Chapter 19: Knife in the Air!
Author's Note: napaka-iksi lang nitong chapter na ito dahil ipapakita o ipapabasa ko lang yung dapat masagot nina Anthony at M.M na mystery. This is just for some answers and knowledge. So, alam kong mabibitin kayo hehe. Babawi ako next chapter, siningit ko lang itong chapter na ito. Actually nagawa ko na yung next chapter, ang haba! Doon ako babawi, okey? By the way, kung kay nagtatanong kung ilan na lang chapters, mga hanggang 35. Nasukat ko na, di magkakasya kung 30. Sakto lang kung 35+ Epilogue. Okay? So last 17 parts. Nakikita ko naman yung silent readers, lagi niyo binoboto new chapters ko. Pero malaki pasalamat ko kay @-Kratos- dito sa story. I'm always inspired na ipagpatuloy gawa ko dahil hindi siya silent reader. Nakakatawa pa siyang kag-comment.
January 1,2015 1:00 AM
Luis' POV
Habang nagcecelebrate kami ng New Year 2015, nais ko sanang magtanong kay Anthony tungkol sa mga papel na nadiskubre niya sa Old House na yun. Atso M.M, nakalimutan niya yung task ko sa kanya nung Christmas Party pa. Sa bestest friends ko, pinakaclose ko si M.M. Unang una hindi ako kasing talino nina Sparky at Yoseph saka hindi maka-relate manlang sa kanila. Tapos paminsan si Audric kasi gusto alone saka ang tahimik, malalim iniisip palagi eh ako yung taong maingay at maligalig. Parang pag kasaya kami, ang least happy si Audric. Kami ni M.M halos magkapareho ng interest at kami pinakamasayahin. In fact, parang kaya din niya patugtugin karamihan ng instruments pero siyempre mas magaling ako. Pero sa patawa, mas magaling siya. Kahit maloko din si Yoseph, iba kami kasi di kami napipikon. Saka napaka-galing na dancer at may pagka-acrobat yan si Yoseph. Paminsan, pikon si Yoseph.
"M.M, nalaman mo na ba yung tungkol sa namatay na relatives nating magkakaklase? Ah..sino yung kulang di ba 31 sila? Binigyan kita ng 15 days sa discovery mo kasama sa pag isip ng pampabura ng sumpa. Pero dahil sa mga nangyari at napagdaanan natin, malamang di masyado maganda nagawa mo. Kaya.. let me know nalang ang sagot mo." Sabi ko kay M.M.
"Well, 31, di ba? Lahat, may relative doon pero maraming magkakapareho. Tapos yung iba hindi lang isa namatayan, Ang alam ko, si Sparky may pinakamadaming namatay 4 relatives. Sin, Parker, Roonel at Oliver. Tapos hindi pala 31 yun. May isa, noong hinipan ko may bloodstain na makapal na tinakpan yung title o pangalan nung tao pero yung picture niya, naka-shades at cap. Di ko manlang siya makilala. At malaking text naka-sulat: FIND ME." Napatigil ako sa sinabi niya. Nadismaya ako. Akala ko may sagot na kung sino ang walang namatay na relative pero wala pa pala.
"May I know kung sinu-sino yung parehas ng relative..may..may magkakadugo ibigsabihin sa klase?" Sabi ko.
"Oo. Di ako sure pero hinanap ko yun family tree.Kami ni Yoseph, may dalawang relatives na namatay. Wag na natin isama yun. Tapos sina Donaldo,Henry at Willyum I think magkakapareho ng 3 relatives na namatay. iisang tito, at iisang kambal na pinsan. Alam na ba nilang tstlo na magkakadugo sila? Tapos..sina Jean at Toro magkapatid..tinatago nila ito. Magkapatid sila sa ama. Sina Vicente at Marck naman ay magpinsan..ngunit di nila ito alam. Naka-usap ko si Vicente ng makita niya ako noong isang araw na kinakalimot family tree nila. Sinabi niya sa akin ang masakit na katotoohanan na magulo pamilya nila kaya di manlang nila maalam na mag-pinsan sila. Naghiwalay kasi yung inay niya at kapatid, lagi nag-aaway. At ito pa, nag-palit sila ng anak. Kaya Marck Ipil at Vicente Pajero ang tama. Si Carlo Ipil ay ang itay ni Marck na mabait, inalay buhay para sa kanyang asawa na tumigil makipag-away sa kapatid. Yung magkapatid na iyon, nasisiraan, pumapatay ng mga tao bilang contest daw. Pero nakakapagtaka kung di sila nagpapatayan. Pero, ilang beses sila nagka-aksidente dahil sa away. Si Francis? Hindi niya kamag-anak mga co-sigaboss niya. Kaya pala may magkakaugali sa lima." Sabi ni M.M
Napatulala ulit ako pero napasalita na ako na tuwang tuwa. "Kaya pala sina Vicente at Marck ay ang pinakamabait na sigaboss. Di ba biglang bumait si Vicente ng aka,tay si Marck? Siguro dahil nalaman na niya ang totoo at nililihim niya ito. Saka medyo snatcher yan si Vicente. Tapos sina Toro at Jean ay pala-mura at sila ang mas masama. Lesser intelligent. Di ba lahat ng 10-Zatti matatalino? Saguro ang may pinakakonting talino sa atin ay si Jean. Pangalawa siguro si Toro. Kaya pala..kaya pala..Tapos si Francis isa sa mga pinakamatalino at athletic..wala siyang kadugo sa sigabosses niya. Tingin mo kailangan natin ito sabihin kay Francis? Kasi mahirap ilihim ito baka mamaya multuhin tayo dahil nilihim natin ito. Dali, o! Si Francis nakiki-kaibigan kay Yoseph." Sabi ko.
Humahalakhak si M.M. For no reason, eh?
"Text na lang natin, natatakot ako eh. Ako na bahala. By the way, tungkol sa sumpa tingin ko kailangan natin hanapin yung #32 died person. At mukhang di pa siya patay. Pero wait lang, sina Marck at Vicente nagmana ang ugali sa ama. Na-discover ko, magkapatid pala ama nila. Nakakalito, noh? Buti nalang hindi sa ina nagmana ugali, pero may pagka, yung sigaan lang hehe." Sabi ni M.M
"Oo sige. Saka kasama sa pagbura ng sumpa ang sabihin ang lihim." Sabi ko.
Yoseph's POV
Si Anthony, pinag-aaralan pa yung mga papel. Tapos na kaya siya? Ayaw namin i-tanong eh.
"Tonton! Sabihan mo ako tungkol sa discovery mo." Sabi ko sa kanya.
"Well. Wow. Mga kasalanan, kinuha ko lahat. Lahat tayo may kasalanan bro. At may naka-sulat na kapalit. Ngunit di naka-arrange. Or I mean, naka-sulat lang yung kapalit o kung paano ka papatayin tapos merong number, sa teachers at list of helpers na gustong patayin. Sina Remond, naalala mo yun? Isa sa mga anak ng tricycle driver. Tapos marami pa. Pati si Mang Rolly, naka-sagasa kay Audric. Tapos sa teachers, laaht naka-sulat. Pero may isang papel naka-sulat may first victim na teacher after 2 more victims. Tapos after 3 more victims, yun na ang sunod sunod na patayan sa teachers. Yung helpers naman natin, agter 6 victims papatayin sila. Tapos binigyan ng isang mapa kung na saan mga bahay niya. At mapa kung saan daw nagpupunta ang next victims ng 10-Zatti. 100 sins in all, nagulat ako. Pero yung 1-32 sins doon ay ang ia-apply sa kamatayan natin lahat. Yung iba ay inis ng killer, pero hindi lang sa killer, inis ng ibang section. Mamaya, ipo-post ko. Ina-analayze ko pa eh." Sabi sa akin ni Anthony.
"Ibi-" magsasalita sana ako ng pinutol ako ni Francis.
"LUMABAS NA KAYO!!!! Dumadami fireworks!!!" Sigaw nito at sumunod na ang iba.
Kami-kami lang nina Sparky,Audric,M.M,Luis,Nathan,.Anthony at Francis. Yung iba kasi kanya kanya. Kami lang pinayagan na magsama-sama.
Pinanood namin ang fireworks.
Nang may makita kaming firework na parang bloodstain kulay, natigil saya namin.
Biglang may nakita kaming kutsilyo sa langit.
"Takbo!!!!!" Sabi ni M.M
Sinundan ko si M.M sa pagpaso, sa loob, sumunod sa akin si Luis tapos Francis tapos Nathan tapos Sparky tapos Anthony at ang huli si Audric.
Nadulas si Audric ng makita ang kutsilyo na papahulog malapit sa kanya. Nagsarado ang screen door, tumahimik.
"Walang kutsilyo." Sabi ko.
Bahay 'to ni Anthony kaya sana walang ma-damage or else kami lagut sa parents niya.
Naka-rinig kami ng malakas na parang ibon..
"One person, please go outside and check what's going on." Sabi ni Luis.
Tumayo si Anthony at naglakad palabas.
"Guys! Natusok isang sisiw na dumapo dito!" Sabi niya na halatang nalungkot. Kilala ko si Anthony. Mahilig sa animals.
Si Nathan din ay sobrang lungkot, ngunit mas madami luha niya kaysa kay Anthony.
Lumabas kami.
Kitang kita ko ang sisiw, dugong dugo.
"Pati ba naman isang hayop, dinadamay? Gago talaga." Sabi ko.
"Malay mo hindi killer yun. Baka ibang g*go pumatay sa sisiw na ito." Sabi ni Audric.
"Pero paano naman ibang tao? Ibigsabihin may killer dito? Saka mangyayari lang naman ito kung may nakaka-alam sa bahay na ito at mga naka-tira. Killer ito. Pero ang galing ng killer ah! Bilib ako! Bunsto kutsilyo sa langit? Ano siya, ninja? Well tingin ko hindi lang isa killer. May ninja, at isa pang style. Pero hindi dalawa ito, piling ko.." Sabi ni Sparky.
"Anthony. Binabalaan kita, mag-ingat ka. Malapit dito killer. Alam na alam niya bahay mo." Sabi ni Francis na kumindat.
Nakita ulit namin yung mga fireworks na parang bloodstain.
"Wag na tayo lumapit muli. Kahit tignan pa yang firework na yan. Sa loob na tayo. Bukas, ilibing natin itong sisiw." Sabi ni Anthony.
"Kailangan din natin siguro ito pag-aralan at isumbong sa pulis, na nandito ang killer. Pero teka Anton, ibigsabihin mo yung helpers na narinig ko sa inyo ni Yoseph, maaring kasama pulis doon?" Sabi ni Nathan.
"Oo. Maari nga. Pero di nauubos pulis. Wag kayong mag-alala." Sabi ni Anthony.
Pumasok na kami. Sinilip nalang namin ang fireworks sa second floor, kwarto ni Anthony.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top