(-) Day 2816
(Neah and Harry)
SAT AT 08:27 PM
Harry : Partner!
Harry : Naniniwala ka ba sa love at first sight? 😁
Seen 08:31pm
Jineah : Ano ang probability ng love at first sight?
Harry is typing...
Harry : Awtsu! Ang hirap sagutin!
Harry : Kailangang i-analyze!
Harry : Wait, babe.
Seen 08:35pm
Harry : Ano ang probability na sa 3.3M enrollees ng 2012, mag-e-enroll tayo sa parehong school?
Harry : Ano ang probability na sa 23,767 enrollees sa STU, kasama tayo sa 1,279 na freshmen ng BS Bio?
Harry : Ano ang probability na sa 614 juniors, by this time, magiging blockmates tayo?
Harry : Ano ang probability na sa 42 students sa lab, magiging magka-partner tayo?
Harry : Ano ang probability na sa 19 female students sa block natin, ikaw lang ang makakakuha ng interes ko?
Seen 08:42pm
Harry : Jineah Aragon?
Seen 08:43pm
Harry : Hindi mo sasagutin yung question of probabilities ko?
Harry : Sayang yung banat! 😭
Seen 08:45pm
Harry : Awtsu... Tumatagal ang seen... 🔪
Seen 08:48pm
Harry : Hanggang seen na lang ba ang feelings ko?
Seen 08:53pm
Harry : Sineen mo lang, Neah?
Harry : Sineen mo! 😭
Seen 09:03pm
Harry : Awtsu. 🔪
Seen 09:11pm
Harry : Napakasakit... Kuya Harry... 😂
Harry : Wag kang mag-alala, crush. Crush pa rin kita kahit sini-seen mo ko.
Seen 09:13pm
Harry : Crush pa rin kita kahit kaka-seen mo lang uli sakin. Tapos, isi-seen mo na naman ako mayamaya lang.
Seen 09:17pm
Harry : Yown o! Kada seen mo umaasa ako ng reply kahit masakit umasa.
Seen 09:18pm
Harry : Kahit ang sakit-sakit na... 😭
Seen 09:19pm
Harry : Wag kang mag-alala, baby Neah. Hindi ako mapapagod umasa.
09:24 PM
Harry : Hala! 😨😨😨😨😨😨😨
Harry : 😱😱😱😱😱😱😱😱
Harry : Wala nang seen!!!
Harry : Bakit?????
Harry : Did I crush you too much?!
Harry : Please come back!!! 😭😭😭
09:37 PM
Harry : Ay, hindi. Baka tulog ka na.
Harry : Nakakapagod kasi mang-seen. Understandable.
Harry : Goodnight, Neah. 😂
10:12 PM
Harry : Pero seryoso.
Harry : I like you, Jineah Aragon. 😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top