Day 26 : Something weird
Something weird
-----
Pagbungad ni Harry sa pinto ng common room, ngumiti agad ako. Naupo siya sa katapat ko kung saan may nakahain nang pagkain.
"Inihanda ko na 'yung corn soup," sabi ko sa kanya.
"Thanks." Dinampot niya ang kutsara niya at nakababa ang mata nang magsimulang kumain.
"May rice, if you want it. May ulam sa ref. Initin ko?"
"No. Okay na 'to."
Iniurong ko palapit sa kanya ang basket ng tinapay. "Isabay mo sa soup."
Nang hindi siya kumuha ay ako ang kumuha ng isang haba ng tinapay para sa kanya. Inilagay ko sa maliit na platito at iniurong sa kanya. Then, I stressed, "Eat this with the soup."
Sandali lang siyang sumulyap sa'kin. Nangunot pa ang noo. He acts like he has a problem with me.Well, I have a problem with him, too. Nagulo ang buong araw ko dahil sa kanya. Maghapon kaming nagligtas ng specimen, scaffolds, at chemicals sa main lab at sa lab 2. Isang buong maghapon din na ibinabato niya ako sa ibang group kahit na mas logical na nasa group niya 'ko.
The Lord Commander just continued with the soup. Kumuha lang nang kaunti sa tinapay.
"Kumain ka ng tinapay or bibigyan kita ng rice," sita ko sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo sa sarili mo? Maghapon kang nagtrabaho nang walang kain." In all honesty, nakakagigil. Para akong nag-aalaga ng bata. He's a grown-up, for chrissake!
"I told you, I'm okay. Bakit ang kulit mo?" sita niya pabalik.
"I told you to eat, bakit ang kulit mo rin?"
"Hindi nakamamatay ang hindi kumain ng isang araw, Jianna."
"Kung pababayaan ka lang, araw-araw kang hindi kakain."
"Kumakain na 'ko dahil lagi tayong magkasabay."
"Kaya nga weird, kasi bakit hindi ka na naman kumain ngayon? Niyaya kita kanina, nagsinungaling ka. Something's off. Ano'ng problema?"
"Walang problema, Jianna," he said dismissively.
I am all fired up for another set of argument when the music in the common room got our attention.
🎼 Is this love
Feeling restless inside
Wanting you to always be my side ~
Sabay nangunot ang noo namin ni Harry. Tumaas ang balahibo ko.
🎼 I don't even want you out of my sight
You are in my thoughts all day and night
I can't get you out of my mind
I think I'm in love ~
Before another line played, Harry took his phone from his lab coat and placed a call.
"Yeah. This is Dr. Lastimosa. Turn off the music from the common room. It's distracting."
In less than three minutes, the song died.
Nawala na kami sa pinag-uusapan namin. I was more interested with his bad mood. I haven't seen him irritable with a flushed face. Namumula siya hanggang sa leeg.
"Bakit ka namumula?" usisa ko.
"Wala."
"Nainis ka sa kanta? May mga mas chessy pa ro'n no'ng nakaraan. Quota na nga ako sa pagtaas ng balahibo ko."
Nagbuga siya ng hangin at tumitig sa'kin. "Bakit ang kulit mo? Saan ka ipinaglihi ng nanay mo?"
"I'm just naturally curious, Dr. Lastimosa."
"I haven't seen you curious in anyone else."
"Yeah. You're my favorite curiosity. So what?"
Dinampot niya ang baso ng tubig at uminom.
"Oh, and I wanted to ask—"
"No weird questions."
"Bakit paggising ko kanina, may hawak akong butones mo?"
Nasamid siya at naubo sa soup na hinihigop niya. Lalong namula 'yung mukha niya.
Weird question ba 'yung butones? Siya ang weird.
Tumayo ako at hinagod ang likod niya. Nang matigil siya sa pag-ubo, nagbaling siya ng tingin sa kaliwa niya habang gusot ang mukha.
"Uh... So, 'yun. Bakit may hawak akong butones mo?" ulit ko sa tanong.
Hindi siya umimik. Na nakaka-panic. Kasi... Did I really do something weird to him? Kaya niya ako iniwasan buong araw?
"Oh my God!" I blurted out.
Napatingin siya sa'kin.
"I didn't do something weird, right?" una ko sa kanya.
Lalong kumunot ang noo niya.
"I didn't like..."—halos naiiling ako—"grab you? Or hug you from the back? Tapos, kumapit ako sa polo mo kaya natanggal 'yung butones mo?"
Umiling siya. "Not... really."
"Is it embarassing? Did I do something embarrasing?"
Napakagat-kagat siya sa lower lip niya.
"Way too embarassing? Oh, God! Ano'ng mga ginawa ko?! May ginawa pa 'ko?"
He cleared his throat. "Ano kasi... kumulog nang malakas."
"Tapos—"
"Kumapit ka sa likod ko—"
"Niyakap kita?"
"No. You grabbed my shirt. Lagi kang nagugulat."
Pakunot nang pakunot ang noo niya habang nagsasalita. Palaki naman nang palaki ang mata ko.
"Kaya humarap ako... to check on you," sabi niya.
"Tapos, niyakap kita?"
"No, Jianna. Ako ang yumakap sa'yo."
Natahimik kami habang nakatitig sa isa't isa.
"Hindi... ako?"
"No. You grabbed my shirt when I held you."
The silence lingered and hindered even my brain functions.
But... it's not like it's wrong, right? I mean, natural lang naman sigurong gawin 'yun kapag nagko-comfort?
"Natanggal 'yung butones no'ng kailangan ko nang umalis dahil sa power supply," dagdag niya, mahigpit ang hawak sa baso ng tubig.
"Kumapit ako sa'yo?"
"Like a gecko."
"Uh... 'Yun lang ang nangyari?"
Uminom siya ng tubig at tumikhim. "Yeah."
"It's... okay, right? I mean, hindi naman gano'n ka-weird. You're just, uh... comforting me," sabi ko sa kanya at alanganing ngumiti.
"Yeah."
We locked eyes for a moment.
"Okay." I have to deal with the thought of being held by him. Sayang. Wala man lang akong memory. "Well, it's not like you held me for hours. Sandali lang naman 'yun. Right?"
"Nakatulog akong yakap kita. Paggising ko... gano'n pa rin," pahina ang boses na sabi niya.
"Sandali ka lang naman nakatulog."
"Three hours. I'm sure I slept for three hours." He paused. "Hindi kita mabitiwan."
"Uh... It's not that long."
"Yeah."
Tumikhim ako. "So... thank you for keeping me company. And I'm sorry if I grabbed you."
Nagbaba siya ng tingin. "I'm sorry, too. For, uh... 'yun."
Huminga ako nang malalim at napatingin sa suot niyang polo.
"Do you want your button? Pwede kong tahiin."
"It's okay, Jianna."
So, itago ko na lang?
I chewed on my lips. Uminom naman siya ng tubig. Ngayon ko nami-miss ko 'yung music sa common room. At least, kapag may music, the silence isn't this obvious.
"Are we going to sleep after this? O may gagawin pa tayo?" I asked.
"May gagawin pa 'ko."
"Hindi ka na naman matutulog?"
"I need to go home and pack clothes. I'm going to Stanford tomorrow."
"Ha? Bakit?"
"Because of what happened. I'm proposing countermeasures in case something like this happened again. I need to personally talk to our sponsors."
"May proposal ka na agad?"
"I'll write the whole of it while on the plane. The tech proposed some upgrades. Si Ben at Frank din."
"Ga'no kita katagal hindi makikita?" tanong ko na nakaingos bago, "I mean! Ano! Ga'no katagal ka sa Stanford?"
Kunot ang noo niya sa'kin. "A week, maybe."
Okay. One week lang pala.
"We will have a meeting tomorrow morning. Pero habang wala ako, si Vina ang supervisor. You'll be in charge of Laboratory 2, sa seeding. Si Ben at Frank sa Biotech. Si Sarah sa ospital. I need reports in writing everyday."
"Okay."
Bumalik na uli siya sa pagkain. Tumitig naman ako sa kanya.
"You're staring."
"Sorry. I didn't mean to."
Pero paulit-ulit lang na bumabalik ang mata ko sa kanya. Hindi na siya nanita. # 0158h / 11172016
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top