17

XYRIL

ANG HUMIHINGAL na Xyril Higashino ang dumating sa police station sa syudad nila. Si Felecity naman ay lumulutang lang sa kaniyang likuran simula nang matanggap nila ang tawag mula kay Serein. Madilim na ang kalangitan at rush hour na ng mga empleyadong papauwi kay nahirapan siya sa pagkuha ng taxi kahit pa na gumamit siya Grab application kaya ang ginawa niya ay sumakay siya ng LRT at mula sa estasyon ay tinakbo na niya ang papunta sa police station kung saan naroon sina Serein at Mistras.

Pawis na pawis at humihingal man ay ang unang narinig ni Xyril ay ang malakas na boses ng isang nakakatandang babae at ang hindi nagpapatalong si Serein.

"I am the mother of the deceased child, I hold the final say!" Saad ng isang boses babae na pamilyar para kay Xyril. Pumipiyok ang boses nito. Hindi kaya? Sa nakitang mabilis na paglutang ni Felecity sa pinanggalingan ng boses ay nakumpirma ni Xyril ang kaniyang hinala – iyon ay ang boses ng ina ni Felecity. What's happening?

Sinundan ni Xyril si Felecity na pumasok sa isang silid. Hindi naman siya pinigil ng mga pulis na nasa labas, siguro ay hinuha ng mga ito na kasama siya ng mga taong nagsasagutan sa loob.

"It is your child, I know. But Mrs. Hidalgo, aren't you curious who faked Felecity's autopsy report? Who's behind it? Kahit ang mga pulis ay sang-ayon na mayroong foul play na nangyari. Felecity deserves justice!"

Ang maluha-luhang mukha ni Serein na tinapatan ang boses ng ina ni Felecity ang unang nabungaran niya pagkapasok niya sa silid. Sininyasan naman siya ni Mistras na nasa tabi ni Serein na lumapit sa kanila kaya agad niya ito ginawa.

"And who are you, young man?" Tanong ng matanda na lalaking pulis na nakaupo sa mesa na pinagigitnaan ng dalawang kampo. May nakasulat sa mesa nito na ito si Police Detective Samuel F. Oraiz.

"Xyril Higashino, I'm with them." Turo niya kina Serein at Mistras na ikinatango ng police detective. Inilibot ni Xyril ang kaniyang paningin at doon niya nakita si Felecity na nakatayo sa kisame na halatang nakikinig sa kanila. This must be so painful for her.

Nagsalita na ang padre de pamilya ng pamilya Hidalgo. "Nailibing na ang anak namin, sir. Gusto na sana naming matahimik ang kaluluwa niya kung nasaan man siya ngayon." May lumbay sa boses nito at mamasamasa ang mga mata nito.

Kung alam niyo lang po. Nasa ibabaw niyo nakatayo sa kisame si Felecity.

"So you're gonna let her killer walk freely in this world? And how sure are you that she's at peace?" Gagad ni Serein na ikinatikom ng ama ni Felecity. Sinagot naman ito ng ina, "Labas ka sa usapang pampamilya, hija. Atsaka, hindi naman kayo gaano ka-close ni Felecity. Is this your scheme to violate our daughter's peace?"

Pero imbis na matahimik sa sinabi ng ina ni Felecity ay ngumisi lang si Serein. "Your consent does not matter. Hindi naman namin ipapahukay ang katawan ni Felecity. Nag-file na ako ng petition para buksan ang kaso ni Felecity na di umano'y nagpakamatay ayon sa fake autopsy report. All I want to know is where is the real autopsy report?"

Tila nag-isip ang ginang sa sinabi ni Serein kaya nagsalita ang yaya ni Felecity na si Nana Belen, kasing tanda lang ito tingnan ng ina ni Felecity. "Please Alex, gusto ko ring malaman kung ano ang nakalagay sa orihinal na autopsy report ni Felecity." Umiiyak din ito habang nagmamakaawa sa padre de pamilya ng mga Hidalgo.

Naghintay ang lahat. Pati ang police detective na hindi makakagalaw hanggang walang official file of complaint. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa Nana Belen ni Felecity at sa asawa nito bago tumingin sa police detective.

"Do it. Do the investigation. And find me who dare hurt my child." May galit at lungkot sa mga mata nitong nakatingin sa beteranong police detective. "We are doing this for a closure," sabad ng ina ni Felecity.

MATAPOS OPSIYAL na mag-file ng investigation pursuit si Mr. Hidalgo ay saka pa nag-ayang umuwi si Serein sa kanila ni Mistras na sa labas ng polie station naghintay. Si Felecity naman ay sumama muna sa pamilya nito na humingi ng pahintulot sa kaniya noong nagkunwari siya kanina na pupunta sa banyo.

"How did you know that the autopsy is fake?" Takang tanong ni Xyril sa bagong dating na si Felecity. Kanina pa man ay 'yon na talaga ang tanong niya. Gusto niyang tanungin si Mistras subalit ayaw siya nito tingnan na halatang ayaw makipag-usap sa kaniya.

Ngumisi ito bago sumagot. "May pinsan ako rito. One time nang puntahan ko siya rito upang magtanong tungkol sa possible criminal records ng mga guro natin at mga guards sa school, narinig ko nag-uusap ang pinsan ko sa isang police investigator. Ayon sa narinig ko, ilang beses nang kinausap ng plice investigator ang ina ni Felecity tungkol sa fake autopsy report pero ayaw maniwala ng ginang. Kaya I took the matters in my own hands, I faked an attempt to file a complaint before I called Felecity's father. Turns out, buong pamilya ang pupunta rito. Clever, right?"

Namamanghang tumango lamang si Xyril dahil totoo namang nakakahanga ang ginawa ni Serein. "So all we have to do is wait for the result."

Akala ni Xyril ay tatango si Serein subalit sinagot siya nito ng isang nababagot na ungol. "You lack imagination, don't you? The investigation is just a way to shake the criminal. Sooner than later, the criminal will make a drastic move. Well, ikaw na ang bahalang umintindi ng sinabi ko. I don't have time for such noobs. Ciao!"


FELECITY

ISANG LINGGO na ang nagdaan simula nang kumalat ang tungkol sa misteryo ng pagkamatay ni Felecity sa buong St. James Academy. Talagang nabulabog ang buong paaralan dahil nagsagawa ng malawakang pag-iimbestiga ang kapulisan.

Nasa loob ulit siya ng katawan ni Xyril. At ngayon ay nasa harap siya ng bulletin board kung saan mayroong malaking poster na may nakasulat na 'Justice for Felecity Hidalgo!' na may picture niya na nakangiti na kuha noong intramurals nila noong second year siya. Pati mga dingding at mga pinto ay may poster na ganito at iisa lang ang may sala nito – ang paparating na si Serein.

"Oh? The noob is here! Tutulungan mo ba akong mamigay ng poster?" Sa kaliwang kamay kasi nito ay may bitbit na makapal na mga posters. Ano na namang pakulo 'yan?

ANG DAMI TALAGANG FREE TIME NITONG SI SEREIN. Saad ni Xyril sa likod ng kaniyang isipan.

"Stop calling me noob, Serein." Hindi alam ni Felecity kung bakit tinatawag na noob ni Serein si Xyril. Tinanong niya si Xyril pero hindi naman ito sumagot bagkus ay tumawa lang ito nang mahima.

"Stop finding humor about this situation, Serein." Isang maanghang na salita ang nakapagpalingon sa kaniya papunta sa katapat ng bulletin board. At nandoon nakatayo si Simmone na nakapameywang. Pati ang mga dumadaan na estudyante ay napalingon dito, may ibang napahinto talaga.

LUMAYO KA NA DIYAN, FELECITY.

Alam kong nararamdaman ni Xyril ang tensyon nila Simmone at Serein pero gusto kong makita kung ano ang gagawin ni Simmone.

Humarap ang nakataas ang mga kilay na si Serein dito. Siya naman ay nanatili sa tabi habang nanunuod sa mga pangyayari sa harapan niya. "Look who's here. At may apog ka pa palang magsalita sa harap ko. Don't you see that I am doing what you can't do while you are busy hiding the secrets that you wish you can hide forever." Serein pushed the posters towards Mistras before she crossed her arms.

"Magdahan-dahan ka sa mga salita mo, Serein. Baka makita mo ang hinahanap mo." Humakbang na papalapit sa kanila si Simmone, nandidilat ang mga mata nito at mukhang handang umatake. Wala yata si Tanya?

"Well, iisa lang naman ang hinahanap ko. Pero ibibigay mo ito sa akin, hy? Nasa iyo ba ang original autopsy report? Tama talagang gawin kang isang suspect. Looking back what you did, ikaw ang may pinakamalaking motibo kumpara kay Rex."

"What Rex and I had is love. Kasalanan ko bang mas mahal ako ni Rex?" Sa sinabi ni Simmone sa harap niya, kahit na katawan ni Xyril ang gamit niya, ay napasinghap pa rin siya sa harap-harapan nitong sinabi. Parang lumabas pa ay inosente ito kahit na matagal na palang nagtataksil ang mga ito sa kaniya. Nitong makalawa lang nalamang dahil sa pag-iimbestiga na nagaganap at sa mga tip na iniiwan ni Serein.

Napabaling sa kaniya ang atensyon ni Simmone nang makita siya. Nanlaki ang mga mata nito pero agad ding ngumiti na ikinapanting niya.

KUMALMA KA NGA, FELECITY. YOUR BLACK SPOTS ARE GLOWING AGAIN. PLEASE, THAT GIRL IS NOT WORTH IT.

Wait, may gagawin muna ako.

Kinuha ni Felecity ang panyo sa bulsa niya at binigay it okay Simmone na namula. Akala siguro nito ay binigyan niya ito upang pahirin ang luha nito. Ang kaniyang ginawa ay ikinataas ng mga kilay nina Serein at Mistras. "Wipe your lips, medyo may kalat pa. For someone who has her boyfriend being suspected for murder, you sure have a lot of time." Matapos niya itong sabihin ay nabitawan nito ang panyo na hindi na niya pinansin at tumalikod na papuntang classroom nila.

HEY! THAT'S MY HANDKERCHIEF! GINAGAMIT NATIN 'YON!

Nakasunod sa kaniyang ang mga tingin ng tao. Sa bawat pagliko niya sa hallway ay parati niyang naririnig ang pangalan niya na pinag-uusapan. Noong una ay hindi siya kumportable na siya ang halos topic ng lahat ng tao sa loob ng paaralan nila. Pero sa kalaunan ay nasanay na siya.

Pagkapasok niya sa classroom nila ay sinalubong siya ng isang nakakabinging katahimikan. Ang guro nila ay tahimik na nakaupo sa mesa nito habang binigyan lang nito ng 'study session' ang buong klase. Sino nga ba naman ang gaganahang magturo sa klaseng mayroong apat na suspect sa pagpatay kay Felecity Hidalgo?

Pagsulyap niya kina Mila, Ed, at Lyndrian ay nakayuko lang ang mga ito. What happened?

TRY TO TEXT THEM.

Okay, wait. Pagkaupo niya agad niyang kinuha ang phone upang magpadala ng mensahe sa tatlo na tila pinagsukluban ng langit at lupa ang mga mukha.

Text message: Ano ang nangyari? Bakit ganiyang ang mga mukha niyo?

Pagka-sent niya ng mga message ay mabilis na binasa ng tatlo ang mensahe niya dahil na rin nasa desk lang ng mga ito ang kani-kanilang mga phone.

Mila message: Si Senri, may nakuhang search warrant ang pulisya at nakitang maraming photographs ni Felecity ang nasa loob ng kwarto nito. Isa na siyang main suspect. Si Rex naman ay mukhang makakalaya na. Sina Tom at Rene ay under investigation pa.

Lyndrian: Si Senri na raw ang main suspect.

Ed: Ask Mila.

Lumingon siya sa mga ito at tumango bago pasimpleng kumuha ng libro upang magkunwaring nagbabasa. Sa tingin mo si Senri na? I mean I should feel something about it pero bakit wala? Dahil ba tanggap ko nang patay na ako?

Gulat, oo. Naramdaman ni Felecity 'yon. Pero, poot? Wala, wala siyang makapang kahit anong poot sa kahit na sino sa mga nabanggit na mga suspect.

HMM. MAYBE YOU WILL CHANGE YOUR MIND WHEN YOU SEE THEM FACE TO FACE.

Gusto ko lang naman malaman bakit niya ako pinatay. Kung si Senri man 'yon, gusto kong itanong sa kaniya kung saan ako nagkulang o kung may naggawa ba akong mali.

WALA KANG MALI. SADYANG MAY MGA TAO TALAGANG KAHIT BUHAY PA AY HALANG NA ANG KALULUWA.

ALWAYS REMEMBER, FELECITY, KAHIT ANONG RASON NILA HINDING-HINDI MAGIGING SAPAT 'YON UPANG GAWIN NILA 'YON SA IYO. DIYOS LAMANG ANG MAY KARAPATANG MAGDIKTA KUNG HANGGANG SAAN LAMANG ANG BUHAY NG ISANG TAO. NAIINTINDIHAN MO?

Sa mga narinig mula kay Xyril ay hindi maiwasang mapahinga nang malalim ni Felecity. Thanks, Xyril. You really know what words to say. Merong time na napaka-romantiko mo at meron namang panahon na para kang pastor kung magsalita.

Tumawa si Xyril na ikinangiti rin ni Felecity.

WELL, I TRY.

NASA MAY ROOFTOP sina Felecity at Xyril. Si Xyril ang may hawak ng katawan nito ngayon habang si Felecity ay palutang-lutang lang sa paligid ni Xyril na nakaupo sa sahig.

May hawak na phone si Felecity habang si Xyril naman ay may kung anong hinahanap sa bag nito.

Mabilis na nag-type si Felecity sa phone message drafts. 'Ano ang hinahanap mo, Xyril? Baka alam ko kung naan nakalagay.'

Tiningnan naman ni Xyril ang phone na halos idutdot na ni Felecity rito. Xyril boyishly grinned at her. "Oh yeah, I forgot. You're miss little organizer. Well then, kind miss, nakita mo ba ang earphones ko?"

Medyo magulo ang buhok nito at dahil nakangiti ay labas ang biloy nito sa isang pisngi habang naniningkit na ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. It took her a few minutes to respond to him bago dali-daling lumutang palayo rito upang mag-type.

Lumapit ulit siya upang ipabasa rito ang sagot sa tanong nito – ang kaniyang mukha sa likod ng kaniyang buhaghag na buhok ay nagpapakita ng emosyon kung ano ang nararamdaman niya kay Xyril. 'Nasa lagayan mo ng mga tech-pens.'

"Oo nga! Thank you, Felecity. Teka, ano ang ginagawa mo diyan? Halika, may ipaparinig ako sa'yo." In his smiling face, he handed him his right hand with a pencil.

With her pale face blushing – or not – Felecity held the other side of the pen as she floated to his side. The moment that she sat a good foot away from him – he then handed her a single earphone. "Listen to it."

Ang isang pares ng earphone ay nasa kanang teynga ni Xyril habang ang isa naman ay nasa kaniya at isinuot niya sa kaliwa niyang teyna. Nang makita ni Xyril na nasuot na niya ito ay may kung anong pinindot ito mula sa Ipod nito.

And the next thing she heard, "Rewrite the Stars" is being played.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top