16
FELECITY
"XYRIL! I'VE been calling you since the last time we've met, but you just blocked my number. May nagawa ba akong mali? Tell me!" She whined as she clung her limbs around Xyril's right hand.
Nakita ni Felecity kung paano kumunot ang noo ni Xyril pero siguradong mas malaki ang kunot sa noo niya. When did I block Satie's number? Nag-text pala siya kay Xyril? Oh my golly, hindi ko naman kasi tinitingnan ang mga private messages ni Xyril. Pero! Am I really feeling relieved after knowing he blocked his supposed girlfriend?
Marahang binaklas ni Xyril si Satie habang may alangang ngiti mula sa labi nito at tila hindi alam kung ano ang gagawin. "Satie, please I already told you I don't remember a thing." Napapatingin din ito sa kaniya na may kung anong hindi niya mawari na emosyon sa mga mata nito kaya napapa-huh na lamang si Felecity. Hindi mo talaga siya maaalala dahil ako 'yon nakaharap niya, Xyril. Oh my golly, I am so sorry.
Tumingala si Satie kay Xyrus at nagpaawa. "But I clearly I heard you calling me sweet nicknames! Wala nang bawian, Xyril! Ang daya mo naman eh!" Para itong batang nagmamaktol buti na lamang at wala sila sa daan kun'di paniguradong makakaabala sila.
Sumanib kaya ako kay, Xyril? Pero baka mas makagulo pa?
Base sa pag-oobserba ni Felecity ay sigurado siyang hindi magnobyo ang Satie na ito at si Xyril. Awang-awa na rin siya pinagpapawisan na si Xyril. Sa durasyon ng pagkakakilala niya kay Xyril ay alam niyang si Xyril ang klase ng lalaki na uunahin kung ano ang iniisip ng babae bago magsasalita. She saw firsthand how he treated Mila even if he hated having 'friends' around him. Plus, she experienced how Xyril treated her even if she's a ghost.
Teka, 'yong mga pinapakita niya ba sa akin ay dahil lang sa mabait siya sa isang babae? Dahil ba naaawa siya sa akin?
Napawi ang ngiti ni Felecity at napalitan ng ibayong lumbay. Kung kanina ay naaawa siya kina Xyril at Satie, napagtanto niyang wala siyang karapatang maawa dahil unang-una ay baka maging Satie version 2.0 siya kung aasa siya na iba siya sa lahat ng mga babae ni Xyril. Not to mention, she's a ghost. Dapat ay ang tinatrabaho niya ang kaniyang misyon. Hindi ang ganito.
After all, I will vanish from his life once the forty-nine days runs out. Dapat siguro ay sanayin ko na ang sarili kong huwag makaramdam ng ganito kay Xyril. Aaminin ko, sa napakaliit na mga sandaling nakasama ko siya ay hindi ko mapigilang magkaroon ng damdamin kay Xyril Higashino. And this is the reason why I should stop this while still young – dahil kapag pinalabong ko ito ay kami lamang dalawa ang masasaktan.
"let's talk about this in my apartment. Masama sa imahe mo kapag dito ka mag-eeskandalo, Satie. Alam mo naman si tito, hindi ka palalampasin no'n." Marahang tinanggal nito ang braso mula kay Satie at humakbang paatras nang isang beses. "Ang laki mo na, Satie. I will send you an message, punta ka lang sa apartment ko or sa sa coffee shop tayo. Mahirap na at baka makita tayo ng pamilya ko at baka kung ano pa ang isipan." Ginulo ni Xyril ang buhok ni Satie na naiiyak na pero hindi na umangal.
Bakit mahirap kung pag-iisipan sila? Nakatingin lang si Felecity sa buong durasyon ng interaksyon ng mga ito at hindi na lumapit sa mga ito . Pero hindi niya pa rin binibitawan ang panyong nag-uugnay sa kanilang ni Xyril kahit may isang dipa na ang layo nila at nasa likuran lang si Felecity ni Xyril upang hindi makita ni Satie ang isang lumulutang na panyo na hawak din ni Xyril gamit ang kaliwang kamay niti.
"Then don't block my number. You know that's rude, right?" Maliit na ang boses ni Satie habang parang batang nakatingala kay Xyril.
Kahit medyo natigilan ay tumawa ng mahina si Xyril bago ginulo ulit ang buhok nito. "Fine, fi – " Naputol ang mang sasabihin sana ni Xyril nang may isa na namang pamilyar na boses ang dumating. "Are you dating him, Miss Satie?"
Ilang pamilyar na tao ba ang manggugulo? Reklamo ni Felecity sa kaniyang isipan bago hinarap ang bagong dating.
Isang nakataas ang kilay na si Serein ang dumating. Nasa likuran nito si Mistras na pawis na pawis at may maraming dalang shopping bags. Napangiwi sina Felecity at Xyril sa nakitang paghihirap ni Mistras na walang reklamo kay Serein na iisang tote bag lang ang dala at isang milk tea.
"Serein? Mistras? What are you doing here? And you know Xyril?" Agad na tanong ni Satie na nagpalipatlipat ang tingin kina Xyler, Serein, at Mistras.
Uhm, hello? Nandito rin ako? Ay oo nga pala, invisible giril nga pala ako.
"Duh? Of course, classmate ka 'yan. And also, may crush 'yan kay Felecity. Nakita ko nga 'yan ginawang muse si Felecity sa sketch niya." Serein said in her duh-tone subalit iba pa rin ang pagtanggap ni Felecity sa sinabi nitong may crush si Xyril sa kaniya.
Pwede bang mag-blush ang multo? Dahil kung oo, sure akong pulang-pula na ako ngayon! Mas lalong nagtago si Felecity sa likod ni Xyril kaya kitang-kita niya kung paano nagtayuan ang mga balahibo sa likod ng huli.
"Felecity? Sino 'yan ha? Xyril, are you hiding something from your family?" May talim sa boses ni Satie kaya napagdesisyunan niyang sumilip kung ano ang hitsura ng mukha ni Satie.
"Just leave it as it is, Satie, pleae."
"Oh-ho! Are you cheating on your girlfriend, Xyril? That's a dumb move, Xyril, dumb move I tell you." Panggagatong ni Serein sa naiinis na si Satie.
Pagkasilip ni Felecity, gaya ng inaasahan niya ay nakabusangot ito – pero maganda pa rin. Akmang bubuka na naman ang bibig ni Satie nang matahimik ito bigla habang nakatingin kay Xyril, dumaan ang takot sa mga mata nito bago naiiyak na tumingin kay Serein. Ano ang nangyari? Bakit biglang natahimik si Satie? Hindi nakita ni Felecity ang nangyari dahil nasa likuran siya ni Xyril. So she tugged the handkerchief that connected her with Xyril.
Tumikhim si Xyril bago bumaling kina Serein at Satie. "Thank you for greeting me, but forgive me if I say this. I have someone whom I am waiting, so I hope you will excuse me."
Kahit na magalang ang pagkakasabi ni Xyril ay hindi mawawaglit ang katutuhanang harapharapan nitong tinataboy ang tatlo na nagdulot upang mamilog ang mga mata ni Felecity. Ito ang first time na nakita niyang galit si Xyril maliban na lang noong nag-uusap sila sa loob ng isip nito.
Ganito pala mainis ang isang Xyril Higashino. Pero at least hindi siya nagmura. Palamura pa naman itong si Xyril noong ako ang may kontrol sa katawan niya at nasa likuran ng isipan ko siya.
Mahinang tumango si Satie bago walang sabing umalis sa harap nila. Kawawa naman, talagang nasaktan siya sa kung ano man ang ginawa ni Xyril. Sina Serein at Mistras naman ay lumapit muna kay Xyril, may nanunuksong ngisi sa labi ni Serein habang nakaharap kay Xyril.
"Satie and Felecity, huh?" May tukso sa boses ni Serein bago nito tinanguan si Mistras.
Xyril groaned which made Felecity grinned. Namumula kasi ang mga teyna nito. "Oh please, not you too. Ubos na ang enerhiya ko sa kakulitan ni Satie, huwag ka nang dumagdag please."
Isang nang-iinis na tawa lamang ang isinagot ni Serein. "Here, take this." May binigay na personal card si Mistras kay Xyril na tinanggap naman ng huli at binasa.
Why? Takang tanong ni Felecity sa kaniyang isipan.
"Bakit mo ako binigyan ng number mo, Serein?" Ooh, kay Serein pala 'yon. Akala ko kay Mistras.
"Save it if you want to know more about Felecity's death." Nawala ang ngisi sa mukha ni Serein at napalitan ng isang seryosong anyo at boses.
Mabilis na kumilos si Xyril, and the next thing Felecity knew, Xyril gave his calling number to Mistras. "Call me if you got anything." Seryoso rin ang boses ni Xyril na sinagot ng dalawa ng tango bago tumalikod.
Pero bago pa man makalayo nang husto si Serein ay huminto ito ngunit hindi lumingon sa kanila. "By the way, Xyril, send my regards to Felecity."
What?
ANG TILA nakasaboy sa kalangitan na mga kulay ang nakapagpamangha kay Felecity habang halos tumagos na siya sa bintana ng Ferris wheel na kanilang sinasakyan ni Xyril. Oh my golly, ang ganda!
Isang mahinang tawa ang nakapagpabalik sa kaniyang atensyon sa taong katabi niya. Sumalubong sa kaniya ang nakadekwatrong si Xyril habang nakasandal ang ulo nito sa kabilang bahagi ng Ferris wheel at nakatingin lang sa kaniya na ikinahiya naman ulit ni Felecity. Ilang beses ko na bang nakitang tinititigan ni Xyril? Oh my golly! My heart – kahit di ka tumitibok – please huwag kang distraction!
Kinuha niya agad ang phone ni Xyril na kanina pa nito ibinigay sa kaniya. 'What?' At ipinabasa niya it okay Xyril na mas lumapit sa kaniya upang basahin ang nakalagay sa message drafts nito. Sa paglapit ni Xyril sa kaniya ay muntikan na siyang tumagos sa dingding ng Ferris wheel kung hindi lang nito nahila ang octopus stuffed toy na kanina niya pa hawak. "Watch out!"
Sa paghila nito sa kaniya ay naging mas malapit ang kanilang mga mukha na nasa punto na amoy ni Felecity ang bubble gum scent nito – na kabaliktaran sa mint scented cologne ni Rex. Ngayon ko lang na-realize na mas mabango pala ang bubble gum scented cologne.
Si Xyril naman ang nagtanong sa kaniya nang makita nitong sumisinghot siya. "What?"
Isang wala sa sariling iling lamang ang naging sagot niya. Sigurado si Felecity na kahit kaya niyang magsalita ay talagang matutulala siya sa lapit nila. Huminga lang nang malalim si Xyril bago bumalik sa pwesto nito. "Alam mo, kahit na wala ka ng takot sa katawan dahil sa kalagayan mo, dapat hindi mo ipasok sa isip mo na ayos lang na masaktan. Do no take yourself for granted just because you can't feel pain." Malakas na hinila nito sa kaniya ang octopus stuffed toy kaya nabitawan ito ni Felecity.
Aangal na sana si Felecity sa pamamagitan ng phone nang biglang inilagay ni Xyril ang octopus stuffed toy sa kanang balikat nito sabay tapik habang nang-iimbitang nakatingin sa kaniya. "Make yourself comfortable."
Felecity did not need him to repeat his words, she immediately attached her head to the stuffed toy. Pagkalapat ng kaniyang ulo ay hindi maiwasan ni Felecity ang mapapikit. It's been so long since I felt this comfortable.
Nanatili silang ganun habang pataas nang pataas ang Ferris wheel. "Felecity, ang ganda oh. Unti-unti na nilang binubuksan ang lights ng amusement park. Kitang-kita rito." Namamangha na saad ni Xyril. Hindi na kinailangan ni Felecity na tumingin sa labas, habang nakatingin kasi siya sa nakangiting mukha nito ay hindi niya maiwasang maisip na ito ang tunay na magandang tanawin.
Ang ganda nga.
Subalit ang magandang oras na iyon ay nawasak nang biglang tumunog ang phone ni Xyril. Sino nga ba ang mag-aakala na ito na pala ang hudyat ng paghihirap nilang dalawa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top