16


yeri's p.o.v

pagkatapos kong nabasa yung mga messages na galing sa pinsan ni jungkook, agad naman akong nagbihis at pumunta sa ospital. seriously? bakit hindi pa siya nagsabi sa'kin? 

jungkook, ghost ka ba talaga?

pagdating ko, agad kong hinanap sa nurse counter yung room niya at agad naman akong pumunta sa room 98. pagdating ko, nakahiga na siya sa kama at nakapikit habang nakaupo sa mga bakanteng upuan ang mga kaibigan niya. 

"a-anong nangyari k-kay jungkook?"

may lumapit sa'kin, isang lalakeng medyo hindi matangkad at nakasleeveless. pinsan yata to ni jungkook.

"na-aksidente siya yeri. car crash. yung driver naman niya, namatay. mabuting nakaligtas pa siya- pero sa ganitong kondisyon. papunta siya sa airport nang nangyari to. kaninang mga 9 pm."

nanlaki ang mga mata ko at tinignan si jungkook. nilapitan ko siya at niyakap. umiyak ako. hindi ko na kasi mapigilan eh. hindi ko gustong mawala siya. hindi ko gusto mawala si ghost.

"j-jungkook.. magpagaling ka ah? mahal kita. wag kang aalis sa tabi ko, ghost."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top