Day 07 : First
First
------
Namaywang ako habang nakaharap sa salaming dingding ng opisina ng Mahal na Hari. Kunot na kunot ang noo niya sa'kin. Mukhang wala pa ring tiwala sa nasa CV ko.
I pointed to my wrist to remind him of the time.
It's almost six in the morning. Anytime, baka dumating si Auntie. Nang hindi pa rin siya gumagalaw, I hurriedly took my phone and placed it to my ear to fake a received call.
I had all the right facial expressions to make him move.
"Auntie? Nandito na kayo?" dialogue ko kahit na hindi naman maririnig ng Mahal na Hari. Nilakihan ko ang mata ko at humarap sa kanya habang nakatingin siya.
I mouthed the word 'move' to him while pretending to listen to the call.
"Oh no! Sige po. Yes po!"
Sinimangutan ko si Harry nang ibaba ko ang kunwaring tawag. I saw him leave his chair. Lumabas siya ng silid at walang salitang lumampas sa'kin.
"Make it quick! Baka dumating na si Auntie!"
Wala siyang pakialam sa sinabi ko. Ni hindi lumingon.
It's hard not to flash a smile when he was gone. I still haven't seen another reaction from him aside from a blank face, but we'll see this morning.
Bumalik ako sa table ko at sinubukang mag-concentrate sa pagbabasa ng mga dissertations. Pero distracted ako sa tagal maligo ng Mahal na Hari. It felt like I was waiting on him for no reason except... bakit ba kasi ang tagal niyang maligo? I could almost count the ticking of the clock.
Will I get to see another side of him after he showered?
Thirty minutes past six, the door of the lab chimed in for a visitor. Malaki ang ngiti ko nang bumungad si Auntie Faith kasama ng lalaking guard. May bitbit silang picnic box ng pagkain.
Sinalubong ko sila. Bumati ako at humalik.
"Where's that boy?" usisa ni Auntie.
"Parating na po 'yun-"
"Harry!"
Napalingon ako sa binati ni Auntie sa likod ko.
"Sorry po, Mi, naligo pa lang kasi ako," sabi ng Mahal na Hari.
He did shower and shave. Towel-dried lang ang buhok niya. Pero maayos ang pagkakaahit ng facial hairs. Aside from the smell of shampoo, he sprayed a seriously enthralling perfume. Dalawang beses akong suminghot.
I like his taste in perfume.
Napatango-tango ako.
Nakita kong lumapit si Auntie at sinipat ang mukha ni Harry para inspeksyunin.
"Natutulog ka pa ba, anak?" tanong ni Auntie.
That's right. Maraming ebidensiya ng puyat sa mata niya. Singkit na nga siya, nagpa-eyebags pa.
Napasulyap sa'kin ang Mahal na Hari. Tapos, nag-iwas ng tingin.
Nakabantay ako sa kanya. This is a good opportunity to test whether he lies or not.
Tumikhim siya. "Hindi po masyado."
Safe answer.
Pumalatak si Auntie. "Good thing I dropped by. Nagdala ako ng breakfast n'yo ni Jia."
"Ang aga pa, Mi. Hindi ka na dapat nag-abala," sabi niya.
"Wala naman akong masyadong ginagawa sa bahay. Kumain tayo nang sabay-sabay."
Kinuha ni Harry ang mas malaking picnic basket habang ako naman ang nagpasalamat kay Manong Guard.
"Sa common room na tayo kumain," sabi ni Harry na para sa'kin yata. Sumulyap kasi siya nang kakarampot sa'kin bago lumakad.
Kumabit ako sa braso ni Auntie habang nakasunod kami kay Harry. "Nagdala ka ng favorite ko, Auntie?"
"Oo naman."
"You brought enough chocolate syrup?"
"I hope so. Dalawang bote ang dinala ko."
"Ang dami naman po!" Hindi ko napigilan ang ngisi ko. Auntie knows I love pancakes with chocolate syrup instead of honey, pero para magdala siya ng dalawang garapon? It must be my reward for setting this up.
"Tig-isa kayo ni Harry. Parehas kayo ng paboritong almusal."
"Parehas po? Pancakes na..."
"Maraming chocolate syrup," pagtatapos ni Auntie.
Napasulyap ako sa nauunang Mahal na Hari. Kung naririnig man niya ang pinag-uusapan namin ni Auntie, wala akong makitang senyales.
***
Auntie set the table when we reached the common area. Dalawang set ang pagkaing inihanda para sa amin ng Mahal na Hari pero parehas ang variety-pancakes, berries, ham, at bote ng chocolate syrup. May nakabukod na chowder soup sa tagiliran. Bukod doon, nagdala ng iba pang pagkain si Auntie na naka-prepare sa microwaveable containers. Aabot iyon hanggang kinabukasan. May prutas din.
Umupo ako sa tabi ni Auntie sa mesa. Nasa katapat namin si Harry.
Harry eyed the food as if something was going to jump out of it anytime soon. Siguro dahil malaki ang serving ng pancakes. Anim na patong.
"What's wrong? Kain na, anak," yaya ni Auntie.
Napahawak si Harry sa sikmura niya habang nakatingin sa pagkain. Then, it hit me. Wala pa sigurong kinakain ang lalaking 'to mula kahapon. Mahihirapan siyang kumain nang biglaan.
Bumaling ako sa chowder soup. Kumuha ako ng bowl, nagsalin ng soup, at ibinigay sa kanya. Kulang na lang, samahan ko ng pandidilat.
He took the bowl and ate the soup slowly.
"May problema ka sa sikmura mo, anak?" tanong ni Auntie sa kanya.
"Nanlalambot lang po kapag ganitong oras. Don't worry, Mi," he said dismissively.
Ikaw ba naman ang hindi pakainin kung hindi ka manlambot, naisip ko.
Tumingin siya sa'kin. Nagtama ang mata namin. Nangunot ang noo niya kasabay ng akin.
Binuhusan ko ng chocolate syrup ang pancakes ko at napangiti ako nang sumubo.
Grabe. Ilang araw na ba na crackers at mansanas lang ang kinakain ko sa umaga?
"Masarap, anak?" baling sa'kin ni Auntie.
Tumango-tango ako habang puno ang bibig. I could cry eating this right now.
Auntie pulled a tissue from the box on the table and wiped the corner of my mouth.
"What have you been eating these past days that you looked so happy with pancakes?" natatawang tanong niya.
Ngumiti lang ako. Hinanap-hanap ko ang recipe na 'to sa Minnesota. No one cooks like this but Mom and Auntie.
Pagsulyap ko sa Mahal na Hari, para siyang maysakit na sumusubo ng pagkain-malamya at matamlay. Na parang masama ang loob niya sa pagkain.
Masama akong tumingin sa kanya... na hindi niya pinapansin.
"I heard that you're treating Jianna well, Harry," kuha ni Auntie sa atensyon niya.
Nag-angat siya ng tingin sa amin pero walang sinabi. Nawawalan ng lasa ang pagkain ko sa tamlay niya. I added more chocolate syrup in my plate.
"Alam mo ba, anak, itong si Jianna ang paboritong pinsan ni Neah?" patuloy ni Auntie.
I saw conflict in Harry's eyes. Napatitig siya kay Auntie.
"They were inseparable when they were young. Laging nakadikit si Neah rito. Humahabol kahit saan siya magpunta. To think that Neah's older than her."
"Auntie..." bahagya akong dumikit kay Auntie to refrain her from telling stories. Ayokong mag-reminisce. Baka maiyak ako.
Pagsulyap ko uli kay Harry, natigilan ako nang makitang nakatingin siya sa'kin.
"Really?" he asked gently.
Sinalubong ko ang mga mata niya. Hindi ko alam kung para sa'kin ang tanong.
"Oo, anak," sagot ni Auntie.
Nasa akin pa rin ang mga mata ni Harry nang bahagyang naningkit ang mga mata niya at matipid na umangat ang sulok ng mga labi. He looked pained and burdened and conflicted, all at the same time. I almost clutched in my chest.
I felt conflicted, too. Why does he look so sad?
Then I heard a soft and slow thumping in my ear.
Thump.
What is that?
"No'ng mga bata pa sila, nahahawa madalas si Neah sa likot nitong si Jia. Alam mo naman si Jineah, tamlayin. Eh itong si Jia, suot nang suot kung saan-saan."
Harry's eyes is still on me. I don't know what to do or where to hide.
The thumping from my chest was moving faster.
"Minsan, naglaro silang dalawa sa malapit na parke. Inabutan sila ng ulan. Pag-uwi nila, nilalagnat na si Neah. Pinagalitan ni Martin itong si Jianna. Pinagtanggol no'ng isa. Ayun. Kapag umuulan, lagi na silang tumatakas para maligo."
I saw Harry's jaw hardened before he slowly exhaled his breath.
His eyes looked gentle when he said, "Thank you."
The thumping stopped. Pero pakiramdam ko naman ngayon, nagbara ang airways ko. I was looking for air.
Nagbaling ng tingin si Harry kay Auntie at matipid na ngumiti. "Hindi ko po alam no'ng una na pinsan siya ni Neah. Nakita ko lang sa CV niya 'yung middle name niya."
As soon as his eyes not on me, I could breathe.
"She's Ludy's daughter, anak."
" 'Yung kapatid n'yo po na tumira sa ibang bansa para magpagamot?" tanong ni Harry.
Nahihilo ako. What was with that thumping and that temporary breathlessness? Kulang ba 'ko sa tulog? O sobra ako sa kape?
Napadiin ako sa dibdib ko.
"Yes. Ludy's born with a heart ailment like Neah. She's been battling it all her life until she died. August 5 din nawala ang kapatid ko," dagdag ni Auntie.
"Kaya wala siya sa death anniversary ni Neah?"
"Oo. Umuwi ito sa luma naming bahay sa Quezon para doon i-hold ang memorial ni Ludy. Sa likod-bahay kasi nakalibing si Primo, ang daddy niya."
Natigilan si Harry bago bumaling sa'kin. I was stuffing pancakes into my mouth.
"You're an orphan?" he asked.
I wanted to tell him that the answer was very complicated but I was chewing my pancakes. Chocolate oozed from the corner of my mouth when I attempted to make a sound.
He grabbed a tissue from the table and wiped the chocolate off.
"Klutz," he said casually.
I licked the corner of my mouth. Mabilis kong nginuya ang pagkain at nilunok para ipagtanggol ang sarili ko. Pero mabagal na nagparada sa lalamunan ko ang bulto ng pagkain. I can't breathe.
Mabilis akong inabutan ni Harry ng tubig. I grabbed the glass of water and drank as if my life depended on it. Pero nasamid naman ako sa pagmamadali. Umubo ako habang nakakapit sa mesa.
Oh God, what's happening to me? Why am I becoming a disaster?
Narinig naming mahinang tumawa si Auntie habang tinatapik ako sa likod.
Nailing naman si Harry sa'kin pero medyo magaan ang mukha. Nang huminto ako sa pag-ubo, masama ang tingin ko sa kanilang dalawa. Lalo na kay Harry.
"Bakit mo kasi ako kinakausap nang puno ang bibig ko?" asik ko sa kanya.
"Hindi naman ako nag-e-expect na sasagot ka no'ng nakita kong puno ang bibig mo," depensa niya.
"Then, what? Questions are supposed to be answered, Dr. Lastimosa. Hence, it's called a question! If you asked me, I will feel obligated to answer!"
"Questions are supposed to be asked, girl. But it should be answered, only, if appropriate. You weren't in a situation where you could give an answer, thus, I wasn't expecting it."
Pinanliitan ko siya ng mata. Talo ako sa argument. Pa'no ko isasalba ang kahihiyan ko?
Tinusok ko ng tinidor ang hiwa ng pancakes sa plato ko at isinubo habang maliit ang tingin ko kay Harry.
Nailing siya.
"Is she always a klutz, Mi?" baling niya kay Auntie.
Nakangiti si Auntie habang nanonood sa amin. "A little. Especially when she's caught off-guard."
Ako naman ang pinanliitan ng mata ng Mahal na Hari. Gusto ko sanang i-point out sa kanya na talagang wala na siyang mata sa ginagawa niya pero baka may tumulo na naman na chocolate sa tagiliran ng labi ko. I don't want to feel his fingertips on my lips again. It makes me feel complicated.
"I'm glad na magkasama kayo rito. Hindi na ako masyadong mag-alala kay Jianna... o sa'yo," sabi ni Auntie na nakatingin kay Harry.
"Sa akin po?"
"Kumain ka, anak," malumanay na bilin ni Auntie. "Huwag puro trabaho."
Hindi umimik ang Mahal na Hari. Nagbaba lang siya ng tingin sa plato niya.
"Neah wouldn't want you neglecting yourself like this."
Lumunok si Harry.
"Hindi ka pa ba dumadalaw sa inyo?" untag uli Auntie. "Nangungumusta sa akin ang Mommy mo."
Mataman akong nakikinig sa usapan nila.
So, may magulang pa ang Mahal na Hari? Sa lagay niya na 'yan?
"In time, Mi," maiksing sagot niya.
Bumuntonghininga lang si Auntie.
Nagpatuloy naman kami sa pagkain. #0853u / 11072016
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top