CHAPTER 1

“Agustin! Agustin! Gumising ka dahil late ka na naman sa school! Ikaw talagang bata ka napakapasaway mo!”

Napamulat kaagad ang aking mata dahil sa gulat nang sumigaw si mama sa aking tenga.

“Mama naman! Ang sakit na ng tenga ko dahil sa sigaw mo!” nakapuot kong sabi sa kaniya na kaagad niya naman piningot ang aking tenga.

“Tingnan mo ang oras at ng malaman mo kung anong oras ka na naman gumising! May pasok ka pa tapos tutunganga ka pa diyan?”

Agad ko naman tiningnan ang orasan at nagulat dahil alas singko pa lang ng umaga.

“Ma, naman! Alas singko pa lang ng umaga tapos ginising mo pa ako, maganda pa naman ‘yung panaginip ko,” maktol ko sa kaniya.

“Tama ka diyan dahil alas singko pa lang. Ngayon na gising ka na, pwede bang ikaw naman magsaing? Hindi ‘yung ako na lang palagi ang maghahanda ng almusal mo. Aba anak, huwag ka naman maging feeling prinsipe dahil matanda ka na!”

Si mama talaga! Ang aga-aga bunganga na agad ang sasalubong sa akin. Hay naku mama, mabuti na lang talaga love kita.

“Oo na mama, huwag ka na po sumigaw sa akin dahil parang machine gun yung bunganga mo! Nambubulabog ka po ng tulog sa mga kapitbahay natin kaya bumalik ka na lang sa pagtulog at maghahanda na po ako.”

“Siguraduhin mong masarap ‘yung luto mo ah?” paniguradong tanong nito sa akin.

Hay naku mama! Lahat na lang talaga sinisigurado mo.

“Oo na po mama, balik na ikaw sa pagtulog, please.”

Umalis na kaagad si mama. Napabuntong hininga ako at nag-unat muna ng aking katawan bago gawin ang gawaing bahay. Ito ang unang araw ko na maaga gumising. Nakasanayan ko kasing late na gumising at late na rin pumasok sa school.

Nakalimutan ko palang magpakilala, first of all, ako nga pala si Agustin Sanchez, 18 years old. Birthday ko nga pala is December 24. Nakatira ako sa Makati city. Pero soon baka sa bahay ninyo na ako makikitira!

Nagsimula na akong magsaing at napa-isip naman kung ano ang pwedeng lutuin.

“La-la-la-la-la-la...”

“Aha! Mayroon pala ditong itlog at bacon. Ito na lang ‘yung lulutuin ko!” sabi ko sa aking sarili at agad naman nagsimulang magluto. Pagkatapos kong magluto ay naligo na ako upang maaga pa ako makakapasok sa school.

«FASTFORWARD»

“Bro, himala at maaga ka ngayon ah?” tanong ng kaibigan ko habang papasok kami sa loob ng school.

“Si mama kasi maaga pa ako ginising. Parang machine gun ‘yung bunganga! Akala ko nga late na ako dahil sabi niya sa akin late na naman daw ako pero ‘yung ending alas singko pa lang ng umaga. No choice ako kundi ang gumising,” sagot ko sa kaniya na agad niya naman ikinatawa.

“Naku bro, ganoon din si mama! Pero dapat mo rin kasi makasanayan ‘yung maaga ang gumising para hindi ka late sa pagpasok sa school.”

Napatango ako, “Oo nga bro, may punto ka rin naman.”

“Bro, alam mo may isa akong crush sa kabilang room. Ituturo ko sayo kapag nakarating na tayo.” Napatango na lamang ako bilang tugon.

“Ikaw bro, kailan mo pa balak magka-girlfriend?” tanong pa nito sa akin.

“Hmm, hindi ko alam kung kailan. Basta ang goal ko ngayon ay makapagtapos ng pag-aaral. ‘Yung babae, marami pa diyan besides hindi ko pa naman kailangan yung pasakit sa aking ulo, hahaha!” natatawang sabi ko sa kaniya.

“Oo na lang bro, pero paano naman kapag may nagkainteresado sayo?” tanong pa nito sa akin.

“Maging interesado lang sila pero wala akong pakialam,” sagot ko sa kaniya.

“Ikaw talaga bro, napakaseryoso mo naman!” sabi nito at napailing.

“Bro!”

“What?”

“Ayun ang babaeng crush ko!” sabi nito sa akin sabay turo.

“Ah si Athena!”

“Kilala mo siya?” takang tanong nito sa akin.

Binatukan ko naman siya at agad na inakbayan. “Malamang kilala ko siya, Mr. Allen Suarez. She's my classmate way back in elementary.”

“Bro, ano ba ang mga gusto niya? Ang daya mo dahil kilala mo pala siya!” pagmamaktol pa nito.

Napailing na lang ako sa kaniya sabay sabi, “Hindi ako madaya. Sadyang natotorpe ka lang pagdating sa babae!”

“Tsk! Madaya ka talaga!”

“Ewan ko sayo, bro! Hali ka na at baka malate pa tayo sa first subject!” sabi ko sa kaniya at binilisan ang paglalakad.

---

Habang nagsisimula ang klase, may nararamdaman akong kakaiba sa aking kinauupuan.

“Ma'am, excuse me po,” biglang sabi ko at tumayo.

“Yes, Mr. Sanchez?”

“Please may I urinate,” sabi ko. Tumango naman ang aming guro.

Lumabas na ako sa room at agad dumiretso sa CR. Bigla naman nanindig ang aking mga balahibo. Hindi ko alam kung bakit.

“Pst! Pst! Pst!” bigla na lang may sumitsit sabay sipol.

Agad ko naman tiningnan ang aking likuran ngunit wala namang tao. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating sa CR.

“Pst! Pst! Pst!”

Narinig ko na naman ulit ang pagsitsit ng kung sinong tao man ‘yun. Hindi ko na pinansin bagkus pumasok na ako sa CR.

Hindi na pagsitsit ang aking narinig kundi isang bulong na sa aking tenga.

“Agustin!” bulong ng kung sino. Bigla naman akong napahinto dahil hindi ito isang ordinaryong tao.

“Agustin!” sunod na namang pagtawag sa aking pangalan. This time ay napatingin na ako sa aking likuran ngunit wala namang tao. Napailing na lamang ako sa kung ano ang aking mga naririnig.

Sa aking pagharap isang babae ang nakalutang kung kaya’y napasigaw ako, “Ah! May multo!”

Napatakbo naman akong lumabas at agad na pumasok sa room. Pawis na pawis ang buo kong katawan kung kaya't nagulat naman ang aking mga kaklase pati na ang aming guro.

“Agustin, bakit namumutla ka?” tanong ng isa kong kaklase.

“Ma'am, may multo akong nakita sa CR! Ma'am ayaw ko na pong mag CR dahil tinawag pa ‘yung pangalan ko!” hingal kong sabi at napaupo.

“Multo? Baka gawa-gawa mo lang ‘yan, Agustin. Hay naku mga bata nga naman isang matatakutin!” napailing na sabi ng aming guro.

“Ma'am, totoo po ang mga sinasabi ko! Hindi po ako nagbibiro,” sabi ko sa kanila.

“Bro, baka epekto lang na maaga ka ginising ni tita!” sabi naman ng kaibigan ko ngunit umiling lang ako. Ginulo ko ang aking buhok at napahilamos ng mukha.

“Back to our discussion, Mr. Agustin, can you give some mythical creatures found in the Philippines?”

Napatayo naman ako at napabuntong hininga bago sumagot, “Some mythical creatures found in the Philippines are, kapre, manananggal, aswang, duwende at iba pa. However it depends on what region and province you are and may have their own unique mythical creatures and stories.”

“Very good, Mr. Agustin. You can now take your seat.”

Natapos ang aming klase ay nalulutang ako habang naglalakad. Dumiretso ako pauwi at hindi ko na napigilan ang hindi mapa-isip.

Ano ba ang kailangan niya sa akin?
Paano niya alam ang aking pangalan?

Puno ng katanungan itong aking isip kung kaya'y napailing na lamang ako sa aking mga naiisip. Sasabihin ko ito kay mama pagka-uwi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top