Day 360 : The same kind of restless
TCWDM : Special days start here.
The same kind of restless
-----
"Since when are you here in Minnesota?" tanong ko kay Harry habang nakatingin sa baso ng tubig na hawak ko nang mahigpit.
We're seated across each other inside a resto. Walking distance lang 'yun mula sa park. Hinihintay namin ang pagdating ng breakfast set na in-order namin.
"No'ng isang araw lang," sagot niya. Nakikita ko sa peripherals ko na nakatitig pa rin siya sa'kin.
Napainom na naman ako ng tubig. Hindi ako nilulubayan ng mata ni Harry mula pa kanina. And I'm trying my best to be casual.
"Ah... No'ng isang araw..." wala sa loob na ulit ko. My brain was on a meltdown. Naglagalag 'yung mga tanong ko. What do I ask him next? "Uh... Where are you staying?"
"At an apartment two blocks away from your house."
Tumango ako. Naglumikot ang mga mata. Ang totoo, gusto ko ring tumitig sa kanya. Na-miss ko kasi siya. Pero hindi ko magawa dahil nauna na siyang tumitig sa lahat ng kilos ko.
"You're staring," puna ko.
"Of course."
Of course? Hindi niya ba alam ang epekto ng pagtitig? Nade-dehydrate ako kaya inom ako nang inom ng tubig. At tuwing magtatama ang mga mata namin, my heart leaps like a mad horse on a race against death.
"Hindi kasi ako... sanay..." sabi ko.
"Oh..." Naningkit ang mata ni Harry sa sandaling pag-iisip bago malapad na ngumiti. "Masanay ka."
Napatunganga ako. "What?"
Ngisi lang ang sagot niya sa'kin.
"I mean... you should... I'm trying to..." Pati paghinga ko paputol-putol na. "What I mean..."
Nanonood lang siya sa utal at lito ko.
"Harry!" angil ko.
"Yes?" aniya, magaang nakangiti.
Ramdam ko ang init ng pisngi at tainga ko. Gusto kong sumuot saanmang lungga at magtago sandali. Mag-iipon lang ako ng lakas ng loob o magtuturok ng sedative.
He has to help me keep it casual because I can't do it by myself!
"Na-miss kasi kita. I have to stare," sabi niya.
Nagtama saglit ang mata namin. Na binawi ko agad. He has this expression like... like he's looking at something fascinating. Or something he's fond of.
Gosh. Hindi handa ang puso ko sa titig na gano'n. Baka ma-cardiac arrest ako. Nakakahiya kapag dinala ako sa ospital tapos ang findings ay tinitigan kasi ako ni Harry.
"I have to go to the comfort room," sabi ko sa kanya at akmang tatayo.
Pero ipinatong niya ang kamay niya sa kamay kong nasa ibabaw ng mesa. He didn't even pull me nor stop me. Ikinulong lang niya ang kamay ko nang gano'n and I automatically stopped moving.
"It's too much?" he asked gently. "Ang pula mo na e."
Umirap ako. "Ano kasi... Hindi lang kasi ako sanay..."
"Wait a little," he said.
"What do you mean?"
"Twenty counts. I'll look at you for twenty counts more and then, I'll try to divert the impulse to stare," sabi niya.
Nagbuga ako ng hangin.
"Twenty counts? Sigurado?"
"Yeah."
Lumunok ako. "Okay. Twenty counts."
Hindi ko na naman alam kung saan ako titingin nang magsimula siyang tumitig. I could feel his eyes on me as if his stare could touch me.
I was counting in my head. Six counts pa lang.
Seven.
Eight.
"Jianna..."
I automatically raised my eyes on him. Naramdaman kong mas uminit ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko.
"Do you know why there are two hundred eight blue roses for you?" he asked.
Umiling ako. I mean, I have a hunch but a hunch is not definite.
"Because for two hundred and eight days, I think of you. I long for you."
He took my breath with every word.
"So, sorry for staring but it's hard not to," dagdag niya pa. "I miss you."
Nakalimutan ko 'yung binibilang ko.
"I miss you, too," bulong ko, bago manlaki ang mata nang marinig ang sarili kong boses. "I mean..."
Lumapad ang ngiti niya. Tumungo naman ako.
Good grief! Why am I like this? Why the hell am I being shy when I confessed to him first? Nabasted na nga niya 'ko.
But he showed himself without notice and told me he's going to court me when I don't even know what it really means. He even told me he loves me. Hindi ako prepared.
Nag-init uli ang pisngi ko nang maalala ang tatlong salita na 'yun. Gosh, I want to hear him say it again but I couldn't ask.
"Twenty count's over," untag ni Harry. "Go to the comfort room. I'll try to stare less pagbalik mo."
Tumango ako.
"Go now."
"Bitawan mo muna 'yung kamay ko," ungot ko.
"Ay, hawak ko pa pala," aniya at ngumiti. Pinisil niya ang palad ko bago bitiwan.
Nanlalambot ang tuhod ko nang magsimulang maglakad.
" 'Wag kang masyadong matagal, Aling Jia. Baka ma-miss uli kita," pahabol niya.
Hindi na 'ko lumingon. Baka masilaw ako sa ngiti niya at sumubsob sa sahig.
Damn it, Harry. At least, let me breathe.
***
I took a good fifteen minutes to finally convince myself that I could make it through the day without a cardiac arrest. I let everything sink in—Harry's with me, he wants to be with me, and he missed me. 'Yung part about sa ligaw, itatanong ko na lang siguro since hindi ko naiintindihan.
I composed a message to Neah to tell her I'm with Harry.
Pagbalik ko sa table, nando'n na ang pagkain.
"I hope you're still hungry kahit ang dami mo nang ininom na tubig," sabi ni Harry sa'kin.
Sandaling nagtama ang mata namin pagsulyap ko sa kanya pero sabay din naming binawi. I guess he'll be true to his words about staring less.
"May itatanong pala ako..." simula ko habang kumakain kami.
"Hm?"
"How long are you going to stay here?"
"Ikaw? How long are you going to stay here?" balik niya.
"Ako?"
"Yeah."
"Well... May mga conferences pa 'ko rito. But after that, I have nothing else to do. Naghihintay na lang ako ng letter do'n sa research sa Pilipinas na magsisimula by October."
"One week na lang ang conferences mo, right? Sasabay ako sa'yong umuwi sa Pilipinas," sabi niya.
"Aren't you busy?" I asked.
"Hindi pa uli. 'Yung research sa FHR Lab, iba muna ang nagsu-supervise. Forwarded lang sa'kin lahat ng activities. I've made several arrangements with Dr. Hughes about it. I have plenty of time para manligaw."
I cleared my throat. "Uh... That."
"Hm?"
"Hindi ko kasi naiintindihan. Pa'no ka manliligaw?" I asked him. "I mean, I confessed first and... ang dami nang nangyari."
Tumingin siya sa'kin habang tinatapos ang pagnguya. "Yeah. A lot happened and all I did was push you away."
"Uh..."
"Wala pa 'kong ginagawa para sa'yo. Kaya manliligaw ako araw-araw, bawat araw, kasi gusto kitang ligawan araw-araw, bawat araw. Para ikaw naman ang makaalam ng nararamdaman ko para sa'yo."
Hindi ako makapagsalita o makasubo ng pagkain.
"I want to confess to you everyday. Until you're sure of my sincerity."
We locked eyes for a moment, enough for me to know that he means what he said. Nangiti ako.
"We have all day today. Ito-tour mo 'ko sa Minnesota, 'di ba?" aniya.
"Where do you want to go?" I asked.
"Everywhere you have been. I want to see all the places you went to before we met."
Napaaga ang lunok ko sa sausage na nginunguya ko. "It will be boring."
"Discriminator si Aling Jia," sabi niya. "It's everything I want to see here. It won't be boring."
"Okay."
Ngumiti siya uli.
Gosh. SVT.
***
After breakfast, bumalik kami sa bahay para kunin ang kotse ko. Then, we drove to all the places I went to.
Una naming pinuntahan 'yung science museum kung saan ko unang na-realize na gusto ko ang science. Tapos, tumuloy kami sa high school ko. We checked the yearbook at the school library. Kinunan ng snap ni Harry 'yung picture ko at 'yung statement na nakalagay sa ambition. Ang interesting daw kasi.
From my high school, binisita namin 'yung ospital kung saan na-confine nang matagal si Mommy. Tapos, umikot kami sa University of Minnesota kung saan ako nag-college. Nag-merienda kami sa ice cream parlor na paborito ko, nag-dinner sa favorite Mexican resto ko, at nagdaldalan sa park malapit sa University.
The whole day seemed like a tour of my past. Nakinig siya sa mga kwento ko. Nagtanong ng mga detalye kung ano ang ginagawa ko no'ng hindi pa kami magkakilala.
By ten, nasa pinto na uli kami ng bahay ko. Nagpapaalam sa isa't isa.
"Napagod ka?" tanong ko kay Harry.
"Hindi. Isang araw pa lang tayong magkasama, pa'no 'ko mapapagod?"
"I mean, sa tour," paglilinaw ko.
"No."
"Good," sabi ko. "Uh... We should rest for today."
"Yeah."
Pero walang gumagalaw sa pagkakatayo namin sa pinto. Nakatingin lang kami sa isa't isa.
"Well..." he said, clearing his throat, "Goodnight, Jianna."
"Yeah. Goodnight, Harry."
Lumapit siya sa'kin at magaan akong hinalikan sa noo.
"Bukas uli," he said.
"Yeah."
"Pumasok ka na sa loob. Saka ako aalis."
Nakalingon ako sa kanya nang buksan ko ang pinto. Sumenyas siya para tuluyan akong pumasok sa bahay. I did.
Pero pagkasara ko pa lang sa pinto sa likod ko, hindi na 'ko mapakali. I know the day has ended but...
Binuksan ko uli ang pinto at nakitang katatalikod pa lang ni Harry.
"Harry..." tawag ko.
Lumingon siya sa'kin.
"Gusto mo ng coffee?" I asked with an awkward smile.
Napangiti siya nang malapad. "Yeah."
"Okay. I'll make us coffee," sabi ko at niluwangan ang bukas ng pinto bilang paanyaya.
Mabilis siyang nakapasok sa loob ng bahay.
"Sa kusina na lang tayo," sabi ko at nagpatiunang lumakad.
Nakasunod siya.
"Lakihan mo 'yung mug ng kape," sabi niya.
Hindi ako lumingon para hindi niya makita na malaki ang ngiti ko. Harry didn't have to mention anything about a gigantic mug. I already have it in mind. #0310ma / 12152016
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top