Day 25 : Not yet

Not yet
-----

Dahil sabi ni Harry ay pabalik na siya sa office, nakatunganga na lang ako sa phone ko at sa oras. Nagka-countdown ako sa kanya sa chat. Na-off ko na ang computer. If I would be honest about it, inaantok na 'ko talaga. Pero ang tagal niya kasing bumalik sa lab. Hindi tuloy ako makatulog. Kung hindi totoo 'yung three minutes niya, I might as well sleep without seeing him.

For days now, hindi na rin ako nakakauwi sa bahay ko gaya niya. Kumukuha na lang ako ng damit at kung anuman ang kailangan ko. Sa sleeping quarters ako natutulog. Hindi na hassle sa biyahe at mas madali mag-long hours. 'Yung food ko, sagot ni Harry since lagi naman kaming sabay kumain—breakfast, lunch, dinner, and snacks in between.

Sort-of living in the lab is an advantage lalo na dahil nagsimula na kami sa cell seeding. We're trying various configurations for graft and valve engineering that might surpass what's available right now. Pero dahil nasa initial stage pa lang kami, puro monitoring pa lang. Hindi pa namin ma-test ang durability at integrity ng seeding.

Pasubsob akong nakaabang sa mesa ko nang bumukas ang pinto at pumasok si Harry. Napatuwid ako ng upo.

He's late by a minute. I smiled at him as soon as our eyes locked.

"Welcome back, Lord Commander!" tukso ko sa kanya.

Nagbuga siya ng hangin at ngumiti pabalik.

I had to blink to stop myself from... weird things. I realized that Harry could trigger symptoms that might be a panic or anxiety attack, SVT's (supraventricular tachycardia), and the like. Crazy, irregular heartbeats, shortness of breath, and a little dizziness. I couldn't figure what exactly since nawawala rin naman agad 'yung sobrang bilis na heartbeat kapag huminga ako nang malalim o hindi na siya ngumiti. It doesn't feel like anything serious that would hinder my work so I brushed it off.

He strode towards me. "Let's go?"

Tumayo ako sa kinauupuan ko at binitbit ang nakasampay na cardigan sa swivel chair.

"Are you going to go out like that?" he asked.

"Huh? Ano? Bakit?" Napa-check ako sa damit ko. Malinis naman ang blouse ko.

Naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko. He smoothed my hair.

"Ilang manok ba ang pwedeng mangitlog sa ulo mo?"

Tinampal ko ang palad niya habang natatawa. "That bad? Chicken agad? Hindi ba pwedeng pugo muna?"

Inalis ko ang ponytail ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko. Binago ko pati hati. Medyo mahaba na ang buhok ko. Hanggang braso.

"Okay na?" tanong ko sa kanya.

He clipped a portion of my hair with his fingers and flipped it to the left to even the line.

"Check with your phone," sabi niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang front camera. Naniningkit ang mata ko sa malakas na ilaw.

"Okay na. The chickens and the quails will spare me."

Matipid siyang ngumiti. "Pa'no mo nasiguro?"

I looked at him in disbelief. "Because you're with me. Matatakot sila sa'yo, Mahal na Hari."

Napangiti siya sa sinabi ko.

"Ano? I-rebut mo. Tell me, I'm wrong," sabi ko sa kanya.

Sa halip na sumagot ay kinuha niya ang phone sa kamay ko at kinalikot.

"What are you doing?"

"Adjusting your phone's brightness."

"Alam mo pass ko?"

"Yeah."

"Pa'no?" Tumabi ako sa kanya at sinilip ang ginagawa niya sa phone.

"It's the letter J. Nasa screen din naman ng phone mo. You should constantly wipe it. Baka may iba pang makaalam." Ibinalik niya sa'kin ang phone ko. "Always adjust your phone's brightness. Kaysa naniningkit ka."

"Aye, Lord Commander."

Ipinatong niya ang folder na hawak niya sa table ko at tumango. "Let's go."

Nagsuot ako ng cardigan at sumunod sa kanya. Nawala na naman ang antok ko.

***
Bago pa ako matuksong makatulog sa kotse ni Harry ay nakarating kami sa sinasabi niyang ramen house. Iilan na lang ang kumakain.

We quickly ordered two spicy seafood ramen and dumplings for side dish.

Pagdating ng pagkain, naka-ready na ang chopsticks ko. Gusto kong nakakain na 'ko bago ako kwentuhan at tanungin na naman nito ni Harry.

I was about to dig in on the bowl of spicy goodness, when Harry clipped my chopsticks with his.

"Hep," pigil niya sa'kin. He swiftly pulled my bowl towards himself. "Hipan mo muna. Mapapaso ka na naman."

Hinipan niya ang ramen ko. Nakiihip ako.

"Hihipan ko naman talaga," sangga ko.

"Kwento mo sa pagong," bulong niya. "Walang asukal dito kapag napaso ka."

Lumalakas ang ihip ko sa ramen. I want to eat it soon.

Itinulak niya pabalik sa'kin ang pagkain. "Continue."

Napasitsit ako habang patuloy na umiihip. "I'm not a kid. Madalas lang akong mapaso kasi—"

"Para kang bata," pagtatapos niya.

"Define your term, Sir."

"Too eager. Easily excited. Impulsive. Naive."

Hindi ako makakontra. May point naman siya sa bawat isa ng mga 'yun.

"May rebuttals ka, Jia?" untag niya.

"Wala," ani ko. I clipped the ramen with my chops and sampled it. Muntik akong mapasipol pagdating ng pagkain sa bibig ko. My mouth formed into an 'o'. Napapaihip ako.

"Maanghang?" sabi niya habang nakatingin. Naniningkit ang mata niya sa amusement.

Tumango ako nang ilang ulit.

Boy, this house knows spicy!

Natahimik ako sa pagnguya. The ramen tasted of the sea. Salty and spicy, too.

I watched Harry eat his food with ease. I considered it an accomplishment that I influenced him to eat like a normal person. Dahil lagi akong nagrereklamong nagugutom na 'ko, wala siyang choice kundi kumain kasabay ko.

Kalahati na ang nauubos namin sa pagkain nang mapasulyap siya sa'kin. I knew what's going to happen next. He will ask or talk about Neah.

"Neah doesn't like spicy food."

"Correction. Kaunti lang talaga ang pagkain na gusto no'n. Well, who could blame her? She's been in and out of hospitals. She's always in medication. Na-alter na ang tastebuds niya."

"Yeah."

I watched the shadow of sadness in his face. Tinutuktok niya ang dulo ng chops niya sa bowl. Hindi niya siguro napapansin.

Nagbuga siya ng hangin at napatingin sa'kin.

"What kinds of food do you like?"

Napakurap ako. I don't think I heard the question right. Ano'ng tinatanong niya tungkol kay Neah?

"Aside from sweets, sour cakes, and spicy food, what else do you like?"

"Huh? Ako? Ano'ng gusto ko?"

Tumango siya. "Yeah. Ikaw."

Napaisip naman ako. I mean... what the heck. Bakit ako? Bakit siya magtatanong ng tungkol sa'kin? Puro sagot tungkol kay Neah ang meron ako.

"Hm. What do I like..." Oh my God! Hindi ko ba alam kung anong favorite ko maliban sa pancakes na lumalangoy sa chocolate syrup? "Wow. I'm surprised. Hindi ko alam kung ano'ng gusto ko."

He smiled. "Why? Hindi mo dinadaldal ang sarili mo kung ano'ng gusto mo?"

Napatango ako. "Parang tama ka. Hindi kami nagdadaldalan ng sarili ko. Oh! But I know what I don't like. Ayoko sa pagkaing mataba... 'yung literal na may taba. At ayoko sa nuts... except almond."

"Hazelnut?"

Umiling ako.

"Cashew?"

Dumoble ang iling ko.

Sumubo siya bago magbato uli ng tanong. "What are you doing before your research job in Minnesota?"

"Ako?" Ako uli?

"Yeah. Ikaw, Jianna."

"I was... completing my doctoral at Cell and Molecular Bio. At the same time, I worked as an assistant at the University laboratory. Assistant nurse na rin kay Mommy sa ospital."

"That sounded busy."

"I was busy."

"How about your friends? Where are they? Hindi ka pa nag-o-off because of a christening or a wedding."

"Friends ko? Oh boy, may friends ba 'ko?" Mahina akong natawa. "Let me think... Oh, I have one. Si Judith. She's a theoretical physicist in Minnesota. She's five years older than me. Her plan is to be wed with the secrets of the Universe, so... hindi ko siguro kailangang mag-off para sa kanya. Ikaw? Where are your friends?"

" 'Yung dalawa, nasa UCLA — sina Marcus at Ash. They're pursuing to be neurosurgeons."

"Nice."

"Yeah. 'Yung isa, si Jeric, bumalik sa John Hopkins. He's pursuing to be a cardio-thoracic surgeon."

"Wow. Surgeons ang mga kaibigan mo."

"Yeah."

"Ikaw? Any plans to pursue being a surgeon?"

Natigilan siya, dumilim ang mukha at umiling.

"Definitely no."

"Why?"

"Ayokong maging doktor."

Which sounded complicated to me. "You're an MD. Which means you wanted to be a doctor before. What happened?"

Ibinaba niya sa tagiliran ng ramen bowl ang chops niya. "When you're a doctor, the patient and his family members put their trust in you. They placed their hopes and faith in you. I don't want to be someone with the burden of those."

Tinitigan ko siya. It seemed like I lost him in this ramen house. Blangko na naman kasi uli ang mata niya.

"Baka naman... you just don't like to be someone with the burden of not delivering those hopes," maingat kong sabi sa kanya.

Our eyes locked.

"Being a doctor is just being doctor, Harry. You're not someone who could be certain of anyone's life. Hope is all you could give them."

"It is also all that you could destroy."

"So would you rather that people refuse to hope?"

"I'd rather not be a doctor," pinal na sabi niya.

How am I going to argue with him with that?

"Sayang naman..." pasakalye ko.

"Bakit?"

"Alam mo ba na mas nakaka-inspire magpagaling kapag gwapo ang mga doktor sa ospital?"

"Nabawas ako?" ani niya.

"Bakit? Gwapo ka?" tukso ko.

"Bakit? Hindi?"

Tinitigan ko siya. Pinaningkitan ko ng mata. Magaan siyang ngumiti sa'kin. Hinayaan ko muna ang SVT's ko.

"Pwede na rin," sabi ko at dumampot ng dumplings. " 'Yung mga kaibigan mong surgeon, gwapo rin?"

"Rin? So gwapo nga ako?"

Malakas akong tumawa. "Oo na, Mahal na Hari. Ang gwapo mo. Dapat kang isama sa eight wonders of the world."

Mahina siyang tumawa bago umiling. "Yeah. Gwapo rin 'yung mga ugok."

"Sino'ng pinaka?" untag ko.

"Naku, hindi dapat tinatanong 'yan, babe..." sabi niya bago matigilan at maitaklob ang palad sa mukha niya. "This is ridiculous."

"What is?"

Umiling siya. "Nothing."

"So, sino nga ang pinakaguwapo sa inyong apat?" I bet, he'll say it's him.

"Ako."

"Ikaw talaga?"

"Ako tinanong mo e."

"So, kapag sila ang tinanong ko?"

"E 'di sasabihin nila na sila."

Natawa ako. "Gano'n lang?"

"Yeah. Ang weird kung isasagot ko ang isa sa kanila."

"Sino'ng pinakamatalino?"

"Sino ba'ng nag-Stanford?"

Natawa lang uli ako. "Ang yabang mo, 'no?"

"Self-support dapat."

Itinaklob ko ang likod ng palad ko sa bibig ko para makatawa. Lumapad naman ang ngiti niya.

"Mga ugok na 'yun. Nagsipaglandian lang, bihirang makaalala ng tunay na pagkakaibigan," sabi niya. "Sabagay, pare-parehong busy."

"May mga girlfriends na sila?"

"Bakit? Mag-a-apply ka dapat?"

"Oo. If they're smart and good looking, I wouldn't mind."

"Naku, masasaktan ka lang. Taken na sila."

I clicked my tongue. "Sayang."

"Hindi ka pa nagka-boyfriend?" tanong niya.

Umiling ako. "Didn't have the chance and the time."

"Dating?"

"Nope."

"Didn't have the chance and the time uli?"

"Yeah." Natigilan ako. "Although, date ba 'yun kapag niyayaya akong kumain sa labas na kami lang tapos sumasama ako?"

"May instances like that?"

"Yeah. Tatlong tao." Nangalumbaba ako bago umingos.

"May effort 'yung dinner o sinalakay mo lang 'yung pagkain?"

Automatic ang ngiti ko. "Sinalakay ko lang yata 'yung food. Hindi ko napansin kung nagkaroon ng effort."

"May flowers?"

"Looking back... yeah."

"Chocolates?"

"Yeah. May music pa nga yata."

"So, what happened?"

Napatingin ako sa kanya. "Yeah. What happened?" Ikiniling ko ang ulo ko sa kanya. "Oh. They're not like you."

Natigilan siya. Nangunot ang noo. Lalo naman akong tumitig sa mukha niya.

"I can't talk to them like I can talk to you," dagdag ko.

"Baka kinukwentuhan mo ng cell and molecular biology at tissue engineering sa candlelit dinner."

"So? Bawal ba 'yun?"

Ngumiti siya. "They might want to talk about something less scientific. Like compliment how beautiful or intelligent you are."

"Beauty and intelligence is still scientific. It'a cause by—"

"They might want..." putol niya, "to say those without having to explain your genetic composition."

"Like how exactly?"

Tumitig siya sa'kin. "Like, I will look you in the eye and say..." he locked my eyes with his, "You're beautiful, Jianna."

I. Couldn't. Blink.

"I like spending time with you," dagdag niya.

A minute might have passed and I wouldn't know. I was confused and overwhelmed with the depth of his eyes.

I forced myself to look away. Nagbaling ako ng tingin sa kaliwa ko.

"Nope. Nothing like that happened," sabi ko.

"Have you ever been in love?" tanong niya pa.

"Nope." Huminga ako nang malalim. "Not yet."

"Why?"

"They say it hurts," sabi ko sa kanya. "I don't think I would be ready."

"So, you're going to hold back when you feel it?"

"Nope. Quite the opposite," sabi ko sa kanya. "If I fall in love with someone, I will make sure he is loved completely."

"Kahit masaktan ka?"

"Kahit masaktan ako." Ngumiti ako sa kanya. "Even if it's going to be tragic, I think I'll see it through the end."

Lumamlam ang mata niya sa'kin. "I've heard something similar before. Don't hurt yourself, Jia."

"It's okay. Wala pa naman."

He didn't say anything. He sipped his cold tea. Gano'n din ang ginawa ko.

Love, huh? I don't want to think about it. #445h / 11142016

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top