11
FELECITY
Pumikit si Felecity at nagsalita sa kaniyang isipan. Ang malamyos niyang tinig ang maririnig ni Xyril. She wanted to use her voice in convincing him. Talking to you now with a clear mind, well the clearest mind I have ever been since dying, I want to be at peace. Lalo na ngayon. Tuwing naririnig ko ang boses mo o tinatawag ako ng iba sa pangalan mo, pinapaalala nito sa akin na talagang hindi na ako nabibilang sa mundong ito. What I want is peace, Xyril. Gusto kong pumasok sa pintong iyon pero paano ko magagawa 'yon kung wala akong alaala kung paano ako pinatay o sino ang pumatay sa akin? How can I rest in peace knowing that my killer can have another victim after me? I need your help, Xyril. Please, I am begging you. And, and I so sorry for everything that I have done to you.
Pumatak ang mga luha mula sa mga mata ng katawan ni Xyril. And no – hindi si Felecity ang may rason nito. It is because Xyril's soul is weeping deep inside the corner of this body.
Napaupo nang tuwid si Felecity habang hawak ang mga pisngi – realizing that the tightness of the heart she was feeling was because of Xyril's pain. May nasabi ba ako? Oh my golly! What to do? Hindi alam ni Felecity paano mag-offer ng comforting words sa isang lalaki dahil hindi naman umiiyak si Rex.
SO IT ACTIVATED. HINDI KO ALAM KUNG PAANO PERO ANG ABILIDAD KONG TUMANGGAP NG MGA KALULUWA SA AKING KATAWAN AY GUMANA SA'YO. May lumbay sa boses ni Xyril na tila kinakausap nito ang sarili at hindi si Felecity mismo. ALAM MO BA, TAMA ANG HINALA MO NA MAY KAKAYAHAN ANG PAMILYA NAMIN NA MAKAKITA NG MGA BAGAY NA HINDI NABIBILANG SA MUNDO NG MGA BUHAY. HENCE, THE REASON I CAN SEE YOU. AND I HATED THIS ABILITY EVER SINCE. IT COST ME MY LIFE.
Nanatiling nakatikom si Felecity at nakikinig lang kay Xyril. They needed this – opening up with each other. At tama si Xyril, nanatili sa isip ni Felecity ang mga sinabi ng lolo ni Xyril kanina.
THEY DRILLED THIS NOTION TO ME SINCE I WAS TEN, THAT I WILL BE THE HIGASHINO CLAN. AT PARA SA ISANG BATANG IPINANGANAK LAMANG MULA SA ISANG BRANCH FAMILY NG PAMILYA AY GRABE ANG DULOT NA SAYA NG PAMILYA KO. MY PARENTS TREATED ME AS AN INVESTMENT WHILE MY OLDER BROTHER PROTECTED MY CHILDHOOD FROM THEM. SI KUYA ANG TAONG HINDI NAGBAGO ANG PAKIKITUNGO SA AKIN. AT DAHIL NGA AY BATA PA AKO NOON, HINDI KO ALAM KUNG ANO ANG NAKAKABIT NA RESPONSIBILIDAD BILANG TAGAPAGMANA NG HIGASHINO CLAN.
Felecity heard him scoffed before continuing his sentiments. Magkahalong emosyong ang nararamdaman ni Felecity mula kay Xyril. Sakit, pait, pagsisisi, pangungulila, at galit – ito ang mga nararamdaman ni Xyril ngayon habang walang hinto sa pagtulo ang luha mula sa katawan mismo ni Xyril na gamit niya.
I WAS TWELVE YEARS OLD WHEN THE MISFORTUNE STARTED. ANG ABILIDAD KONG MAKAKITA NG MGA PATAY AY NAGSIMULA NA SA BATANG GULANG KONG IYON. AND AS A CHILD WHO SUDDENLY CAN SEE GROTESQUE IMAGES OF CREATURES THAT ONLY I CAN SEE, I TRIED TO RUN AWAY FROM MY RESPONSIBILITY BECAUSE OF FEAR – A DEEP DARK FEAR THAT IS SWALLOWING ME UNTIL NOW. AT NANGYARI NGA IYON, I LOST EVERYTHING. I LOST THAT ONE PERSON WHO DID NOT SEE ME AS AN ANOMALY, BUT AS A YOUNGER BROTHER.
Hindi mapigilan ni Felecity ang magtanong. What happened to your brother? Why did –
WHY DID HE DIE? He scoffed again. IT IS BECAUSE OF ME, FELECITY. YOU SEE, MY ABILITY IS A CURSE. THE THIRD TIME I SAW A VERY HORRENDOUS GHOST, 'YONG MGA NAMATAY NA BRUTAL, TATAWID NA SANA AKO PAPUNTA KAY KUYA NOON. TANDANG-TANDA KO PA NA MAY HAWAK SIYA BOX NA MAY LAMANG CAKE PARA SA KAARAWAN KO. BUT I COWARDLY STOPPED MIDWAY THE PEDESTRIAN LANE WHEN I SAW HEADLESS GHOST CROSSING THE STREET AND WALKING SLOWLY TOWARDS. PAKIRAMDAM KO NOON AY AKO ANG TARGET NIYA KAYA NANIGAS ANG BUO KONG KATAWAN. HA! THE NEXT THING I KNEW, I WAS BEING HUGGED BY MY BROTHER'S PROTECTIVE EMBRACE.
Hindi alam ni Felecity kung ano ang sasabihin. Napakabigat ng ipinagtapat ni Xyril, gusto niya itong yakapin subalit ang sumunod na mga salita nito ay nakapagpahinto kay Felecity.
I SHOULD HAVE DIED. SANA AKO NA LANG ANG NASAGASAAN NOONG PANAHONG IYON. AND Xyril wept again. Tears started to fall the second time around, but this time, Felecity could hear his desperate sobs.
Napalakas ang pagkagat labi ni Felecity dahil awtomatikong nag-react si Xyril. WHAT THE HECK ARE YOU DOING? YOU'RE RUINING MY LIPS!
Oh my golly! For someone who wishes to die, you sure care a lot about your body huh! Bakit? Kapag namatay ka ba, maibabalik mo ba ang buhay ng kuya mo? Alam mo Xyril, kung ako ang kuya eh baka nahampas na kita! Namatay siya dahil gusto ka niya iligtas, Xyril! Niyakap ka niya at desisyon niya 'yon dahil mahal ka ng kuya mo! Akala mo ba bibigyan ka ng medal ng kuya mo kapag narinig ka niya – na 'yong taong pinag-alayan niya ng buhay ay hindi man lang na-appreciate ang buhay na prinotektahan nito kapalit ang sariling buhay nito! Alam mo ang selfish selfish mo! Akala mo masaya ang mamatay! Hindi 'yan nakakatuwa! Akala mo kapag namatay ka na ay quits na lahat noong nabubuhay ka? Ha! Maling-mali ka, Xyril! Look at me! I am borrowing your fudging body because I. Am. Dead! Dead! Naintindihan mo? Insulto sa aming mga patay na sasabihin mong gusto mong maging tulad namin!
Felecity's voice cracked. Hindi niya nakayanan ang sinabi ni Xyril. She can understand the he is in pain, but running away and choosing death is screwed up. Maling-mali para kay Felecity. Nahagip ng mga mata ni Felecity ang isang marker sa center table at isang bondpaper. For the first time, Felecity strongly wanted to get away from Xyril's body.
Ang pakiramdam na parang may taling nakabubod sa buo niya katawan at pilit na kumakawala siya – ito ang nararamdaman ni Felecity habang iniisip niyang gusto niyang humiwalay sa katawan ni Xyril.
Pop! Hindi alam ni Felecity kung imahenasyon niya lang 'yon pero pakiramdam niya ay narinig niya ang tunog na iyon nang tuluyan na nga siyang mapahiwalay sa katawan ni Xyril. Gone is the warm heavy feeling of a living heart. Wala na rin ang center of gravity niya pati ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib na tanda na siya ay humihinga. Oomf!
Nagpalutaw-lutaw ang kaniyang katawan at nang mapadaan siya sa malaking salamin na nasa living area ni Xyril ay nakita niyang wala na ulit siya repleksyon.
Realizing that she succeeded as Xyril, on the other hand, groaned like he just woken up. Felecity wrote the words she wanted him to read while in her ghost form. Gamit ang marker at bondpaper na nakita niya kanina lang ay mabilis siyang nagsulat. Buti na lang talaga at nakakahawak siya ng mga bagay kapag grabe ang concentration niya.
Ang kaniyang pulang mga mata, sabog na buhok, at ang dating kulay puting katawan ay unti-unting nagkakaroon ng mga itim na kulay na tila mga malalaking pasa. Blurred din ang kaniyang mga binti pababa sa mga paa niya, isang katangiang normal para sa mga kaluluwang pumanaw na.
"Why did you leave just like that?" Xyril dried his tears. Hindi niya siguro alam kanina na umiiyak ang kaniyang katawan. As if it was in sync with his soul's plea.
Tumingala ito sa kaniya na kalutang lamang sa harap ng nakaupong pigura nito. Unti-unting lumapit si Felecity kay Xyril habang nakalutang. Dahan-dahang inilapit niya ang kaniyang duguang mukha sa mukha nito at akmang hahawakan ng kaniyang kanang kamay ang kaliwang pisngi nito nang tumagos lamang siya.
Felecity started to moan like a wounded animal, her cries disturbing the other occupants of the apartment building. May ibang napapa-sign of the cross na lamang at may ibang napapahinto sa takot habang pinapakinggan ang mahinang ungol ng isang babae na tila nagmula sa ilalim ng hukay ang malamig at nakakatakot na boses nito.
Pero si Xyril na ilag sentimetro lamang ang layo sa nandidilat na mga pulang mata ni Felecity ay hindi magawang ibaling sa ibang direksyon ang kaniyang mga tingin. Sinamantala naman ito ni Felecity at ibinuka niya ang kaniyang nangingitim na bibig upang magsalita pero imbis ang malamyos na boses ang narinig ni Xyril – ang isang matinis na sigaw ang umalingawngaw sa buong floor ng apartment building kung saan matatagpuan ang apartment ni Xyril.
Napatalon sa kaniyang upuan si Xyril hindi dahil sa takot kun'di sa gulat. "The heck? Bakit ka sumigaw?"
Umiling lang bilang sagot si Felecity bago ipinakita ang hawak niyang bondpaper kay Xyril.
'You hated yourself because you were a coward back then that cost you your brother's life. But looking at you now? Nothing has change, Xyril. Duwag ka pa rin.'
Nang mabasa nito ang nakasulat sa unang bondpaper ay tumalim ang mga tingin ni Xyril kay Felecity. Tumiim din ang bagang nito bago tinanggal ang unang bondpaper upang mabasa nito ang nakasulat sa pangalawa.
'Look at me. Do you want to be like this? I can't speak normally and I can't even touch a living being. Look at me and tell me, do you want to be like me?'
Pinakatitigan ni Felecity ang mukha ni Xyril – she is waiting for the telltale sign of emotions from him. She wanted to know if her words and actions reached him.
Ayaw ni Felecity na pagsisihan ni Xyril ang mga desisyon nito habangbuhay. He is pushing away his family because he opted to hate them, blame them even. He also stayed away from his friends with the thought that he's giving them a chance of normal life away from him, an anomaly so he said. And he also hates himself for being born with that talent. Felecity could see that he is taking the path of self-destruction.
Nakatitig din ang mga malalamlam na mga mata nito sa kabuoan niya na unti-unting ikinailang ni Felecity. She just felt uneasy with the way he stared at her. When suddenly, he abruptly stood up from his seat.
"Teka, matagal na ba iyang mga kulay itim sa katawan mo, Felecity?" May bahid ng pagkabahala ang boses nito at may pagkaalarma naman sa mga mata nitong nakatitig sa kaniya.
Nagulat naman siya dahil sa hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging sagot nito. Pero nabahala rin siya nang isaboses nito ang kaniyang napansin kanina lang din.
The black spots littering her body. Mukha itong mga pasa pero alam na alam ni Felecity na ngayon lang ito. Felecity took the marker and the bondpaper again.
'No. Ngayon lang ang mga ito. Baka dahil ito sa unti-unting nauubos ang forty-nine days ko?' She shoved the bondpaper to his direction.
Umiling si Xyril. "Hindi. Walang ganiyang side effects ang countdown ng forty-nine days. At nakita ko na ang ganitong kulay sa mga tulad mong kaluluwa."
Mabilis na nagsulat si Felecity, may kaba sa kaniyang puso. 'When did you see these dark spots?'
Bumuntonghininga si Xyril bago nagsalita na animo ay hindi rin makapaniwala sa sasabihin. Ang mga mata nitong seryoso ay tumingin sa kaniya ng diritso. "I saw them a handful of times and these dark spots belong to those spirit who are turning into bad spirits."
I think I am the one who needs the comforting now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top