Day 05.2

(Work Group Chat)

PROJECT Stem-CHD minus

Vina : Naka-strike agad ang Mahal na Hari, ang aga-aga.

Vina : Hindi man lang nakipagplastikan nang kaunti para hindi agad nakita ng newbies ang sungay niya. 😏

Kaye : Masama siguro ang gising. :D

Vina : Masama ang gising o walang tulog? Haha. One of these days, susuko ang optic nerves niyan ni Doc.

Frank : Magtrabaho raw kayo, girls. Sumbong ko kayo sa Mahal na Hari. :D

Sarah : Break time! :P

Frank : Oo nga pala. :D

Sarah : Wag kayong gumaya sa Mahal na Hari na puro utos at deadlines. Tao pa tayo na nakakaalalang kumain at huminga.

Frank : Bago kayo mag-ingay diyan, mag-hi tayo sa mga bago. Anti-shock man lang.

Kaye : Oo nga.

Vina : Hello, Jia! Hello, Ben! Welcome dito sa mas may buhay na group chat! 😁

Frank : Kumusta deadlines? 😂

Jia : Hello!

Ben : Ang Mahal na Hari ay si Dr. Lastimosa?

Kaye : Oo.

Vina : Oo.

Sarah : Wala nang iba. Ngayon pa lang, masanay na kayo. Tadtad mag-utos yan.

Vina : Maikli mag-deadline. Parang laging mauubusan ng oras.

Kaye : Mahigpit.

Frank : At laging sinisiraan ng team. :D

Vina : Wag kang ganyan, Frank! Haha.

Jia : Mukhang lagi ngang pinupulutan.

Vina : Kaunti na nga lang kasi magsalita, maiinis ka pa.

Vina : Hindi nakikinig yan. Pag nasabi na niya sasabihin niya sayo, babalik na siya sa Pluto.

Ben : May set of tasks na ko mula mamayang 5pm. Bukas, kasama na ko ng Team ng biotech.

Vina : Kitams! Hahahaha.

Ben : Ikaw, Jia?

Jia : Uh... Itong tore ng libro sa table ko. All related data by Friday.

Sarah : Next Friday?

Jia : This Friday. Haha.

Kaye : Aray! Good luck, teh!

Jia : I'm thinking of a system to work faster.

Kaye : Superhero dapat ang assistant ng Mahal na Hari e. Walang slow down yan.

Vina : Oy, hindi masama ugali namin dito a. Baka ma-shock kayo. Naglalabas lang kami ng stress dito sa chat.

Sarah : Oo. At madalas, source ng stress ang Mahal na Hari.

Jia : Matagal na kayo rito, di ba?

Vina : Oo. 6 months na ko.

Sarah : Same.

Kaye : 4 months ako.

Frank : Kasabay ko si Kaye.

Vina : Naabutan pa namin ni Sarah si Professor Hughes, yung head nitong research. Bago kami naiwan sa Mahal na Hari.

Sarah : Yep. Ang bait nun. Kaso, hindi nakakahawa ang kabaitan.

Jia : Hindi kayo naging close sa Mahal na Hari during those months?

Kaye : Oy, Vi! Closeness daw!

Vina : Nope. Never. Impossible.

Vina : Kung may mga taong pwedeng hulihin ang kiliti, ang Mahal na Hari, walang kiliti.

Vina : Tinry na namin lahat ng scientific approach na pwede.

Vina : Wala.

Sarah : He's too withdrawn. Kahit makipag-usap, walang kagana-gana.

Kaye : Maliban sa research niya.

Jia : Hm. Interesting.

Sarah : Anong interesting?

Frank : Nag-ping na ang Mahal na Hari sa chat group. Tawag ka, Kaye!

Vina : I hope he can see me rolling my eyes.

Kaye : Don't Vi. He's looking our way.

Sarah : Kaway kayo. O smile.
• 11:15 AM

√ Seen by everyone

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top