4
FELECITY
ALL HABITS die hard. Napatunayan ni Felecity 'yon habang binabagtas niya ang hallway pabalik sa silid aralan nila. Nakasanayan na kasi niya na ngumiti sa mga taong nakakasalubong niya. Nakalimutan niyang isa nga palang transferee ang may-ari ng katawan niya kaya imbis ngumiti pabalik ang nginitian niya ay binibigyan siya ng mga ito ng mga nagtatakang tingin. May ngumiti sa kaniya pabalik pero kadalasan ay mga babae at naririnig niya pang naghahagikgikan ang mga ito.
Maliban sa transferee ang may-ari ng katawan na sinaniban niya ay talaga namang 'pretty' boy ito. Hindi bading ito sigurado siya pero may pagka feminine ang features nito. Siguro dahil napakaamo ng mga mata nito na tinernuhan ng matangos na ilong at mamula-mulang labi na tila kay sarap... Erase erase erase!
Nang buksan niya ang pinto ng silid aralan nila ay tila kay tagal na simula nang mabuksan niya ang pintong 'yon. She couldn't help herself but be sentimental all of a sudden. Mabilis siyang nasanay na lumulutaw lang sa mga pader at bigla na lamang sumulpot kung saan niya nais magpunta, she simply missed traveling by feet. Sa kaniya nakatingin halos ang lahat kasali na ang guro nila nang maglagi pa siya nang ilang minuto sa may pintuan ng silid aralan.
"Papasok ka ba Mr. Higashino?" takang tanong ng guro sa kaniya. Doon siya tila natauhan kaya mabilis siyang bumalik sa kaniyang upuan. Nagtaka siya nang mapansin niyang sa kaniya pa rin nakatingin ang kaniyang mga kaklase pati ang kanilang guro.
Bakit nga ba? At doon niya napansing imbis sa upuan ni Xyril siya naupo ay sa upuan niya bilang Felicity siya naupo. "Shoot," mahinang usal niya sa kaniyang sarili bago dahan-dahang hinarap ang mga kaklase niya at guro. Isang ngiti na naging ngiwi ang iginawad niya sa mga ito nang mabasa niya sa mga mata ng mga ito na parang isa siyang alien na kakalanding lang sa Earth.
"A-uh m-medyo nahilo lang ako kaya alam niyo na umupo lang ako," mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo at umupo sa upuan ni Xyril Higashino. Nahalata ba ako? Hindi niya alam. Ang tanging alam niya ay sisimulan na niya ngayon ang paghahanap sa mga kasagutan.
AT DITO sisimulan ni Felecity sa bahay nila. Nakatayo siya sa harap ng mansion na pag-aari ng kaniyang pamilya. Buong buhay niya ay dito na siya lumaki. Oo nga at may bahay sila sa farm nila sa probinsya pero hindi siya madalas doon. Sa hardin din ng bahay na ito siya nagdaos ng eighteenth birthday. Marami siyang masasayang ala-ala rito, mga ala-ala kasama ang pamilya niya kasama ang Nana Belen niya at si Bluebeard na kaniya aso. Ang aso niyang si Bluebeard ay isang Golden Retriever na iniregalo pa sa kaniya ng kaniya ina noong nakaraang taon sa kaniyang kaarawan. Miss na miss na niya ang mga ito. Noong isa pa siyang multo ay nasasaktan siya tuwing bumibisita siya sa kanila. Umiiyak sa loob ng silid niya ang kaniyang ina habang si Nana Belen naman ay umiiyak habang hawak o yakap ang kaniyang mga damit. Ang ama naman niya ay doon na halos naglalagi sa mini bar nila habang nakatingin sa kaniyang picture frame.
Pero sa harap ng madla ay malakas ang mga ito. Lihim na tinataguan lamang ng mga ito ang kaniya-kaniyang sugat. At hindi niya gusto iyon, gusto niyang harapin ng mga ito ang katotohanang wala na siya dahil masakit makita ang pamilya niya na nagdadalamhati. Kahit anong iyak ng mga ito ay hindi na siya maibabalik ng mga ito, mas gugustuhin niya pang makita ang mga ito na nakangiti. Gusto niyang baunin sa ibang mundo ang mga ngiti ng mga ito, hindi ang mga lumuluhang mga imahe nito. Alam niyang mahirap, napakahirap, dahil na rin siya ang nag-iisang anak.
Huminga muna siya nang malalim bago nag-doorbell. Isang intercom ang sumagot sa kaniya, ang kaniyang Nana Belen. "Sino po sila?"
"Fe- Xyril. Xyril Higashino po." Magalang niyang sagot. Itinapat niya ang kaniyang mukha sa camera upang makita ng Nana Belen niya ang kaniyang mukha este ang mukha ni Xyril Higashino.
"Wala kaming kilala na Xyril Higashino, I'm sorry." Akmang ibababa na ito ni Nana Belen kaya umaksyon agad siya.
"Wait! Nandito ako dahil gusto kong makausap ang pamilya ni Felecity!" Doon tila natigilan si Nana Belen.
"Kilala ka ng alaga ko? Hindi ka yata niya nabanggit sa akin."
"Isa akong transferee. At nakita ko pa siya noong hapon kung kailan siya namatay. Look, I may sound crazy but I can see ghosts. And hear this ma'am, I saw Felecity's ghost many times," pigil hiningang sambit niya. Narinig niya rin ang paghugot ng hangin ni Nana Belen na tila nahintatakutan ito. Biglang nabuksan ang gate, ibig sabihin ay pinapasok na siya nito. Kabisado niya ang buong lugar pero dapat niyang alalahanin na siya si Xyril Higashino ngayon, isang psychic na nakakakita sa multo ni Felecity na siya rin naman.
Isang psychic ang kaniyang – iyan ang hinuha niya sa kung anong klase ng tao si Xyril Higashino. And she owe it to him that she can freely use his body. Hindi tulad noong sasaniban niya sana si Nana Belen pero tumagos lamang siya sa katawan nito. But Xyril Higashino's body is different and she's a tad bit guilty for not asking his permission in possessing his body.
"Halika na hijo," pagpuputol ni Nana Belen sa daloy ng kaniyang isipan. "Sorry. Medyo namangha lamang ako sa bahay niyo." Ilang hakbang pa lamang ang nagawa niyang dambahin siya ni Bluebeard. Napatihaya siya kasama ang aso na abala sa pagdila sa kaniyang pisngi. Pilit naman niya itong nilalayo kahit na gusto niya itong laruin tulad ng dati. Ibayong pagpipigil ang kaniyang ginawa upang huwag magwhistle na siyang dati niyang ginagawa upang mapahinto ito.
"Bluebeard behave!" Ang boses ni Nana Belen ang nakapagpahinto kay Bluebeard. Lumayo naman ito kaagad sa kaniya kaso nakalabas ang dila nito na halatang gusto makipaglaro sa kaniya. Posible kaya? Posible kayang kilala ako ni Bluebeard? Alam niyang matalas ang mga aso pero hindi niya alam kung gaano katalas ang mga ito. Hindi naman ganito kabait si Bluebeard lalo na sa mga estranghero, madalas nga ay umaangil ito.
"Pagpasensyahan mo na itong si Bluebeard. Sa mga ganitong oras kasi ng araw siya nilalaro ni Felecity. Halika ka." May lumbay sa boses nito habang una naglakad ito papunta sa verandah nila.
How I wish I can hug you, Nana Belen. "Ayos lang po," magalang na sagot niya.
"Wala rito sina ma'am and sir, nandoon sila nakabantay sa burol ni Felecity. Buti nga at naabutan mo ako. Pupunta pa naman ako doon ngayon. Upo ka muna hijo. Ako nga pala si Nana Belen."
Ah kaya pala nakagayak si Nana Belen imbis naka-duster.
"Didiritsuhin na kita at ayoko na pinagloloko mo lang ako. Totoo ba ang sinabi mo?"
Ilang emosyon ang nabasa niya sa mga mata nito at isa na doon ang pag-aasam. Ayaw niya itong lokohin, gusto niya itong yakapin at sabihan na miss na miss na niya ito pero hindi pwede. Marahan siyang tumango.
Galing sa probinsya si Nana Belen at alam niyang naniniwala ito sa mga hindi pangkaraniwan tulad ng mga multo.
"Hindi ko rin masyadong kilala ang alaga niyo, Nana Belen. Ilang araw pa lamang ako simula nang nag-transfer ako noong nangyari ang insidente. Hindi nga kami nagkausap maliban sa isang simpleng pagbabanggaan. Pero isang araw matapos ng araw na iyon ay nagpapakita na siya sa akin. Una sa classroom namin pero nitong huli ay pati na rin sa apartment na tinutuluyan ko. Gusto kong may masabihan at alam kong ang pamilya niya ang tamang tao para rito."
Nang tingnan niya uli ang mga mata ni Nana Belen ay namamasa na ito. Doon niya napagtantong naniniwala ito sa kaniya.
"Diyos ko ang alaga ko," humikbi na nga ito at hindi na mapigilan ni Felecity ang sarili at niyakap na niya ito gamit ang katawan ni Xyril. Niyakap naman siya nito pabalik. "Nandito ba ang alaga ko? Nandito ba siya? Pakisabi naman oh. Pakisabi na miss na miss ko na siya."
Matapos ang ilang minutong pag-iyak ni Nana Belen ay unti-unting lumayo ito mula sa kaniya. "Gusto kong marinig ang buong kwento pero dapat nandito sina ma'am ang sir. Pahingi ng numero mo nang matawagan kita kung kailan pwede na."
Mabilis naman niyang binigay ang kaniyang numero rito. Hindi na niya sana kailangan ang numero nito pero baka magduda ito kung bakit alam niya kaya nanghingi na rin siya ng numero kay Nana Belen. Umalis siya sa bahay nila na mas doble pa ang nadaramang pagkamiss sa mga nakatira roon.
ITO ANG unang araw niyang bilang Xyril Higashino. At ngayon ay nakatayo siya sa gitna ng apartment nito – hindi alam ang gagawin. Nang dumalaw siya rito bilang multo ay hindi niya masyado napagtuonan ng pansin ang paligid. Kaya ginawa niya iyon ngayon. Ang living room ay tama lang na may isang katamtaman ang laki na couch at isang TV. May aircon ang silid pero electric fan ang sa living room. Ang kusina naman ay konektado sa living room at may maliit na mesa rito na may tatlong upuan, isang maliit na ref at isang rice cooker. May maliit na hugasan at lutuan sa gilid. May isang pinto naman na hinala niya ay ang CR. Napasalampak siya ng upo. Alam niyang malayo ito sa dati niyang tahanan pero hindi na siya ang dating Felecity. Sa mundo ng mga buhay ay siya si Xyril Higashino. And this is all temporary.
Hmm, sino nga ba si Xyril Higashino? Mabilis siyang tumayo at sinipat ang mga larawan na nakasabit sa dingding. Isa-isa niya itong tiningnan. May larawan na halatang pamilya nito ang kasama na nakasuot ng mga kimono. May larawan na nakauniporme ito kasama ang mga kaibigan. May larawan na ito lamang mag-isa.
Kung may pamilya siya bakit siya nag-iisa rito? Pasado alas sais na pala ng hapon. Kaya pala gutom na siya, sanay siyang mag meryenda bandang alas singko, ang masarap na maja blanca ni Nana Belen. Umuunat na nagtungo siya sa ref upang tingnan kung ano ang laman nito nang tumambad sa kaniya na isang kahon lang ng fresh milk, isang pitcher ng tubig, at mga itlog. Umasa pa naman siyang may bacon man lang. Tiningnan din niya ang cabinet sa taas ng lutuan, tanging mga lata ng corned beef at beef loaf lang ang laman nito. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa apartment ng isang lalaki?
Tsinek niya ang kalan, may laman naman. May mantika. Kaso walang kanin. May nakita siyang balde na may takip at nang buksan niya ito ay bigas nga ang laman. Dahil na rin gutom ay mabilis na nagluto siya. Matapos maluto ang pritong itlog ay ang kanin na lang ang hinintay niya upang makakain. Dapat na nga siguro siya mag-grocery.
Habang naghihintay ay hindi niya maiwasang matanong kung ayos lang ba ang nobyo niya. Noong huli niya itong pinuntahan ay palagi itong wala sa bahay ng mga ito. Ang bestfriend naman niyang si Simmone ay iyak ng iyak sa burol niya at doon niya lang ito nakita dahil mas madalas si Felecity sa bahay ng mga magulang niya o kung hindi ay nakasunod lamang siya kay Xyril Higashino.
Sina Simmone at Rex ang naging sandalan ng mga magulang niya, halos doon na rin ito naglalagi sa burol niya. Ayaw niyang puntahan ang burol niya. Isang beses lamang siya pumunta doon at hindi na naulit. Tila kasi isang sampal ito sa kaniya, nandoon ang katawan niya iniiyakan ng mga ito habang siya ay umiiyak na nakatingin lamang sa mga kakila niya. "What am I gonna do? Siguro ay hihintayin ko na lang na tawagan ako ni Nana Belen. Yep, that's the most logical thing I can do."
Pero hindi maiwasan ni Felecity maisap kung saan napunta ang kaluluwa ni Xyril Higashino.
LIMANG ARAW na simula nang siya ay namatay. Hindi pa rin niya akalain dahil parang kahapon lang ay sa kanilang bahay pa siya umuuwi. Sinasagot ang halik ng nobyo niyang si Rex at masayang nakikipag-usap sa kaniyang mga malalapit na kaibigan. Pero ngayon, hindi niya alam kung paano sisimulan ang misyon.
Tinatamad na bumangon siya at pinatay ang aircon. Ang isang nalaman niya tungkol kay Xyril Higashino ay nagtitipid ito, may pera ng nakahanda para sa mga bayarin. Base rin sa mga resibo na nakita niya sa wallet nito ay may nagpapadala rito na ang pangalan ay Xander Higashino. Baka kuya nito o ama, hindi niya alam. Ang budget na iyon ay nahahati sa apat: sa renta, sa kuryente, sa tubig at para sa pagkain. Ang para sa pagkain ang ginamit niya para sa pang-grocery niya kagabi.
Aaminin niyang bilib siya sa independence nito. May pamilya ito pero namumuhay ito nang mag-isa. Umiiling na pumunta siya sa cabinet nito at ganoon na lang ang gulat niya nang maalala niyang hindi na siya babae este katawang lalake.
"Oh my golly!"
Ang awkward pala pakinggan ng tili niya ngayong nasa katawan siya ni Xyril kaya tumili na lang siya ng walang boses habang tila nakakakita ng multo na nakatingin sa loob ng cabinet. Teka, multo naman siya. Nakisanib nga lang siya ng katawan pero ang puso't diwa niya ay babaeng babae!
"Kyaaah! My virgin eyes!" Nakatakip matang naghubad siya. "Juskoh pa'no ba 'to?" Nakatingala siya buong durasyon ng kaniyang pagliligo. Ang awkward pala dahil nasanay na siyang may mabigat sa dibdib niya tapos ngayon kasing flat ng pader na ang kaniyang hinaharap, idagdag pang tila may talong na nakabitay sa pagitan ng kaniyang hita. Namumula ang mukhang lumabas siya sa banyo. Napatingin siya sa uniform na nasa kama. At ang brief at boxers, juskoh napaghahalataan ang pagka-virgin ko nito. Pikit mata rin siyang nagbihis at tila kay tagal ng oras sa pagbibihis niya.
The whole time – she's asking if she should fold his penis upward or downward? Ilang minuto ang nagdaan at nasagot niya rin ang tanong dahil sinunod niya ang katawan ni Xyril kung saan ang pinakakumportable at 'yon ay pababa.
Pulang-pula ang mukha niya at init na init ang pisngi niya dahil sa kahihiyan. And after how many years natapos din siya sa kaniyang kalbaryo. Hindi na siya nag-agahan, kumuha na lamang siya ng dalawang piraso ng slice bread.
SA PAGPASOK niya kanina ay ganoon pa rin ang aura sa loob ng kanilang silid aralan. May bulaklak na naman sa vase. Alam niyang pumupunta sa kaniyang burol ang kaniyang mga kaklase dahil naririnig niya ito mag-usap. Katatapos lang ng tanghalian, kanina sa canteen ay bakante na naman ang mesa na lagi nilang inookupahan kasama ang kaniyang nobyo at mga kaibigan noong nabubuhay pa siya. Dahil transferee si Xyril Higashino kaya mag-isa siyang kumain pero kinakausap naman siya nina Lyndrian at Senri.
Kakapasok pa lang ng guro nang biglang may nag-ring na phone. Dahil hindi niya alam kung sino ang may-ari nagpatuloy siya sa pakikinig nang bigla siyang sikuhin ng kaniyang katabi sabay turo sa kaniyang bag. Doon niya napansin na sa kaniya nakatingin ang lahat dahil malamang sa malamang phone niya ang walang patid na nagriring.
Oh my golly! Daing niya sa kaniyang isipan dahil sa kahihiyan. Mabilis na kinuha niya ang phone na ngayon lang niya nalaman na nag-eexist pala sa ilalim ng bag ni Xyril Higashino. Medyo natagalan sa pag-open dahil may password pa ito kaya pinatay niya ito nang matapos na ang kaniyang kahihiyan. Naman!
Parang wala lang na ibinalik niya ang kaniyang atensyon sa kanilang guro na napailing na lang sa kaniya. Ilang kahihiyan ba ang dapat kong harapin ngayong araw? I mean, ilang kahihiyan ni Xyril Higashino? Oh my golly, I feel so sorry for him. Kasalanan ko ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top