Chapter 9: Accidents Happen

Nathan's POV


Isang linggo na ang naka-lipas hindi na naging malinis ang pangalan nina Sparky,Yoseph,M.M,Audric at Luis. Lalong lalong hindi malinis ang pangalan ni Sparky dahil sa mga pulis na napag-hinalaan siyang killer at kasabwat. Pero nang ma-track ang texter,pamilya ng mga manghuhula ito at sinabi ng isa kay Sparky, pwede maging solusyon niya hiwalayan ang apat niyang kaibigan dahil malapit na ang panahon ng magkaka-away at poblema sila. Pero di ako naniniwala doon. May ibang paraan.

Today is December 13, 2014. Naalala ko tuloy yung second aircon namin sa baahy, dahil sa WorkEd project ako pina-uwi ni Sparky nung aircon na nagawa namin na group project. Exams na namin, first day of exams!

Habang naka-tulala ako katabi ni Delfin na sleepyhead ngayon, may narinig akong bagsak ng bag sa tabi ko na parang pamilyar..

May matangkad na lalaking naka-eyepatch ang isang mata at naka-eyeglass ang isa pa.

Si Anthony!

"Oi Anthony kamusta brad ko? Kamusta appendicitis mo?" Natawa kong sabi sabay hakbay sa kanya.

"Ang sarap mag-pahinga. At ang sarap ng feeling bago na belly mo at yung appendix thing..yung pagkatanggal nun masarap tignan. Pero miss ko ang school na ito. Lalo na mga kaklase natin. Buti naman di nag-tuloy na may namatay ulit pagkatapos nina Jean at Marck?" Napatigil ako sa sinabi niya.

"H-h-h-hindi patay na din sina Pacey at Christopher. Pero isang linggo mabuti na lang, wala nang sumunod." ngumisi na lang ako pagkatapos.

Napatigil nalang si Anthony bigla. Nagsimula siyang umiyak sa narinig.

Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari nung wala siya.

-----

Mag-e-exam na kami sa..Math!

Class Number 15 ako. Drake, Nathan Queneth A.

Divided into four rows with eight members each kami. 15 ako so second to the last ako.

Katabi ko si Class Number 23 na si Vicente at isa pang katabi ay si Class Number 7 na si Jude Apalyar.

Sa harapan ni Jude si Luis. Sa harap ni Vicente si Sparky. Sa likod ko si Inigo Dumaran.

May vacant seats eh. Class Number 12, si Pacey Castañeda tapos Class Number 18 si Jean Espiritu tapos class number 30 si Marck Pajero at class number 32 at Christopher Veloso.

"Class I'll adjust the vacant seats. Class Number 8 dito ka sa lugar ni class number 9. Backward kayo isang chair class number 9,10,11,13,14 at 15. Class Number 16 doon ka sa place ni class number 17. Tapos class number 17 move backward one chair, sa upuan ni Jean." Sabi ni sir Traijan.

Gumalaw na kami.

"Hanggang kay Vicente or class number 23 lang dito sa third column, Class Number 24 doon ka sa . . Class Number 25 hanggang 29 usog. Class Number 31 sunod." Sabi ni sir Traijan.

Nag-ayos na kami.

"Kung pang-ilan kayo ngayon sa klase or kung anong class number inuupuan niyo, yan na class number ninyo. Pag dumating ang mga exam papers, yun na ang class number na isusulat niyo. Klaro ba mga pogi?" Sabi ni sir Traijan.

"Opo."

Class Number 14 na ako. Yuhooooo!

Pero mahirap mag-adjust..paano kung tuloy tuloy kaming mauubos o mapapaslang ng sunod sunod, edi paiba-iba?

Pagkatapos ng isang minuto,dumating na ang test papers.

-----

Nag-recess..

"Delfin, uyy musta? Musta yung test ng CLE?" Tanong ko.

"Madali lang. Halos puro essay eh. Hehehehe. Ikaw?" Sagot ni Delfin.

"Medyo mahirap. Hindi ko mapa-kalma isip ko kanina. Lalo na sa golden rule." Sabi ko.

"Nathan. Hindi ba Golden Rule yung theme ng patayan natin? Baka talagang kasabwat ang school dito. Hindi ba kinuha ang mga sagot natin sa golden rule stuff na yan kaya namamatay tayo. I mean, yung sequence ng namamatay hindi ba sa mga sagot natin?" Sabi ni Delfin.

Napatigil ako doon.

May naisip ako bigla..

"May plano ako. Mamayang dismissal, punta tayo faculty at kunyare kakausapin si Ma'am Violet. Or, make sure na wala sa faculty si Teacher Violet at paalam natin sa ibang teachers na may pinapalagay. Pa-simple ka may ilalagay. Umm pwede natin gamitin si Sparky. Yayain niya si Miss Violet na kumain ng lunch. Tapos, kuha tayo ng ilang quiz papers doon at kolektahin sa bag natin. Tapos, ayusin natin drawer niya at paalam na. Dulo naman si Miss Violet at katabi niya si Miss Cactus and yes! Absent si ma'am ngayon." Sabi ko.

"Sang-ayon ako. I'll just do it carefully but surely. Sige. Sabihin na natin kay Sparky." Sabi ni Delfin

***

Naglalakad sa Savio Quadrangle ang magkakaibigan na sina Luis,M.M,Audric at Yoseph.

"Luis..kaninang CLE time naka-tulog ka. May napanaginipan ka ba parang depressed ka nun.." Sabi ni Yoseph.

"Oo. May mamatay. Pero di ko makilala mukha. Ang killer naka-mask at wala akong makitang mukha. Di ko alam kung recess,or bukas or kailan pero nasa isang room. Mukhang gradeschool ata eh." Sabi ni Luis.

"Eh ano naman gagawin niya kung sino man yun sa isang gradeschool room?" Ani M.M

"Teka lang tahimik kayo. Nararamdaman ko na ang panaginip ni Luis ay kasalukuyang nangyayari ngayon.." Sabi ni Audric.

"Hah? Ano? Seryoso ka? Pero--- a----hindi maari. Piling ko hindi ngayon mangyayari yun." Sabi ni Luis.

"Oo. Nababasa ko isip niya." Sabi ni Yoseph.

"Wala na tayong oras. Mukhang nangyayari na ngayon yun. Nasa I.T.C building kung saan nan doon yung grade 4,5 and 6! Dali!" Sabi ni Audric na sumasakit ulo.

Tumakbo sina M.M,Yoseph at Luis.

Sumunod si Audric.

Nang marating nila ang tapat ng gym..

May kotse...

Hindi naka-takbo ng mabilis si Audric dahil sa paggagamit ng kapangyarihan kaya nabangga siya ng truck kaya tumalsik siya at tumama sa gate ng gym.

"Audric!!!!" Sigaw ng tatlo.

"Okey ka lang, hijo? Pasensya na ha. Di ko sinasadya. Bigla ako napakamot sa mata ko dahil may duming pumasok kaya ganun." Sabi ni Mang Rolly, ang kilalang taga-luto at taga-pag-deliver ng mga supply ng pagkain sa school canteens.

"May sugat siya sa noo,marami sa braso at sa paa. Pero humihinga pa siya." Sabi ni Luis.

"Oo buhay pa siya pero hindi okey. Wala akong nakikitang kaluluwa ngayon." Sabi ni M.M.

"Dalin siya sa clinic!!!!" Sigaw ni Yoseph.

Binuhat ni Mang Rolly si Audric papuntang clinic. Sumunod ang tatlo.

Nang maka-rating sila sa clinic...

"Salamat at pasensya po Mang Rolly. Nagmamadali po kasi kami eh. May panaginip nanaman si Luis at naramdaman ni Audric na nangyayari na kasalukuyan ang panaginip niya. Papunta kami sa I.T.C Building at yun.." Sabi ni Luis.

"Ako may kasalanan. Di ko na malayan. Ikinalulungkot ko na hindi kayo umabot doon sa kailangan niyo at napilay pa kaibigan niyo. Ako na saguro bahala kay Audric. Kayo na kung saan kayo pupunta. Ito nga pala bayad sa nagawa ko." Sabi ni Mang Rolly sabay abot ng 100 pesos.

"Wag na po mang Rolly. Wala yun. Nagawa mo man yun,di kami galit sa iyo o kailangan ng bayad. Naawa na po kami sa anak niyong si Inigo na kaklase namin eh. Pumapasok na walang baon para lang makatipid at matuloy pag-aaral. At salamat sa pag-tulong. Sige, mauna na kami. Baka kung ano na nangyari! Alagaan niyo po si Audric ah!" Sabi ni M.M

Kumaway na ang tatlo at umalis.

Naka-punta na sila sa Third floor ng I.T.C building, kung saan nangangamoy sunog.

"Ayun, maraming tao sa Science Lab ata. Dali!" Sabi ni Yoseph.

Tumakbo sila at nakihalubilo.

"Ano nangyari? May nangangamoy na mabahong sunog at patay na hayop. Sino namatay?" Sabi ni Luis.

"Well,three students were found dead inside the lab. Highschool students. The names are Angelo Marinduque, Vicente Ipil and Jude Apalyar." Sabi ni Andrei Miguel Hermosa, isang grade 6-Zatti student.

Nagulat ang tatlo. Nag-simula silang mag-iyakan.

"Namatay dahil sa mga chemicals at I think experiment sa loob. Alam ko sila yung tatlong highschool students na pinapa-alaga ng lab for this week, di ba? Nag-experiment ata sila. Since highschool din kayo mukhang kilala niyo din sila. Sa iyo itong sulat na ito. Napulot namin sa mga bangkay. Teka, 5 minutes na lang bell niyo na, ah? Sige mauna na kayo. Baka mahuli kayo. Kung kaklase niyo sila, kung 10-Zatti kayo, 25 nalang kayo at sana tumigil narin ito." Sabi ng isang teacher.

"Ay sh*t. T*ngina." Sabi ni Yoseph sabay kuha ng papel.

"Tara na guys, mukhang nahuli tayo. Nakuha na saguro ang mga bangkay. Mahuhuli tayo, exams di ba? Tatakbo na ako." Sabi ni M.M

"Oo nga. Ito ang panaginip ko. Pero bakit ganun, kung kailan bumabait na si Vicente bakit pa siya namatay?!?!?!?!?" Sabi ni Luis at sumunod kay M.M na tumakbo.

Sumunod ang galit na galit na si Yoseph.

Pagkadating nila sa classroom, saktong nag-bell at binigay mga test papers. Bago pa sermunan ng guro ang tatlo dahil late, pina-iyak muna ang buong klase sa pagsabi ng balita. Kasama narin ang balitang pilay si Audric.

Dismissal...

Delfin's POV

Nandito na kami nina Nathan at Sparky sa labas at tapat ng faculty room.

Biglang lumabas si Miss Violet.

"O, bat nandito kayong tatlo?" Tanong ng guro sabay ngiti.

"Ah, may binalikan po kasi kami sa klasrum." Sabi ni Nathan.

"Miss Violet, magla-lunch ka po ba? Sama na ako?" Nahihiyang sabi ni Sparky.

"Ah, oo. Lunch nga, sige bahala ka kung gusto mo sumama." Sabi ni Teacher Violet at nag-ayos ng buhok.

"Tara na po?" Sabi ni Sparky at hinawakan kamay ni Teacher Violet.

Naglakad na silang holding hands. Kinilig ako haha.

Pumasok na kami sa faculty room.

Hindi namansin yung mga teachers, haha!

"Nathan, dito bilis!" Bulong ko.

Agad na hinalungkat ni Nathan ang drawer. Nilagyan ko ng papel para kunyare may ilalagay.

Tapos, nakita na namin yung test papers.

Tinago ko si Nathan sa pamamagitan ng pagtatatayo at pagkakaway sa mga guro,

"Hello po. Kamusta po kayo? Hanggang ngayon po may nakalimutan ibigay yung iba namin kaklase kaya ganun.." Ngumiti ako.

Ngumiti lang ang mga guro at kumaway. "Ah, tapos naman na conduct deliviration at inaayos namin yung grade ng bawat studyante." Sagot ni sir Ryan.

Kinurot ni Nathan binti ko.

Agad akong tumalikod. Nakita ko siyang kakalagay lang ng mga test paper sa bag niya.

Sinarado ko ang drawer at inayos ang lahat.

"Paalam po mga guro. Tapos na kami." Bati ko.

Ngumiti ulit sila at kumaway.

"Ingat ha?" Babala ng mga guro

Nang maka-rating kami sa service..

"Delfin. Mukhang di ito kompleto pero ayos lang. Tlea sandali bakit kay mga number pala yung iba dito? Yung kina Jean,Marck,Christopher,Pacey,Vicente at Angelo pati kay Jude. Anyare?

***

Sparky's POV

Ito na ang pagkakataon..

Ang bilis ng tibok ng puso ko..

Parang nasa heaven na ako dahil kasama ko siya..ang crush ko.

Pero parang gusto ko na ipag-tapat sa kanya ang sikreto ko.

Oras na ba?

"Miss Violet. Kanina pa tayo nagtatawanan at nagkukwentuhan, may gusto sana akong ipag-tapat sa iyo.." Kinakabahan kong sabi.

Nag-buntong hininga ako.

"Ano yun?" Ngumiti siya sa akin.

Tumigil ako ng sandali at huminga ng malallim.

Hinawakan ko mga kamay niya.

"Simula nung first day mo as teacher dito nainlove na ako sa iyo. Crish na kita. Sobrang ganda mo at sweet. Lagi ako nahihiya pag ikaw teacher pero nagpapakitang gilas naman. Kaya pinakamataas kong grade na subject sy CLE ay dahil sa iyo. Ngayon na nakuha ko ang pagkakataon. Gusto ko sabihin na kahit paman mas matanda ka sa akin ng 4 years ay mahal kita. May nararamdaman talaga ako sa iyo. Hindi ko mapigilan sarili ko," nanginig ako. Naramdaman ko na lang ng habang nagsasalita ako, hinihigpitan niya hawak sa kamay ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan mukha ko. Nararamdaman ko mga kamay niya, makinis at maputi.

"Crush mo pala ako. Alam mo, ikaw pinakagusto kong estudyante. Dahil sa totoo, di naman ako kasingtalino mo nung nag-aaral pa ako kaya hanga ako sa iyo. Para nga mas matalino ka pa sa akin paminsan eh. At sa ilang araw nala-like kita dahil ang cute mo magpakitang gilas sa subject ko. Bigla akong napahuka bigla na baka isa ka sa mga studyanteng may gusto sa akin. At ngayon na pinag-tapat mo, natutuwa ako sa iyo. Hindi ko alam kung ano pwede ko mabigay sa iyo.." Nilapit niya ang mukha niya sa akin.

Hinalikan niya ako sa pisngi ko.

Niyakap ko siya ka-agad.

Sobrang saya ko ngayon..

Ang higpit ng yakap ko sa kanya.

"Sayaw tayo, gusto mo?" Tanong ni crush sa akin.

"Kung magiging magkaibigan pa tayo, sana malapit na maging tayo." Sabi ko.

Tumawa na lang siya at saka tumayo.

Tumayo din ako. Sumayaw kami sa tapat ng mga classroom.

Ang sarap ngayon..BEST DAY EVAH!

Author's note: flashback o scene ng pagkapatay kina Vicente,Jude at Angelo ay ipapakita sa next chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top