Ang Simula
Mga mabibigat na tunob ang nakasunod sa mabibilis na hakbang ng isang dalagitang kahit takot na ay nanatiling kalmado. Alam niyang may nakatitig sa kaniya kanina pa noong nasa library pa siya pero dahil sanay siya sa mga titig ay binalewala niya 'yon. Kaya lang ang titig na 'yon ay hindi nawala bagkus sa bawat pagpatak ng oras ay mas naninindig ang balahibo niya habang nagbabasa sa loob ng library.
Sinabayan na niya ng takbo ang kaniyang paglalakad. Wala ng mga tao sa hallway. Sanay na kasi siyang nahuhuli sa pag-uwi dahil nasa labas lamang ng gate ang kaniyang driver. Nanlalamig at pinagpapawisan na siya nang malagkit. Halos marinig na niya ang kabog ng kaniyang dibdib sa niyerbyos.
Pasado alas syete na ng gabi. Tila pinaglalaruan naman siya ng tadhana dahil ang mga ilaw sa hallway ay nagpapatay sindi.
Kung kanina ay pakiramdam lang niya ang nagsasabing may nakasunod sa kaniya, ngayon ay sigurado na siya. Dinig na dinig niya ang panaghoy ng taong nakasunod sa kaniya na dumadagundong sa buong lugar.
Tumakbo na siya kahit nanginginig ang mga tuhod niya sa takot. May nakaambang luha rin sa kaniyang mga mata. May masamang kutob siya rito.
Nakadama siya ng tuwa nang makita na niya ang main door ng school. Pagkabukas niyang ay makakalabas na siya sa paaralaang 'yon.
Tinodo niya ang pagtakbo nang biglang may mga kamay na sumalubong sa kaniya mula sa nakabukas na pinto.
Ang kaniyang anyo na hinihila pabalik sa loob ng tahimik na paaralan at ang tunog ng kaniyang sapatos na pilit na lumalaban ang huli niyang naggawa bago mawalan ng ulirat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top