15

XYRIL

LUMAPIT ANG isang crew ng diner upang tanungin siya kung ano ang kaniyang order matapos niyang umupo sa pinakamalayong parte ng diner nila na may pangdalawahang mesa. "Good afternoon, welcome to Kara's Diner! What is your order, sir?"

Pasimpleng sinulyapan ni Xyril ang nakaupong kaluluwa ni Felecity sa kaniyang harapan. Nakatingin sa kaniya ang pulang-pula na mga mata nito. "Two double cheeseburgers, one strawberry shake, and one java chip." Naalala niya ang strawberry scented shampoo sa CR ng apartment niya na ginagamit ni Felecity tuwing ito ang may kontrol ng katawan niya. Kaya ito ang order niya para rito. Though the shampoo and a milkshake are two different things.

"Two double cheeseburgers, one strawberry milkshake, and one Java chip. Is it to-go or for-here, sir?" Magalang na tanong ng babaeng crew sabay ngiti sa kaniya.

Mabilis na sumulyap kay Felecity at umiling na sa crew. "Your order will be served after twenty-five minutes, thank you!"

Pagkaalis nito ay agad na inilapag ni Xyril kaniyang cellular phone paharap kay Felecity – dragging it discreetly towards her. "Magtanong ka na. Kanina pa nandidilat ang mga mata mo."

Kanina pa napapansin ni Xyril ang pagtataka mula kay Felecity pero kahit sabog na sabog ang mga buhok nito at pulang-pula ang mga nandidilat na mga mata nito – ramdam niya sa titig nito ang pagtataka.

Nakuha naman ni Felecity ang gusto niyang sabihin kaya mabilis na nag-type ito sa kaniyang cellular phone na nakapatong sa mesa. Habang abala ito sa pag-type ay hindi napigilan ni Xyril ang pagtitig dito.

Who would have known that I will be comforted by the very being that I loathed? At kahit anong isip niya na ang mga tulad ni Felecity ang dahilan kung bakita namatay ang kaniyang kapatid – hindi niya maisip na kamuhian ito. Bagkus ay gusto niya itong tulungan.

A part of him wants to touch her pale cheeks – and Xyril knew that he's already treading into dangerous waters with these urges.

Napabalik sa kasalukuyan ang kaniyang isipan nang unti-unting itinulak ni Felecity ang kaniyang cellular phone pabalik sa kaniya upang basahin ang nais nitong sabihin.

'Why did you order food for me?'

Napataas ang isang kilay ni Xyril dahil sa nabasa. At dahil may mesa sa likod nila kaya hindi siya nagsalita, bagkus ay sinagot niya ang tanong nito sa pamamagitan din ng cellular phone. And so, Xyril begun to type without lifting the cellular phone from the table.

Xyril: It is normal if I am taking a girl for a date after ditching class. Hindi mo ba gusto ang strawberry-flavored milkshake? Gusto mo bang palitan ko?

Siguro hindi tama na mag-order ako nang hindi siya tinatanong. Saad ni Xyril sa kaniyang sarili nang makita niyang inikutan lang siya ng mga mata ni Felecity sabay iling.

Bumalik ulit sa kaniya ang cellular phone at hindi niya mapigilan ang mapangiti nang makita ang mga emoji na nasa baba ng kaniyang i-ti-nype.

'Nakalimutan mo na ba? Multo na ako, Xyril. Hindi ko na 'yan makakain, nagsasayang ka lang ng pera. P.S. I love strawberry! Oh my golly, how did you know? *heart emoji* *blushing emoji*'

Nakangiting napapailing si Xyril habang nagta-type ulit.

Xyril: Your shampoo gave it away. Nga pala, saan mo gustong pumunta? World of Fun ba o may gusto kang puntahang iba?

Nang matapos si Xyril ay si Felecity na mismo ang kumuha ng cellular phone kaya kung titingnan ng iba ay parang gumagalaw lang mismo ang cellular phone papunta sa katapat niyang upuan. "Gumalaw ba ang cellphone mo, sir?"

Muntik nang mapatalon sa kaniyang kinauupuan si Xyril dahil sa biglang nagsalita. Nang tingnan niya ito ay nakita niya nakatayo ang crew na siyang nag-entertain sa kaniya kanina. Nanginginig ang labi nito at nanlalaki ang mga mata. "Ilagay mo muna 'yang tray, miss. Baka mabitawan mo dahil sa panginginig at ikaltas pa sa sahod mo." Nakangiting saad niya upang pawiin ang takot nito. It will be difficult if she'll cause a scene about it.

Agad naman nitong sinunod ang kaniyang sinabi. In his peripheral vision, he saw Felecity watching the poor crew.

"Nakita mo ba? Promise! Nakita kong gumalaw papunta sa bakanteng upuan sa harap niyo po ang cellphone." Mahina subalit may takot ang boses nito na kaya bago lumala ay mabilis na ibinigay ni Xyril ang isang baso ng tubig mula sa tray para rito. "Calm down. It is all in your head. Pasensya ka na pala, nagalaw ko kasi ang mesa kay nagkaganoon ang cellular phone ko."

Sa kaniyang sinabi, kahit tabingi pa rin ang ngiti ng crew ay mabait na nagpaalam ito sa kaniya na sinagot niya ng isang nakangiting tango. At simula nang may napansin ito, palagi na lamang nakatingin sa kaniya ang crew mula sa counter.

Pasimple nagsalita si Xyril habang nakayuko sa harap ni Felecity na nakasimangot dahil naputol ang kanilang pag-uusap. "She did not believe. Pasensya ka na, Felecity. I was planning to lift your mood up, pero tingnan mo ang nangyari. Daig pa natin ang may stalker na nakabantay." Ang pagkainis at panghihinayang ay maririnig sa kaniyang boses.

Tumaas ang kaniyang mga balahibo mula kanang kamay niyang nakapatong sa mesa papunta sa kaniyang katawan. Mula sa pagkakayuko ay napatingin si Xyril kay Felecity at ganoon na lamang ang pagpipigil niyang huwag ngumiti nang makita niyang naka-finger heart sign si Felecity sa kaniya.

Felecity signed a finger heart before giving him an 'okay' sign like she was telling him she loved it and it is okay.

Somehow, the thought that she is enjoying it made him feel at ease for some odd reason. No, maybe he knew why and it is daunting where his feelings will take him.


FELECITY

NAKAHAWAK LANG ako sa dulo ng panyo habang naglalakad sa unahan ko si Xyril. Tinanong niya ito kanina kung bakit kailangan niyang maglakad sa likod nito. Ang sagot nito ay nakapagpatigil kay Felecity. Ayon kay Xyril, dapat nasa likod nsiya nito upang walang taong makakadaan sa kaniya. Kinontra niya ito at sinabihan gamit ang phone message draft na kaya niya namang lumutang sa taas nito. Pero ang sagot nito ay nagdulot ng short circuit kay Felecity. Sabi ni Xyril, dapat daw magkatabi kapag nasa date ang dalawang tao at siya raw ang lalaki kaya siya dapat ang mag-adjust para sa akin.

And I was like, since when did ditching classes become the second name of going into a date?

Kaya heto sila ngayon, parang dalawang normal na tao na nakikisiksik sa mga tao sa loob ng mall. Even though the reality is far from normal. I mean, an exorcist and a ghost, dating?

"Are you alright there, Felecity?" Nakahawak sa phone nito si Xyril na para bang may kausap ito sa phone pero ang totoo ay para sa kaniya ang tanong na iyon. Siguro ay ginagawa ito ni Xyril upang hindi mapaghalataan dahil 'yon ang mangyayari kung magsasalita siya nang mag-isa.

Paano ko ba 'to gagawin? Bawal muna akong magsulat dahil maraming tao. Hindi naman ako makapagsalita dahil isang matinis at nakakakilabot na sigaw lamang ang lumalabas sa bibig ko pag gano'n.

Hmm? Paano nga ba?

Ang pag-iisip ni Felecity ay naputol nang mahinang hinila ni Xyril ang panyong nagdudugtong sa kanila kaya mabilis siyang napatingin sa lalaking naglalakad sa kaniyang unahan.

Nakaharap nap ala ito sa kaniya, hawak-hawak pa rin nito ang phone sa may teynga nito. "Ayos ka lang ba? Gusto mo bang umalis dito?" May nababanaag na pag-aalala si Felecity mula sa boses nito kaya mabilis siyang umiling. Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinasaya, Xyril.

Mabilis na ipinakita ni Felecity ang kaniyang nararamdaman kay Xyril sa pamamagitan ng paggawa ng finger heart gamit ang kaniyang kaliwang kamay.

Kung hindi pa sapat ito. Oh, heto pa. Please read my heart through my gestures. Please. Kahit na nangingitim ang kaniyang labi at mga ngipin at natatabunan ng magulong buhok ang kaniyang mukha – na hindi niya maayos-ayos kahit anong gawin niya – ay ngumiti pa rin siya nang matamis.

See, Xyril? I am happy.

SA ISANG claw machine kami humantong na nasa loob ng World of Fun. Nakatayo sa harap ng makina si Xyril, nakayuko habang swabeng minamaniubra ang claw upang kunin ang paborito niyang octopus stuffed toy – ito kasi ang tinuro niya kanina nang tanungin siya nito kung alin sa mga stuffed toy ang gusto niya.

Buong dating time nila ni Rex ay palaging nasa bahay niya lang ang mga hangouts nila dahil hindi pumapayag ang kaniyang ama. Ngayon niya lang naranasan na may kukuha ng stuffed toy para sa kaniya mula sa isang claw machine.

Kaya lang ang malaking ngiti ni Felecity ay unti-unting naging ngiwi nang mapansin niyang isang oras na sila sa harap ng claw machine. She floated towards Xyril as she simple tugged his back shirt. Lumingon naman ito sa kaniya upang salubungin ang thumbs up sign na ginagawa niya. Sumenyas siyang lumipat sa ibang machine pero sinagot lang siya nito ng isang 'tsk' at nagpatuloy ulit sa pakikibaka sa harap ng claw machine. "I will get this weird-looking octopus. Just you wait."

Oh my golly, men and their pride. I like how you aren't giving up though. Kahit hindi aminin ni Felecity ay kanina pa hindi mapuknat-puknat ang kaniyang ngiti kahit na pakiramdam niya ay hindi talaga makukuha ni Xyril ang octopus na iyon. Oh my golly, I feel so alive again.

Napahampas bigla si Xyril nang mapansin nitong wala na itong coins. Tulad kanina ay akma na sana itong bibili ng coins. Oh no, you don't! Mabilis na lumipad si Felecity upang harangan ang desididong si Xyril na bibili na naman sana ng coins.

Dahil hindi niya kayang magsalita – idinipa niya ang kaniyang mga kamay upang ipaalam dito na hindi na siya sang-ayon na bibili pa ito ng coins. Umiiling siya habang sinasalubong ang nakakunot noong si Xyril na halatang tutol sa kaniyang ginagawa.

"Sir?" Pukaw ng isang World of Fun crew dahil sa pagkakatigil ni Xyril. Nagtataka rin ang mga taong akmang lilinya upang bumili ng coins. Ang hindi alam ng mga ito, nakaharang siya sa daanan ni Xyril.

Sighing, walang salitang tumalikod si Xyril. Akala ni Felecity ay nagalit ito dahil diridiritso lang ito sa paglakad papaalis sa World of Fun. Subalit nang makita ni Felecity mula sa papalayo nitong pigura na ang kaliwang kamay nito ay may hawak na ulit na panyo ay mabilis na napalitan ang pangamba sa mukha niya ng isang masayang reaksyon at dali-dali na siyang lumutang palapit dito upang hawakan uli ang kabilang dulo ng panyo.

AKALA KO ni Felecity uuwi na sila matapos ang insidenteng 'yon subalit dinala siya ni Xyril sa Blue Magic store upang bilhan ng isang mas malaking color pink na octopus stuffed toy na ikinatalun-talon ni Felecity sa palibot ng nakangiting si Xyril.

At dahil hindi pwedeng bitbitin ni Felecity ang stuffed toy ay si Xyril ang nagbitbit nito – hindi alintana ang mga tinging pinupukol ng mga tao rito.

Hindi lamang iisang finger heart ang ibinigay niya sa binata kun'di bawat pagkakataon na magtatama ang kanilang mga kaya mad madalas ay napapatawa ito – kaya ang mga taong nasa likod nito na nakalinya ay binibigyan si Xyril ng isang 'nahihibang-ka-na-ba look' na ikinatawa naman ni Felecity.

Amusement park? Really, Xyril? Napalibot sa paligid ang tingin ni Felecity habang hindi humihiwalay sa pagkapit sa panyo. Oh my golly, ilang taon na ba simula nang mapunta ako rito?

"You like it? Matagal na ako hindi nakapunta rito. I was so busy getting angry with the world, that I forgot how it means to live," saad ni Xyril habang hawak na naman ang phone nito malapit sa teynga nito upang aakalain ng mga tao sa paligid nila na may kausap lang ito sa kabilang linya. Subalit ang maiitim nitong mga mata ay nakatutok lang sa kaniya. Gustong iiwas ni Felecity ang kaniyang mga mata subalit tila nag-lock ang kanilang mga mata sa isa't-isa.

"Xyril? What are you doing here?" Isang magandang boses ang pumutol sa magandang koneksyon na iyon. Ang kaninang mainit na pakiramdam ni Felecity ay napalitan ng panlalamig nang makilala niya ang boses na 'yon.

"Satie?" Xyril asked with his eyebrows knotted while watching the pretty lady trotting towards them – cotton candy in her hand. Namimilog din ang mga mata nito na tila hindi makapaniwala na nakita nito si Xyril sa lugar.

Oh my golly! Ito yung babaeng nawalan ng ulirat noong naging sweet ako aka si Xyril sa kaniya!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top