14

FELECITY

ALAM NA alam ni Felecity na kung may bagay lang siyang hawak noong sabihin ni Serein ang mga katagang iyon ay matagal na niya siguro itong nabitawan. Nakanganga at nanlalaki ang mga butas ng kaniyang ilong dahil sa sinabi nito. Mabilis na lumapit si Felecity kay Serein na lampas lang sa kaniya ang tingin papunta kay Xyril.

Hindi nagsalita si Xyril, bagkus, ay ipiniling lang nito ang ulo na para bang naghihintay lang ito sa sasabihin ni Serein. Si Mistras naman ay nakadepende lang kay Serein at sa ngayon ay nakatingin lang ito sa huli. I guess they are really in love.

Hindi mawala-wala ang ngisi mula sa labini Serein subalit ang luha nito ay hindi rin tumitigil sa pagpatak. Para kay Felecity ay isa itong eksenang hindi niya aakalaing makikita.

"Listen well, Xyril Higashino. There are – " Naputol ang sasabihin ni Serein nang biglang umangal si Mistras. "Serein, are you sure to trust the transferee?" May pag-aalala sa mga mata nito.

"Trust? No way. But I want someone – even one person – to know how rotten that class is."

Nakakaunawang tumango si Mistras bago lumakad papuntang pintuan ng art room at tumayo paharap sa pinto na para bang nagbabantay ito. Nakasunod ang lahat ng mga pares ng mata kay Mistras na mabilis na bumalik kay Serein nang bumuntonghininga ito at umupo sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Xyril.

"Rotten, huh?" Xyril mumbled out of nowhere as if he's thinking about something else.

"Sinabi mo pa. I wonder how they can keep up those somber looks during the funeral. Well, let me start my rant so bear with me, intiendes?" Bumalik na naman ang pagiging dominant nito na sinagot lang ni Xyril ng isang seryosong tango matapos nitong umupo sa harap ni Serein. "Opal the bitch must have been secretly celebrating as she is the Miss Second-Rank-No-More. Hindi ko alam kay Felecity, siya lang ang hindi nakakahalat kung paano magdilim ang mukha ni Opal tuwing lalabas na ang results. That nobody, si Marc? I heard from a teacher that he is on the verge of losing his scholarship a day before Felecity's death. Alam naman ng lahat kung gaano ka poor si Marc kaya of course maaaring ma-trigger ang pagiging psychotic noon. And of course, the bitches Sabien and Tom, mga bakla. Dinig na dinig ko sila sa silid na nag-uusap tungkol kay Felecity at kung paano nagawan ng paraan ni Tom ang problema nilang pagkakatuklas ni Felecity sa kalandian nila. Sabien is my slutty twin brother, by the way, and he can't kill a bug for the life of me! Hey, you still following me?" Serein waved her hand in front of Xyril face. Napansin kasi nito na nakatingin sa likod ni Serein ang mga mata ni Xyril, ang hindi alam ni Serein ay nakatayo sa kaniyang likuran ang umiiyak na kaluluwa ni Felecity habang umiiling at nakatakip sa mga teynga nito ang dalawang nangingitim na mga kamay.

Mabilis na ibinalik ni Xyril ang tingin kay Serein kaya nagpatuloy na ang huli sa pagsasalita – mga salitang kinimkim nito ng matagal.

"As I was saying, Tara hates Felecity after the former's proposal of her picture for the Intramurals back at first year got rejected right after the committee chose Felecity's image. Naging issue nga 'yon dati eh and like always ay si Felecity lang ang walang alam. And let us not forget the obsessed Senri, I swear that guy gives me the creeps. Alam mo bang palagi ko siyang nakikitang kumukuha ng stolen pictures ni Felecity? Stalker-ish, right? I swear, that guy is not right in the head, you know what I mean. Well, kung may negative feelings, mayroon namang positive feelings like with Lyndrian na matagal nang may feelings sa manhid na Felecity. I swear, alam ng buong klase ang tungkol dito except Felecity. And Rene, the closet lesbian, na may picture ni Felecity na nakita ko noong nahulog niya ang kaniyang wallet sa gym class last year. Plus that whore, Mila, gosh I hate her for ruining my hair. Pero infairness ha, wala akong bahong naamoy sa kaniy maliban na lamang sa obsession niya sa kabaitan ni Felecity."

Si Felecity na nakikinig habang umiiyak ay napaisip. Alam niyang may kabuluhan ang mga sinabi ni Serein tungkol kina Lyndrian at Rene. Naramdaman niya ang mga pagkagusto ng mga ito sa kaniya aya lang ay pinilit niyang maging manhid dahil may nobyo na siya. Hindi akalain ni Felecity na ang ginawa niyang pagbabalewala sa mga damdamin nito ay maaaring maging dahilan ng kaniyang maagang pagkamatay. Para kina Sabien, Tara, at Tom ay may alam na si Felecity matapos niyang masaksihan ang mga tagpong iyon noong araw ng kaniyang libing. Felecity felth the walls of her so-called perfect life crumbling down before her.

And her tears doubled upon seeing the black spots, loitering around her body, growing darking and spreading fast around her body. Ayoko maging bad spirit, please no. Xyril!

Naramdaman siguro ni Xyril ang kaniyang panic dahil nagpang-abot ang kanilang mga mata. Ang mga pula at dilat na mga mata ni Felecity na basa mula sa mga luhang pumapatak at ang kulay uling na mga mata ni Xyril ay nagtagpo – at doon tila may naalala si Felecity.

T-Tama, sabi ni Xyril, tumingin lang ako sa kaniya dahil ako ang tenant niya at bawal akong maging bad spirit. Y-Yes, I will only look at Xyril. He promised that he'll help me. So let us focus. Pinapakalma ni Felecity ang kaniyang sarili habang ang kaniyang mata ay ayaw hiwalayan ng tingin ang mga nakakalunod na mga mata ni Xyril.

"Hello? May something bas a likod ko?" Lumingon naman si Serein sa likod nito at nang walang makita ay mabilis nitong ibinalik kay Xyril ang atensyon.

"Ah, wala. Back to what you were saying, pansin ko lang, bakit wala ang tatlong barkada ni Felecity na sina Tanya, Rex, at Simmone?"

Sa mga narinig ay napahinto mula sa kaniyang concentration si Felecity. Ang enerhiya mula sa mga negatibong ala-ala ay unti-unting pumapalibot sa kaniya subalit isang malamlam na tingin mula kay Xyril ang nakapagpahinto sa kaniya.

I am not alone. Sabi ni Xyril, hindi ako nag-iisa dahil tutulungan niya. And that's what he's doing. Dapat gawin ko rin ang parte ko.

Kahit mahirap na para bang hinahalina siya ng itim na enerhiyang iyon ay pilit na itinuon ni Felecity ang kaniyang atensyon sa mga mata ni Xyril na nakatingin kay Serein.

Serein chuckled. "Oh, please. Didn't you hear about the saying 'save the best for last'? Let us start with dearest Tanya. Alam mo bang mag-business partners ang pamilya ni Felecity at Tanya? I know because kasali sa partnership na ito ang parents ko. And recently, Tanya's father made a wrong call sa isang business ng mga ito thus crushing his credibility kaya nag-pull-out ang parents ni Felecity sa majority ng partnership ng dalawang pamilya. Narinig ko rin si Tanya na nilapitan si Felecity tungkol dito. Nasa loob ako ng isang cubicle, and you know wha happened next? Felecity refused to help dahil wala siyang kinalaman sa mga desisyon ng mga magulang niya then she left. And the best actress Simmone na siya ang dahilan ng lahat. Alam mo bang sa tuwing lumalapit ako kay Felecity upang makipagkaibigan ay palaging may pasa ang babaitang 'yan? Turns out, ako na pala ang may kasalanan kung bakit may mga pasa ito? I realized na sinisiraan ako ng babaeng 'yan kaya umiwas sa akin si Felecity. I admit, nasaktan ako kasi hindi ako binigyan ng chance na mag-explain. I want to hate her, God knows how I want that. But I just admired Felecity for so long that I can't just stop abruptly. Kaya ang ginawa ko ay lumalapit ako at nagmamaldita. Plus, I can bitch slap Simmone whenever I want because I'm vindictive nga 'di ba? Pero, ang higad na babaitang 'yon! Ang mga pasa pala na iyon ay nakuha niya mula sa pagpapakasarap kay Rex! The jerk had been fooling Felecity ever since their first monthsary! The nerve! Tapos ako lang ang pinagbubuntunan ng galit ni Mila? Mag-research kaya siya? Bobo ba siya? oops! Friend mo pala 'yon."

Ginagawa namang mantra ni Felecity ang sinabi ni Xyril sa kaniya. Na hindi siya pwedeng maging bad spirit dahil isa siyang tenant nito paulit-ulit niya lang 'yong inaalala upang hindi naman siya mawalan ng kontrol dahil sa mga isinasawalat ni Serein.

Sakto namang tumunog ang bell kung saan pinabalik na ang mga mag-aaral mula sa lunch break kaya agad na tumayo si Serein. "I had fun letting all of those secrets out. Wow, I feel so light."

Bago pa man makaalis sina Serein at Mistras ay tinawag ito ni Xyril na ngayon ay nagliligpit na rin. "Why did you tell me those? You don't trust me, right? At isa pa, isa lang akong transferee."

Ngumisi ulit si Serein. "Have fun playing detective, Mr. Holmes of St. James Academy. Ciao!" Saad nito bago umalis kasama ang nobyo.

Naiwan sila ni Felecity at Xyril sa loob ng art room. Walang gumagalaw – kabaliktaran ng nangyayari sa hallway kung saan abala lahat ng mga estudyante sa pagpunta sa kani-kanilang klase. At sinira ng mga salita ni Xyril ang katahimikang bumabalot sa silid. "She knew that it was a set-up."

Huminga ng malalim si Xyril bago hinarap ang tulalang si Felecity na nakalutang lang sa ere. Pinakatitigan siya ni Xyril bago may kung anong kinuha ito mula sa bulsa.

"Take it and will you please stop floating and come down?" Mahinang utos ni Xyril habang nakalahad ang kanang kamay nito na may hawak na panyo na nakaladlad imbis na nakatupi.

What are you thinking, Xyril? Noong una, phone, ngayon naman ay panyo?

Nang nakatayo na sa harap ni Xyril si Felecity nang dalawang dangkal lang ang layo ay nagsalita ulit si Xyril – this time, may maliit na ngiti sa labi nito. His eyes twinkling with mischief. "Have you ever tried ditching? Tutal, nakasuot ka naman ng uniform so I will count you as a student here."

On reflex ay umiling si Felecity para lang mapagtanto matapos ang ilang segundo na patay na nga pala siya. And she never tried ditching while she was alive.

Ano pa nga ba ang mawawal sa akin?

Alangan man ay unti-unting inabot niya ang kabilang dulo ng panyo at nahihiyang tumango kay Xyril. "Let's just keep the handkerchief discreet around people. For sure, ayaw nilang makakita ng panyong may lumilipad na dulo." Pagbibiro ni Xyril pero alam nila pareho na dapat hindi sila makita ng iba upang hindi makagawa ng komosyon.

Nagtatakang tiningnan ni Felecity si Xyril. She wanted to ask where he's taking her. Tila nabasa naman ni Xyril ang pagkiling ng ulo ni Felecity dahil mahinang tumawa ito bago binuksan ang pinto. "I am taking you to the mall. I promised you, right? Hindi ka nag-iisa sa paglalakbay mong ito. If you want proof, tingnan mo ang panyo na nakapagitan sa atin."

Sa gitna ng malaking hallway ng St. James Academy kung saan walang miisang tao o kaluluwa ang makikita maliban sa kanilang dalawa – tila nagtagpo ang dalawang mundo sa pamamagitan ng isang lukot na panyo. This is not bad, I guess.

Ang dami kong nalaman ngayon. Idagdag pa ang pagkalat ng black spots sa aking katawan at ang lalong pag-itim nito. Pero sa kabila ng lahat – sa tabi ni Xyril – ay nalilimutan ko ang bigat ng aking mga suliranin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top