3


XYRIL

NAGTAPOS ANG araw na iyon na mabigat ang pakiramdam ni Xyril. Hindi niya ito gusto. Kaya nga siya lumipat ng paaralan upang magkaroon siya ng bagong kapaligiran na angkop sa kaniyang pagbabago pero heto siya at naiipit sa mga nagluluksang bagong kaklase at sa isang galit na kaluluwa. Of all the situations I am in, sa ganitong sitwasyon pa ako na-involved.

Iba ang pakiramdam niya rito, may dala itong negatibong pakiramdam. That soul, her name is Felecity. But why is she haunting their class after committing suicide? May nais ba itong iparating?

Nasa ganito siyang pag-iisip nang biglang tumunog ang oven, luto na pala ang kaniyang inilagay na mac 'n cheese.

Mag-isa na siyang nakatira sa lumang apartment na ito. Ang tanging konsolasyon na lang niya sa pagtira dito ay malapit lang ito sa paaralang kaniyang pinapasukan. Habang tahimik na kumakain ay iginala ng kaniyang tingin sa mga frames na nakasabit sa dingding. Mga larawan ng kaniyang pamilya kasama siya at pati na rin kasama ang kaniyang mga kaibigan. Mabilis niyang binawi ang kaniyang tingin mula rito at nagpatuloy na sa pagkain nang biglang nagpatay-sindi ang ilaw sa kusina at biglang kumalat ang isang negatibong pakiramdam sa kaniyang katawan.

Xyril internally groaned.

"Not again," saad niya sa kaniyang sarili. Nabitin sa ere ang kaniyang kamay nang tila may dumaan na anino sa kaniyang harapan. Tuluyan na siyang huminto sa pagkain. Sino nga ba naman ang matutuwa kung ang kaharap ko sa pagkain ay isang nandidilat ang mga mata na multo?

Huminga siya nang malalim bago niya tiningnan ito nang diritso sa mata. Kahit hindi siya takot rito ay kinailangan niyang lunukin ang tila bara sa kaniyang lalamunan. Hindi naman kasi araw-araw na may kaharap siyang multo, isang galit na multo. Yes, he always saw the beings from the other side but they never interacted – until now.

"Tell me, anong kailangan mo sa akin? O may nagawa ba akong kasalanan sa'yo?" Mahinahong pagkausap niya rito. Naghintay siya ng sagot nang ibinuka nito ang itim na labi nito ngunit isang matinis na sigaw ang kaniyang narinig na dahilan kung bakit kinailangan niya pang mapatakip sa kaniyang mga taynga.

"Shit! Okay, okay calm down!" Saad niya sabay taas niya ng kaniyang dalawang kamay – tanda ng pagsuko rito. Of course she can't speak. Kakamatay lang nito. Like my dad said, souls who recently died can't communicate with them immediately. They can speak after the forty-nine days of prayer starts.

Ngunit hindi ito tumigil, tila mas lalong nagalit ito. Umihip ang malakas na hangin sa loob ng kaniyang maliit na apartment. Gusto na niyang mapamura kaso nag-aalala siya na baka lumala ang galit ng multo nang biglang nawala ito sa kaniyang paningin.

"Just tell me what you want so I can help you." Pagkakausap niya rito kahit hindi niya ito nakikita. Ramdam niyang nakatingin lamang ito sa kaniya at tila on cue na nawala ang hangin na sumasalanta sa kaniyang apartment.

"Oh shit!" Nagulat siya nang biglang nagpakita sa mismong tabi niya ang multo. Hindi ito nakatingin sa kaniya kaya malaya niyang napagmamasdan ang anyo nito.

Sa ilalim na magulo nitong buhok ay ang isang magandang hugis ng mukha. Sa ilalim ng nakakatakot na anyo nito ay isang magandang nilalang. After all, this is the ghost of Felecity.

"Felecity," tawag ni Xyril dito. Ang galit na multo ng babae ay ang multo ni Felicity, ang babaeng nagsuicide. Sa pagbanggit niya sa pangalan nito ay lumingon ito sa kaniya.

Nawala ang pag-aalangan niya at napalitan ng kyuryusidad.

KULANG SA TULOG si Xyril at medyo magulo pa ang buhok niya dahil sa pagmamadali. Idagdag pa ang multo na naglalakad o lumulutang sa kaniyang tabi kahit saan siya magpunta simula nang lumisan siya mula sa kaniyang tirahan. Matapos niyang banggitin ang pangalan nito kagabi ay nawala na ito at hindi na nagpakita sa kaniya subalit siya naman ang hindi makatulog sa kakaisip kung bakit sa dami ng kaibigan at mahal nito sa buhay ay sa kaniya pa ito nagpapakita. Maybe, she realized who I am and what I can do.

Napabuntong-hininga na lamang siya habang naghihintay sa pagpasok ng kanilang guro sa Mathematics nang biglang lumakas ang hangin dahilan upang nagsiliparan ang mga papel sa loob ng silid-aralan. Here she goes with her wind again.

"Oh my gosh!" Tili ni Serein. Sunod-sunod din na napamura ang iba nang nagsilaglagan ang mga ballpen na nasa desk ng bawat estudyante. Doon na nagkaroon ng mga bulungbulungan.

"Si Felecity ba 'yan?" Rinig niya na bulong ni Simmone kay Rex. Tila takot na takot naman si Simmone sa kaniyang inaasal.

Ang mga papel na inilipad ng hangin ay papunta lamang sa iisang direksyon. Sa bakanteng upuan unahan na dating upuan ni Felecity. Hindi kaila sa kaniya na absent si Opal pero hindi niya alam ang rason. Kalmado siya habang naghihintay sa nangyayari kahit tila mga baliw na ang kaniyang mga kaklase.

"Fuck I'm out of here," anunsyo ni Rene sabay tayo at lakad papunta sa pinto nang bigla itong sumara bago pa nito tuluyang malapitan ang pintuan. "Shit shit shit! It's lock."

"Guys calm down, it's just the wind." Pagpapakalma ni Senri sa mga kaklase.

"Anong hangin? Sirado ang mga bintana." Turo ni Lyndrian na halatang tensyunado na rin.

Natahimik si Senri at hindi na sumagot pa. Hindi nila alam nasa loob lang ng silid si Felecity. Sa harap mismo ni Rene. Tila pinipigilan ni Felecity si Rene' na umalis nang biglang lumingon sa kaniya si Felecity. Hindi niya nakikita ang buong mukha nito dahil natatabunan ito ng buhok. Bigla itong nawala at nang magpakita ito sa kaniya ulit ay nakatayo na ito sa harap ng klase at may hawak na marker. May isinulat ito sa white board.

Akala niya siya lang ulit ang nakakabasa pero nagkakamali siya. Napahinto na rin pala ang kaniyang mga kaklase na nahihintakutan sa nasasaksihan.

Mistras stood up from his seat – clearly not believing that a marker moved on its own. "What the fuck am I seeing?"

"Lord please help us."

"S O S?" Pagbasa ni Ed sa nakasulat sa white board.

"Help," saad ni Xyril bigla. Huli na upang mapigilan ang kaniyang sarili. Nasa kaniya na ang atensyon ng lahat. "'Yan ang ibig sabihin ng SOS hindi ba, help." Pagbibigay linaw niya.

Matapos niya sambitin ang ibig sabihin ng SOS ay tila bumalik sa dati ang lahat. Nawala ang hangin at na-unlock ang pinto na mabilis na sinamantala ni Rene upang umalis.

Tumayo na rin si Xyril at nagpunta sa CR. Mabilis na naghilamos siya ngunit nang tingnan niya ang kaniyang sarili sa salamin ay hindi siya nag-iisa. Sa halip na kaniyang repleksyon ang kaniyang makita, tumambad sa kaniyang harapan ang mukha ni Felecity.

"Felecity."

Hindi siya makagalaw. Nanlalaki ang mga mata ni Xyril habang nakamasid sa multo na nasa salamin. She wants something for me. Unti-unti itong lumabas sa salamin at doon napagtanto ni Xyril na kung ano man ang pakay nito sa kaniya ay ngayon na ito maniningil.

Huli na nang makuha niya ang gagawin nito. Nakalapit na sa kaniya ang multo ni Felecity. Sa sobrang lapit nito ay naamoy niya ito. Ang amoy ng isang kandila. Dahil sa lapit ay naaninag niya ang mukha ng multo na si Felecity. Nakuha ng mga mata nitong puno ng galit at lungkot ang kaniyang atensyon na tila hinihila siya nito. Tila magnet ito sa kaniya, hindi niya mapanlabanan. Nakakahipnotismo. At sa ganitong estado siya tila nilamon ng kakaibang kadiliman.

FELECITY

ANG PAKIRAMDAM na tila inahon siya mula sa matagal na pagkakalublob sa tubig ang bumati sa kaniya nang ibukas niya ang kaniyang mga mata. Kakaiba ang kaniyang pakiramdam. Naninibago siya. Na-miss niya ang pakiramdam na ito. Ang pakiramdam na may solidong katawan. Ang pakiramdam na may pusong tumitibok.

Una niyang nakita ang kaniyang repleksyon sa salamin, dahan-dahan niyang hinawakan ang kaniyang pisngi. Mainit 'yon, hindi niya maiwasang mapaluha. Nasa ganito siyang posisyon nang may pumasok na lalaki at tila nawindang ito sa ginagawa niya. Nahihintakutang mabilis na umalis ito sa CR na tila hinahabol ng mga matrona.

"Problemo niya?"

At doon niya naalala na hindi na nga pala siya si Felecity kun'di siya si Xyril Higashino, isang lalaki at hihiramin niya ang katawan nito sa loob ng forty-nine days. Nalagasan na siya ng tatlong araw. Hindi na niya kaya malagasan ng isang araw pa na walang progress na nagagawa. Naalala niya tuloy ang sinabi ng Grim Reaper sa kaniya.

"SINO KA? Nasaan ako?" Hysterical na siya nang mapansin ang hindi pamilyar na lugar. Hindi rin nakatulong na nakasuot na mahabang kulay itim na roba ang kaniyang kaharap sa puntong hindi niya maaninag ang mukha nito. Madilim din ang paligid at mahamog. Ang tanging ilaw ay nagmumula sa hindi ganap na saradong pinto. Kung anuman ang nasa loob ng pintong 'yon ay siguradong napakamaliwanag.

"Nasusuka na ako sa pareparehong mga tanong ng mga tulad mo." Malalim ang timbre ng boses na saad nito na ikinaigik ni Felecity sa gulat.

"Ano? Nasaan ako?" Tumayo na si Felecity at doon niya napansin na nakasuot pa rin siya ng school uniform. Paniguradong hinahanap na siya sa kanila. "Kailangan ko nang umalis. Hinahanap na ako sa amin for sure."

"Kung ganoon ay hindi mo naalala ang mga pangyayari kanina."

"Anong mga pangyayari?" Nakakunot noong tanong niya.

Ilang segundong tumahimik ito bago sumagot na tila sanay na ito sa mga tanong niya. "Sa mga kasong tulad mo, mas mainam na ikaw ang dapat na makadiskubre. Kayo pa naman ang mga mahilig mag-deny kahit nasa harap na ang katotohanan. Bumalik ka na lang dito kung handa ka ng makinig sa kapalaran mo."

"Nakadrugs ka po ba?" Naghihintay siya sa sagot nito nang sa isang kisap mata lang ay nasa labas na siya ng isang ospital. "What just happened?"

Sana pala sa panahong iyon ay hindi na lamang siya pumasok sa ospital na iyon. Doon niya kasi nakita kung paano umiyak ang kaniyang mga magulang sa harap ng isang may takip na katawan na nakahiga sa loob ng morgue. May ideya siya kung sino 'yon pero nandoon ang matigas na bahagi ng kaniyang isip na hindi naniniwala kung walang matibay na pruweba.

Tila may nakarinig sa kaniyang isipan sa panahong iyon dahil inalis ng kaniyang ina ang takip. Doon siya tila nabingi. Tawa at iyak ang kaniyang ginawa. Minsan nga ay inakala niyang nananaginip lang siya subalit lumipas ang buong araw at hindi siya gumising. Doon niya napagtantong totoo ang lahat. Isa na lamang siyang ligaw na kaluluwa. Doon niya naalala ang sinabi ng lalaking nakaitim. Inisip lamang niya ito at nabalik siya sa madilim at mahamog na lugar na iyon.

"Record breaker ka alam mo ba 'yon. Isang araw lang ang kinailangan mo upang harapin ako." May interes sa boses nito at kahit natatakpan ang anyo ay alam ni Felecity na nakatingin ito sa kaniya nang may pagkamangha.

"Paano ako n-namatay?"

Itinaas nito ang kilay pero hindi siya nagpatinag. "Ang sabi ko, paano ako namatay? Hindi ako naniniwala na nagpakamatay ako. Bakit wala akong maalala?"

"Oo nga naman, bakit naman ka magpapakamatay kung na sa iyo na ang lahat?"

"Spit it out, bakit wala akong naalala?" May bahid na pangamba at iritasyon ang boses ni Felecity habang sinabunotan niya ang kaniyang buhok.

"Sigurado ka bang 'yan ang gusto mong malaman una? May dapat ka pang malaman, isang importanteng bagay."

Doon napatingin ulit si Felecity dito. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Ikaw, Felicity, ay hindi maaaring tumuloy sa pintong iyan." Turo nito sa pinto na nagbibigay ng liwanag sa madilim na lugar na iyon.

"Ano ang nasa pintong iyan?" Nakatingin sa pinto na tanong ni Felecity rito.

"Ang mundo ng mga patay."

Doon siya tuluyang napaiyak, kung hindi siya pumasok sa mundo ng mga patay. Saan siya mananatili? Ibig bang sabihin nito ay mananatili siya sa mundo ng mga buhay bilang isang kaluluwang ligaw magpakailan man?

"Bakit hindi ako maaaring pumasok doon?" Nababahalang tanong niya – may taranta sa kaniyang boses.

"Kailangan mo munang ibalik ang nawawalang ala-ala mo."

"Madali lang pala eh." Madali nga ba? Gayong hindi niya alam kung paano magsisimula.

"Nakalimutan kong sabihin sa'yo na mayroon ka lamang forty-nine days. Pagnatapos na ang forty-nine days na hindi mo pa rin naaalala kung anong nangyari sa iyo ay permanente ka nang pagsasarhan ng pintong 'yon. At dapat mong tandaan, ang mga kaluluwang nananatili sa mga mundo ng buhay ay unti-unting nababahiran ng kadiliman."

"Ano? Bakit ba naman kasi nawala ang aking mga ala-ala?" Nabagok ba ang ulo niya noong namatay siya? Kahit anong isip niya kung ano ang nangyari sa gabing iyon ay tila nablangko ang kaniyang isipan. Wala talaga siyang maalala.

"Dahil iyan ang nangyayari sa mga kaluluwang pinatay."

At heto na siya ngayon, nakasanib sa katawan ni Xyril Higashino. Ang tanging tao sa mundo ng mga buhay na nakakakita sa kaniya. Nakumpirma nito ang hinala niya nang minsang magtama ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung bakit simula nang naging multo siya ay nag-iba ang anyo niya. Nang minsan makita niya ang kaniyang repleksyon sa tubig ay muntik na siyang matakot sa kaniyang sarili. Kaya hindi niya masisi si Xyril kung bakit namumutla ito tuwing nagpapakita siya rito. Alam niyang hindi ito takot sa kaniya pero alam niyang hindi rin ito kumportbale sa kaniya.

Pinihit niya ang siradura ng CR. Ngayon na niya uumpisahan ang misyon niya, ang misyon niya na tutuklas kung sino ang pumatay sa kaniya. Kung sino ang pumatay sa kaniya na pinagtakpan ito gamit ang pagbibitay sa kaniyang katawan dahilan upang akalain ng lahat na nag-suicide siya. Hindi na humingi ng autopsy report ang kaniyang mga magulang, paniwalang-paniwala ang mga ito na walang foul play na naganap.

Hay, double dead pala ang nangyari sa akin. Saad niya sa kaniyang isipan. Bago tuluyang buksan ang pinto ng CR ay bumuntonghininga muna siya.

Aalamin niya ang lahat at magsisimula siya sa mga malalapit sa kaniya. Kakalimutan niya muna na siya si Felecity dahil sa ngayon ay siya muna si Xyril Higashino.

Pero ang tanong, kaya ko nga ba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top