Day 77.4
(Group chat)
WED AT 03:33 PM
Helga added you
Helga added Ashton Millari
Helga added Marcus Madrigal
Helga added Jeric Teodoro
Helga added Jenessy Alfonso
Helga added Hannah Milano
Helga changed the name of the group to VS HARRY LASTIMOSA
Helga : Hello, hello!
Seen by 3
Helga : Ay! Hindi online si bestie.
Helga : Hello, Milabs! 😘
Ash : Ano tong chat group na to, love?
Ash : Bakit pangalan ni Harry babe ang title?
Helga : Trolls, meet ate Jianna!
Helga : Siya ang future hipag ko!
Helga : Ate! Sila ang mga bff ni Kuya since college.
Helga : Pero ang pinakaimportante sa kanila, si Ash siyempre. ♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Seen by 4
Helga : Hala! Walang nagsasalita!
Helga : Hi, bestie!
Jenessy : Hello!
Jenessy : Nasa duty ako.
Jenessy : Hi, MM ko! (∩_∩)
Marcus : I love you, Jen. ^__^
Helga : Hala! Milabs!
Helga : Nauna mag-i love you si MM kay bestie kaysa satin!
Jenessy : PM na lang kita nung sakin. (>///<)
Marcus : Bakit hindi rito? (^ワ^=)
Jenessy : E... magtataob ng mesa si bestie. (>///<)
Helga : Talaga!
Helga : (╯°□°)╯︵ ┻━┻
Helga : ┻━┻ ︵ヽ('Д´)ノ︵ ┻━┻
Helga : Milabs! Yung I love you ko! 😞
Ash : Haha. I'll call you later.
Helga : Okay. 😆
Seen by 5
Hannah : Sorry, guys, nasa work ako.
Hannah : Hi, Dok Jiti! 😊
Jeric : Hello mahal kong pagong. Work well!
Jeric : Wag mong pansinin si Kulit. 😂
Hannah : Later, guys!
Helga : Balik ka, Hannah!
Hannah : Yea.
Helga : Ay! Iba yung purpose nitong GC!
Helga : Ate! Magsalita ka!
Jia : Anong sasabihin ko?
Helga : Pansinin nyo si Ate Jia! Future ni Kuya yan!
Helga : NAKA-FIRST BASE NA YAN KAY KUYA!!!!!!! 😆😆😆😆😆
Marcus : Hahahahahaha!
Jeric : Hinalikan ka ni babe?
Ash : Kiss?
Jia : No. More like, I kissed him.
Marcus : HAHAHAHAHAHAHAHA!
Ash : HAHAHAHAHAHAHA!
Jeric : HAHAHAHAHAHAHAHA!
Jia : =__=
Marcus : Sorry. We don't mean to offend.
Marcus : Ang gulo kasi ni Kulit mag-introduce.
Helga : Nakwento ko naman na sa inyo si Ate, di ba?
Helga : Ganito yun. Si Ate Jia, assistant ni Kuya sa FHRL.
Jia : Yeah. Sa cell research.
Helga : Si MM, ate, unang bestfriend ni Kuya sa BS Bio. Tunay na pag-ibig ni bestie yan.
Helga : Si Ash milabs, tunay kong pag-ibig. 😆
Helga : Si MM at Ash, nasa UCLA.
Jia : Familiar ako. Nakwento na ni Harry.
Helga : Nakwento ni Kuya sayo?
Jia : Yeah.
Jia : Si Jeric yung nasa Johns Hopkins.
Jeric : Yea.
Helga : Nung college, pasimuno si Kuya, ang tawag sa kanila, Trolls. Kahit na si Kuya lang naman talaga yung maingay.
Helga : Baka malito ka... may endearment yan sila sa isa't isa.
Helga : Si Marcus honey, si Jeric darling, si Ash milabs.
Jia : Si Harry, ano?
Helga : Harry babe.
Jia : Babe? He's a babe?
Jia : Hahahahahaha.
Jia : Kaya siguro nagugusot mukha kapag bini-babe ko.
Marcus : Bini-babe mo si Harry? Hahaha.
Jia : Yeah.
Jeric : What's happening right now?
Marcus : Kumusta si Harry babe? Walang paramdam e.
Ash : Pano mo naging hipag si Jia, love?
Helga : Teka, hindi pa tapos.
Helga : Si Jenessy, ate, bff ko. Nasa ospital siya ngayon so busy.
Jenessy : Yes po. Babasahin ko na lang yung pinag-uusapan nyo. (∩_∩)
Helga : Si Hannah, tunay na pag-ibig ni JT.
Helga : Ganito kasi yun, trolls... Di namin maintindihan si Kuya.
Helga : Nung nagpunta ako sa lab nila, laging nakatingin si Kuya kay Ate Jia!
Helga : Tapos, napapakain ni Ate si Kuya!
Jia : And yesterday, he shielded me sa matatapon sanang mainit na tubig sakin.
Jia : And he checks on me every night sa sleeping quarters kapag akala niya, tulog na ko.
Jia : BUT he ignores me all the time kapag nasa iisang lugar lang kami.
Jia : He transferred me to a new site kahit na mas maraming trabaho sa old lab.
Jia : And today, I got a letter relieving me from work.
Marcus : Nung hinalikan mo si babe, anong ginawa?
Ash : Baka nangisay sa kilig! Hahahahaha.
Jeric : Pwede. 😂😂😂
Marcus : Shhh! Tahimik, mga bata!
Marcus : Hahahaha.
Jia : Wala siyang ginawa.
Helga : Dalawang beses niyang hinalikan, walang ginawa. ( ̄^ ̄゜)
Marcus : Dalawang beses?
Jeric : Hindi pumalag?
Ash : Hindi tumakbo?
Jia : Hindi naman. Nagulat siya e.
Ash : Hindi nagugulat yun si babe!
Jeric : Maliban pag kinikilig!
Marcus : Baka nga kinilig!
Marcus : Hahahahahaha!
Ash : Hahahahahaha!
Jeric : Hahahahahaha!
Jia : Hindi naman pumalag. Hinawakan lang ako sa wrist tapos tumayo. Sabi kalimutan ko na raw.
Marcus : Pano sinabi?
Jia : "Forget this."
Jeric : Nakatingin sayo?
Jia : Hindi e.
Marcus : Baka note to self!
Ash : Hahahahahaha!
Jeric : 😂😂😂
Jia : Ano ba, boys! Seryoso!
Marcus : Hindi magugulatin si Harry babe. Mabilis reflex nun.
Jeric : Yea. Lalo na pag iilag.
Ash : Mabilis mag-isip yun.
Helga : Totoo. ( ̄^ ̄゜)
Helga : Kaya maingay e. Mabilis masyado mag-isip. ( ̄^ ̄゜)
Marcus : Medyo nakwento na ni Helga yung sayo at kay Harry.
Jia : Sinabi na rin ba ni Helga na pinsan ko si Neah?
Ash : Susko.
Jeric : Patay tayo diyan.
Seen by 6
Marcus : Madali lang naman basahin si Harry. Transparent yun e.
Jeric : Pero nung namatay si Neah, lumabo.
Marcus : Yes.
Marcus : Umuwi kaming lahat nun. Kasi, iniisip namin, maglulupasay siya sa iyak.
Jia : Anong nangyari?
Marcus : Wala. Kalmado.
Ash : Kalmadong-kalmado.
Ash : Pinabalik kami agad ni honey dito sa UCLA. Wag daw istorbohin pagluluksa niya.
Marcus : Naiwan si JT sa kanya.
Jeric : Pag-alis nila, hindi ko na maintindihan kung anong nangyari kay Harry.
Jeric : Hindi naman umiinom.
Jeric : Hindi nagwawala.
Jeric : Pero parang namatay nang unti-unti.
Jeric : Naubusan ng jokes. Tumahimik.
Jia : Tapos?
Jeric : Nag-resign siya sa ospital. Bumalik ng Stanford para sumama sa research ng Stem Cell.
Jeric : Kinuha ng prof niya.
Helga : Nag-away nga sila ni Daddy dahil dun.
Helga : Si Kuya kasi e...
Helga : MD na siya sa Stanford. Ipu-pursue niya na dapat yung Internal Med, then, Cardio-thoracic.
Helga : Pero, nakita niya uli si Ate Neah. Umuwi siya nun sa Pilipinas kasama si Ate Neah. Iniwan niya yung Stanford.
Helga : Nag-pursue siya ng Internal Med dito sa Pilipinas.
Helga : Pero after mamatay si Ate Neah, ayaw na maging doktor ni Kuya.
Helga : Pinag-awayan nila ni Dad.
Marcus : Ang hirap naman kasi nun. Sa aming apat, si Harry yung baliw sa internal organs.
Marcus : Siya rin baliw magdoktor.
Marcus : Tapos, biglang siya yung titigil.
Jeric : Yea.
Jeric : Kung gusto mong maintindihan si Harry, dapat alam mo yung siya at si Neah.
Jeric : Kasi, inilaban ni Harry yun hanggang dulo.
Ash : Namatay pa si Neah sa birthday ni Harry babe. Saklap.
Jia : What? Birthday ni Harry yung August 5?
Ash : Oo. Kaya nga masaklap.
Marcus : Sabi ni Helga, mahal mo si Harry.
Marcus : Pero si Harry, hindi lang pagmamahal ang kailangan nun.
Marcus : Pati tigas ng ulo.
Marcus : Loyal yun at hindi marunong sumira ng pangako.
Marcus : Ang tibay nga manuntok nun kapag sumisira kami sa salita namin.
Marcus : Kaya Ka Harry tawag namin dun e.
Jeric : Yea. At resigned na siya para maging ermitanyo at magsilbi sa humanity buong buhay niya nung nawala si Neah.
Jeric : He's difficult right now.
Marcus : Kaya kung di mo siya kayang mahalin nang buo, wag na lang.
Marcus : Kami na lang bahalang magligtas kapag magbibigti siya.
Marcus : Magsasama-sama na lang kami.
Jeric : Share sa lubid! 😂😂😂😂😂
Marcus : Para sweet! (^ワ^=)
Ash : Oo. Yung tipong aalagaan namin siya hanggang pagtanda. Si JT tagapalit ng diaper! 😂😂😂
Marcus : Si milabs ang tagahugas ng wetpaks! 😂😂😂
Jeric : Si MM tagapaligo! 😂😂😂
Helga : Ang gross nyo! Hindi tatandang mag-isa si Kuya!
Helga : Hindi pa nga siya naging masaya kahit kay Ate Neah dati!
Helga : 😭😭😭😭😭😭😭😭😭
Helga : Masaya ba yung nagmahal siya ng taong alam niyang mawawala anytime?
Helga : Kahit na sobrang hinintay niya si Ate Neah, masaya ba yun?!
Helga : 😭😭😭😭😭😭😭😭
Helga : Hindi ako papayag!
Helga : Gusto ko siyang makitang masaya talaga! 😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭
Helga : Gawan natin ng paraan!
Helga : 😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭
Seen by 7
Marcus : Gusto rin naming makitang masaya si Harry babe.
Marcus : Pero baka itinataboy niya si Jia kasi ayaw niyang makasakit.
Marcus : Kasi sigurado, hanggang ngayon, he's trying to stay true to his words.
Ash : Yes, he's like that.
Ash : He might be saving you from him.
Ash : Kaya kung kaya mo pang mawalan ng pakiramdam para sa kanya, sundin mo siya.
Ash : Considerate yun si Harry babe.
Ash : Hindi yun gumagawa ng bagay na hindi niya paninindigan.
Jia : Pano kung mahal ko talaga?
Jeric : Watch Neah's video first. Yung mga farewell videos niya kay Harry.
Jeric : Kung tingin mo, kaya mong mahalin si Harry kahit na masasaktan ka, kaming bahala sayo.
Ash : Ibebenta namin sayo si Harry nang buong-buo! 😂😂😂
Marcus : Tumpak! Hahahaha. 😂
Jia : May mga videos si Neah?
Jeric : Marami.
Jeric : Tuwing aalis si Harry sa tabi niya, gumagawa siya ng video para kung sakaling hindi siya abutang buhay ni Harry.
Jia : Gosh.
Jia : Sino sa inyo ang may kopya?
Helga : Ako!
Jia : Can I see it?
Helga : Sige, ate. Ise-send ko sayo.
Jia : Okay.
Jia : Kapag didiskartehan ko si Harry babe, sasabihan ko kayo, ha?
Marcus : Yep. Do so.
Ash : Hahahahaha. Hintayin namin yan.
Jeric : Pero panoorin mo muna yung video.
Jeric : Kung maisip mong iligtas na lang ang sarili mo, no one will judge.
Jia : Yeah.
Jia : I'll watch Neah's vids, first.
Helga : Basta gagawan natin ng paraan!
Helga : I know, may feelings si Kuya kay Ate Jia kahit kaunti.
Helga : I will make him happy this time!
Jia : I want him happy, too, H.
Helga : Yes!
Helga : I got him, this time! ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top