Chapter 8: Revelations

Sa bahay ni Sparky.

"Grabe ano ba pinagsasabi nitong texter na ito? May kapangyarihan mga kaibigan natin? Kaming dalawa lang ni Delfin ang mapapagkatiwalaan? Bakit? At sino ba talaga ito, baka naman naliligaw lang na text ito. Baka niloloko ka lang!" Sabi ni Nathan.

"Ewan ko ba.." sabi ni Sparky

"Piling ko totoo eh. Di lang siya nagpapakilala. Baka siya killer. Ewan ko. Pero sa sinasabi niya parang kasabwat siya." Sabi ni Nathan.

"Paniniwalaan ko na siya? Mukhang totoo may kapangyarihan sila, pero di pa sapat evidensya dahil si Luis pa lamang ang natutuklasan at nasabi niyang tama. Di ako sure kay M.M kung may third eye talaga siya. Kay Yoseph at Audric, di ko kilala sa kanila kung sino may mind-reading power." Sabi ni Sparky.

"Yun lang ba pag-uusapan natin dito?" Tanong ni Nathan.

"Yun lang ba pag-uusapan natin dito?" Sabi ni Delfin na nangagagaya ng sinasabi.

"Siyempre hindi. Makikipaglaro din kayo.." Sagot ni Sparky.

"Siyempre hindi, makikipaglaro din kayo." sabi ni Delfin na ginagaya sinasabi.

"What the heck Delfin?" sabi ni Sparky na natawa.

"What the heck Delfin?" sabi ni Delfin.

"Ah Sparky, masanay ka na dyan kay Delfin, sarcastic at nanggagaya ng sinasabi, pilosopa pa. Nakakatawa talaga yan. Ang sarap niya kayang kasama, yan yung mga gusto kong kasama hindi sina Francis Adobo." Sabi ni Nathan.

Tumigil na si Delfin.

Nanonood sila ng TV at naglaro sa PS 2.

***

Sa bahay ni Yoseph.

From: Teacher Traijan
Class, I'm so sorry for being absent for 2 days. I am not feeling well,I have headache plus stomachache. I cancel the make-up class tomorrow, okay? No more make-up class for Grade 10 tomorrow. Thanks.

"Yes! No make-up class tomorrow!" Ani Yoseph.

"Ha-ah." Fake laugh ng kapatid ni Yoseph na si Yasmin.

"Bakit mo ako gustong pumasok bukas?" Tanong ni Yoseph.

"Putik ka, binabasa mo ba isipan ko, nanaman?" Sabi ni Yasmin.

"Ate alam mo naman di ko maiwasang gawin iyon lalo na't kapatid kita." Sabi ni Yoseph.

"Ibigsabihin sa mga kaklase mo nagagawa mo rin ito?"Tanong ni Yasmin.

"Ngayon taon ko lang nga nalaman na kaya ko bumasa ng isip eh. Dati dati nanghuhula ako kung ano nasasabi ng tao sa isip nila at tuma-tama ako at ngayon ko lang nalaman ang kapangyarihan na iyo. At ngayong taon lang ako napa-bilis ng pagbabasa. Si Teacher Juno at sir Traijan lang nakaka-alam ng sikreto ko na mind-reader ako." Sagot ni Yoseph.

"Oh si sir Traijan, yung kaibigan mong teacher na adviser mo rin? Saka uyy si Miss Juno, yung crush mo! Kaya pala ang lapit ng loob ni miss Juno sa iyo. Parang crush ka din niya. Pero hindi lang niya alam na crush mo siya. Ang astog talaga ng lahi natin, mga mind reader! Pero ako pag nagbabasa ng mga isip tumatawa ako haha. Tulad ngayon nababasa ko isip mo si Miss Juno!!!!" Sabi ni Yasmin.

"Ang sarap maglaro ng mind-reading noh? Teka may naririnig kang ring ng cellphone?" Ani Yoseph.

"Oo. Bandang dito sa kama kung saan ako naka-upo. Nagva-vibrate. Bat mo ba kasi lagi tinatago sa ilalim ng kama?" Sagot ni Yasmin.

"Wala lang haha, para di makuha ng magnanakaw at tago talaga. Pero alis ka muna sa kama ko."

Tumayo si Yasmin at sumandal sa pader.

Kinuha ni Yoseph ang cellphone niya.

"Sino ito? 0987654321?"

New message!
"From: 0987654321
Yoseph, I know your secret. You have mind-reading power. You may use this in finding the possible killers of your classmates.

"Sino ba itong 0987654321 na ito? Nakakabwisit di ko naman kilala pero tinetext ako. Pero mukhang meaningful message..." Sabi ni Yoseph.

***

Luis' POV
Zzzzzzzzzzzz
"Mrs.Hermosa. We, policemen are currently doing search warrant for the 10-Zatti houses. Would you let us in? Just some check to know about the killers or mga kasabwat from 10-Zatti. Kung di ka aware, apat na napatay sa klase ng anak mo. So let us in." Sabi ni Jericho Coronado.

"Oh sure sige. Pasok kayo." Confident na sabi ni Shane Hermosa.

Pumasok mga pulis sa bahay ni Sparky..

Agad silang naglakad papunta sa kusina.

"Umm, isang kutsilyo na may tali! Aha! Chris Reeve knife! At wow, hindi ba buck knife ito at spyderco pocket knife? Finally kayo ang hinahanap namin..na saan ang anak mo?" Sabi ng isang pulis.

"Bakit po, ano meron?" Tanong ni Nathan mula sa hagdan. Nasa likod niya sina Sparky at Delfin.

"Bakit kayo may mga ganitong kutsilyo, ha? Ang kutsilyong ginagamit ng killer? Kayong Hermosa family ang suspek!" Sigaw ng isang pulis.

"Inay? Sobra na ginagawa mo, ako pa dinadamay mo? Ikaw ang killer, noh? Kaya ka pala ganyan, halatang halata dahil isa kang tunay na mamatay tao!!! Pinatay mo
sila papa, ikaw ang killer! Tigil mo na ito, puwede ba? Tapos di na malinis pangalan ko sa eskuwelahan dahil sa iyo!"

"A-a-ah di ko alam kailan pa nagka-ganito. Sparky, anak kahit paman nagawa ko yun di ko dadalin mga kutsilyo na ito dito saka kailan pa ako gumamit ng ganitong mga kutsilyo? Di ko po talaga alam. Wala akong nilalagay na kutsilyong ganito. Mahal ang mga ganitong kutsilyo at kung ako man ang killer, hindi saksak-saksak gagawin ko, baril, pana or mga non-melee weapons lang. Saka...kitchen knife lang gagamitin ko kung mga melee gagamitin kong pamatay..saka sa ibang bansa yan uso eh, anak Sparky, sana maintindihan at malaman mo totoo. Di ako nagsisinungaling." Sabi ni Shane Hermosa

Namamangha ang tatlong magkakaibigan..

"Guilty? Or innocent. Kung totoo nga sinasabi mo, puwede na ang dalawang kaibigan ng anak mo suspek.."

"Hindi rin. Noong dumating sila dito, never sila pumunta sa kusina o bumaba. Jusko, pano ba ito?" Sabi ng mama ni Sparky.

Nagising na ako mula sa panaginip ko!

"Naku, panaginip lang? Pano kung totoo ito? Kailangan ko iligtas sina Sparky!"

Bakit nga pala ako nakatulog dito sa sala.

Oo nga pala dahil nakaka-antok yung music kanina nila lolo at lola.

"Lolo, Lola kailangan kong umalis. May panaginip nanaman ako. Baka magkatotoo huhuliin ng pulis sina Sparky dahil napagbintangan. Kailangan natin sila maligtas. Lolo Nelson, ikaw na lang sumama sa akin." Sabi ni Luis.

"Baka wala ng panahon, dali ayos naman bihis natin, parehas tayong naka-t-shirt at pajama eh." Sabi ni Lolo Nelson.
"Ingat kayo, ha!" Sabi ni Lola Leng.

Tumakbo na kami ni lolo at sumakay ng kotse. Buti kabisado ni lolo ang daan patungo sa San Juan.

***

Sa condo unit ni M.M..

"Kuya M.M! Kumasta?" Sabi ni Marita, ang kapatid ni M.M na nasa edad na katorse.

"Kumasta? Parang kakadating ko lang ah? Di kaya bakit kumasta? Siyemore laging happy? Kailan ba ako naging unhappy ng mahabang oras?" Sabi ni M.M

"Never say Never ka sa pagiging unhappy di ba? Ang ibigsabihin ng kumasta ko ay ang pagkakamusta sa ginagawa mo? Eh ano, may nakita ka nanaman na ka-edad mong multo? Ako nakita ko si kuya Marcus isang beses, which is kagabi muwahahah, sinabi sa akin may apat na gusto kang multuhin at kay mahalagang sasabihin.." Sabi ni Marita.

"M.M.." May tumawag, lumipad mga kurtina.

"Sino yan? May tao? Ang alam ko nag-puntang mall sila inay?" Sagot ni M. M

"M.M.." May tumawag ulit.

"Marita, alis ka muna ako na dito." Sabi ni M.M

"Oh sigeee pooo." Sabi ni Marita at pumunta na sa kwarto nila ni M.M

"Teka lang ah, para kasing pamilyar yung boses mo. May nagmumulto ulit ba o, si kuya, si ate, si itay o si inay yun?"

Biglang nagpakita si Jean, nakahiga na may dalawang kutsilyo na nakatusok sa kaliwang dibdib.

"Jean? Ikaw ba yan? Ikaw lang pala nagmumulto sa akin?"

"Oo. M.M, ikaw lang nakakakita sa akin. Tulungan mo kami.."

Nagpakita naman si Marck, nakaluhod, wala nang braso, duguan ang leeg at may saksak sa likod.

"Marck? Ikaw din? Ano ginagawa ninyo dito? Tinatakot niyo ba ako? Ano kailangan niyo?"

"Hustisya!" Sabi ni Marck.

Nagpakita naman sina Pacey at Christopher. Si Pacey ay nakatayo, hawak ang kanyang ulo at may saksak sa tagiliran. Si Christopher naman ay naka-upo, may dalawang sai sa noo at may tatlong pana sa tiyan.

"Pacey, Christopher nandito rin kayo? Bakit kayo nagpapakita saakin? Ano ba meron sa akin bakit ko kayo nakikita?" Tanong ni M.M

"Dahil ikaw lang sa 10-Zatti ang mabait na may third eye. Ikaw lang makakatulong sa amin." Nagsalita ang ulo ni Pacey.

Natakot si M.M.

"Tulungan mo kaming makakakuha ng hustisya sa pagkamatay namin." Sabi ni Christopher.

"Ikaw lang makakakita, makakarinig, makakaramdam at makakatulong sa amin. Ito ang misyon mo. Kung sino man susunod sa amin na mamatay, parehas lang gagawin mo." Sabi ni Jean.

"Kaya mo ba? Isa ka sa mga makakatulong. Di namin kailangan ng mature M.M, kailangan lang namin ng mabait at matulungin na M.M. Ngunit wag mo kakalimutan bukod sa third eye may isa ka pang kapangyarihan. Ang kapangyarihan ng pag-iisip. May mga childish na taong magaling sa pag-iisip. Maniwala ka sa amin." Sabi ni Marck.

"Pero paano? Napakahirap ng ginagawa niyo!!!" Sabi ni M.M

"Walang bagay na mahirap kung pagsisikapan mo ito. Ang salitang mahirap ay pampabigo lang sa iyo. Kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan. Namatay kami dahil sa kasalanan. Naniniwala kaming kaya mo gumawa ng paraan para dito." Sabi ni Pacey.

"Kaya mo ito. Pag nagtiwala ka sa sarili mo, you're halfway there. Ang taong hindi naniniwala ay nabibigo. Lahat ay positive kung positibo ka." Sabi ni Christopher.

"Paalam." Sabay sabay ng apat na sinabi.

Kumaway si Jean.

Nawala na sa paningin ni M.M si Jean.

Kumaway si Marck.

Nawala na si Marck.

Kumaway si Pacey.

Nawala na si Pacey,

Kumaway si Christopher.

Nawala na si Christopher.

Si M.M ay litong lito at takot na takot.

Nilapitan siya ni Marita at niyakap.

"Hey, were you listening to us all along?" Sabi ni M.M na ginagaya voice ni Michelangelo ng TMNT.

"Haha. I guess.." Sabi ni Marita.

***
Sa bahay ni Audric.

"Piling ko, inay may masama nanaman na nangyari. Mula sa apat na bahay." Sabi ni Audric.

"Anak, nahuhulaan ko din. Mukhang may mga multo, may nag-aaway sa text, may mga tao na napagbintangan ng mga pulis at may ba-aksidente sa sasakyan." Sabi ng inay ni Audric na si Audrey habang hinahanap ang kanyang bolang kristal na ginagamit sa panghuhula ng pangyayari.

***

Nasa hospital sina Luis at ang kanyang lolo Nelson.

"Lolo, okay ka lang po? Sensya na sa pagmamadali ko sa iyo, napabangga kita dito sa motor na ito. Buti na lang di tayo namatay o nasa malapit na kamatayan. Ngunit napalapit sa kamatayan naman natin si manong at ang kanyang anak." Sabi ni Luis.

"Wag mo sisihin sarili mo. Kasalanan ito ng motorsiklo, sobrang bilis, hari ng kalsada at ako na nahihihi." Sabi ni lolo Nelson,

***
Kina Yoseph.

"Buwisit! Nakikipag-patol na ako sa texter na ito ayaw pa rin magpakilala! Puro explaining na lang!" Sabi ni Yoseph.

"Don't worry kuya inaantay ko na lang reply ng globe mai-track kung sino man yan." Sabi ni Yasmin.

"Nagagalit na ako dito minumura na nga ako, tapos nanakot pa!" Galit na sabi ni Yoseph.

"Wag mo na kasi patulan." Sabi ni Yasmin.

***

Kina Sparky..

"Mrs.Hermosa. We, policemen are currently doing search warrant for the 10-Zatti houses. Would you let us in? Just some check to know about the killers or mga kasabwat from 10-Zatti. Kung di ka aware, apat na napatay sa klase ng anak mo. So let us in." Sabi ni Jericho Coronado.

"Oh sure sige. Pasok kayo." Confident na sabi ni Shane Hermosa.

Pumasok mga pulis sa bahay ni Sparky..

Agad silang naglakad papunta sa kusina.

"Umm, isang kutsilyo na may tali! Aha! Chris Reeve knife! At wow, hindi ba buck knife ito at spyderco pocket knife? Finally kayo ang hinahanap namin..na saan ang anak mo?" Sabi ng isang pulis.

"Bakit po, ano meron?" Tanong ni Nathan mula sa hagdan. Nasa likod niya sina Sparky at Delfin.

"Bakit kayo may mga ganitong kutsilyo, ha? Ang kutsilyong ginagamit ng killer? Kayong Hermosa family ang suspek!"

Sigaw ng isang pulis.

"Inay? Sobra na ginagawa mo, ako pa dinadamay mo? Ikaw ang killer, noh? Kaya ka pala ganyan, halatang halata dahil isa kang tunay na mamatay tao!!! Pinatay mo
sila papa, ikaw ang killer! Tigil mo na ito, puwede ba? Tapos di na malinis pangalan ko sa eskuwelahan dahil sa iyo!"

"A-a-ah di ko alam kailan pa nagka-ganito. Sparky, anak kahit paman nagawa ko yun di ko dadalin mga kutsilyo na ito dito saka kailan pa ako gumamit ng ganitong mga kutsilyo? Di ko po talaga alam. Wala akong nilalagay na kutsilyong ganito. Mahal ang mga ganitong kutsilyo at kung ako man ang killer, hindi murder gagawin ko, baril, pana or mga non-melee weapons lang. Saka...kitchen knife lang gagamitin ko kung kutsilyo gagamitin kong pamatay..saka sa ibang bansa yan uso eh, anak Sparky, sana maintindihan at malaman mo totoo. Di ako nagsisinungaling."

Namamangha ang tatlong magkakaibigan..

"Guilty? Or innocent. Kung totoo nga sinasabi mo, puwede na ang dalawang kaibigan ng anak mo suspek.." Sabi ng isang pulis

"Hindi rin. Noong dumating sila dito, never sila pumunta sa kusina o bumaba. Jusko, pano ba ito?" Sabi ng mama ni Sparky.

Author's note: na-reveal na dito powers nila. Next chap, magkakaPOV na sina Nathan at Delfin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top