12

FELECITY

NAKATAYO SINA Felecity at Xyril sa loob ng living area. Parehong may mga pasabog ang dalawang kampo. Si Xyril na mula sa nakaraan nito at siya na ngayon lang niya narinig. Dahil sa abilidad na hindi pa man napapangalanan ni Xyril, alam ni Felecity na may basehan ang mga sinabi nito sa kaniya – na siyang ikinabahala niya. May problema na nga siya tungkol sa kung sino ang pumatay sa kaniya tapos may bago na naman siyang problema.

Sumulat siya ulit. 'Bakit ako naging bad spirit? I can't understand!'

Pinakatitigan ni Xyril ang mga malalaking itim na tila pasa na nasa may kanang leeg niya, nasa dalawang braso niya, at nasa kanang pisngi niya. Ang mga ito lamang ang visible para kay Xyril dahil isa siyang kaluluwang nakasuot ng uniporme.

"I told you I am an heir, right? You also heard about the abilities to see the dead. Ang abilidad na makita ka, ang abilidad na makapasok ka sa aking katawan at makausap – they are the manifestations of me being an exorcist. Nabasa ko noong nasa ilalim pa ako ng Higashino Clan's main branch, ang tungkol sa mga bad spirits. Turns out, bad spirits were once a pure soul. But after staying too long in the living world – envy, greed, hatred, plunder – all these negative emotions turned them into bad spirits. Felecity, sa mga nabanggit kong katangian, may kahit isang naramdaman ka ba?" His tone felt like he wanted an honest answer from her.

Napakuyom ang mga kamay ni Felecity habang nakagat niya ang kaniyang ibabang labi dahil sa pinipigilang emosyon. Hindi niya matagalan ang titig ni Xyril kaya napaiwas siya ng tingin dito.

"Naramdaman mo ito," mababa ang boses na saad ni Xyril nang mabasa nito ang kaniyang reaksyon. She switched her gaze back to him. Her red eyes pleading for him to help him, but couldn't utter a single word. She couldn't even write due to her corporeal fingers shaking like crazy.

Isang tango lamang ang kaniyang naging sagot bilang kumpiramsyon sa sinabi ni Xyril. Bumungtonghininga ang huli subalit nagtaka si Felecity nang mas lumapit pa ito sa kaniya kaya, on reflex, ay akmang lalayo sana siya rito nang mapagtanto niyang mas mabilis si Xyril. His right palm tried to touch her cheeks, but to no avail he could not touch her – tumagos lang ang kamay nito sa kaniyang corporeal form na ikinangiti ng malungkot ni Felecity.

Parang kanina lang ako 'yong nagsasalita upang pagaanin ang loob mo, Xyril. Now, you are extending your kindness to the very creature you hated – the ghostly me. Felecity mumbled in her mind as she watched him puffed a frustrated 'tsk' when he could not touch her.

What are you doing? Tanong ni Felecity sa kaniyang isipang nang mapansin niyang may kung anong kinuha si Xyril mula sa bulsa nito – isang phone – at inaabot nito ang phone sa kaniya na ikinapiling ng ulo ni Felecity sa pagtataka. "May pinsan ako na napakaiyakin katulad. I usually comfort her by giving her a hug, but I can't do that with you obviously. So hold this cellular phone." Napakamot ito sa batok na para bang nahihiya si Xyril habang nagpapaliwanag pero hindi pa rin nakuha ni Felecity kung bakit kailangan niyang hawakan ang phone nito.

Baka may ipapabasa siya sa kaniyang phone?

Sinunod niya ang sinabi ni Xyril at hinawakan ang dulo ng phone nito pero mas nagtaka siya nang hindi nito bitawan ang phone. Mas inilapit ni Xyril ang kamay sa kaniya pero sakto lang na hindi magtagpo ang kanilang mga kamay na nakahawak sa iisang phone. Sa halip ay parang silang magkahawak kamay. This is the closest that they can get – one phone connecting the world of the living and the dead.

"Not feeling alone, anymore?" Ang mga maiitim nitong mga mata na palagi niyang nakikitaan ng pagkailap ay kalmado ngayon. Kahit na namumula ang gilid ng mga mata dahil sa pag-iyak nito kanina ay hindi nito natatabunan ang sensiridad na ipinapakita para sa kaniya.

She wanted to tell him that she's grateful. Thank you. But it only ended up with her uttering in her mind. Ayaw niya namang magulat kapag ibubuka niya ang kaniyang bibig.

Tila nabasa nito ang kaniyang iniisip dahil ngumiti ito sa kaniya – ang unang ngiti na iginawad nito sa kaniya bilang isang multo. "Walang anuman. Now listen to me, Felecity. What negative emotion did you feel ever since you became a ghost?"

Naalala ni Felecity ang galit noong narinig niya mag-usap sina Sabien at Tom. Ang panghihinayan at lungkot nang marinig niya ang sinabi ni Tara. Ang panghihinayang tuwing niyayakap nina Simmone at Tanya ang kaniyang pamilya. At ang poot noong nakita niya sa library ang kaniyang kasintahan – dating kasintahan – kasama ang kaniyang matalik na kaibigan.

Siguro ay nabanaag ni Xyril ang kaniyang emosyon mula sa mga hindi kaaya-ayang mga eksena dahil inalog niya ang phone na nagdudugtong sa kanilang dalawa upang siya'y pukawin. "You were thinking about the things that caused you to harbor these negative emotions. At tingnan mo ang mga black spots, they darkened and spread while you were lost in your thoughts."

Napasinghap siya nang makita ang dating kasing lapad lang ng kaniyang palad na mga black spots ay doble na ang laki sa ngayon at mas umitim pa ang mga ito.

Dahil sa mga emosyon ko ay unti-unti akong nagiging bad spirit? What will happen to me if I become one?

"Ang mabuti pa ay huminahon ka muna. Ayaw nating ma-trigger na naman ang mga black spots na dumikit sa'yon." Pagpapakalma sa kaniya ni Xyril nang makita nito sa kaniyang hitsura na malapit na siyang sumabog sa tindi ng mga pinaghalong emosyon na bumubukal sa kaniyang loob. "Hey. Hey, look at me. Felecity, come on and look at my eyes."

A gasp escaped her blackened lips when he pulled the phone from her, bringing her along in the process. What are you doing, Xyril? She asked in her mind – completely flustered.

Gahibla na lamang ang layo ng mga mukha nila dahil sa paghablot ni Xyril sa nagdudugtong sa kanilang dalawa. "Look at me, and only me, Felecity. Ako lang ang tingnan mo, divert your attention from your worries to me. The countdown of your forty-nine days is still not over. We will tie all your loose ends before the countdown ends, okay? Sino ang nakikita mo, Felecity?" Ang boses ni Xyril ay puno ng determinasyon.

Dahil hindi niya kayang magsalita at ayaw niyang bitawan ang phone, gamit ang isang kamay ay tinuro ni Felecity si Xyril bilang sagot sa tanong nito. Ngumiti naman ang huli. Oh my golly! Pangalawa na 'to! Lumabas ang isang biloy sa ngiting iyon ni Xyril. Sigurado si Felecity, kung buhay lang siya, ay kanina pa siguro siya namula sa mga biglaang atake ni Xyril sa kaniya.

"You're right. Tutal ay nabulabog mo na ang buhay ko ay lulubusin na natin. I will be with you until the 49th day, I promise. Kaya huwag kang matakot at huwag kang magpatalo. Hindi ka magiging bad spirit, I promise you that."

Sa narinig ay biglang hinablot ni Felecity ang phone at in-open niya ang messages nito upang mag-type. Hinayaan naman siya ni Xyril. 'How? How can you promise me when I am starting to become one? Ano ang magagawa ng pangako mo?'

Puno ng pagdududa at pangamba ang mga salitang nakasulat sa draft ng messages ni Xyril. Nang tanggapin ng huli ang phone nito mula sa kaniya ay ilang segundo lang ag inilagi nito sa harap ng phone bago nito ibinalik sa kaniya ang gadget.

"How can I promise? Because I am an exorcist, Felecity. And I hunt the bad spirits, the boogeyman and the devils."

Nanlaki ang mga mata ni Felecity sa huling sinabi ni Xyril. He hunts bad spirits? Kung ganoon, ano ang gagawin niya kapag naging bad spirit ako?

Mabilis na nag-type si Felecity. Akala niya ay kapag wala na siyang pusong tumitibok ay wala na siyang kakayahang masaktan ulit pero mali pala. Kahit pala patay na ay may damdamin din. Sa bawat pagpindot niya sa screen ng phone ay gustong maiyak ni Felecity pero kailangan niyang ipabasa it okay Xyril. In case I become a bad spirit.

Nang ibigay niya na kay Xyril ang phone nito upand ipabasa rito. 'If I become a bad spirit then please I beg you to exorcise me, Xyril. That will be my last request to you. I'd rather vanish than hurt other people.'

Kitang-kita ni Felecity ang pagtagis ng mga bagang nito kasabay ng pagpukol nito sa kaniya ng matalim na tingin. W-what did I do?

Huminga muna ito ng malalim bago inalok ulit siyang hawakan ang phone nito. Nang hindi niya tinanggap ay pinagtaasan siya nito ng kilay kaya walang magawang hinawakan niya ito. 'Yon nga lang ay bingyan ko ng distansya ang pagitan namin. "Everytime you feel lonely, everytime you feel scared, and everytime you feel that hate – just think about me. Ako ang taong ginambala mo dahil gusto mong tumuloy sa pintong sinasabi mo. Makonsensya ka naman sa akin. Never forget, you are lodging in my body and that makes you my tenant. You understand the hierarchy, right? Kaya kapag sinabi kong hindi ka magiging bad spirit dapat gagawin mo ang lahat upang matupad mo ito."

Napanganga si Felecity sa mga binitawang salita ni Xyril. What change? Is it because I comforted him earlier during his breakdown? Why is he insisting to save me when he just hated me a couple of hours ago? What change, Xyril? Hindi na isinaboses ni Felecity ang kaniyang mga katanungan habang nakatitig sa seryosong si Xyril.

Si Felecity na ang lumapit dito, habang nanatiling nakakonekta gamit ang phone na pareho nilang hawak. She floated in front of him before she stood on the floor, a few inches away from Xyril.

Akmang sasandal na sana si Felecity sa balikat ni Xyril nang maalala niya na hindi nga sila pwedeng magkatagpo kaya ilang sentimetro nalang ang layo niya sa kanang balikat nito ay bigla siya napahinto. "You are really an odd existence, Felecity." Saad ni Xyril sa sarili bago siya hinila nito paupa sa couch. Magkatabi sila sa pag-upo nang biglang binitawan ni Xyril ang phone nang may kung anong inabot ito sa likod ng couch.

Why am I feeling such loss right after he let go of this phone? Nanatiling nakatitig sa phone na siya na lamang ang may hawak.

"Felecity," pukaw ni Xyril sa pagkakatunganga niya at ganoon na lamang ang pagkagat niya ng kaniyang labi upang hindi maiyak nang makita ang ginawa ni Xyril.

Why are you being like this, Xyril Higashino?

Tila nakuha naman ni Xyril ang gustong gawin ni Felecity kanina dahil nasa balikat na nasa banda niya ay merong nakapatong na maliit na Pikachu stuffed toy. "Halika na, gusto mong sumandal 'di ba?"

Mayroong maliit na ngiti sa labi nito habang nakasandal sa couch at naghihintay na isandal niya ang kaniyang ulo sa ibabaw ni Pikachu na nasa kaliwang balikat nito nakalagay. Hindi na naghantay si Felecity na alukin ulit siya. Mabilis siyang sumandal sa stuffed toy.

I am not alone. Napagtanto ni Felecity kung gaano ka lumbay ang mga araw na lumipas simula noong siya'y namatay. Pero habang nakasandal siya kay Xyril sa pamamagitan ni Pikachu ay unti-unting naibsan ang lumbay na pilit niyang ikinukubli.

"Umiiyak pala ang mga multo, noh?" Obserba ni Xyril nang marinig nito ang kaniyang hikbi. At doon lang napansin ni Felecity na may tumutulong luha sa mula sa kaniyang mga mata.

Felecity immediately typed something using his phone. 'You tell me. Ikaw ang expert sa mga multo. By the way, kailan mo ako pababalikin sa katawan mo?'

Kung tutulungan siya ni Xyril ay kailangan magkaroon sila ng plano kung paano mahuhuli ang pumatay sa kaniya.

"Before that, let's set some ground rules first. Para hindi nila mapaghalataan na may kakaiba kay Xyril Higashino."

Tumango naman kaagad si Felecity. "Okay, let's first start with the schedule. Kung nasa paaralan tayo ay ikaw ang gagamit sa katawan ko pero kapag nasa apartment na tayo o nasa labas ng school premise ay dapat ako na ang magko-kontrol sa aking katawan. Ayos lang ba 'yon sa'yo?"

Nang may gustong itanong si Felecity ay agad siyang nag-type sa phone ni Xyril at mabilis na ipinakita rito ang kaniyang tanong. 'Ayos lang sa akin. Saan tayo magsisimula?'

Natahimik ng ilang segundo si Xyril. "Hmm. Let us start with our classmates then."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top