusto mong panoorin ang kidlat?" untag ni Harry at ngumiti.

"Huh?"

"I'll be with you."

Napakurap ako. The gentleness in his face told me that he was sincere in his offer.

"We have coffee, too," dagdag niya pa. "Come on."

Naunang tumayo si Harry at hinawakan ang kamay ko. Nagpahila ako paakyat sa upper floor.

Huminto kami sa harap ng malaking bintana. Hinawi niya ang makapal na kurtina roon at tumabi sa'kin.

Outside the window was the southern part of the park. It was lit in yellow light and blurred by the heavy rain. Walang tao.

Far ahead, the sky was dark with thick clouds. Gumuhit ang makapal na kidlat sa dilim ng langit at nagsanga. Napasinghap ako. After the lightning, there would be...

Umakbay si Harry sa akin at marahan akong hinigit sa tagiliran niya bago pa gumulong ang kulog. Napatingala ako sa kanya.

"Drink your coffee," tukoy niya sa mug na hawak ko.

Pero hindi ako makagalaw. Naririnig ko pa rin ang ingay ng kulog sa tainga ko kahit na matagal na iyong natapos. Nagdadala iyon ng kilabot sa balat ko. Nagpapakaba iyon sa puso ko.

Harry looked me in the eye and smiled.

"I'm with you. It won't get you," marahang sabi niya at pinisil ang balikat ko.

"How long are you going to stay?" bulong ko.

"I'll be with you kahit na kapag hindi ka na takot sa kulog."

Napatitig ako sa kanya. In my peripherals, a new bolt of lightning struck down. Thunder roared. But it became a muted background of the warmth in Harry's eyes.

I am safe.

Marahan akong nagbuga ng hangin at ibinalik ang mga mata ko sa labas ng bintana.

Bolts of lightning continued to dance and light up the stormy sky. Thunders continued to roll. The rain drowned everything.

It should be cold, yet I'm warm in his arms.

"Drink your coffee, too," sabi ko kay Harry.

"Yeah."

We watched the night sky until we emptied our mugs. Then a little before midnight, sinamahan ako ni Harry sa kwarto ko para matulog.

Humiga siya sa tabi ko. He held me and stroked my hair until I fell asleep.

Yeah. He's warm. #0741g / 12262016

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top