1

FELECITY

PINAPALIBUTAN NG mga estudyante ng St. James Academy ang bulletin board. Makikita ang iba't ibang reaksyon ng mga mag-aaral dito. May ibang nakikisiksik talaga makita lang ang kanilang pangalan kung nakapasa ba sila o hindi. May tanggap na yata ang kapalaran at hindi na nakiusyuso pa. May ibang napapaiyak dahil wala ang pangalan nila sa mga pumasa. May ibang napapaiyak dahil nakita nila ang kanilang pangalan. At may ibang nakatingala sa pinakamataas na parte ng bulletin board kung saan nakalagay ang top five.

"Ang talino talaga ni Felecity ano?" May isang estudyante ang nagsabi nito sa kasamang kaibigan – puno ng pagkamangha ang boses nito.

"Oo nga," sang-ayon ng kasama nito.

Natahimik naman ang paligid nang dumating ang nakangiting si Felecity kasama ang boyfriend nitong si Rex at ang best friend ni Felecity na si Simmone. Tila ang daang tinatahak nito ay mayroong mga namumukadkad na mga bulaklak sa paligid dahil sa tamis ng ngiti na naka-display sa maamo nitong mukha. Ang mukha na para bang pinaglaanan talaga ng Diyos ng napakatagal na oras upang mahubog ang perpekto nitong anyo.

Top one, Felecity Hidalgo. Hindi na nagulat ang mga estudyante ng St. James Academy sa resulta ng periodical exam nila. Kilala na sa pagiging matalino ang flower of the eye ng mga guro na si Felicity.

"Uy Liz, hindi na ako nagtaka sa resulta. Congrats irog." Ginulo ni Rex ang matuwid na buhok ni Felicity na ikinanguso lang ng huli sabay saway sa nobyo.

"Thanks irog." Pinisil ni Felecity ang kamay ni Rex at binigyan nito ng napakatamis na ngiti ang nobyo na nagpalabas ng mga biloy ng dalaga. Malamyos at nakakahalina rin ang boses nito. Tila nahipnotismo naman ang mga kalalakihang nakakita sa ngiti ng dalaga nang biglang tumikhim si Simmone.

"Paalala lang ano, nasa hallway po tayo. Huwag kayong mag-alala hahanapan ko kayo ng lungga mamaya."

Sinundan ni Simmone ng halakhak ang kaniyang biro kaya namula ang dalawa na ikinatawa nang palihim ng mga nanunuod. Dahil nahihiya sa ginawang pang-aalaska ng kaibigan ay iniwan ng magsing-irog si Simmone na natatawa pa rin.

Simmone Heners, ang tisay na best friend ni Felecity. Half Canadian ito kaya maganda ang pagkakablonde ng buhok nito na kinaiinggitan ng halos buong populasyon ng mga babae at binabae sa St. James Academy.

Nagsialisan na rin ang mga estudyante nang tumunog ang bell na hudyat na alas otso na kasabay naman na nag-ring ang cellular phone ni Simmone. Napasimangot si Simmone nang makita ang pangalan ng kaibigang si Tanya.

"Hoy bruha! Nasaan ka na?" Bungad ni Simmone nang sagutin niya ang tawag ni Tanya.

"Hulaan mo gaga." Gagad ng isang matinis na boses mula sa kabilang linya.

"Mall?" Hula ni Simmone base sa pagkakakilala niya sa kaibigan.

"Tumpak! Ang talino mo talaga ay slight lang pala mas matalino si Liz." Tumawa sa kabilang linya si Tanya na ikinasimangot ni Simmone.

"Ano na naman pakay mo at napatawag ka?"

"Pakikuha ng bag ko sa locker. Iniwan ko kay Liz ang susi ng locker ko, ikaw na magdala nito bukas. Thanks fret!" At naputol ang linya na hindi man lang nakaimik si Simmone sa bilis ni Tanya. Hindi maiwasang mapailing ni Simmone habang papasok na siya sa classroom.

Tanya Madrigal, typical spoiled brat ng St. James Academy. Sa bawat paglalakad nito sa hallway ay nakataas talaga ang mga kilay nito na animo'y isang donya. Hindi alam ni Simmone kung paano nag-click ang barkadahang binubuo ng tahimik, madaldal, at maldita. Weird nga talaga sila.

Pagpasok ni Simmone ay nakatayo na ang isang 'di pamilyar na lalaki sa harap ng klase. Dahil bagong dating kaya napatingin kay Simmone ang lahat ng nasa silid aralan na 'yon.

"And you are, Miss?"

"I'm sorry I'm late," hinging paumanhin ni Simmone sa bagong guro. Halatang ito ang bagong homeroom teacher nila. Kakapanganak palang kasi ni Mrs. Dimatulac na siyang dating homeroom teacher nila kaya may substitute teacher muna.

"Okay Miss Late, pumasok ka na." Halatang bad vibes na agad ang guro sa kaniya dahil sa pagiging late niya. Hindi maiwasan ni Simmone na magalit kay Tanya sa kaniyang isipan. Letcheng Tanya kasi eh!

"No, my name is Simmone not late." Pagtatama ni Simmone na ikinatawa nang mahina ng kaniyang mga kaklase. Pasimpleng inirapan lamang ito ni Simmone.

Nakakunot noo si Simmone habang nagpipigil naman ng tawa ang mga kaklase nito. Ang guro ang unang bumasag sa katahimikan ng silid aralan nang tumawa ito na hudyat na nakitawa na rin ang iba. Todo tawa naman si Rex at Felecity na napapahampas pa sa desk sa sobrang tawa ang una. Gustong batukan ni Simmone ang guro na gino-good time lamang siya pero hindi niya ginawa at bago pumunta at umupo ay nag-peace sign si Simmone sa lahat.

Pinatahimik naman ng babaeng tumayo ang mga kaklaseng tatawatawa pa rin na agad namang sinunod ng mga ito. Ang babaeng tumayo ay si Opal Vallejo, ang class president ng batch simula noong first year high school pa lamang ang mga ito. Consistent second placer din ito. Ang balibalita ay may tensyon daw sa pagitan nina Felecity at Opal na parehong candidate for valedictorian this year.

"Okay sa mga hindi nakaabot sa introduction ko. Once again, I'm a fresh graduate teacher and my name is Vince Manlunas. Since may faculty meeting kami ay magkaka-early dismissal tayo pero bago ko kayo bigyan ng early dismissal ay bibigyan ko muna kayo ng homework."

Sabay na umungot ang mga mag-aaral ng guru. Sino nga ba ang matutuwa sa homework matapos ang madugong exam?

Natatawang inawat ni Opal ang mga kaklase. Pati rin naman siya ay napanguso nang binanggit ng guro ang tungkol sa homework.

"Search about some foreign mythology and present tomorrow why you chose it. Input will be submitted through usb, and yes you'll make a PowerPoint presentation. Good day see you tomorrow."

"Ngayon pa lang, nakikita ko na ang susunod kong mga araw sa klase ni sir," reklamo ni Felecity na ikinatawa ng ilan.

"Eh paano kung wala ng sumunod pang mga araw?" tanong ng isa sa Samaniego twins na si Sabien.

"Nakakakilabot ka naman Bien." Pinalo ni Simmone sa balikat si Sabien.

"Oo nga," sang-ayon ni Felecity.

"Ha? Ano naman ang nasa tanong ko?" maang na tanong ni Sabien na parang hindi niya talaga alam kung gaano ka nakakakilabot ang kaniyang sinabi kanina.

"Yeah. You're putting words on my twin's mouth. Porke't nasa top five kayo eh," depensa ni Sabrina sa kakambal.

"Itigil niyo na nga 'yan," saad ng babaeng may malaking pendant ng crucifix na suot at mayroong mala-Virgin-Mary na anyo. Siya naman si Mila Auburn – ang pinakabanal sa klase nila.

"Ang mabuti pa pumunta na tayo ng library para sa homework." Pagbabago ni Felecity sa takbo ng usapan bago magsimulang iligpit na ni Felecity ang kaniyang mga gamit. Ayaw niyang may away.

"Una ka na lang Liz, kukunin ko pa ang bag ni Tanya sa locker eh. Susunod na lang ako okay."

"Sige eh ikaw irog?" tanong ni Felecity sa nakamasid lang na nobyo. Akmang sasama na si Rex sa nobya nang akbayan siya ng football player at football captain na si Sam. "Sorry, Felicity. May practice kami ni Rex."

Sam O'Neil, the jock of the school. Siya rin ang team captain ni Rex sa football.

Isang mapangunawang ngiti ang isinukli niya kay Sam. "Okay. Rex you behave, okay," biro ni Felicity sa kasintahan. Bago umalis papuntang library ay hinalikan muna niya ang nobyo sa labi at sa pisngi naman si Simmone.


TAHIMIK NA nagbabasa sa isang sulok ng library si Felicity nang dumating ang isang nakasalamin na lalaki. Pagkatingala niya ay agad niya itong nakilala, siya si Senri, ang nerd ng kanilang klase na kinababaliwan din ng mga babae. Kahit kasi mas gusto nitong makasama ang mga libro kumpara sa mga babae ay talaga namang ang gandang lalaki naman talaga ng kaniyang kaklaseng si Senri.

"Quantum Physics? Napakaadvance mo na talaga Senri. Minsan tuloy napapatanong ako kung bakit hindi ka nasa top five." May pagatataka at pagkamangha ang kaniyang boses ng itanong niya ito sa kaklaseng nakaupo na sa kaniyang harap.

"Alam mo namang hindi ako magaling sa oral recitation Felicity." Sinundan nito ng tawa ang sinabi. Kahit matalino at sikat ay likas nang mahiyain si Senri kaya napatawa nang mahina si Felicity.

Sinundan ng tahimik na sandali ang kanilang usapan. Kaniya-kaniya na sila ng pagbabasa nang mapadaan ang isang kaklase sa mesa nila. Nang makita sila nito ay huminto ito sa kanilang tapat. "Wow! Kayo na talaga ang matatalino." Isang maliit na may kulot na buhok na babaeng nakasuot ng malaking mala-Harry-Potter na eyeglass ang nagsalita. Siya si Tara, ang school writer at editor-in-chief ng school magazine ng St. James Academy.

"Hello Tara," masiglang bati niya rito. Isang tango naman ang ibinigay ni Senri rito. Kumaway naman sa kanila si Tara bilang ganti sa kanilang pagbati.

"Saan ka pala papunta?" Tanong ni Felecity rito.

"Naghatid ako ng school newspapers sa librarian. Una na ako sa inyo ha. Bye-bye!" Mabilis na umalis si Tara sa harap nila. Sanay na si Felecity sa kaklase niyang 'yon. Bilang content writer ay kahit saan-saan umaabot si Tara.

"Busy yata siya noh?" Hindi mapigilang usal ni Felecity habang nakasunod sa papalayong pigura ni Tara.

"Ganoon talaga, malapit na ang inter high competition eh," sagot ni Senri kay Felecity.

"Kaya pala, kawawa naman si Tara."

"Huwag kang mag-alala. Sanay na 'yon. Tsaka kawawa rin naman tayo dahil same classes lang natin siya. Lalo ka na, ang dami mong extra activities na sinasalihan."

Isang matamis lamang na ngiti ang isinukli ni Felecity kay Senri. Hindi kasi siya kumportable na pinag-uusapan siya. Babalik na sana siya sa pagbabasa nang mahagip ng kaniyang paningin ang isang lalaking tahimik na nagbabasa ng isang American novel sa isang sulok ng library. Tumayo siya at nilapitan ito.

"Ed?"

Ang lalaking nakaupo sa sahig ng sulok ng library ay walang iba kung hindi ang kaklase niyang si Ed. Simple lang ito, simple manamit at simpleng kausap. Kaya walang pumapansin dito na siyang ikinalulungkot niya. Alam niyang mabait si Ed kaya lumalapit talaga siya rito. Ito nga lang ang dumidistansya sa kaniya.

"Felicity," simpleng bati nito sa kaniya na para bang tinataboy siya pero mapilit si Felecity. Mas lumawak ang ngiti ng huli. "Hindi ka pa ba uupo? Ba't diyan ka?" takang tanong ni Felecity dito.

"Ayos lang ako rito, mas enjoy ako sa pagbabasa kapag ganito." Nginitian siya nito kaya wala siyang magawa at umalis na siya sa harap nito.

At least she tried to reach out. Pagbalik niya ay nagliligpit na si Senri.

"Una na ako, makikisabay ako sa kambal sa lunch. See you Felecity." Umalis na nga ito kaya kumaway lang siya rito.

"See you tomorrow!"

Pinuna siya ng librarian dahil napalakas yata ang boses niya kaya mabilis siya umupo at bumalik na sa pagbabasa. Oops!

Hindi niya alam kung anong oras na nang biglang may nagtakip sa kaniyang mga mata.

"Guess who," saad ng isang masayahing boses.

Sinakyan ni Felecity ang kalokohan nito. "Hmmm Dagul?"

Mabilis na nawala ang mga kamay sa kaniyang mata at bumungad ang nagmamaktol na mukha ni Lyndrian.

Siya si Lyndrian, ang pinaka-childish sa klase nila. Approachable ito kaya sikat din sa mga babae. And of course, he has the boy-next-door vibes because of his playful grin that is for everyone to swoon.

"Ano ang pakay ng bunso namin?" Kinurot ni Felicity ang magkabilang pisngi nito.

"Aray!" Dahil malakas ang sigaw nito ay nagwarning na ang librarian.

"Tumahimik ka kasi." Pabirong sisi ni Felecity dito habang nakangiti nang maluwag.

"Ang sakit kaya no'n." Nakangusong hinihimas nito ang pisngi na nasaktan. Hindi maiwasang mapahagikgik nang mahina ni Felicity. "Oh, bakit ka nandito? May nagpapahanap ba sa akin?" Dahil likas na gala at palakaibigan si Lyndrian kaya siya ang nauutusan ng iba.

"Pinapatawa ka ni sir sa faculty. Diyan ka na nga badtrip naman ey." Mabilis na umalis si Lyndrian na nakabusangot pa rin. Hindi maiwasang mapahagikgik ni Felecity.

Tumayo na rin siya at nagligpit ng gamit. Mabilis siyang pumanhik papuntang faculty room. Pagkapasok niya ay agad niyang tinungo ang cubicle ng guro.

"Sir, pinatawag niyo raw po ako?" Magalang na sansala ni Felecity sa guro na abala sa pagsusulat ng kung ano.

"Miss Felicity. Hija, kayo sana ni Miss Simmone ang kukunin kong representative ng fourth year sa darating na quiz bee para sa inter high competition. Ayos lang ba?"

I knew it. Hindi pa man ay nahulaan na ni Felecity na ito ang sasabihin ng guro sa kaniya.

Agad na ngumiti si Felecity sa guro. "Opo ayos lang po sa akin at paiguradong ayos lang din ito kay Simmone."

Halata sa pagkaliwanag ng mukha ng guro ang katuwaan mula sa kaniyang sinabi. "Mabuti naman. Sige kayo na ang bahalang mag-review ha. Bibigyan ko na lang kayo ng topic bukas."

"Opo sir," magalang na sagot niya bago nagpaalam sa guro at sa mga guro ng faculty room.

Alam ni Felecity na papayag talaga ang best friend niya. Dati pa man ay sila na talagang dalawa ang pambato sa mga quiz bee. Dahil malalim ang iniisip ay nabangga niya ang isang kaklase na dapat niyang hindi banggain. Of all people.

"Tatangatanga ka na naman?"

Hindi na siya nagtaka kung bakit singhal agad ang inabot niya sa kaklaseng kaharap. Nasa harap niya ang isang maganda ngunit nakataas ang kilay na babae, si Serein. Dahil mayaman ay kilala na ito bilang bully ng school. Katabi naman nito ang lalaking masama ang tingin sa kaniya, si Mistras – ang kaklase niyang repeater sa fourth year. Malaki ang katawan nito ngunit maliit ang ulo. Parang asong sunod nang sunod si Mistras kay Serein.

Yumuko lang siya sabay ngiti, ayaw niya ng gulo. Dahil nasa hallway ay may nakapansin at huminto talaga upang mapanood ang susunod na mangyayari.

"Kumalma nga kayo Serein at Mistras. Nagsisimula na naman kayo," awat ng bagong dating na si Rene kasama ang kaibigang si Marc. Puro niya ito mga kaklase.

Kahit babae ay malaking bulas ang varsity player ng lawn tennis team na si Rene. Si Marc naman na kilalang joker sa pagiging palabiro ay binibiro sina Mistras at Serein kaya hindi napansin ng mga ito na hinatak na ni Rene ang kanang kamay ni Felecity papuntang canteen.

"Alam mo Felecity dapat kang huwag magpaapi sa mga 'yon." Pangaral ni Rene sa kaniya nang mapag-isa sila sa canteen. Hindi naman maiwasang mapangiti ni Felecity. Likas na rin talagang mabait sa kaniya ang kaklaseng ito.

"Ayaw ko ng gulo," tanging sagot ni Felecity rito. Binitawan naman nito ang pulsuhan niya pagkadating nila sa isang pangdalawahang mesa.

Ginulo nito ang buhok niya na ikinatawa lang niya. "Ang bait mo kasi."

Humagikgik lang si Felecity bago umakmang aalis na. "Salamat sa inyo Rene at pakisabi rin kay Marc!"

"Sure sure."

Nakangiting luminya sa counter si Felicity. Anong oras na ba? Alas dos na pala ng tanghali. Napagdesisyunan niya na kumain muna bago bumalik ng library, hindi pa naman siya tapos.

PARANG INIPIT na mahinang tili ang narinig ni Felecity mula sa kaibigan niyang si Simmone habang nakatingin halos lahat ng mga babae sa lalaking nasa unahan. May transferee sila na kasalukuyang nakatayo upang magpakilala sa kanila.

"Xyril Higashino. Please be good to me," bahagyang yumuko pa ito sa harapan ng klase. Napatili na talaga ang ibang kaklase niya at napakurot naman si Simmone sa kaniya. Walang reaksyon ang mga lalaki sa klase nila kasama na roon ang nobyo niyang si Rex na pinaglalaruan ang mga daliri ng kaliwang kamay niya.

"You may now sit down Mister Higashino." Umupo sa tabing desk ni Simmone ang lalaki kaya kilig na kilig naman ang kaniyang kaibigan na ikinangisi lang ni Felecity. Simmone will always be Simmone.

"Aray!" Mahinang reklamo ni Felecity sa kaibigan. Napapagitnaan kasi siya ng kaniyang nobyo at ni Simmone. "Sorry Liz, ang gwapo niya kasi. Gosh." Naging dreamy ang mga mata ng kaibigan niya na siyang ikinailing na lamang ni Felecity.

Napatitig siya sa bagong estudyante ng kanilang klase. Matangkad, hindi malaki ang katawan hindi naman payat kibale eksakto lang. Singkit ang mga mata na pinaresan ng makakapal na pilantik ng pilikmata, matangos ang ilong at mamulamula sa puti ang balat. At dahil medyo malapit lang sa kaniya at nakapangalumbaba ang transferee sa harapan ay kitang-kita ni Felecity ang mahahaba at mala-babaeng mga daliri nitong nakatukod sa baba nito. All in all, isang pretty boy.

Hindi naman siguro 'to bading noh? Sa isip ni Felecity na ikinailing lang niya. Mabait naman at halatang hindi pilit ang ngiti, kaya siguro nahihibang na ang kaniyang mga kaklase rito maliban sa kaniya, may Rex na siya.

Nahuli niyang nakatitig ang kaniyang nobyo sa kaniya na may kunot sa noo. Natatawang hinawi niya ang pagkakunot nito at nginitian lang ito. "Selos ka noh?" Pabirong bulong niya nang mapagtantong nakita nito ang pagtitig niya sa transferee.

"Hindi ah," kaila nito sa kaniya. "Asus tampururot naman ang mama. Mahal ka po ng babaeng 'to." Bulong niya sa kaniyang nobyo na ikinangiti ng huli.

Likas na talaga ang pagiging malambing ni Felecity. Sa magulang man niya, mga guro, o mga kaibigan at mga kakilala. Kaya kilala na siya bilang may bansag na 'Darling of the Crowd'.

"Manuod tayo ng pelikula mamaya. Wala kasi kaming practice." Napahinto si Felecity at ngumiti nang bahaw na kung titingnan ay para na ring ngiwi.

"May isasauli pa kasi akong libro eh at magre-review ako para sa nalalapit na contest. Sorry talaga, babawi ako matapos ang contest, irog." Pasimple niyang hinalikan sa pisngi ang nobyo na alam niyang disappointed. Madalas kasi ay nasa practice ito kaya halos wala silang oras para sa isa't-isa. Nagpupunta naman ito sa bahay nila pero madalas ay pagod na ito galing practice kaya tuwing weekends lang sila bumabawi. "Ayos lang basta bumawi ka this weekend, okay?"

Ang swerte ko talaga sa lalaking ito. Alam na ni Felecity ang nais ipahiwatig ng nobyo. "Opo maghahanda ako ng paborito mong pagkain this Saturday."

Siya naman ang hinalikan ni Rex sa pisngi na ikinapula ng kaniyang buong mukha pati na rin yata teynga na ikinangisi ng nobyo niya.

"Hoy lovebirds nabubuwisit na ako sa inyo ha. Pag-umpugin ko kayo diyan." Palabirong sikmat ni Simmone na nasa kanang bahagi ni Felecity. Napatawa nang mahina si Felecity sa tinuran ng kaibigan. Ngunit nakita niyang nakatingin ang transferee sa kaniya. Nang magpang-abot ang kanilang mga mata ay ngumiti lamang ito sa kaniya at ibinaling na sa ibang direksyon ang mga mata nito.

For some reasons, Felecity felt a suffocating feeling the moment their eyes met so she simply touched her chest where heart resided.

What is this?

Isinawalang bahala na lamang niya ang naramdaman at akmang makikinig na sa sinasabi ng guro si Felecity nang mahagip niya si Serein na masama ang pagkakatingin sa kaniya. Nakita siguro nito na nginitian siya ng transferee. Nagkibitbalikat lang siya tutal ay sanay na siya sa mga mala-sibat na tinging laging ipinupukol ni Serein sa kaniya. At hindi na niya kailangan pang manghula kung bakit.

Tumunog na ang bell kaya mabilis na nagdismiss ang kanilang guro. Agad namang nagsipulasan ang kaniyang mga kaklase. May ibang dumiritso sa canteen at may iba namang may mga bagay pang gagawin tulad ni Simmone na maagang pupunta ng library upang manghiram ng libro para maagang makauwi mamaya na kabaliktaran niya. Mamaya pa kasi siya manghihiram ng libro kaya sila ni Rex lamang ang pupunta ng canteen upang kumain.

Si Rex ang luminya para sa kanilang dalawa habang siya ay nakaupo lang sa mesa at kinukutingting ang cellphone. Mahilig kasi siya sa social media. Nang biglang may tumabi sa kaniya.

"Hey girl!" bati ng bagong dating.

"Tanya absent ka na naman kanina," sumusukong pahayag ni Felecity sa isa sa matalik niyang mga kaibigan. Wala na talaga siyang masabi sa pagiging party girl na kaibigan. Inaabot talaga ito ng umaga sa mga bar o frat party na dahilan kung bakit madalas ay absent ito. Pinagsabihan na niya ito dati pero parang wala lang ito sa kaibigan kaya tumigil na si Felecity.

"Oh yeah. May chika si Simmone sa'kin na may ohlala yummy daw tayong bagong classmate. Sayang at wala ako kanina para markahan siya." Nakalabing tugon nito sa kaniya.

"Markahan?" Gulat na gagad ni Felecity sa kaibigan na ikinangisi ng huli. "Markahang akin duh. Baka kasi masilo mo na naman." Sinundad nito ng tawa ang birong sinabi.

"Baliw ka talaga Tanya," napapailing na sambit niya na lamang sa kabaliwan ng kaibigan.

"Linya muna ako. Gutom na rin mga alaga ko sa tiyan eh." Tumayo nga ito at luminya na kaya naiwan ulit siyang mag-isa sa mesa. Dumating naman si Rex na may dalang tray na may maraming pagkain. Dalawang chicken sandwich ang sa kaniya at isang strawberry flavored milk habang heavy meal talaga ang sa kaniyang nobyo.

Hindi na nagtaka kung bakit malaking kumain si Rex, bilang isang athlete ay sanay na si Felecity sa kaniyang nobyo.

NORMAL NA nagdaan ang buong maghapon. Nagpaalam na sa kaniya ang kaniyang nobyo dahil wala itong practice pati si Simmone at Tanya na maaga ring aalis.

"Bye guys!" Paalam niya sabay kaway sa mga ito. Hinalikan naman siya sa ulo ni Rex at kumaway naman ang kaniyang mga kaibigan sa kaniya. Nang makaalis na ang mga ito ay mabilis niyang tinungo ang daan patungong library habang nasa kamay niya kipkip ang mga librong hiniram noong isang araw nang biglang pagliko niya ay may nakabangga siya dahilan upang mabitawan niya ang kaniyang mga aklat na hawak.

Isang gulat din subalit magaang boses ang agad humingi ng despensa kay Felecity. "I'm sorry Miss." Inunahan siya nito sa pagpulot ng mga nagkalat na libro sa sahig.

"Ayos lang. Salamat," pasalamat ni Felecity sa nakabangga dahil pinulot nito ang mga libro. Nang humarap upang iabot ang mga libro sa kaniya ay ang mukha ng transferee ang bumati kay Felecity. At sa ilang segundong nagtagpo ang kanilang mga kulay itim na mga mata ay naramdaman niya ulit ang nakakasakal na kaba na kaniya ring naramdaman kanina.

Ngumiti lang ang lalaki at umalis na rin sa kaniyang harapan. Totoo ngang gwapo ito lalo na sa malapitan. Napahawak siya sa kaniyang pisngi sabay iling dahil sa kaniyang naiisip. Nagpatuloy na siya sa paglalakad papuntang library.

Sino nga ba ang makakaalam na iyon na pala ang huling kita nila sa masigla at buhay na buhay na si Felecity?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top