Chapter 10: Numbers




M.M's POV

May naramdaman akong hangin ulit. Naku. Ngayon na nasa banyo ako ng mall saka ganito? May multo nanaman? Jean,Marck,Pacey Christopher.



Nakita ko sina Angelo,Jude at Vicente. Ngumiti sila sa akin.

"Buhay pa pala kayo.."

"Talagang buhay pa kami, M.M. Kailanman di kami aalis sa paligid. Itong tatandaan mo, ha hindi kami nawawala nandito lang kami sa paligid-ligid niyo o sa taas man nakikita kayo. Hindi kami mawawala. Ngayon gusto ko sabihin sa iyo na kayo kang apat na may kapangyarihan ang makakasimula ng katapusan dito." Sabi ni Angelo.


"Oo. Ito pa, wag kayo magtiwala ng basta basta sa kung sino. Lalo na sa mga kaklase natin dahil lahat kami ay may kasalanan na nagagawa araw-araw at may bumabalot na kasamaan. Bukod sa inyong apat, may tatlo lamang mabait at mapapagkatiwalaan sa inyo. Sinabi lang ng tagapagpatay sa amin iyun. At gusto ko, hanapin niyo kung sino ang tatlong yun. Pwede silang makatulong sa inyo. Pero hannga't maari, wag mo muna pagkatiwalaan sinomang mapaghinalaan mong isa sa tatlong yun. Habang may namamatay, may tutulong sa iyo. Dahil may third eye ka, tandaan mo ikaw lang may ganitong kapangyarihan sa Don Bosco Mandaluyong." Sabi ni Vicente.

"Ito nanaman..parang sina Jean. Paano ko ba mabibigay ang hustisya? Eh kung mapagsabihan nga ko ng mga natitira kong kaklase awtistik ako at naiiba sa kanila eh. Kwento kasi ako ng kwento tungkol sa kga nararamdaman ko pag may multo o anghel sa lugar.." Sabi ko.

Bumilis tibok ng puso ko. Natatakot ako.

"Totoo lahat ng nakikita mo. Saka wag ka magpa-apekto sa kanila dahil hindi lahat ng sinasabi nila ay totoo. Alam mo sa totoo, lahat ng sinasabi ng tao ay nanggagaling lamang sa bibig nila at di dapat paniwalaan dahil ikaw naman at si God ang makaka-alam ng totooong ikaw, di ba? Hindi naman sa isang bibig na hindi sa iyo mangangaling iyun, di ba? Kaya mapapagkatiwalaan ka. Marami kang mga misyon. Pero tama sina Jean. Kailangan namin ng hustisya. Bukod sa paghahanap ng killer, mahalaga din yun. Ito yun ah. May pattern sa kangyarihan ninyo eh. Si Luis, pag may napanaginipan alam niyong magkakatotoo kaya pwede kayong maghanda at magligtas. Tapos si Audric siya taga-pagsabi kung may nangyayari. Si Yoseph, mababasa niya sa mga mukha ng tao ang isipan nila upang malaman..well para may kaalaman, pwede niya yun gawin. Tapos ikaw,makikita at kausap mo kaming mga patay na." Sabi ni Jude.

"Si Yoseph nababasa ang isipan nilang lahat at iniisip nila last week ay mga aral at hindi kasamaan, pero mukha daw na may mga tinatago. Nahahalata niya sa mata. Si Luis naman, pag natutulog may paanginip lagi. At si Audric, lagi may kutob at nasasabi kung saan nangyayari ang pangyayari, one second lang daw pero malalaman niya pag malapit lang." Sabi ko.



"M.M. Paalam na." Paalam ni Angelo.




Agad na naalis sila sa paningin ko.





I rolled my eyes and shook my head.


"Alright I'm hating this. Paano ko ba talaga magagawa yun?" Sabi ko sa sarili ko.

----

Naglalaro ako ng Clash of Clans ng...

May message ako..

from: Delfin Michael Abaigar

Pwede pumunta ka sa bahay ko ngayon? Malapit ka kasi sa bahay ko eh. May ipapakita kami sa iyo. Tungkol sa patayan na nangyayari. Sino-solve namin e.

Huh? Kailangan pa ako? Ano ba talaga meron sa akin? Saka bakit kailangan pa ako sumama? Pero um.. nagsosolve ba kamo? Nagsosolve din ako hmmm ano ipapakita? Baka makatutulong ito! Teka! Ubusin ko muna favorite junk food ko na Tortillos.

Tapos naman na labanan ko sa Clash of Clans.

Nag-ayos na ako ng gamit st nagbihis. Pinapayagan naman kami ni mama eh, basta malapit lang at mag-iingat. Mas malapit pa nga pupuntahan ko kaysa sa mga pinupuntahan nina kuya at ate eh.

4 minutes, nakita ko bahay ni Delfin.

Pinindot ko yung doorbell.

"Tao po? M.M po ito!"



May nagbukas ng pinto.


"Sino ka?" Tanong ng isang babae na mukhang yaya.


"M.M po, kaibigan ni Delfin. Pinapapunta niya ako dito." Sabi ko.


"Sige, pasok ka."


Pumasok ako at may nakita agad akong screendoor.



Bukas ito dahil dito nangaling ang yaya eh.





Pumasok na ako at nakita ko agad sina Delfin at Nathan papasok sa isang kuwarto.






"Guys!!! Narito na ako!" Sabi ko.





"Sige, sunod ka sa amin." Sabi ni Delfin.


Sinundan ko sila...ano kaya gagawin nila?


Umupo ako sa kama nila.


Sila naman ay nasa sahig.




"Ito kasi yun M.M. Kanina, kumuha kami ng mga test papers sa faculty ni Ms.Violet para sa clues kasi baka may kinalaman itong golden rule quiz sa patayan na nagsasabing golden rule din. Baka hindi kaya yung mga sagot natin doon ay hinahanap para sa patayan?" Sabi ni Nathan sabay bigay sa akin ng mga test paper.


Nakita ko ang mga quiz paper namin..

May mga number?

"Uyy quiz paper ko number 31. Kay Sparky 32. Kay Luis 30. Kay Yoseph 29. Kay Audric 28. Kay Delfin 26 tapos sa iyo Nathan 27. Teka saglit, si Jean number 4? Tapos number 1 si Francis? Ano ibigsabihin nito, may twist sa patayan natin kaya ganun?" Sabi ko.

"Yun nga din pinagtataka ko, kung yan ay ang sequence natin sa patayan bakit una si Francis tapos pang-apat pa si Jean? Si Marck nga number 25 eh, bago sa akin. Tapos sina Pacey at Christopher 6 and 7. Oo nga, baka may twist. Nagbago ang isip ng killer." Sabi ni Delfin.

"Ibigsabihin nito, dapat tayong pito kasama si Marck ay huling mamatay..pero mukhang di na ito sinusunod. Depende na lang. Sa gusto ng killer. Or kung may mga opportunity na makukuha." Sabi ko,

"Alam ko na! Hindi kaya yung ibang nauuna, or sina Francis at yung ibang bago kay Jean nag-kumpisal na. At si Jean yung pinakamaraming kasalanan at the time kaya siya inuna? At saka nan dyan na yun opportunity sa killer noong Tuesday na yun? Hindi kaya ganun talaga, nagkakatwist dahil sa mga kasalanan talaga ang bine-base at mga opportunidad?" Sabi ni Nathan

"Tama! Oo nga! Tignan mo pa, pagkatapos ni Francis number 2 si Toro number 3 si Vicente number 4 si Jean. Number 5 si .. Abiog. Number 6 and 7 sina Inigo at Enrique. Number 8 si Karl Enrique. Naku! Paano ito? Magkakatotoo ba ito? Kailangan natin sila iligtas sa maagang panahon." Sabi ko.


"Na-text ko na sina Inigo,Herbert,Abiog at Enrique na sila na sususnod. Mukhang lahat tayo ay mauubos. Lahat tayo may kasalanan. Pero wag natin ibase muna ang numbers sa patayan na mangyayari, alam kong mag-iiba yan. Well, paano kung yung killer ay isa sa mga kaklase natin?" Sabi ni Delfin.


"Si Francis! Hindi kaya sinulat niya ang sarili as number 1 dahil doon? Saka teka, natitira pa si Toro, number 2 si Toro I'm sure kasabwat yan! Pero bakit pinatay naman best friends nila na sina Jean,Marck at Vicente? Hindi kaya nangta-traydor talaga sila?" Sabi ni Nathan.


"I'm sure kakilala lang natin ang killer. Malalaman din natin kung sino. Madidismaya tayo sa panahon na iyun. Wag tayo mag-expect ng kung sino sino. Life is always unexpected." sabi ni Delfin.

***

Makalipas ang dalawang araw.

December 15, 2014. 6:23 AM

Yoseph's POV

Maaga ako dumating ngayon.

Oo, pinangako ng school ipapanood sa akin ang video ng pagkamatay nina Vicente. Jude at Angelo.

6:30 daw ipapalabas. Waiting for 7 minutes.

Nandito ako ngayon sa second floor terrace ng Doña Cecilia.

Sinisilip ko ang buong school. Teka, punta na nga ako sa I.T.C building!

Bumaba na ako at naglakad mula ditoo sa Savio Quadrangle hanggang sa I.T.C building.

Palakad-lakad ako dito sa Canteen

6:56AM

Nakita ko isang lalaking taga-Citi.

"Magandang umaga po, ito po si Yoseph Alcantara ang nag-request upang makita ang video ng pagkapatay nina Angelo Marinduque, Jude Apalyar at Vicente Ipil. Na sa jyo na ba?" Tanong ko,

"Opo. Ito na nga nakapunta na ako sa Science Lab upang maulit-ulit ang video at maging warning ito na mag-ingat. I mean nadikit ko na yung screen doon. Pero na-lock ng isang faculty member yun. Ito ang copy nun. Sa iyo muna ito ibalik mo recess." Sabi niya.

"Maraming salamat po! Ikinagagalak ko ang nagawa ninyo." Sabi ko, sabay kuha ng inabot niyang camera.

Tumakbo ako papunta sa Savio Quadrangle

6:58 PM

Pinanood ko na ang video.

===END OF POV===

Pinakita sa video...

***Flashback/Ang video***

"Jude,Angelo. Bilang Caretakers ng Gradeschool Science lab, mag-experiment tayo to see kung kaya pa talaga dito mag-experiment."sabi ni Vicente.

Kumuha ng isang set of chemical tubes si Jude.

"Wow, bumubula ang chemical." Natawang sabi ni Angelo.

Di nila na malayan may nagmamatyag sa labas, naka-silip.

"Gumagawa ako ng sunog dito sa tripod. Gagawin ko itong experiment tungkol sa papel na ilalagay sa apoy, tapos maglalagay ng tube dyan para makakakolekta ng apoy. Lets try. Kayo naman gawin niyo chemical experiment." Sabi ni Jude.

"Alright! Parang Chemistry subject lang ah!" Sabi ni Angelo.

Di nila namalayan pumasok na ang isang tao. Gumapang siya at pinagmasdan ang mga experiments.

Nagbato siya ng mga bato sa experiment ni Jude.

"Wow. Lumalaki apoy pag maraming pebbles? Guys dahan dahan sa experiment niyo nadadamay ako." Sabi ni Jude.

"Haha sorry. Tina-try nga namin lagyan ng yellow+red chemical dito sa halaman eh. Na-mix na namin at lumabas green na parang isang halaman titignan namin kung ano lalabas dito sa soil na may plant." Sabi ni Vicente.

Biglang naglabas ng baril ang nagmamatyag.

Tinutok niya ito papunta sa chemical tube na hawak ni Angelo.

Pinindot niya na ang trigger ng baril.

Pahulog na ang isang patak ng chemical mula sa tube papunta sa soil ng mabilis na tinamaan ng bala ito.

BOOM!

Sumabog ang halaman at tumalsik si Angelo.

Tumama siya sa mga babasagin na cabinet.

"Katulad ng ginawa niyo noon na pagpapagulo, mga isipbata na Jude at Angelo. Kala mo di ko malilimutan yung ginawa ninyo ah! At ikaw Vicente, hindi mo naalala ikaw na Mr.Bully na nagpapaiyak ng kapwa mong lalaki ikaw ang sumama kina Jude at Angelo sa pinakamalala nilang kalokoohan. Ang pagpapatalsik sa amin noong Foundation Day. So ano poblema mo sa team namin? Mga rebelde! Mga isipbata na Jude at Angelo, nagdala pa kayo ng mga Worms noon at binabato ninyo! Kadiri kayo! Saka Vicente, ilan beses ka na nanggulo at nanira ng project? Ngayon, magiging isipbata ako, guguluhin ko kayo! At papaslangin pa!" Sabi ng tao.

"Kami susunurin mo, ano?" Sabi niJude.

Di namalayan ni Jude na palaki ng palaki ang apoy.

Si Angelo ay sunog na ang katawan, may tama ng bala sa tiyan.

Tumutok ng isang dynamite ang tao.

Nakita agad ito ni Vicente kaya tumakbo siya.

Ng maging ashes na ang papel sa experiment ni Jude, hinatak siya ni Vicente at gumulong sila sa sahig upang maiwasan ang dinamita.

Binato na kay Angelo ang dinamita.

Kitang kita ng dalawa na putol putol ang body parts ni Angelo.

"Jude, yung apoy mo lumalakil yung mga tube!" Sabi ni Vicente, tapos sinalo niya ang dalawang tube na may apoy na nagawa ni Jude sa experiment.

"Ano gagawin natin?" Sabi ni Jude na umiiyak.

"Kaya natin ito!" Sabi ni Vicente.

Tumakbo si Vicente at binato ang dalawang tube sa tao.

Na-deflect ng tao ito gamit ang kanyang mga katana, kaya tumama kay Vicente ito.

Nasunog ang mga damit ni Vicente.

"Vicente!!!!!!" Tumakbo si Jude.

"Jude, mauuna na akong mamamatay sa iyo. Kailangan kp itong gawin. Pupunta ako sa tao at iaagaw sa kanya ang mga katana. Tapos pag nagawa ko yun, ilalagay ko siya sa sunog." Sabi ni Vicente.


"Vicente, saglit!!!" Sabi ni Jude ngunit nadulas siya dahil sa isang chemical tube.

"Ikaw! Ikaw traydor, tumataksil sa amin! Handa akong kalabanin ka!"

Si Vicente ay sinipa ang tao,

Agad na inagaw niya ang katana.

Tatamaan na sana niya ang tao ng agad na tumayo ito at nilabas ang kanyang isa pang katana.

Naglabanan sila.

Makalipas dalawang minuto, wala parin natatalo sa labanan.

"Ibato natin mga katana natin sa itaas upang may matamaan. Tignan natin kung gaano ka talaga ka-lakas at ganun din ako." Sabi ng tao.

"Oo nga, doon banda o, may matress! Babalik sa atin! Handa akong isakripisyo buhay ko alang alang sa klase namin at sa nagawa ko at ang ginagawa mong patayan!" Sigaw ni Vicente.

Binato nila ang dalawang katana papunta sa may matress..


Bigla tumakbo si Jude.

"Wag!!!!" Hiyaw niya saka takbo papunta kay Vicente.

Tinulak niya si Vicente papunta kay Mr.Skeleton, isang safe place.

Natumba si Jude at ng makita ng tao na pababa ang mga katana, nag-tumbling ang tao.

Ang dalawang katana ay tumama kay Jude. Ang isa ay natusok sa dibdib noya, at ang isa naman ay tumama sa tiyan.

"Kadiri!" Sabi ni Vicente.

Lumapit si Vicente sa kayawan ni Jude. Nakadilat pa ito.

"Jude, salamat sa pagligtas mo sa akin..salamat. Inalay mo buhay mo upang maka-
ligtas ako. Hinding hindi ko iyun malilimutan. Salamat. Ako na susunod." Sabi ni Vicente na tumulo luha sa mukha.


Umiiyak lamang si Jude at nahihirapan huminga.




Biglang nagkaroon ng shuriken sa leeg ni Jude.



Nakapikit na siya at hindi humihinga.


Tuluyan na wala na siyang buhay.



"Ikaw! Kailangan na maitigil ito!!!! G*ga ka!!!" Tumakbo si Vicente at nakipagbugbugan sa tao.




Hanggang sa tinusok siya sa likod ng isang shuriken.



Natumba siya.




"Sinasabi ko na sa iyo ngayon, wala sa inyo ang matitira. Lahat kayo mamatay. Hindi niyo ako kaya. Mabubuhay ka pa at alam ko yun. Hindi sapat ang shuriken. Manghihina ka lang pero di mawawalan ng buhay. Kailangan mo mamatay!!!!" Tinulak ng tao si Vicente sa may malaking apoy.


Ngumiti ang tao ng makita ang mga pangyayari.




"Ang sarap ng piling ko." Sabi niya.



Agad siya tumakbo at tumalon sa edge ng third floor at tumalon.


Buti nalang at kakalagay lang ng matress ang kanyang kasabwat sa baba.

Agad siyang tumakas at lumabas ng school.

.......

"Putek. Ang saklap ng mga nangyari ang galing ng killer. Malakas kutob ko hindi namin ito kaklase. Pero sa mga sinasabi niya, mukhang may galit siya. May ganti. Sino ba sa amin ang maraming natanggap na kasalanan mula sa iba?" Tanong ni Yoseph sa sarili.

Biglang dumating si Inigo.

"Umm, hindi ako baliw, Inigo. Talagang nababasa ko ang isip ng isang tao." Sabi ko.

"Tignan mo binabasa mo nanaman isipan ko! Pakielemero! Eh madaya ka kaya ka nagiging matalino dahil dyan. The best in recitation ka dahil nababasa mo isip ng mga guro. Madaya! Di ka dapat salututorian!" Galit na sabi ni Inigo.


"Oyy excuse me noong gradeschool hindi ko pa natutuklasan itong kapangyarihan ko. Noong grade 7 akong nagsimulang tumama lagi sa hula ko sa iniisip ng tao. Ngayong year lang lumala ang powers ko." Sabi ni Yoseph.

Naglakad ng galit na galit si Inigo papunta sa mga classrooms ng highschool.

"Alright pabayaan ko na nga yung Inigo na yun. Inggit lang siya." Sabi ni Yoseph.

"Kailangan ko ito ipakita sa klase. Pero, exams nga pala ngayon. Sana walang mapatay." Dagdag nito.

***

Audric's POV

Makikipag-reunite ako kay Sparky.

Hindi ko naman siya dapat hiwalayan eh.

"Sparky!" Tawag ko.

Hindi niya ako pinansin.

Tumakbo na lang ako at hinakbayan siya.

"Sparky, di mo ako kailangan iwasan. Uyy. Gusto ko makipag-kaibigan."

Binigyan niya ako ng supladong mukha.



"Sparky, ano ba? Di mo ba talaga ako papansinin?" Galit na sabi ni Audric.




Natawa si Sparky.



"Alam mo nakakatawa kang magalit. Lumalaki butas ng ilong mo, hahahahahahaha!!!" Sabi ni Sparky na tumawa ng malakas.



"Ano, hindi yan totoo Sparky!!! Tumigil ka nga!" Sabi ni Audric.

Tawa lang ng tawa si Sparky.

"Hahahaahahahahhaahahahah totoo yan denial ka pa heehheehehehehehe pero ano gusto mo, tanggapin ang katotoohanan o di kita kaibiganin?" Sabi ni Sparky.

Pinunasan ni Audric ng panyo ang kanyang ilong.

"Oo, sige. Malaki butas ng ilong ko. Payag ako sa makalokoohan na katotoohanan makaibigan lang kita muli. Paano ba kayo muling nagkaibigan ni M.M?" Tanong ni Audric.

"Napatawa ako. At dahil napatawa mo rin ako, kaibigan na ulit kita." Sabi ni Sparky at nakipagkamayan kay Audric.

Naghakbayan ang dalawa at magalak na naglakad.

***

Nathan's POV

"Nathan,Delfin ano gagawin namin ngayon na maaring susunurin kami?" Tanong ni Herbert.

"Sasama kayo sa amin kahit anong mangyari. Iiwas kayo maging mag-isa. Yun. Tapos, dapat aware kayo sa mga lugar na pwede kayong mapatay." Sabi ko.

"Yup. Kayo, Inigo,Abiog,Herbert at Enrique ay dapat mailigtas. Nalansin niyo, una two single kills tapos double kill tapos triple kill malamang susunod ifo-fourple kill kayo. Tatlo naman kami nina Delfin at Nathan." Sabi ni Anthony.

"Natatawa ako sa mga buhok niyo. Si Nathan kulot, si Anthony straight tapos si Delfin medyo kulot na mesyo straight. Hahahahahahahaahah!!!!!" Biro ni Enrique.

Natawa kami ni Anthony, samantala si Delfin sy sumimangot.

"Gusto mo talaga magpahabol Enrique ha!!! Ikaw Karl Enrique Bitaog!" Sabi ni Delfin na parang bata.

Naghabulan ang dalawa na parang bata.

Umiikot takbo sila sa amin.

"Oi, oi, oi! Wala ng panahon para sa laro. We were a large group now." Sabi ni Anthony.

"Larger group with us." Tawag ng isang lalaki.

Si Sparky pala ito, kasama niya sina M.M at Audric.

"Sampu na tayo, oh yeah!" Sabi ni Abiog.

"Grouphug ba tayo? We are a team, right?" Sabi ko.

Nag-grouphug kami.

"O, brofist naman! 10 fists!" Sabi ni M.M

Nagbrofist kaming lahat.

This is OH YEAH!

Pero may kulang.

Dalawang kulang nararamdaman ko.


Dapat isang dosena kami ngayon.

Sino nga ba ang dalawang kulang?


Kulang sina Yoseph at Luis. Sila nalang magkasama ngayon. Tuluyan na ba sila mawawala sa amin?


Magiging reunited din kami..

Author's note: guys sobrang dami na ba ng errors? Paki-sabi kasi nawawalan ako ng ganang mag-edit yung spacing ng story dito sa wattpad eh nagdidikit. =D =) ;)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top