Day 142 : I miss you
I miss you
-----
"Baby... Nasan ka?" sabi ni Harry habang umiiyak.
Nakapangalumbaba ako sa couch habang nakatingin sa kanya. Nasa magkabilang dulo kami ng upuan. I'm a little drunk with all the singing and the alcohol. Habang si Harry? He's way too drunk to realize what he's been doing for the past thirty minutes.
It all started after I finished eating. Bumalik kami sa living room ni Harry at nakipagkwentuhan sa mga nasa confe call habang umiinom. Nang kailangan nang bumalik sa duty nina MM at Ash (apparently, they only asked for a four-hour time off), napunta kami sa kantahan. All of us sang, except kay Harry. Kahit ako na kung saan-saang direksyon papunta ang boses, naglakas-loob. Blame it on the alcohol.
Hindi ko namalayan kung paanong sobrang nalasing si Harry but I have an idea : nilasing nila. Kasi si JT, tawa lang nang tawa nang magsimulang umiyak si Harry.
It's a little after one. Umidlip muna si Hannah sa kwarto kasama sina Jen at Helga. Naiwan kami ni JT sa living room, kasama si Harry.
For thirty minutes, JT was convincing Harry to let go of Neah's picture on a frame (na yakap nito) and of the bottle of alcohol (na iniinom pa rin nito). Ako naman, hindi makaalis sa kinauupuan ko kasi everytime na gagalaw ako, kahit gaano kaliit-
"Baby, gumagalaw 'yung pinsan mo..." Harry whined. Ang higpit ng yakap niya sa picture ni Neah habang nakabantay sa kilos ko.
Jesus Christ!
Harry is all comical, pitiful, and cute. Natatawa ako na naiiyak na nai-in love sa kanya. How to get rid of all of my interest with this man, kung pati 'yung bagay na nasasaktan ako, minamahal ko pa rin?
"I'm not-"
"Neah, nakatingin siya sa'kin!"
"-doing anything, Harry." Bumaling ako kay JT na nakaupo lang sa couch. "Do something."
"Hayaan mo siya. Ang lakas ng topak 'pag lasing," sabi nito.
Nangalumbaba uli ako at tumitig kay Harry. Totoo namang umiiyak siya. Some of his outbursts were of pain. Pero kapag gumalaw ako-
"Nakatingin na naman siya, Neah... Ano'ng iniisip niya?"
I burst out laughing. "I'm thinking of kissing you," kantiyaw ko at tumingala. "Hey, Neah! Hahalikan ko ba si Harry?"
"Umayos ka, Aling Jia! Baka magalit si Neah," pigil ni Harry.
Nanatili akong nakatingala. Kunwari, may naririnig ako.
"What? Halikan ko si Harry para sa'yo?"
"Walang sinabi si Neah a! Wala akong narinig!"
Kumilos ako palapit sa kanya. "May sinabi siya Harry babe... I got her consent to kiss you."
Nangungulit lang naman ako, seeing how drunk he was. Pero pahilamos na itinakip ni Harry ang palad sa mukha niya at umiyak. Natigilan ako.
We could see him gritting his teeth. Nakikita rin namin ang pagguhit ng panibagong luha sa pisngi niya.
"If you can hear her... why can't I? I'm asking her about a lot of things," Harry said in gritted teeth. "I wanted to hear her, too."
I bit my lower lip. Nagkatinginan kami ni JT at hindi ko napigilang maiyak. Ang sakit ng dibdib ko.
"Sorry..." bulong ko kay Harry. "I didn't really hear her say anything. If there's someone who's going to hear her first, I knew it would be you. Sorry, it was a bad joke."
"Neah, sumagot ka sa'kin..." he begged, still hiding his face.
"Do something..." sabi ko kay JT. Pinahid ko ang luha ko.
Tumango si JT sa'kin at nagbuga ng hangin. "Kaya mo pa?"
Inilapat ko ang palad ko sa tapat ng dibdib ko. Kaya ko pa ba? Kahit nakikita ko kung pa'no ma-miss ni Harry si Neah? Kahit nakikita ko siyang umiiyak at wala akong magawa? Kahit naririnig ko siyang nagmamakaawa?
I couldn't find the answers because at the back of my mind, I was asking a different set of questions.
Kaya pa ba ni Harry?
Kaya niya pa bang nami-miss si Neah mag-isa? Kaya niya pa bang umiyak at magbuhos ng luha? Kaya niya pa bang magmakaawa?
All I can do for him is to watch him so I will watch him-with every pain, every tear, and every begging. I won't get tired.
"Get him to rest. Kanina pa siya umiiyak," sabi ko kay JT.
"Ikaw? Hanggang anong oras ka iiyak? Sa alak 'yan o sa pag-ibig?" tukso ni JT.
" I don't know which is which. Both of those blur my mind."
Nangiti lang si JT at tinapik si Harry sa balikat. "Dude, magyakapan na tayo sa kwarto mo para matigil ka."
"Dito lang ako," sabi ni Harry.
"Baliw ka. 'Wag kang pakipot," sabi ni JT. Halos pinuwersa niya si Harry na tumayo bago iniakbay sa kanya. Kinolekta ko naman ang picture ni Neah at ang bote ng alak.
I watched them walked to Harry's room. Naiwan ako sa living room na nakatingin sa picture ni Neah.
Hinintay kong bumalik si JT.
"He's sleeping," sabi ni JT nang lumabas sa kwarto ni Harry. "Matulog ka na rin."
"Is he okay? Hindi na siya umiiyak?" tanong ko.
"Hindi na. Tumigil na," sagot niya. "Ikaw? Iiyak ka pa?"
Nailing ako. "Okay lang ako, JT. I know how much she means to him. Kung umiyak man ako at masaktan, it's all part of loving him."
Nagbuga si JT ng hangin. "Yeah. Harry loved her so much. Nakita ko lahat ng ginawa ni Harry bago mawala si Neah. He really gave it his all. Kaya siguro 'yan..."
"I can only imagine..." I said.
"Okay lang naman sana sa'min kung anuman ang gustong gawin ni Harry pagkatapos mawala ni Neah. Ang dami na naming naisip noon ng trolls na posibleng mangyari sa kanya. Alam mo kung kailan namin naisip na may mali?" JT asked.
"When?"
"When Harry changed... to the point na hindi na namin makilala. No'ng tumalikod siya sa pagiging doktor na pangarap na pangarap niya. No'ng hindi na siya nagpapakita sa kanila. No'ng umiwas na siyang magpakita sa'min. No'ng tumigil 'yung buhay niya dahil nawala si Neah... at no'ng wala pa ring nagbabago sa pag-asta niyang parang patay na siya kahit dalawang taon na ang lumipas. 'Yun. Do'n namin naisip na may mali.
"Alam naming tatlo... he loved her that much. Wala kaming angal do'n. But when we saw how much his love for her killed him and discouraged him to be happy, naisip namin na mali siya. May mali kay Harry. Because if he's love for her is right, it won't weigh him down and rob him off his life. It's not going to kill him while he's alive. It's not going to change him to a stranger.
"He would have seen more of the good than the tragedy of what happened. He would have been stronger. He would have been braver. Kasi gano'n siya. Gano'n ang Harry na kilala namin nang ilang taon. Hindi nauubusan ng enthusiasm... Kayang tumawa kahit hirap na hirap na. Kayang mag-bounce back. Hindi ganito. Hindi pa siya patay pero lahat kami, nagluluksa para sa kanya.
"Kulang na lang, gawan namin ng eulogy. Kulang na lang mabaliw kami kaiisip ng paraan kung pa'no siya tutulungan. Kasi kahit ano'ng tulong, tinatanggihan din niya."
Tahimik lang akong nakikinig.
"Alam mo ba? Ngayon pa lang uli siya umiyak para kay Neah. After two years."
"Seryoso talaga 'yung sinabi n'yo sa GC?" usisa ko.
"Oo. Kalmado lang talaga siya no'n. Ngayon ko lang uli siya nakitang umiyak."
Napalingon ako sa kwarto ni Harry. Tumayo naman si JT.
"Matulog ka na, Jia. Gigisingin ko na si Hannah at Jen para ihatid sa kanila," he said.
"Sige. Pero... iche-check ko muna si Harry."
"Okay. Pumasok ka na lang sa kwarto ni Kulit 'pag matutulog ka na."
"Yeah. Ingat sa pag-drive."
Tumango si JT bago umakyat sa second floor. Pumunta naman ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig, in case, Harry needs it. Kinalma ko rin muna ang sarili ko.
***
Medyo narinig ko pa ang ugong ng papaalis na sasakyan ni JT nang pumasok ako sa kwarto ni Harry. Mahina ang ilaw na nakabukas do'n. It gave just enough light to for me para makita ko ang hinahakbangan ko.
Ipinatong ko ang flask ng cold water sa side table bago tiningnan si Harry. Tumayo ako sa tagiliran ng higaan niya.
Halos kunot ang noo niya kahit tulog. I'm hoping that he's not having a bad dream.
Gosh. Ang iyakin niya malasing.
"Don't cry anymore, Harry..." bulong ko sa kanya. "Goodnight."
Patalikod na 'ko nang-
"Hey..."
Lumingon ako kay Harry. Nakatingin siya sa'kin.
"Hey," sabi ko. "I just... checked on you. May tubig sa side table if you're thirsty."
"You're here..." he said as if he's dreaming.
"Yeah. Pero palab-"
Hindi ko na namalayan nang mahawakan niya 'ko sa palapulsuhan ko at hilahin sa katawan niya. Padapa ako'ng sumubsob kay Harry. Before I could react, he wrapped his arms around me. Arms of steel.
"Hey, Harry..." sita ko sa kanya.
"You're here..." he said, his voice breaking. I could feel his breath on my neck, kung saan nakasakto ang labi niya. "I miss you."
Sinubukan kong itulak siya para makatayo ako pero mahigpit ang yakap niya sa'kin.
Oh, God. I don't know what to do kung tatawagin niya akong Neah. I don't want to live with the memory of him calling me by her name.
"I miss you," he whispered on my neck.
"Harry... Hindi ako si-"
"I miss you, Jianna."
I froze. What in the world did he call me?
"Jianna..." #0342ma / 11282016
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top