9

FELECITY


NAGLALAGABLAB ANG tingin ni Felicity sa mga dati niyang kaibigan. Nakaupo siya sa upuan ni Xyril habang nasa ilalim ng desk ang kaniyang mga kamay. Alam niyang dumudugo na ang kaniyang mga palad dulot ng malakas na pagkuyom niya. Kulang na lamang siguro ay magliyab ang kaniyang mga mata at bumuga ng apoy ang kaniyang bibig sa poot na kaniyang nararamdaman. Matapos ang walang patid na luha ay gumising siya ngayong umaga na balot ang puso ng poot na hindi niya mawari. Siguro ay tama nga ang stages of depression, tugma kasi ito sa nararanasan niya ngayon. Dahil siguro sa magdamag na pag-iyak kaya pumipitik ang kaniyang sentido. Nagpahayag ng pag-aalala sina Mila, Lyndrian at Ed sa kaniya dahil kapansin-pansin ang eyebags niya at mugtong mata. Inakala ng mga ito na away magnobyo ang aking problema dahil inakala nilang may nobya ako, kung tutuusin ay malapit na sila sa katotohanan. Totoong problemang pag-ibig ang aking iniinda mas malala nga lang kesa sa kanilang iniisip. Sa ngayon ay binibigyan muna nila siya ng 'space' dahil makakabuti raw sa kaniya ang mag-isip isip muna. Kung alam lang nila.

"Yes Mr. Higashino?" Tanong ng guro nang magtaas siya ng kamay sa kalagitnaan ng klase. Awtomatikong nasa kaniya ang atensyon ng lahat kaya nasa kaniya rin ang atensyon ng dalawang traydor. Hindi niya maiwasang mapakuyom kaya sa puting polo niya na lamang kinuyom ang kaniyang kamay sa pagtitimpi. "Please excuse me," pagpapaalam niya bago umalis ng silid.

Poot at kirot sa kaniyang sentido, isang masamang kombinasyon. Kailangan niyang makapunta sa isang tahimik na lugar. Ang library! Sa bawat hakbang niya ay mas sumasakit ang kaniyang ulo. Tila dinuduyan siya at biglang ang bigat ng kaniyang pakiramdam. Para bang may pwersang pilit na pumapasok sa kaniyang katawan. Hindi na niya nakayanan kaya napasandal ang kaniyang kanang balikat sa dinding ng hallway. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig habang habol niya ang kaniyang hininga. "What is happening?" Walang tao sa hallway dahil oras pa ng klase kaya walang nakakita sa kaniyang kalagayan.

Bakit nga ba ako umalis sa classroom? Ah, siguro dahil ayaw kong makita nilang dalawa ang kalagayan kong ito. Naisahan na nga nila ako noong nabubuhay pa ako hanggang ngayon ba naman ay makikita nila ang kasawian ko kahit na hindi nila alam na ako at si Xyril ay iisa sa ngayon.

Kahit na halos hingal na siya ay nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa direksyon ng library. Kahit hirap ay natatawa siya, kung hindi pa siya namatay ay hindi niya pa mararanasan 'to. The irony of life.

ISANG NAG-AALALANG MUKHA ni Mila ang sumalubong agad sa kakagising lang na si Felecity. Akala niya ay magigising siya bilang isa na namang multong palutaw-lutaw lang sa ere pero hindi, nanatili siya sa katawan ni Xyril Higashino. "Xy!" bulalas ni Mila na maluha-luha pa. Isang daing ang kaniyang naisagot nang tinangka niyang bumagon agad.

"Dahan-dahan Mr. Higashino," saway ng isang boses babae. Iginala niya ang kaniyang mga mata. Puting dingding, puting kisame at isang nakaputing babae. Nasa clinic siya.

"Mila," saad niya matapos siyang abutan ng tubig ng nurse. "Ano 'yon?" tanong nito sa kaniya. "Nasaan sila Ed at Lyndrian?"

"Nasa labas lang pabalik na ang ma 'yon dito. Inutusan kasi sila ni Miss Rodriguez na kunin ang mga gamit mo nang makasabay ka sa amin sa pag-uwi," nakangiting sagot nito sa tanong niya. Napangiti rin siya at nagbigay ng pasalamat rito bago pumikit.

"Nga pala Xy, nahulog mula sa pantalon mo ang iyong cellphone. Hawak-hawak ko ito nang bigla itong nag-ring. Hindi ko alam ang gagawin dahil may tumatawag ng unregistered number kaya hindi ko na ito nasagot pasensya na ha." Paghingi ng paumanhin nito sa kaniya na halatang nabahala talaga dahil hindi ito makatingin ng diritso sa kaniya. Ginagap niya ang kamay nito at nginitian. "Ano ka ba ayos lang Mila salamat pa rin." At salamat dahil hindi mo sinagot.

"Maaari ko bang makuha ang aking phone?" Baling niya sa nurse na may kakaibang ngiti habang nakatingin sa kamay niyang nakapatong sa kamay ni Mila. "Heto Mr. Higashino." Abot nito sa kaniya na may kakaibang ngiti pa rin na tila ba nanunukso ito. Lihim na lamang siyang napailing. Kung alam niyo lang po.

Dahil alam niyang tanging ang mga kapamilya lang niya ang may alam ng kaniyang cellular number ay medyo kinabahan siya. Matagal na rin siyang kinukulit nina Lyndrian, Mila at Ed tungkol sa kaniyang cellular number pero hindi niya maibigay ito dahil ayaw niyang mas magduda pa si Xyril tuwing nababawi nito ang katawan nito. Agad niyang tiningnan ang call logs at nandoon nga isang unread message at dalawang missed calls. Alam niyang problema ang hatid nito sa kaniya pero ayaw naman niyang si Xyril ang malagay sa alanganin dahil sa kaniya. Gusto na niya tuloy ibalik ang katawan nito hanggang sa matapos ang araw kung saan pinababalik si Xyril Higashino sa kanilang bahay.

Be ready, Toshiee will fetch you this evening for dinner.

Isang pangungusap lamang ang laman ng mensaheng pinadala pero ibayong kaba ang dulot nito sa kaniya. Maraming siyang pangamba sa nalalapit na pagkikita nila sa pamilya ni Xyril.

MATAPOS NIYANG mabasa ang mensahe ay dumating sina Lyndrian at Ed kaya nakapagpaalam na sila sa nurse. Bandang alas sais ng hapon ay dumating siya sa apartment at doon niya ginugol ang oras niya sa paghahanda. Naligo muna siya bago nakatapis na naghanap ng maaaring isuot sa isang family dinner.

"For sure hindi naman siguro kakailangan ang isang tux sa family dinner nila 'di ba?" tanong niya sa kaniyang sarili habang ginugulo ang organisadong closet ni Xyril. At tama nga siya, walang siyang miisang tux na natagpuan sa loob ng closet nito. Isang simpleng black coat na tinernuhan niya ng isang gray-colored na tee shirt sa ilalim habang nakapantalon lamang siya at converse. Nagwisik siya ng pabango ni Xyril. Sa kakahalungkat niya sa closet nito ay may nakapa siyang isang walang pares na pearl earing. Katamtaman ang laki nito at maganda sa mata. Dahil may butas ang teynga ni Xyril ay isinuot niya ito.

Nasa kalagitnaan siya ng pananalamin nang biglang may bumusinang sasakyan sa labas. "Siya na siguro si Toshiee," saad niya sa kaniyang sarili. Tanging cellphone, wallet at susi ng apartment ang bitbit niya bago lumabas.

Upang lamang mapatanga nang masilayan niya ang isang limousine na kulay itim at isang kasing edad niya lamang na lalaki na pinagbuksan siya ng pinto.

"How have you been, young master?" nakayukong bati nito habang nakasuot ng damit na pang butler na tanging sa mga pelikula lamang niya nakikita noon.

Young master?

FELECITY

NAPAKATAHIMIK NG byahe papunta sa lugar kung saan ang mayayamang Intsik lamang ang nakatira. Alam ni Felecity na gusto dati ng ama niya na dito sila magtayo ng bahay dahil nasa tuktok talaga ito ng syudad kung saan may magandang city view lalo na pagkagabi. Subalit isang napakayamang pamilya mula sa Japan ang majority na nakatira rito kasama ang ilang mga Chinese families – ang mga Higashino. Ngayon niya lang napagtanto ang lahat. Kilala ni Felecity ang mga Higashino pero hindi niya minsan inakala na kasali si Xyril Higashino sa pamilyang 'yon mismo.

What to do? Oh my golly! Mabubuking talaga ako nito eh!

Hindi mapakali ang mga daliri niya na nasa tuhod niya nakalagay habang nakatingin siya sa labas ng bintana. Ayaw niyang magkaroon ng eye contact kay 'Toshiee' na alam niya kanina pa nakatingin sa kaniya.

Oh my golly! Gusto ko ng umalis sa katawan na ito! Dahil sa pangamba na mabuko siya ay naiusal ni Felecity sa kaniyang isipan ang mga katagang ito. Pero hindi niya aakalain na sa susunod na segundo ay may kung ano siyang narinig mula sa pinakasulok ng kaniyang isipan. Isang tahimik at malamig na boses ng isang lalake.

Napaupo siya nang tuwid habang namamawis ng malamig.

"Xyril?" Wala sa loob na tawag ni Felecity sa boses na nasa loob niya.

"Sir?" Untag ni Toshiee na nakatingin sa kaniya gamit ang rearview mirror.

Mabilis na umiling si Xyril. "N-nothing. Go one and drive, Toshiee."

DON'T SMILE. Xyril's words echoed inside her head. Pasimple siyang napahawak sa kaniyang sentido at binigyan ng isang tango si Toshiee bago niya ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.

Xyril? She asks inside her mind – reaching to the unknown for his voice.

WHAT HAVE YOU DONE TO ME? May galit sa boses ni Xyril subalit nanatiling mahina ang boses nito.

I-I am so sorry, Xyril Higashino. Have you been watching me now? Puno ng pagsusumamo ang boses ni Felecity.

YOU STOLE MY FREEDOM! GIVE ME BACK MY BODY! KAYA PALA MAYROON AKONG MEMORY LAPSES, I WAS ASLEEP IN THIS DARK CORNER THE WHOLE TIME WHILE YOU ARE PLAYING DETECTIVE WITH MY BODY!

Napakagatlabi si Felecity. Naiintidihan niya ang galit ni Xyril Higashino. After all, she literally hijacked his body without even thinking the downsides for his part. Felecity knew that she was just being selfish – using justice as a means to justify her actions.

I am so sorry. Iyon talaga ang masasabi ko dahil sa aking mga ginawa. Pero kailangan ko ng tulong mo. Mr. Xyril Higashino, I need to know who killed me. Please, I am begging you. May nginig sa kaniyang boses habang nagmamakaawa sa may-ari ng katawan na ginagamit ni Felecity.

Napakuyom si Felecity habang hinihintay ang hatol ni Xyril na hindi pa sumasagot kaya dumoble ang takot ni Felecity at baka biglang nawala ang kanilang koneksyon. Xyril? Nandiyan ka pa ba? Is the connection dead?

I AM STILL HERE. Napansin ni Felecity na hindi na mataas ang tono ng boses nito. Ayaw niyang umasa pero sana ay tulungan siya nito. DID YOU SAY YOU WERE MURDERED? Tahimik ang boses nito at nananatiling mahina.

Mabilis na sumagot si Felecity sa kaniyang isipan. Yes. I am supposed to cross the supposed door for the dead. Kaya lang sabi ng bantay na dapat kong maalala ang pangyayari noong gabing pumanaw ako. Nang – nang tinanong ko siya kung bakit wala akong maalala ay doon ko nalaman na hindi ako nagpatiwakal. Pinatay ako. Alam mo 'yon? At hindi ko man lang maalala kung paano ako pinatay, kung sino ang pumatay sa akin, at kung bakit niya ako pinatay. I just want to rest in peace.

Natahimik ulit si Xyril Higashino sa kabilang panig ng kaniyang isipan. Xyril? No one answered na siyang ikinabahala ni Felecity. Baka mas lalong nagalit 'yon sa akin? Baka hindi siya naniwala tungkol sa pinto? I should have tell him about my time limit. What should I do?

At hanggang sa pumasok sa isang dambuhalang gate ang limousine ay hindi na ulit nagsalita pa ang mahinang boses ni Xyril Higashino. Oh my golly! May problema pa nga pala ako!

Nanginginig ang kaniyang mga kamay at pinagpapawisan siya ng malamig habang tinitingala ang isang Japanese inspired mansion na dati niya lang napapanuod sa mga Netflix Series. Kung sa ibang pagkakataon siya napunta rito ay baka manghangmangha na siya subalit magkahalong takot at pangamba lamang ang kaniyang nararamdaman.

RELAX.

Naumpog siya sa pinto ng sasakyan kung saan dinaluhan agad siya ni Toshiee. Nagulat si Felecity sa biglaang pagsasalita ni Xyril. Akala niya kasi ay nasira ang koneksyan."Sir, are you okay?" May pag-aalala na makikita sa singkit na mga mata nito na nakatunghay sa kaniya subalit halatang alangan ito kung lalapitan siya o hahawakan. "Ayos lang ako, Toshiee. Medyo –"

DON'T YOU DARE SAY THAT YOU MISS THAT HOME, I DON'T GO AROUND AND BLABBER THAT. AND THAT SMILE.

Naputol ng mga babala ni Xyril ang kaniyang gagawin na sana na pagngiti kay Toshiee o pagdadahilan. I am so sorry, Mr. Toshiee! "Nevermind. Lead the way to where my family members are."

Hindi sanay ni Felecity na ganoon ang turing niya sa isang tao kaya kung makikita lang ni Toshiee ang mga mata nito kahit na katawan ni Xyril ang gamit ni Felecity – ay makikita talaga ang paghihingi ng dispensa.

SANAY NA Si TOSHIEE SA GANIYANG TRATO MULA SA'KIN. JUST FOLLOW HIM AND DO AS I SAY. MAG-UUSAP PA TAYO MAMAYA.

Sa narinig ay hindi maiwasan ni Felecity na mapahinga ng maluwag habang pilit na pinipigilan ang pagngiti. Thank you, Mr. Xyril Higashino.

CALL ME XYRIL. YOU JUST CALLED ME XYRIL A HANDFUL OF TIMES ALREADY. NGAYON KA PA BA MAHIHIYA.

You're rude. Hindi mapigilang saad ni Felecity. Ngayon lang siya nagkaroon ng ganito ka sarkastiko pero medyo mabait na kausap kaya naninibago si Felecity. Medyo sanay siyang palaging sweet ang kausap.

SAYS THE GIRL WHO STOLE MY BODY WITHOUT MY PERMISSION.

Akmang sasagot na sana si Felecity nang biglang huminto si Toshiee kaya muntik na siyang maumpog dito. WATCH WHERE YOU'RE GOING! Inis na pakli ni Xyril na ikinaikot lamang ng mga mata ni Felecity.

Stop nagging and please just help me, Xyril.

Xyril grunted before he answered her. MAY CHOICE PA BA AKO?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top