Chapter 13: Seperated

Author's note: For Gimme 5 fans, mga nakaka-kilala sa kanila, comment your bias para alam ko kung sino mabibigyan ng spotlight. Pero of course, si Sparky parin bida. You'll know why pag subaybay lang kayo ng subaybay,

Audric's POV

Magkakasama kami ngayon..

Ako, Yoseph,Sparky,Luis,M.M,Anthony,Delfin,Nathan,Karl,Inigo at Herbert. Sayang, wala na si Abiog. Siya lagi yung nagsasabi ng.."Kumukulo na tiyan ko na tila magkakasunog na!" Nakakamiss.

"Guys, well sa computer shop may nahanap tayong mga sketch ng mga kaklase natin at may pitong computers doon na nakabukas ang information tungkol sa na,atay nating mga kaklase sina Jean,Marck,Christopher,Pacey,Jude,Angelo at Vicente. Sigurado ako dadagdag doon maya't maya sina Abiog at Gerald." Sabi ni Anthony

"What's next?" Sabi ni Yoseph,

"Based sa mapa, Malapit na tayo sa Saturn Park go lang our driver Karl Enrique! Wag kang kaskasero, okay?" Sabi ni Delfin, na pinakita map sa amin.

Nanatiling tahimik ang iba.

Pagkatapos ng anim na minuto..

"Nandito na tayo. Saturn Park. Ang daming mga bata. Ano kinalaman ng killer dito?" Sabi ni Enrique.

"Di natin alam pero may misteryoso dito." Sabi ni Anthony.

Bumaba na kaming lahat mula sa van.

Bigla akong may nakitang masayang bata na maputi at ang cute!

"Kuya Nathan!!!!" Sabi niya at niyakap ni Nathan.

"Nathan, sino yan?" Tanong ko.

"Ah guys, siya si A.M. Kapitbahay ko sa Royal Town Homes." Masayang sabi ni Nathan.

"Binata na ah. Pero mukhang bata parin Ilang taon?" Sabi ni Yoseph.

"13 na siya. Sparky, nakalimutan ko pala sabihin hehe. Kapitbahay ko lang pala cousin mo, si A.M Hermosa. Pero kasi nasanay akp Am Sy siya kasi screen name daw niya yun. Kalaro at kaibigan ko siya. Hehehe. Nakita mo hinahanap mo, Sparky. A.M, siya si Sparkaroo Hermosa. Long lost cousin mo." Sabi ni Nathan

"Spark..Sparky??? Is that you? Your here, too?" Sabi ni A.M na masaya.

"A.M, ikaw ba yan? O niloloko lang ako ng mapaglarong tadhana na ito?" Gulat na sabi ni Sparky.

"Ako ito. Ikaw yan? Ang laki mo na kuya! Anyare kina tita at relatives niya? Wala na kasi si Tito, yung itay mo." Sabi ni A.M na bulol at hirap sa tagalog.

"Hirap ka pa rin sa tagalog, bro? Pero yeah, buhay pa sila at yun ay ang magandang bagay. Nathan, maraming salamat pala ang it's fine." Sabi ni Sparky.

Nagyapakan ang mag-pinsan.

"Siya si Eluistus Denzell Ante, kaya tugtugin lahat ng instruments. Ito si Matthew Mateo Severilla, call him M.M kaugali mo ito. Ito naman si Yosephalmo Alcantara, katulad ko super smart. Tapos ito si Audric Kier Umali, mabait at disiplinado. Ito si Delfin Abaigar, best friend ng kuya Nathan mo, kaugali niya haha, tapos ito sina Herbert Dela the intelligent gamer, Inigo Dumaran the thrifty boy, Karl Enrique Bitaog the quiet and positive guy, at Anthony Igor Malko the future scientist. Mga kaibigan ko sila, narito kami upang imbestigahan ang tungkol sa patayan sa school natin. Sa section namin mismo. Sama ka?" Sabi ni Sparky.

"Opo. Tutulong po ako. Nandito po pala isang highschool teacher, si Miss Charial alam na niya na dito kayo pupunta. Tutulungan daw kayo. Alright, excuse me for this bulol stuff." -A.M

"Tara na nga! Ang kulit mo parin! Sunod ka lang ah!" Sabi ni Sparky.

Naglakad kami, naka-wheelchair ako ngayon, tinutulak ni Yoseph.

Biglang sumalubong ai Miss Charial.

"Nandyan na kayo! Nasabi ko kay Luis na sasali ako sa investigation dahil baka kaming teachers ay madamay."

"Oo nga, sige sama ka." Sabi ni Luis.

Tumango nalang sila.

"Ayun o, Parang may sulat sa puno." Sabi ni Miss Charial.

Agad kaming lumapit doon.

Nakasulat: "All 10-Zatti Students have Family Problems, eh?"

"Uupakan ko na ang nag-sulat nito pag nakita ko." Sabi ni Yoseph.

"Ako ang nagsulat niyan, sarili mong best friend aapakan mo?" Sabi ni M.M

"Correction, upakan hindi apakan! Okey, since gusto mo apakan, geh!" Sabi ni Yoseph.

Tinapakan ni Yoseph ang mga paa ni M.M

Nagtawanan sila.

"Tama yan. Ito yung nabasa namin ni M.M sa book. Lahat tayo sa 10-Zatti ay namatayan ng relative na Bosconian din dati, 25 years ago.Yun ang sumpa. He's coming close. Don't worry." Sabi ni Luis.

Naglakad lang kami.

"May sulat ulit sa isang puno o!" Sabi ni A.M

Tumakbo kami papunta doon.

Nakasulat: "You may be coming close, but you'll never find us! :P"

"Sino kaya itong killer na ito? Tricky, unpredictable. Iba iba ng paraan. Matalino ang killer. Sobrang talino. Pero hindi kami ni Sparky ang mga suspek. Adult na itong killer. Mas matalino sa amin." Sabi ni Yoseph.

"May emoticon pa talaga." Sabi ni Karl.

"Kaya pala pinapunta tayo dito. Whatever." Sabi ni Herbert.

"Wag nga kayong easy-going. Ang killer, sigurado wala sa vocabulary niya ang phrase na bahala na si batman o petiks petiks. Sa atin, lagi nandyan kaya tara na! Hanap tayo more clues!" Sabi ni Inigo.

"Wooh! Galing ni Inigo!" Sabi ni Anthony.

Naglakad uli kami.

Easy-going pa more, Herbie! Haha! I wonder kung bakit yan ang notable na personality si Herbert.

Bigla akong naka-ramdam ulit ng kutob powerr...

"Guys ramdam ko may mangyayaring masama dito." Sabi ko.

"Dito sa park? Saguro nga kaya dinala tayo dito ng killer dahil may gagawin siyang kalokoohan!" Sabi ni Herbert.

Naglakad lang kami dahil wala pang nangyayari.

"Free time muna tayo." Sabi ni M.M, sabay upo sa swing.

Umupo din si Sparky sa isang swing, ganun din si Anthony at Yoseph.

Sina A.M, Nathan at Delfin ay naka-monkey bars.

"Uyy, ingatan niyo si A.M ah!" Babala ni Sparky.

Sina Karl,Inigo at Herbert nagme-merry go round.

Sina Luis at Ate Charial ay nagsi-see-saw ang sweet.

Pagkatapos ng ilang minuto, naka-amoy ako ng parang abo.

Third Person's POV

"Ayana yung sunog, ang laki na!!!!" Sabi ni Inigo.

"We need to run for our lives!!!" Sabi ni Karl Enrique.

Ngunit dahil sa mabilis na pagpaikot ng Merry-Go-Round, na-out of balance at nahilo sa pagkatakbo si Enrique kaya nauntog siya sa stone bench na malapit sa merry-go-round.

"Karl!!!!!" Ani Herbert at Inigo.

Ngunit lalong bumilis ang merry-go-round.

"Hindi ako maka-alis dito saklolo!!!!!" Sabi ni Herbert.

"Me to.." Sabi ni Inigo.

Gusto sana tumulong ni Audric ngunit tumumba siya ng apakan at hawakan ang merry-go-round.

Sa monkey bars naman ay biglang nahulog ang isang bar na kinapitan ni A.M, ang pinakamataas kaya bumagsak siya sa sahig.

"Okey ka lang?" Sabi ni Nathan.

"Lumulusob na ang apoy papunta dito, alis na tayo, dali!!" Sabi ni Delfin.

Sa swing..

"Bakit naka-dikit tayong lahat sa swing? Paano na ito?" Sabi ni Sparky.

"May glue, ano ba ito?!?!??!" Galit na sabi ni Yoseph.

Di maka-alis ang apat.

Sna Delfin,Nathan at A.M ay nakakakita ng isang tricycle.

"Manong, bilisan niyo ilayo mo kami sa lugar na ito! Sabihin mo na lang kung anong lugar magiging 60 pesos bayad namin! " sabi ni Delfin na madaling madali.

Tumango ang driver at mabilis na pina-takbo ang tricycle.

Sa see-saw.

"Luis, ligtas natin sila doon!" Sabi ni Charial.

Tumakbo si Luis at hinila ang katawan ni M.M mula sa swing..

Gumulong si M.M sa sahig at natamaan sa braso ng swing ni M.M si Luis.

Tumumba si Luis.

Si M.M ay hinila ang katawan ni Anthony sa swing.

Tumumba si Anthony sa sahig.

Si Anthony ay tumayo at hinila katawan ni Yoseph. Si M.M ay hinila katawan ni Sparky.

Si Charial ay lumapit kay Luis at pina-tayo nito,

"Di ko magalaw kaliwang braso ko.." Sabi ni. Luis at nagsimulang umiyak.

"Tara na at pumunta tayong ospital." Sabi ni Charial at tinulungan si Luis na maka-lakad.

Biglang napa-tingin si M.M sa kanilang dalawa kaya agad niyang sinundan ito.

Ng maka-pasok sa taxi sina Charial at Luis, sumakay sa harapan katabi ng driver si. M.M

Meanwhile..

Natapos na ang merry-go-round at natumba sina Herbert at Inigo sa sobrang hilo. Nahimatay sila.

Agad na binuhat sila nina Karl Enrique at Anthony. Pumasok sila sa van at agad na umalis.

"Teka, guys! Bakit ko kami iniwan???" Sabi ni Sparky,

"Kailangan siguro talaga natin mag-split up. So, Audric at Sparky, saan tayo ngayon? Lumalaki na ang sunog at marami ng namatay dahil doon at maraming natatalo dahil sa pagtutubig sa apoy. Alis na din tayo." Sabi ni Yoseph.

"Oo nga pala Audric bakit ka kanina pumunta sa merry-go-round na walang wheelchair at walang saklay?" Dagdag nito.

Tahimik nalang sila, at naglakad palayo sa park.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top