10
XYRIL
MADILIM. SOBRANG dilim na ang tanging nakikita niya lang ay ang isang katamtamang laki na bintana na nasa kaniyang harapan. It is weird. No matter how much he tried to reach for it – hindi talaga siya makalapit dito subalit kitang-kita naman niya ang mga nangyayari sa labas ng bintana.
It has been two solid hours since he discovered that the ghost, Felecity, stole his body! Akala niya ay nababaliw na siya pero talaga pa lang may nagpapanggap na siya – in a way ay si totoong si Xyril Higashino ang nakasalamuha nina Mila, Ed, at Lydrian subalit ibang kaluluwa ang may kontrol sa katawan niya! And the culprit is no other than Felecity who just recently died.
Noon una ay inakala niya talaga na hindi nito tanggap ang pagkamatay kaya sumasanib sa kaniya pero matapos niyang obserbahan ang galaw nito pati takbo ng pag-iisip – napagtanto niya na wala itong dulot na masama. At kanina lang, sa loob ng sasakyan, ay nakumpirma niya ang hinalang hindi nagpakamatay ito kun'di pinatay. It makes sense, her lost memory.
"This way, Sir Xyril." Yumuko muna si Toshiee bago binuksan ang double-door na pintuan. Xyril dreaded to see the faces beyond the door.
Naramdaman ni Xyril na magpapasalamat si Felecity gamit ang katawan niya kaya mabilis siyang sumigaw. I DON'T NORMALLY SAY WORDS OF GRATITUDE DURING A FAMILY GATHERING.
Nakaupo siya sa madilim na parte ng katawan niya habang nakatingin sa bintanang siya ring nakikita ni Felecity.
What? Why? Isn't it common courtesy to say thank you? Takang-taka na tanong nito na ikinaikot ng mga mata ni Xyril.
MAKINIG KA MUNA, FELECITY. PAGKAPASOK MO DIYAN, MARAMI KANG HINDI MAIINTINDIHAN NA MGA PAG-UUSAP. JUST DON'T MIND THEM, ALRIGHT? AH BASTA, JUST DO WHAT I WILL TOLD YOU. BUT REMEMBER, NEVER SHOW ANY EMOTION O MALILINTIKAN KA SA'KIN.
Mula sa pagbabago ng pintig ng puso hanggang sa pag-iiba ng paghinga nito, ramdam na ramdam ni Xyril ang lahat kaya alam niyang kinakabahan si Felecity. Naawa naman siya rito kaya nagsalita ulit siya ng pampalubag loob bago niya ito papasukin sa sarili niyang bersyon ng impyerno.
JUST LISTEN TO ME, ALRIGHT? I AM RIGHT HERE WITH YOU SO YOU ARE NOT ALONE, FELECITY.
Huminga ito ng malalim at nagsalita sa mababang tinig bago pumasok sa napakaliwanag na dining area ng mansion. "Thanks, I badly need that."
The moment Xyril Higashino's body stepped into the crowded dining area, the entire place turned eerily silent making Felecity's steps faltered. Oh my golly! Why are they looking at me like they've seen a ghost? Don't tell me, nakikita nila na isa akog multong sumasanib sa katawan mo?
Alam na alam ni Xyril kung bakit ganito ang mga ito sa kaniya – dahil for the first time ay dumalo siya. Technically, si Felecity ang dumalo dahil kung siya 'yon ay hinding-hindi talaga siya babalik sa bahay na ito.
JUST MOVE AND SIT RIGHT BESIDE THAT OLD HAG. Tukoy ni Xyril sa nakaupong patriarch ng Higashino Clan na si Sumire Higashino na nakasuot ng pang-samurai na paborito nitong suotin kapag may family assembly sila.
Lolo mo ba 'yan? Ang intimidating naman, Xyril. Alangan ang boses ni Felecity. Hindi pa rin ito gumagalaw pati na ang mga taong napahinto at nakasunod ang tingin dito. "What are you standing there, Xyril? Sit down." Ang makapal na boses nito ang nakapukaw sa ulirat ni Felecity at kalmadong umupo ito sa kanang upuan ng matanda.
Nang nasa tabi na siya nito ay may binulong ito. "Let's talk to my office after this lunch. Do not even try to escape, young man."
Napatiimbagang si Xyril habang nakakuyom ang dalawa niyang mga kamay. His eyes fixated into the nothingness that surrounds him. Pupunta ba ako o tatakas? I may not look like it noong nabubuhay pa'ko pero I can run.
Nakakunot noong napabalik sa maliwanag na bintana ang atensyon ni Xyril. Ang kunot sa pagitan ng kaniyang mga kilay ay unti-unting nawala at napalitan ng isang naaaliw na ngiti.
SO MISS FELECITY IS SUGGESTING SOMETHING A GOOD GIRL MUST NOT DO, HUH? INTERESTING.
S-stop it! Concern lang ako kasi feeling ko ay ayaw mo rito and this is my fault. Again, I am so sorry. May lumbay sa boses nito na nakapag-buntonghininga kay Xyril. WHAT A TROUBLESOME LADY.
WE'LL TALK ABOUT YOUR SITUATION WHEN WE GET HOME. FOR NOW, EAT.
Natanong ni Xyril ang sarili kung nararamdaman din ba ni Felecity ang kaniyang damdamin dahil tumama ito na ayaw niya talaga sa lugar na ito. But his grandfather cornered him which he was anticipating already. Kailangan na talaga niyang klaruhin dito ang lahat nang matahimik na siya.
MATAPOS KUMAIN ay humantong sila sa loob ng opisina ni Sumire Higashino, ang patriarch ng Higashino Clan. Lahat ng desisyon ng paimilya ay kinakailang ng kaniyang pagtugot bago maggamit ang kapangyarihan ng kanilang angkan.
"Do you want some Oolong Tea, Xyril?" May nakahanda itong tea set sa gitna ng opisina nito. Nakayapak lamang sila sa loob ng silid kung saan ang sahig ay gawa sa pinakintab na kahoy. Nakaluhod na umupo ito sa harap ng inihahandang Oolong Tea.
TELL HIM YES AND SIT IN FRONT OF HIM WHILE FOLLOWING HOW HE SITS.
"Yes." Wala bang dugtong na lolo? And disrespectful naman kung yes lang ang sagot mo.
JUST FOLLOW ME, ALRIGHT?
Umupo naman si Felecity sa harap ng tahimik na matanda. Nakatuon lang ang matalim na tingin ni Xyril dito – sa matanda na siyang dahilan ng lahat.
Are you okay, Xyril? May pag-aalala sa boses ni Felecity. Hindi siya sumagot at nakatuon lang ang atensyon ni Xyril sa pigura ng taong nagtulak sa kaniya sa madilim na bahagi ng kaniyang buhay.
"Xyril, I am not getting younger. You must accept who you truly are." Ang itim na itim na mga mata nito ay tumitig kina Xyril at Felecity. "Here, your favorite."
Naramdaman ni Xyril ang kyuryusidad ni Felecity ng marinig nito ang salitang paborito. Agad naman nitong tinanggap ang gawa sa clay na tea cup. DON'T YOU DARE SAY THANK YOU, FELECITY.
Fine! Tumango lang ito na ikinahinga ng maluwag ni Xyril.
TELL HIM THAT HE MUST FIND A SUITABLE HEIR SINCE I WILL NEVER USE THIS AS HE DESIRED. AT HUWAG NAMANG MASYADONG MALAMYA, HINDI AKO GANIYANG MAGSALITA.
Psh.
"You must find a suitable heir since I will never use this as you desire." Seryoso ang pagkakasalita ni Felecity na ikinatango-tango ni Xyril na nakikinig.
Tumalim ang mga mata ng matanda. His calm aura vanished like it was never there, replaced by a deadly silent that Felecity started to fear.
Napatayo na mula sa pagkakasalampak si Xyril at kahit na hindi makalapit sa bintana ay pinilit niya pa ring humakbang palapit dito upang pakalmahin si Felecity na ramdam na ramdam ni Xyril ang pagkakatakot nito.
Stretching his hands towards the window box, Xyril called for her name.
FELECITY, CALM DOWN! DAMN, FELECITY! Isinigaw ni Xyril nang pagkalakaslakas ang pangalan ng dalaga na ikinagising nito mula sa nararamdamang matinding takot.
"You are the only heir in this generation, Xyril. After all, you are the only Higashino who is born with that innate ability. You are wasting such a precious gift!"
Hindi mapigilan ni Xyril ang mapasigaw na rin. THIS DAMN ABILITY COST ME MY BROTHER'S LIFE! THIS IS NEVER A GIFT, JII-CHAN! THIS IS A CURSE! EVERYDAY, I HAVE TO ENDURE SEEING THE BEINGS THE DO NOT BELONG TO THIS WORLD ANYMORE. EVERYDAY, I AM REMINDED WHY MY BROTHER DIED! TELL HIM FELECITY!
Tarantang tumalima naman si Felecity na nanatilingtikom ang bibig kahit na nasa gitna ito ng isang away pampamilya. "This damn ability cost me my brother's life. This is never a gift, jii-chan. This is a curse! Everyday, I have to endure seeing the beings the do not belong to this world anymore. Everyday, I am reminded why my brother died." Kulang man sa galit ang binitawang mga salita ni Felecity dahil hindi naman ito ang totoong nakikipagsagutan kay Sumire Higashino, nagpapasalamat si Xyril na walang dinagdad o kinulang ito sa kaniyang mga sinabi.
Ibinagsak ng matanda ang baso sa harap nila. "Xeijen died because he protected you when you were too scared to accept who you truly are in this world! He died while pushing you away from that pedestrian lane as you stood frozen after seeing a mononoke for the very first time! If you are just even 1% of Xeijen, then he could have live, you imbecile!"
Oh my golly. Maang na sambit ni Felecity sa isipan nito.
LET'S GO, FELECITY. TUMAYO KA NA DIYAN. Walang emosyon sa kaniyang boses at napasalampak na nang tuluyan si Xyril – nakasabunot sa kaniyang buhok ang kaniyang mga kamay. He curled into ball in a fatal position.
FELECITY
MABILIS NAMAN na tumayo si Felecity at binagtas ang espasyo papuntang pintuan nang biglang nagsalita ang matanda na ikinahinto ni Felecity at ikinainis ni Xyril.
Isang mabilis na pagkairita ang naramdaman ni Felecity. At dahil hindi naman siya naiirita kaya imposibleng siya 'yon kaya hinuha niya ay ang emosyon iyon ni Xyril. Nilingon niya ito dahil nanatiling tahimik si Xyril.
"Xyril, tell the girl you are with to leave you alone. And tell her that the longer a soul lingers in the world of the living, the harder it is for her to cross that door." Sa tinuran ng matanda ay nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa matanda. He knew!
Dahil sa pinaghalong takot, pangamba, at pagkamangha kaya napatakbo papalayo sa opisinang iyon si Felecity. OF COURSE HE DOES. May bahid ng iritasyon ang boses ni Xyril.
Dahil mag-isa ay kinausap niya ito sa mababang tinig nang hindi siya pagkamalang may sira – ay si Xyril pala ang pagkakamalan, katawan niya ito eh.
JUST GO. BAKIT BA ANG LIIT NG MGA BIYAS MO?
What? Excuse me, kasalanan ko ba kung napakalaki nitong bahay niyo. Tsaka paano niya nalaman, Xyril? Is he like you – who can see the supernatural?
Ilang minutong natahimik si Xyril. Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay bumungad sa kaniya ang nakatayong si Toshiee at likuran nito ang limousine na kaniyang sinakyan kanina. Nang makita nitong pababa na siya ay mabilis na binuksan ni Toshiee ang pinto ng sasakyan kaya dali-daling pumasok na siya. She needed the time to talk to Xyril.
Kakaupo lang niya nang biglang magsalita si Xyril sa kaniyang isipan. Buti na lang talaga at nakapwesto na siya sa pag-upo kun'di ay baka nauntog na naman siya.
LET'S JUST TALK LATER.
Can you just give me a sign at huwag mo akong bibiglain? Please please I will really appreciate that.
PAGKADATING NA pagkadating ni Felecity sa loob ng apartment ni Xyril ay mabilis siyang napasalampak ng upo sa maliit na couch. Tinanggal niya rin ang kaniyang sapatos at sumandal na sa couch na tila pagod na pagod.
Xyril? We need to talk, right? Pwede na ba tayong magsimula ngayon?
Hindi katulad kanina ay sumagot ito agad sa kaniya. YES. I WANT TO KNOW WHY YOU ARE USING MY BODY. IS IT FOR REVENGE? FOR JUSTICE? ALAM MO NAMANG NAGAGAMBALA MO ANG BUHAY KO SA GINAGAWA MO PERO SINISIGE MO PA RIN. MAYBE, MAYBE YOU STILL WANT TO LIVE AND YOU ARE JUST USING JUSTICE OR REVENGE AS AN EXCUSE.
Kalmado pero may puntong saad nito kay Felecity na ikinatahimik niya. May punto kasi ito. She is having this thoughts. Revenge. Justice. Peace. Desire to live. Minsan ay naghahalo na ang mga ito. May mga panahon na kapag kasama niya sina Mila, Ed, at Lyndrian ay gusto niyang mabuhay muli. Pero tuwing makikita niya ang mga taong tumaksil sa kaniya ay gusto niyang sirain ang mga ito – na siyang ikinagulat niya dahil ngayon pa siya nakaramdam ng poot na ganito kalalim. At sa tuwing matutulog na siya gamit ang katawan ni Xyril – mas gusto niyang magpahinga na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top