03
Maaga akong gumising dahil sa excitement para sa result ng audition.
"Ang aga mo naman atang nagising Scarlette?" Nagtaka si ate Lindy na aming kasambahay nang makita akong maagang nagising.
Lagi kasi akong late pumasok kahit gaano kalapit ang school sa bahay. Nakakapagdrive ako ng sasakyan ko dahil sa sobrang lapit ng UST dito sa bahay namin at isa pa walang check point para hanapan akong driver's license.
"Excited and a bit nervous po para sa result nung pinag audition ko kahapon."
"Ano ba pinag audition mo? Quiz bee? Pageant? Or don't tell me nag audition ka for Miss Universe na pangarap mo." Agad akong natawa sa sinabi niya. Super close kami namin nitong si ate Lindy kaya normal lang samin ang mag-asaran. Wala pa siyang anak at nasa Bicol ang kaniyang pamilya, sa Albay ata kung hindi ako nagkakamali.
"Girl group, sikat kasi sila sa campus." Umupo ako sa dining table para kainin ang breakfast ko na pancake with honey and butter.
"Oh magaganda ba mga yan? O mas maganda ka pa?"
"Alam mo namang walang makakatalo sa kagandahan ko diba?" Nagtawanan kami dahil sa sinabi ko.
"Kape ba or milo?" Tanong niya pertaining kung anong gusto kong inumin.
"Hot chocolate po ba meron?"
"Osige yon na lang." Agad siyang nagtimpla at inabot sakin.
Nagulat ako sa pagtunog ng aking cellphone kaya agad kong tiningnan kung sino ito.
From: Gabriel Marcos Chen
Goodmorning eat your breakfast. I'll see you later. Sorry if hindi kita nachat kagabi nakatulog agad ako.
Napairap ako sa message niya. As if naman hinintay ko ang mga messages niya.
"Sino yon?" Usisa sakin ni ate Lindy.
"Isang tao na hindi naman importante." Agad kong tinaob ang aking cp para hindi na makita pa ang mga messages niya.
"Don't tell me na yan pa rin yung guy na nagbigay sayong mcdo." Natawa ako kasi tama naman siya, hinatiran ako ni Gabriel non ng mcdo sa bahay.
"Yes." Walang gana kong sabi tsaka nagpatuloy sa pagkain. Nagulat ako sa pagtakip niya ng bibig niya.
"Tinamaan sayo." Tumawa na lang ako. Agad siyang tumayo para magpatuloy pa sa gagawin niya.
Napailing na lang ako pagkatapos ay pinagpatuloy ang pagkain.
"Ate pasabi na lang po kay mommy and daddy na nauna na ako." Paalam ko nang makitang 7:00 am na sa relo ko. No worries dahil 7:30 pa naman ang pasok ko pero dahil sa excitement ay pumasok na agad ako 30 minutes early.
Nakarating ako sa school by 7:05 ganon lang kabilis ang byahe maarte lang talaga ako para magmaneho. Ayoko lang talagang magcommute dahil masyadong hassle ito para sakin.
Pumasok ako sa school campus at agad na dumiretso sa bulletin board para sa mga announcement, wala pa ang result kaya umakyat na lang ako papunta sa room.
Dumiretso ako sa upuan ko at nilagay ang earphone sa aking tenga para makinig.
Kinalabit ako nung kaklase kong babae na hindi ko naman alam kung anong pangalan, tinanggal ko ang earphones ko para marinig ko siya.
"Uy congrats, ikaw pala natanggap ha." Confusion was written all over my face dahil sa sinabi niya.
"Ha? What do you mean?"
"Sa audition para sa 9th member ng Naeins." Iniwan niya akong nakatulala at hindi maprocess sa utak ko. I am really accepted?
Dali-dali akong lumabas sa classroom namin at pumunta sa bulletin board para makita kung ako ba talaga ang natanggap.
Baka fake news kasi!
Nashock ako nang makitang totoo nga, ako nga ang natanggap! Omy freaking Gahd!
Congratulations to our 9th member:
-Scarlette Georgia Lin
We gladly encourage you to come after your class at the library to meet us. Have a good day!
- N A E I N S
Nagtatalon ako sa tuwa, wala akong pake kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao rito.
Bumalik ako sa room namin at laking pasasalamat ko at wala pa ang aming professor, umupo na ako sa pwesto ko st nashock nang makita ang isang sticky note na nakadikit sa desk ko.
'Congrats I know you can do it!
-admirer mo'
Natawa ako sa nakasulat pero mas inintindi ko kung sino ang nagsulat neto.
"You have been slain." Narinig ko ang cp ni Jieven, naglalaro pala siyang ml.
"Ay ampota bobo mo Lesley!" Natawa ako kasi galit na galit na siya.
"I can also play ml pero hindi kita napapatawa that's unfair." Nagulat ako nang biglang sumulpot si Gabriel sa muka ko sabay pout.
"Yuck kadiri ka." Inirapan ko siya at binalik ang tingin kay Jieven.
"Oy andito na si sir!" Agad nagsiayusan ang mga kaklase ko at bumalik sa kani-kanilang pwesto.
"AFK na naman ako bawas credit score ko. Ampota." Gigil na gigil si Jieven na binalik ang cellphone sa bag niya.
Nagsimula ang klase namin sa basic calculus, mabilis na dumating ang uwian kaya nagmadali akong ayusin ang aking bag para makapunta na sa library.
"Congrats, hatid na ba kita sa library?" Hindi pa ako nakakatango sa offer ni Jieven nang bigla akong hatakin ni Gabriel palabas sa room.
"The fuck are you doing?!" Pilit kong binabawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero sadyang malakas siya. "Hey! Let go of me! Pinagtitinginan na tayo, can't you see?"
Napahinto kami sa gitna ng open field agad kong binawi ang kamay ko.
"Tangina bakit ba pinipili mo yon?!" Sigaw niya and I know he was pertaining to Jieven.
"Ha? Eh ano naman sayo? Ni minsan ba pinili mo ako nung mga panahon na alam mong ikaw yung gusto ko. Diba mas pinili mo si Kath? May narinig ka ba sakin ha?" Napasabunot siya at napasigaw sa sobrang inis.
"Alam mong magulo non diba?" Nagulat ako ds pagpatak nang mga luha niya.
Ang sakit, ang sakit makita na yung taong minsan mong minahal nagmamakaawa na sayo.
If I was the same Scarlette nung grade 9 ako, probably binalikan ko siya, pero natuto na ako. He was part of my past.
"Alam ko, I am trying to move on. Please don't make me regret my decisions." I left him habang nakaluhod sa gitna netong open field, umiiyak at sumisigaw like he wants something but he can't reach it.
He was my ex but when we're grade 8 tapos nagtagal for almost a year, until I caught him cheating with his friend na hindi ko raw dapat pagselosan.
Fuck right?
Inayos ko ang sarili ko bago pumasok sa library, I have to make a good first impression.
"Hello!" Caroline approach me na parang welcome na welcome talaga ako sa group nila.
"Take a seat." Hestia pointed the chair infront of her kaya agad akong umupo.
"Scarlette right? What a wonderful name!" Sabi ni Penelope habang may tinitingnan sa cellphone niya. "Saan ka nakatira ngayon? And with whom?" Tanong niya.
"Ah a few blocks lang dito sa UST and with my family." I answered.
"Ohh alam ba nila about dito sa audition thing mo?" Harmony asked.
"Oo actually supportive nga sila eh." Uminom ako sa bottled water na binigay sakin nung lalaki na Adrian ang pangalan.
"Hindi namin tinatanong." Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Saoirse.
"Sorry," napayuko ako sa sobrang hiya.
"Let's quit the interview, straigh to the point na please inaantok na ako." Umirap si Harmony sabay hikab.
"You have to live with us." Nasamid ako sa sinabi ni Caroline. Ang cool niya pa yon sinabi like it wasn't a big deal.
"Hah? Is that part of the rule?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.
I'm a problematic bitch!
"Yes, you can't do it? Then better kung maghanap na la--" I cut Eliah sa sasabihib niya.
"No I just have to uhm you know ask permission from my parents first."
"Sige aadd ka namin sa gc at don namin sesend address. Pwede ka lumipat bukas since wala namang pasok tomorrow." Discuss ni Caroline.
"Ok let's end this here please gusto ko na mahiga." Pagmamaktol ni Hestia.
"Ay teh antok na antok?" Inirapan ni Astrid si Harmony dahilan para balibagin siya nito ng ballpen.
"So see you tomorrow, you can go home." Nginitian ako ni Althea, tumayo ako pagkatapos ay kinamayan sila like I was on a business proposal.
I bid goodbye bago ko lisanin ang library.
Predicted na hindi ako papayagan nila mommy dahil they treat me like a precious gem. Well, what do you expect? I'm the only child.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top