02

Pagkatapos ng aming klase agad akong pumunta sa plaza para sa audition ng naeins.


Ramdam ko na susunod pa sana sakin si Gabriel pero hindi ko siya pinansin, hindi ko rin pinansin si Jieven dahil ayoko naman magsuntukan sila dahil lang sa kagandahan ko.

Mainit dito sa plaza kaya hindi ko alam kung bakit dito nila naisipan na magpa audition pwede naman sa close field na may bubong since ang laki ng UST.




Pero hayaan niyo na sino ba naman ako para umangal? Amp.

"Ang gaganda talaga nila!"

"Omy swerte nung mga kaklase nila huhu."

"Suplada raw yung Caroline?"

"Lodi ko si Penelope."

"Sabi nung iba mga ate chona raw sila."

"Wala pa kaya silang jowa?"

"Kung lalaki lang ako niligawan ko na mga yan."




Natahimik ang lahat nang kunin nung isang
member ang mic, biglang tumahimik ang crowd at nawala ang bulong-bulungan kanina.

"Hi guys! Aware naman siguro kayo sa paghahanap namin ng last member para mabuo ang fantastic nine ng naeins. Alam ko naman na deserve niyong lahat ang mapunta sa position pero isa lang talaga ang makakapasok but nonetheless continue to pursue your talent in dancing. Okay sa mga hindi pa nakakakilala samin hayaan niyo muna na magpakilala kami. Im Caroline Xian and ako ang leader nila." Mahaba ang intro ni Caroline at masasabi ko na kita sa muka niya ang pagiging masungit. Well, first impression lang naman.


Agad niyang inabot ang mic sa katabi niya na matangkad, clearskin at mukang koreana.




"Hi guys! Im Hestia Zhen at ang masasabi ko lang ay goodluck sainyo dahil mga judger po kami pagdating sa pagsasayaw. Char 1/4." Agad akong kinabahan sa sinabi niya habang ang mga crowd naman ay nagtawanan. Pinasa niya ang mic sa katabi niya pagkatapos magflying kiss.

"Im Penelope Liu goodluck lang ang tangi kong masasabi sainyo." Maikling sambit nung babaeng maliit na maganda mukang shy type siya.

"I'm Althea Jade Wendel goodluck sainyo at napakacute ko. Anyway sana continue niyo pagsusupport samin." Grabe parang siya yung pinakamabait sakanila at mukang masaya kasama. Baby face siyang tingnan pero lahat sila ay 17 years old na.

"Avis Astrid Smith wala na akong masasabi kasi nasabi na nilang lahat. Tawagin niyo na lang akong Astrid dahil masyadong mahaba kung full name pa." Ang non sense naman nung intro niya. Char. Feeling ko medyo masungit siya na maamo.

Gets niyo ba? Kung hindi ede hindi.

"Eliah Lauren Chua, sa mga mag audition please lang ganahan niyong sumayaw baka mas gusto ko pang matulog kaysa panoorin kayo." Maganda siyang babae clearskin at medyo maliit. Grabe siya na ata ang pinakabitchy sakanila. Nakakatakot siya maging kaibigan amp.

"Harmony Chandrel Gray just call me Chand. Goodluck sainyo." Sabi niya sabay ngiti. Wow ang ganda nung smile pati ng face.

"Saoirse Chalamet ganahan niyong sumayaw kung ayaw niyong bugbugin ko kayo." May isa siyang upper lobe earpiercing na butterfly ang design habang hawak-hawak niya ang isang pirasong marlboro ice blast. Mukang siya ang trouble maker sakanila.

Pagkatapos niyang magsalita ay agad niyang inabot ang mic kay Caroline.




"So guys as you can see may kaniya-kaniya kayong number tatawag muna kami 1-5 hanggang sa sunod sunod na. Basta tig lilima para makapagshow down and bukas namin ilalabas ang result kung sino ang tanggap." Agad akong nabadtrip sa sinabi ni Caroline, pang 95 pa ako at 5:30 na ngayon.

Kaya pa ba today?



Tinext ko si mommy para makapagpaalam na may audition pa ako. Agad naman niya akong sinabihan na mag-iingat daw ako sa pag-uwi at congratulations in advance. Support niya talaga ako kahit saan kasi alam niyang dancing is my forte.



Buti na lang at wala na masyadong sikat ng araw kaya malamig na ang atmosphere. Pwede naman kasi sa close part na lang ganapin ang audition talagang dito pa nila ginawa amp.

Bored kong pinanood ang mga nag-aaudition lahat kami ay sasayaw ng dumb dumb by red velvet as an audition. Buti na lang at fan ako ng red velvet kaysa sa iba na nakikita ko na inaaral pa rin ang sayaw sa youtube.

Not to brag may kpop dance cover ako sa aking yt channel na kasalukuyang meron 12k subscribers, masyado pa itong konti kumpara sa mga sikat na youtubers pero thankful pa rin ako.

"Excuse me? May data ka ba?" Nagulat ako sa pagkalabit sakin ng isang babae na maganda pero mas maganda ako, maputi at mahaba ang buhok na halos umabot na sakaniyang pwet.

Sana all may pwet.

"Hala sorry wala akong data eh." Agad kong sagot. Wala naman talaga akong data kakaexpired niya lang kanina.


Agad ngumiti sakin yung babae at umalis, wow hindi man lang nagsabing thank you.

Tiningnan ko ang relo ko at nagulat ako nang makitang 6:30 na pala, higit isang oras na akong nandito at number 70-75 pa lang ang natatawag.

Napabalikwas ako nang tawagin na ang number 90-95, which means turn ko na para sumayaw.



Agad kaming nagline up base sa number namin.


Pinatugtog ang dumb dumb at talagang sinayaw ko ito with full confidence, inisip ko na member ako ng red velvet at nasa mall show kami.

Natapos ang kanta at masasabi kong pawis na pawis ako kahit wala ng araw. Agad kaming inabutan ng bottled water nung isang lalaki na sa tingin ko ay PA nila?

Wow sosyal kala mo namang artista.

Tinext ko si mommy para sabihing tapos na ang audition. Agad ako pumunta kung nasan ang aking sasakyan.

Pagkadating ko agad kong nakita ang aking BMW. Bubuksan ko na sana ang pinto para makauwi na nang biglang may humawak sa kamay ko dahilan para masampal ko agad siya.



"Aray pota." Nagulat ako nang makitang si Jieven pala yon.

Nataranta ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Yung crush ko nasampal ko!

"Hala! Sorry ayos ka lang ba? Bakit kasi bigla kang nanghihigit diyan nasampal tuloy kita. Im sorry." Nataranta ako habang hinahawakan ang muka niya. Hindi naman ito namula pero ramdam ko yung sakit dahil sa tunog ng aking pagkakasampal.

"I'm okay. Actually inantay ko talaga ang performance mo. " Sinabi niya yon na parang hindi big deal sakaniya ang paghihintay sa higit na dalawang oras.

"Umuwi ka na lang sana, it was just a short performance hindi mo kailangang maghintay for 2 hours para lang mapanood yon."

"I just want to watch besides wala rin akong gagawin sa condo ko."

"Then you should take a rest na lang sana kaysa sayangin ang oras para mapanood ako." Napasandal ako sa aking sasakyan, sa totoo lang gusto ko na talaga umuwi. "Well, unless kung crush mo ako?" Walang hiyang dagdag ko dahilan para matawa siya.

"You're crazy. Okay see you tomorrow, you should take a rest."

"You too, see you."



Pinanood ko kung paano siya pumunta sa sasakyan niyang BMW rin pero color black.

How could a man be so fucking hot kahit nakatalikod?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top