7
XYRIL
NAGLALAKAD NA papasok sa kaniyang paaralan si Xyril Higashino. Nakakunot ang kaniyang noo sa buong durasyon ng kaniyang paglalakad dahil una sa lahat hindi niya pa rin matagpuan ang kaniyang cellular phone. Ikalawa nabago ang kaniyang shampoo at amoy babae na ang ulo niya ngayon. Pangatlo, ang liit na lang ng laman ng kaniyang pitaka. Ano nga ba ang ginawa niya kahapon at nagkaroon siya ng ganitong mga problema ngayon? Uminom ba siya? Matagal na rin naman siyang nakainom at sa pagkakaalam niya ay hindi naman siya grabe kung uminom at malasing. Mas sumasakit lamang ang kaniyang ulo pag iniisip niya ang mga ito.
"Xyril!" May tumawag agad sa kaniyang pangalan nang malapit na siya sa paaralan na kaniyang pinapasukan. Napahinto siya agad nang makita niya ang tatlong tao na may ngiti sa kanilang labi habang nakatingin sa kaniya. Ang isa sa mga ito ay naalala niyang sumabunot sa isa niyang kaklase. Mira yata ang pangalan niya? Pero teka, ba't kumakaway siya sa'kin?
Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ba't ba ang daming kakaiba nangyayari sa akin lumipas lang naman ang magdamag? Hindi alam ang gagawin ay tinaas niya ang kaniyang kamay upang kumaway pabalik – medyo malamya ang kaniyang ngiti. Naglakad na siya papunta sa mga ito, siguro ay may alam ang mga ito kung ano ang nangyari kagabi. Siguro ay ito ang mga kasama niya kaya naging malapit sila. Hindi naman siguro siya naging baliw sa isang gabi at nakipagkaibigan 'di ba? Hindi siya pupuwedeng magkaroon ng kaibigan, hinding-hindi.
Ayokong mangyari ulit iyon.
Mabagal ang kaniyang paglalakad kaya sinalubong na siya ng mga ito sa paglalakad. Tumingin siya sa paligid, parang wala lang ang mga estudyanteng dumadaan. Siguro ay dapat siyang makahinga nang maluwag kahit konti lang dahil hindi pala sila nakagawa ng isang kalohohan noong nagdaang gabi. Siguro nga ay nag-inuman lang sila. Nang malapit na ang mga ito ay doon siya ngumiti ng bahagya, mahirap hindi ngumiti lalo na at ang lalawak ng mga ngiting nakapaskil sa mga labi ng mga ito. Sina Mila, Ed at Lyndrian pala ang mga ito.
Pero ang hindi niya inaasahan ay nang tuluyan ng makalapit ang mga ito sa kaniya ay mabilis siyang dinamba nina Lyndrian at Ed. Ginulo ni Lyndrian ang kaniyang ulo habang may ngisi sa labi nito. Si Ed naman ay tinapik siya sa balikat bago bumalik sa tabi ni Mila na tatawa-tawa lang. Ba't ang kilos ng mga ito ay parang bumabati sa isang kaibigan? Hindi kaya?
"Hoy Xyril, ang lalim ng pagkakunot ng noo mo ah." Bahagya siyang itinulak ni Lyndrian na ikinagulat niya ulit. Kung normal na okasyon lang ay baka nabigyan na niya ito ng isang matalim na tingin. Pero ilang beses na ba siyang nagulat simula nang gumising siya kanina?
"Masama ang pagkakabangon niya panigurado," saad ni Ed na ikinatawa ng tatlo kaya ngumiti lamang siya. Ngiti na parang ngiwi, hindi alam ng mga ito ang pagtatalo at pagkalito sa loob niya. Mabuti na lamang at tumunog ang bell. Mabilis siyang hinablot ng mga ito papasok sa kanilang paaralan.
Mamaya ko na lang sila kakausapin.
DUMAAN ANG umaga na para siyang sinisilihan mabuti na lang at hindi nagpapakita ang multo sa kaniya. Ang mabuti siguro ay kausapin niya ang puntod nito matapos itong mailibing nang matahimik na ito sa pagpapakita sa kaniya. O di kaya ay puntahan niya ang burol nito.
Napatingin siya sa dating upuan ni Felecity. Nandoon pa rin ang vase na may bulaklak na nakalagay. Ngayong araw na ito ay kulay dilaw na rosas ang nakalagay. Tahimik siya sa buong durasyon nang hatakin siya nina Mila papuntang canteen.
Ano na naman?
Muntik na niyang natabig ang kamay nito nang hawakan nito ang kaniyang braso. Buti na lamang at nakapagpigil siya. Unwanted memories started to resurface in his head every time he tries to befriend someone. Kaya hindi niya maintindihan kung paanong isang araw paggising niya ay may tatlo na siyang kaklase na kung umasta ay tila mga kaibigan niya ang mga ito.
Ayaw niya namang maging bastos kung basta na lamang niya itataboy ang mga ito. Kakausapin niya ang mga ito nang masinsinan. Pero bago iyon ay magtatanong muna siya kung ano nga ba ang nangyari sa kaniya kagabi. Baka masagot ng mga ito ang mga katanungan niya kaninang umaga simula nang magising siya.
"Ako na ang mag-oorder guys tutal ay alam ko naman ang mga paborito niyo," biglang saad ni Mila matapos silang makaupo sa isang mesa. Tumango naman sina Ed at Lyndrian. Teka, paano nalaman ni Mila? Pati ba 'yon ay nalaman niya nang mag-inuman kami? Hindi naman ako palasalita kapag lasing ah? What the heck is happening?
Hindi na siya nakapagsalita nang biglang umalis si Mila. Naiwan na lamang siyang nakatanaw sa papalayong pigura nito – gulong-gulo ang isipan.
"Ayos ka lang, Xyril?" Si Ed ang bumasag sa katahimikan. Hindi kasi siya nagsasalita simula nang umalis si Mila kahit na pilit na sinasali siya nina Ed at Lyndrian sa mga usapan ng mga ito. Nang mapansin ng mga ito na wala siyang balak makipag-usap ay tumahimik ang buong mesa.
"Huh? Ah oo?" Pati siya mismo ay hindi alam kung ano ang isasagot. Ayos lang ba siya? Oo wala namang masakit sa pakiramdam niya maliban kaninang umaga na siguro ay resulta ng pag-inom nila. Pero maliban doon ay wala na. Pero may isa siyang pakiramdam, na parang may mali sa paligid kaya kanina pa siya napapatingin sa paligid kaso wala naman. It is like I entered into a different universe.
Nakakaunawang tumango si Lyndrian sa kaniya. "Naiintindihan ka namin pare. Mahirap maging lalake sa isang relasyon." Saad ni Lyndrian sabay tapik sa kaniyang balikat.
"What?" Hindi mapigilang usal ni Xyril. Huh? Ba't umabot sa relasyon ang pinag-uusapan ng mga ito?
Akmang magtatanong na siya nang dumating si Mila. Medyo nahihirapan ito sa mga tray na dala kaya mabilis na tumayo si Ed at tinulungan ito. Ekspertong inilagay ni Mila ang mga tray sa harap nila pero nang makita niya ang laman ng tray niya ay muntik na siya mapangiwi.
Akala ko ba ay alam mo ang gusto kong kainin? Nais niyang tanungin si Mila pero dahil sa effort nito na kumuha ng pagkain para sa kaniya ay nanatiling tikom ang kaniyang bibig. Marahan niyang kinuha ang kutsara at tinidor.
"Buti na lamang at naubutan ko pa ang huling serve ng mash potato na gusto mo Xyril. Talagang nakipag-away pa ako kay Serein para diyan ha, you owe me." Puno ng galak na saad nito na tila proud na proud ito sa ginawa para sa kaniya na lihim na ikinangiwi ni Xyril. I hate mash potato, Mila.
"Bakit naman kasi trip mo 'yan?" takang tanong ni Lyndrian.
Aba ewan ko.
"Naalala niyo 'yong dalawang servings ang naubos niya kahapon?" Natatawang tanong ni Ed sa mga kasama nila. Kahapon? Kumain ako kagabi nito? At dalawang servings pa? Wow, akala ko ayos lang ako malasing, hindi pala.
Isang ngiti ang binigay niya sa mga ito. Isang subo pa lang ay gusto niya nang maduwal pero pilit niyang nilunok ang mga ito. Uminom siya ng maraming soda pagkatapos ng isang lunok na iyon. Pangalawang lunok niya at doon na siya napatayo at madaling pumunta ng CR. Hindi ko na kayang lunukin ito!
Naiwang naguguluhan ang tatlo sa inaasal ni Xyril.
Mabilis na narating ni Xyril ang men's CR. Pagkapasok niya ay napansin niyang siya lang ang tao ro'n pero hindi na niya pinansin ito dahil sa sama ng kaniyang tiyan. Huli na nang biglang mag-iba ang amoy ng hangin.
Biglang naging amoy kandila ang paligid.
"WEW! AKALA ko hindi na ako makakapasok," napabuga ng hangin si Felecity na ngayon ay matagumpay na nakapasok ulit sa katawan ni Xyril Higashino. Bigla na lamang siyang nahiwalay sa katawan ni Xyril nang sumapit ang madaling araw. Ilang beses din siyang nagpumilit na pumasok sa katawan ng huli pero palaging tila may hindi nakikitang pader na pumoprotekta sa katawan ni Xyril laban sa kaniya. Napatitig siya sa repleksyon niya sa salamin, medyo nasanay na rin siya na ang singkit na mga mata ng isang lalaki ang titig pabalik sa kaniya. Bakit kaya nangyari 'yon? May ibig ba 'yong sabihin? Dahil ba unti-unting nauupos ang forty-nine days ko?
Dahil sa mga katanungan ay napahilamos siya sa kaniyang mukha, nagwisik din siya ng konting tubig mula sa gripo bago umalis ng banyo at pumunta pabalik sa iniwan niyang mesa sa canteen. Alam niya ring nagtataka sina Mila, Ed at Lyndrian sa Xyril na nakasama ng mga ito kanina. Dapat nga silang magtaka dahil iyon ang totoong Xyril Higashino. Mula pagkawalay niyang kaluluwa niya mula sa katawan ni Xyril ay hindi niya ito nilubayan at nakita niya ang maliit na bahagi kung sino si Xyril Higashino bago niya ginulo ang buhay nito.
Base sa kaniyang obserbasyon ay si Xyril Higashino ang kabaliktaran niya. Kung gusto niya na magkaroon ng maraming kaibigan, si Xyril naman ay tila ang tipong naglalagay ng distansya sa mga tao sa kaniyang paligid. Nagtataka siya dahil may mga kaibigan naman ito kung ang mga nakasabit na larawan ang pagbabasahen pero kung umasta ito kanina kasama sina Mila, Ed at Lyndrian ay daig pa nito ang estatwa sa tigas ng pakikitungo sa tatlo. Alam niya rin na nagtataka ito at kung hanggang saan ang narrating ng pagtataka nito ay hindi niya alam. Ang tanging alam lang niya ay isang matalinong tao si Xyril Higashino at dapat na siyang mag-ingat. Hindi niya alam kung kailan ulit siya mahihiwalay sa katawan ng huli. At hindi niya rin alam hanggang kailan niya maloloko si Xyril Higashino.
"Ayos ka lang Xy?" Ang nag-aalalang boses ni Mila ang nakapagpagising sa kaniyang diwa. Nakarating na pala siya sa mesa na inookupa ng tatlo nang hindi niya namamalayan. Mabilis siyang umupo sa kaniyang pwesto at ngumiti sa mga ito, "Oo naman. Medyo kinabag lang." Nakangiting paliwanag niya para sa mga ito.
"Kanina pa namin napaghahalataan, may problema ka ba? Baka matulungan ka namin," seryosong saad ni Ed na nakatitig ng diritso sa kaniyang mga mata.
Ang totoong Xyril, meron. Sagot ni Felecity kay Ed sa kaniyang isipan habang nakatitig din sa mga mata ng huli pero iba ang sinagot niya. "Problemang lalaki lang Ed, wala ito. Kaya ko itong solusyunan, patay na patay 'yon sa akin akala niyo." Nilangkapan niya ng biro ang pagsakay niya sa mga akala ng mga ito. Sa ngayon, marami pa siyang hindi alam at kailangan niya ang tulong nina Mila, Ed at Lyndrian sa pagdiskubre ng katotohanan tungkol sa kaniyang kamatayan.
Napa-whistle naman sina Ed at Lyndrian sa kaniyang sinabi habang napailing na lamang si Mila, nakitawa rin siya habang nilalantakan niya ang ngayo'y malamig nang mashed potato. Muntik na, muntik na akong mabuko.
DUMAAN ANG maghapon na katulad lamang na pang araw-araw na nangyayari, naglalakad na silang apat papalabas ng paaralan nang makasalubong nila ang kanilang guro na si Mister Reyes na hindi magkandaugaga sa mga papeles na dala. May ibang malapit na talagang mahulog habang ang iba ay nalulukot na rin.
"Sir, tulungan na namin kayo." Mabilis na lumapit siya sa guro na siya namang natigilan.
Naalala ng guro na sa mga panahong ganito, iisang estudyante lamang ang tumutulong dito, ang nasirang paborito nitong estudyante.
"Sir?" untag niya rito. Mabilis namang napailing ang guro na ipinagtaka ng tatlo at ngumiti. "Salamat Higashino. Kayo na ring tatlo diyan tulungan niyo na rin ako na dalhin ang mga ito sa library." Napailing na lamang ang tatlo at sumunod na sa utos ng guro.
Siya ang unang kumuha mula sa karga ni Mister Reyes at dahil kabisado na niya ang library ay isang sulyap lang sa pangalan ng dokumentong dala ay alam na niya kung saang shelf ito ilalagay kaya umuna na siya sa paglalakad.
"Ah Higashino, alam mo ba kung saan 'yan dadalhin?" tanong ng guro sa naglalakad na papalayong estudyante.
Out of habit na sumagot siya na parang wala lang. "Sa Filipiñana section 'di po ba, Sir Reyes?" Lumingon siya at kinumpirma niya ang shelf section sa guro na siya namang tinanguan nito. Nagpatuloy na siya siya sa paglalakad papunta sa library na hindi na niya masyadong pinupuntahan, nagbibigay lang kasi ito ng mga ala-ala na masakit para sa kaniya.
Diri-diritso na siyang pumasok sa library. Mabilis niyang binagtas ang mga shelves nang bigla siyang narinig na tunog, isang hindi kaaya-ayang tunog. Pili man itong sinisikil nang nagmamay-ari ng boses ay nangingibabaw pa rin ito sa malapit dahil sa katahimikan ng lugar. Masusi niyang binagtas at inisa-isa ang bawat shelf, marahan at pino rin ang kaniyang galaw. Sa bawat hakbang niya ay mas lumalakas ang tunog ganoon din ang kakaibang kaba na nagmumula mismo sa kaniya. Sa likod ng shelf na kaniyang kinatatayuan ay alam niyang nandoon nagmumula ang tunog. Naka-aircon man ang library ay pinagpapawisan siya habang nanginginig ang mga kamay niyang nakahawak sa mga dokumento. At sa pagitan ng mga libro ay doon niya sinilip at kinumpirma ang haka-hakang dati ay isang bangungot na ngayo'y nagkatotoo na.
"B-bilisan mo pa Rex," ungol na babaeng buong buhay niya ay pinagkatiwalaan niya habang nakakandong sa isang pigura at nakatalikod sa kaniya.
"Sshh tumahimik ka nga Simmone," saway ng walanghiyang lalakeng inakala niyang mamahalin siya habang buhay noong siya'y nabubuhay pa.
Ilang araw pa nga ba noong namatay siya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top