6
FELECITY
ISANG PATAK ng luha mula sa kaniya na nagrerepresenta sa sakit ng kaniyang nadarama ngunit dapat siyang magpakatatag dahil may dapat pa siyang gawin. Ilang oras na ang nagdaan mula nang naisara ang lupa at nailagay ang lapida na may nakalagay na kaniyang pangalan. Ngayon ay hinihintay na lang niya na tuluyang maubos ang mga nakikiramay at maiwan na lang ang kaniyang mga magulang at si Nana Belen. Akmang hahakbang na sana siya palapit sa mga ito nang mapahinto siya nang may nagsalita sa kaniyang likuran.
"Kanina pa kita napansin, nakita ko sa mga mata ang sakit pero hindi ka man lang lumapit." Pagsasaboses ng isang lalaki na hula niya'y nasa edad tatlumpo pataas na. Nakasuot ito ng sombrero at isang sunglass. Naka Lacoste shirt ito at napansin din niya ang Rolex na suot nito. Kung hindi ito abogado ay baka negosyante ito.
Hindi siya sumagot sa sinabi nito at nagkibitbalikat lang – ang pinaka-safe na response. "Siguro ay may lihim kang gusto sa inilibing ano?" Panghuhuli nito sa kaniya na may bahid pang-aalaska sa tono ng boses. Bakit ba ang feeling close nito? Ka-close ba ito ni Xyril Higashino?
"Kakakilala ko lang sa kaniya," mahinang saad niya. Nakatutok ang kaniyang paningin kina Simmone at Rex na lumapit at yumakap sa kaniyang mga magulang. Biglang umantak ang sakit na kanina niay pa pilit iwinawaksi. Na-miss niya na ang yakap ng kaniyang ina. Dati rati noong nabubuhay pa siya ay nahihiya siyang yumakap sa kaniyang mga magulang ngayon ay lubos ang kaniyang pagsisisi. Kung sana ay sinulit niya ang mga paglalambing nito sa kaniya. Totoo talagang doon mo lamang malalaman ang halaga ng isang bagay kung wala na ito sa'yo.
Ayaw niya munang dumistorbo kaya hindi muna siya nagtungo sa kinaroroonan ng kaniyang pamilya. Nanatili siya sa tabi ng isang estranghero na abala sa paghithit ng sigarilyo. Sino nga ba ito? Ah, bahala na nga.
Naghintay muna siya nang ilang minuto at nang makita niyang sabay na umalis ang kaniyang matalik na kaibigan at nobyo ay nag-umpisa na siyang maglakad patungo sa kaniyang pamilya. Sa bawat paghakbang niya ay mas lalong lumalakas ang pagtahip ng kaniyang dibdib sa kaba. Maraming tanong na nabubuo sa kaniyang isipan pero may isang nangingibabaw sa lahat. Mahalata kaya nila na na magsisinungaling ako tungkol sa pagkatao ko bilang si Xyril dahil ako mismo si Felecity?
Well, hindi naman lahat ay kasinungalingan dahil totoo naman talagang sumanib ang anak ng mga ito sa katawan ni Xyril Higashino pero ang magpanggap na siya si Xyril Higashino sa katawan ni Xyril Higashino ay nakakaloka. Bago magsalita ay huminga muna siya ng malalim bago tinawag ang pansin ng mga ito. "Nana Belen?"
Tatlong atensyon ang agad na bumaling sa kaniya na nagdulot ng matinding pagkailang para kay Felecity. Nasa harap lang naman niya ang kaniyang pamilya pero ang dati'y puno ng pagmamahal na tingin ng mga ito sa kaniya ay ngayo'y blangko na. Wala naman 'yong kaso sa kaniya dahil totoo naman talagang sa mga mata ng mga ito isa lamang siyang kaduda-dudang binata.
Ang ina niya ang unang lumapit sa kaniya. "Hijo ikaw ba ang sinasabi ni Nana Belen na nakakakita sa anak ko?" Sa pagkabanggit nito sa kaniya ay nanginig ang boses nito. Mabilis namang sumaklolo ang kaniyang ama na tinitingnan siya na may bahid na pagdududa. Hindi niya ito masisisi at inaasahan na niya ang ganitong ekspresyon mula sa kaniyang ama. Kahit kasi mahal na mahal siya nito ay isa itong hotshot lawyer habang ang ina naman niya ang namamalakad ng kanilang family business.
Tumango siya bilang sagot para kasing biglang may bumara sa kaniyang lalamunan. "Opo." Look at them straight to their eyes bulong niya sa kaniyang isipan. Ayaw niyang magduda ng husto ang kaniyang ama lalo na at pinag-aaralan nito ang mannerism niya base sa paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya.
"Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na lumapit ako sa inyo upang masagutan ang mga katanungan sa aking isipan," magalang na panimula niya.
"At ang mga tanong na mga ito ay?" Ang ama niya ang sumagot. I miss you, dad.
"Kung bakit nagpapakita sa akin ang kaluluwa ng anak niyo gayong hindi naman kami malapit sa isa't-isa. Sa katunayan ay isang beses lang kami nagkita."
Natahimik ang mga ito matapos mapasinghap ang kaniyang ina. "My baby, my poor baby. Alex ang anak natin," umiiyak na saad ng kaniyang ina na niyakap kaagad ng kaniyang ama upang aluin. Ibayong pagpipigil ang kaniyang ginawa upang hindi ito yakapin at sabihan ito nang paulit-ulit na naririto lang siya.
"Chelsea, tumahan ka na. Hindi matutuwa ang anak natin kapag palagi kang ganiyan."
Agad na nagtalo ang kaniyang isipan. Nasasaktan siya para sa kaniyang ina pero dapat niya itong gawin. Hindi naman kasi pupuwedeng hindi siya tumuloy sa pintong iyon. Hindi na siya kabilang sa mundo ng mga buhay at ang tanging koneksyon niya lang sa dati niyang mundo ay ang katawan ng transfereeng ito. Guilty siya dahil walang babalang ginamit niya ang katawan ni Xyril Higashino pero may sanib bang nagpapaalam? Ay ewan!
"Hijo, bumalik ka na lang sa susunod na araw." Saad ni Nana Belen at binigyan siya ng tingin na humihingi ng pag-unawa.
Ngumiti siya at hinawakan ito sa balikat. "Walang problema Nana. Maghihintay na lang po ako sa tawag niyo." Tiningnan niya ang kaniyang mga magulang. "Mauna na po muna ako." Saad niya sabay talikod sa mga ito.
Hindi pa siya gaanong kalayuan sa sementeryo nang biglang may tumawag sa pangalan ng lalaking may-ari ng katawan na kaniyang ginagamit. "Xyril!" Awtomatiko siyang napahinto at lumingon sa pinanggagalingan ng boses.
Tumambad sa kaniyang paningin ang isang babaeng makalaglag panga sa ganda. Tuwid ang itim na itim na buhok nito, bilugan ang mata na sa paglapit nito ay naaninag niya ang kulay tsokolateng mga mata nito, at isang mala-anghel sa gandang mukha na korteng puso. Dahil lakad takbo ito papunta sa kaniya ay hindi maiwasang gumalaw-galaw ang mayayamang dibdib nito. Kahit sa simpleng shirt at butas-butas na pantalon ay ang ganda nito. Nakadagdag pang nakakainggit ang kulay olive na kutis nito.
Nakangiti habang nagmamadaling lumapit sa naestatwang katawan niya. Lagot! Ano nga ba ang dapat niya gawin?
A, ngumiti at salubungin ito ng yakap?
B, umastang cool na cool lang sa pangyayari at batiin ito ng simpleng 'kumusta?'.
C, tumalikod at mabilis na tumakbo?
Sa ngayon, mas gusto niyang gawin ang C kaso baka magtaka ito. Halata pa namang kilalang-kilala nito si Xyril Higashino kung pagbabasehan ang lawak ng ngiti nito. Pero kung mananatili siya sa kaniyang kinatatayuan ay baka mabuking nito na may kakaiba sa kaniya lalo na at hindi niya talaga alam kung kaano-ano ni Xyril Higashino ang magandang dilang na ito.
Akmang tatalikod at bubuwelo na sana siya ng takbo nang biglang may naisip siya na nakapagpahinto sa kaniya. Paano kung nobya ni Xyril Higashino ang magandang dilang na ito? Kung nobya nga ni Xyril Higashino ito at tatakbo siya paniguradong iisipin ng babae ang lahat ng posibleng negatibong dahilan. Ayaw niyang mangyari 'yon at malagay niya sa alanganing sitwasyon si Xyril.
"Ang tagal mong makalapit ah," pagkasabi nang babae ay agad ikinuwit ng braso nito ang kaniyang braso. Confirmed! May relasyon ito at si Xyril! Napalunok siya nang ilang beses dahil sa natuklasan. Patay! Sino ba ito? Ano ang pangalan nito? Teka, may tawagan ang magnobyo so...
"B-babe," alanganin niyang saad sa pagitan ng pilit na ngiti habang nakatingin siya sa mamulamulang mga pisngi nito. Parang robot ang kaniyang ngiti – o mas tamang sabihing ngiwi.
"Ha?" Parang naengkanto na tanong nito sa kaniya. Namilog ang mga mata nito at napakunot noo. Patay, mali yata ang ginamit kong endearment.
"Hon?" Ulit niya baka tumama kaso nadagdagan ang pagkalito sa mukha nito. Oops! Mali ulit!
"Eh?" Nabitawan nito ang braso niya kaya doble na ang kaba ni Felecity. Sorry Xyrill!
"W-wifey?" Kung tama ang wifey, isang malaking korni si Xyril Higashino. Nais ni Felecity ang mapatawa sa kaniyang iniisip kung hindi lamang sa namumulang mukha ng kaharap. Tumama yata ang hula ko, hinuha niya nang hindi na nito kwinestiyon ang kaniyang sinabi.
"Teka, ayos ka lang w-wi-wifey?" Ano ba 'yan ang korni talaga! Napansin niya ring nakakuyom ang mga kamao nito at yumuko ito sa kaniya na tila ba nagpipigil ng emosyon. Lalapitan na sana niya ito nang biglang may nagsalita sa kanilang likod, "Uy! Xyril!"
Halos sabay na napalingon sila sa tumawag sa pangalan ni Xyril, sina Ed pala.
"Akala ko umuwi ka na?" Tanong ni Mila na hawak-hawak ni Ed ang kamay. Mugto rin ang mga mata nito na tanda na nagmula lamang ito sa pagpalahaw.
"Papauwi na nga ako kaso," binitin niya ang kaniyang sinabi at tiningnan ang babaeng katabi niya na nagtatakang nakatingin sa kaniyang mga kaibigan.
"Yiee, girlfriend mo?" Mapanuksong tanong ni Mila habang palipat-lipat ang tingin nito sa kanila. Akmang magsasalita na sana siya nang sumabat ang babae. "Kaibigan niyo si Xyril?"
Ang tanong nito ay walang halong malisya sa halip ay puno ng kyuryusidad at pagkamangha habang nakatingin ito sa kanila. Tumango naman silang lahat na tila mas ikinamangha nito ulit. Oh my golly, may ginawa ba akong hindi normal na ginagawa ni Xyril?
Nakita niya kung paano nanubig ang mga mata ng babae. Mabilis niyang hinapit ang ulo nito papunta sa kaniyang dibdib upang mapatahan ito. Ganito ang ginagawa ni Rex sa kaniya tuwing naiiyak siya. We're in a relationship, right? Este, ang katawang ito pala. "Ayos ka lang?" Ano bang pangalan niya?
"May naggawa ba kami?" Nababahalang tanong ni Lyndrian. Siya na sana ang sasagot na wala kaso naunahan na naman siya ng babae na mabilis na humarap sa mga ito at umiling.
"Sorry ha, medyo emotional ako basta si Xyril. Kayo kasi ang unang mga naging kaibigan niya sa loob ng mahabong panahon." Pasinghot-singhot na sagot nito na ikinangiti ng kaniyang mga kaibigan na natutuwa sa nalaman. Kabaliktaran naman nila ang kaniyang nararamdaman. Ang kaniyang maliit na ngiti ay unti-unting nabura sa natuklasan.
Oh my golly!
May nagawa siyang isang malaking 'hindi dapat' lalo na at nakikigamit lang siya ng katawan sa isang walang kamalay-malay na tao. Kung sina Mila ay nakangiti siya naman ay namutla, sana nga lang ay hindi ito mapansin ng mga kasama niya ngayon.
"Teka teka, hindi mo pa sinagot ang tanong namin ah. Girlfriend mo?" si Lyndrian na ang nagtanong na may halong pambubuska ang uri ng tingin. Kahit nakangiti ay nasa isip na ni Felecity kung paano kukutusan mamaya si Lyndrian.
No choice na hinapit niya ang beywang ng babae na nagulat sa kaniya. Umakbay siya rito at ngumiti sa mga kaibigan niya – sana nga talaga at ngiti ang ginagawa niya at hindi ngiwi. "Meet my girlfriend." And I don't know her name.
Hindi niya alam kung sino ang suminghap nang pagkalakas-lakas basta ang sumunod nilang nasaksihan ay kung paano nawalan ng malay ang babae sa kaniyang bisig.
Omo!
XYRIL
MASAKIT ANG ulo ni Xyril nang magising siya. Ang pakiramdam na tinatanghali siyang magising, 'yon ang kaniyang nararamdaman sa ngayon. Maaga naman siyang natulog kagabi pero parang pinukpok ng ilang martilyo ang kaniyang ulo sa sakit. Napaungol siya habang tinitabunan niya ng unan ang kaniyang mukha.
Nasa ganoong posisyon siya nang biglang tumunog ang kaniyang alarm clock. Mas maaga nga siyang nagising sa alarm clock kaso daig niya pa ang tinanghali. Hindi muna siya bumangon. Inabot niya ang cellphone na palagi niyang iniiwan sa mesa na katabi lamang ng kaniyang hinihigaan. Pero lumipas ang ilang miunto at halos nalimas na niya ang buong mesa at wala pa ring cellphone ang kaniyang nakapa.
"Nasa'an na 'yon?" Bumangon na siya upang hanapin ang baka nahulog na cellphone kaso wala pa rin. I'll just find it later.
Sobrang bigat ng kaniyang pakiramdamam kaya napagdesisyunan niyang maligo na lamang upang kahit papaano ay maibsan ang dulot na sakit ng kaniyang ulo. Halos pikit-matang tinungo niya ang CR habang nasa balikat niya ang tuwalya. Dahil halos nakapikit na ay hindi napansin ni Xyril ang kulay ng suot niyang panloob.
Doon lamang siya nagbukas ng mga mata nang tumama sa mukha niya ang lamig ng tubig na nagmumula sa shower.
"Damn, I badly need this shower," saad niya sa sarili. Dahil kabisado na niya ang lugar ay mabilis niyang naabot ang shampoo kahit hindi na siya lumilingon.
"Is that," doon lamang siya napamulat nang maamoy niya ang shampoo na gamit niya. Ba't parang amoy strawberry? Kailan pa naging strawberry ang mint scented shampoo ko?
Pero ganoon na lamang ang pagkakalito niya nang makita niya ang tatak ng shampoo niya, strawberry scented nga ito! Paano nangyari 'yon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top