01

Nagising ako sa alarm ng aking cellphone. Nagmadali akong nag-ayos for school. First day ko and syempre kailangan magkaroon good first impression sa mga magiging kaklase ko.


"Bakit aalis ka agad?" Tawag sakin ni mommy habang nakasuot siyang formal floral dress which I assume na meron silang business meeting ngayong araw.

"Don't worry mom hindi pa naman ako gutom." Lapit ko sakaniya pagkatapos ay binigyan siyang kiss sa cheeks. "Where's dad by the way?" I asked habang lumilingon sa paligid.

"Nauna na sa company pinapasabi niya nga pala na goodluck and ingat sa first day of school." Tumango lang ako. "Oo nga pala meron pa siyang hinabilin sakin, sabihin ko raw sayo na ang BMW car na regalo niya sayo ay dapat mong ingatan." I just rolled my eyes after kong kunin ang aking bag which is wala namang laman since this is the first day of our school.

Sumakay na ako sa aking pink BMW car na pinersonalize ko ang style dahil ayoko masyadong maging simple ito.

Agad akong nakapunta sa UST at isa lang ang masasabi ko napakalaki niya. Agad akong pumunta sa main building para hanapin ang aking classroom.

Wow, ang daming magaganda and oh not to mention hot boys. Tumingin ako sa paligid ng classroom na ito doble ang laki niya kaysa sa school ko dati. Lahat sila nakatingin sakin and I wonder why, ngayon lang ba sila nakakita nang maganda?


Lahat ay busy sa kani-kanilang business. May nga nag-uusap na narinig ko ay tungkol sa group audition na gaganapin daw sa plaza mayor and it caught my attention. May talent akong sumayaw, well tiktok I mean pero dance challenge naman so I'm giving it a try.




"Hey! New student?" May lumapit saking lalaki na hindi ko kilala umupo pa siya sa desk ko.

"Ano sa tingin mo?" I sarcastically answered.

"Wow ang sungit bago pa lang naman." Sabi niya habang hinawakan ang aking balikat. Manyak tsk.

"Wag mo akong hawakan." Cold kong reply habang inaalis ang pagkakahawak niya sakin.

"Conservative ka pala alam mo walang mangyayari dito kapag conservative ka bibigay at bibigay ka rin sa tukso." Ngumiti siya na parang nang-aasar at nagsasabi na makukuha niya ako.

Yes, gwapo siya pero hindi ko type ang baho kasi nang ugali niya.

"Hindi ako conservative I just simply don't like your presence." Sagot ko sabay labas walk out.

Pupunta akong cr para magpaganda kahit hindi ko naman na talaga kailangan dahil maganda na ako. Naglakad lakad ako para maexplore pa lalo ang university na ito. Hindi ko na dinala mga gamit ko dahil sobrang bigat at alam ko namang hindi gagana ang mga mala wattpad scene dito na may mabubunggo akong gwapo.

Napatingin ako sa isang poster na nakalagay sa bulletin board.



"Naeins last member audition" ang mababasa sa poster na nakalgay habang may mga litrato ng walong babaeng magaganda.

When: Today (june 12,2020)
Where: plaza mayor
Time: 5:00 pm

"Wow naghahanap silang 9th member ha."

"Tanga hindi ka makukuha choosy mga yan."

"Idol ko talaga si Caroline sa pagsayaw."

"Ha? Pangit mga yan mas maganda pa ako."

"Wala ngang visual sakanila."

"Pinagsasabi mo? Ganda ka teh?!"

Narinig kong usapan nang mga kapwa ko estudyante na nakatingin din sa poster.


Isa-isa kong sinulyapan ang mga pictures nila. May mukang mataray, badgirl, suplada, crush ng bayan, clearskin tapos may mukang bata pero ang gaganda nila.


Sikat pala sila?


Agad akong tumakbo papunta sa classroom namin nang marinig ko ang tunog ng school bell. Gaya ko may mga tumatakbo rin dahil sa takot na baka malate sila sa first day of classes.

Swerte ko dahil pagkarating ko sa room ay wala pa ang aming teacher, agad ang umupo sa aking upuan at nagulat nang makita si Gabriel na nasa tabi ko.



"The fuck are you doing here?" Pabulong kong tanong sakaniya.

"'Because this is also my room?" Hindi ko na siya pinansin dahil gusto ko na lang isipin na hindi ko siya nakita or katabi ngayon.

So dito rin siya nag-aaral? Talagang hindi niya ako maiwan ha.

Ganon na ba ako kaganda?

Nagulat ako nang magtilian ang mga kaklase ko sa biglang pumasok sa room.

"Shet ang gwapo!"

"Pota paanak ako sampu!"

"Gawa ka binibini challenge tapos ako bayuhin mo crush!"

"Halika rito paparamdam ko sayo langit!"

"Pota transferee pa lang pero lakas na kamandag!"

"Galing daw Bulacan yan eh! Basta Bulacan masasarap!"

Sa sobrang curious ko nilingin ko yung lalaki, grabe holy shit ang gwapo nga.

Hindi siya nakasuot uniform which is transferee nga pero transferee rin naman ako nakasuot akong uniform.

Litaw na litaw ang kagwapuhan niya dahil sa suot niyang plain black polo at black ripped jeans. Ganda pa nung sapatos niya na black leather shoes na mas lalong bumagay sa outfit niya.

Mas maganda siguro kung wala itong damit.

Nagulat ako nung umupo siya sa tabi ko dahilan para paggitnaan nila ako ni Gabriel.


Wow dahan dahan naman alam kong maganda ako pero wag niyo agad ako pag-agawan baka matapos agad story na ito.


"What are you looking at?" Tanong nang aking next bebe.

"Uhm nagtaka lang ako bakit hindi ka nakauniform." Nahihiya kong sagot at syempre pabebe pa rin ang aking boses.

"Transferee."

Wow ang cold niya kumausap. Ok lang yan gusto ko sa mga malalamig na pagkain gaya ng ice cream, float, softdrinks na punong puno ng yelo and siya sana dahil cold naman siya. Rawr.

"Ako rin naman transferee pero naka uniform ako."

"I don't care."

"Okay, what's your name?" Tanong ko sabay ayos sa buhok ko.

"Maririnig mo rin naman mamaya."

"Yeah mukang mahirap bigkasin pangalan mo. If ever can I call you baby boy?" I asked habang tumatawa.

Tinitigan niya lang ako at hindi na nagsalita.

Okay silence means yes.

Pakipot pa itong baby boy ko.


"Kinakausap niya yung babae oh."

"Yuck hindi sila bagay."

"Sino ba yang babae na yan? Mukang gago."

"Landede."

"Uy ayan na prof natin!"

May sumigaw dahilan para magkagulo ang lahat. Tsk. Parang mga elementary students eh grade 11 naman na.



"Hi class hindi ko kailangan ng mga greetings niyo dahil sanay naman na akong walang nagsasabi saking good morning dahil wala nga akong jowa." Nagtawanan kaming lahat sa sinabi nung prof namin except dito kay baby boy.

"Joke lang yon syempre first rule ko batiin niyo akong goodmorning and yes may tatlo tayong transferee kung sino man mga yon tumayo kayo rito at magpakilala."

Tumayo kaming tatlo ako, Gabriel at si baby boy ko.

Una akong nagpakilala at talagang may format pa sila sa pagpapakilala. Name, kung bakit ka lumipat? At nickname.

"Scarlette Georgia Lin, lumipat ako rito para makita kong mabuti ang aking future and gladly nakita ko na siya first day pa lang. Call me Scarlette." pagpapakilala ko sabay turo kay baby boy na hindi man lang ako pinansin.

"Gabriel Marcos Chen, Lumipat ako kasi nabalitaan kong dito raw mag-aaral future ko." Pagpapakilala ni Gabriel pagkatapos ay tinuro ako.

Inirapan ko lang siya.

Magseselos ang aking baby boy baka magsuntukan sila.

"Lance Jieven Belonia, lumipat ako kasi nakakasawa na atmosphere sa dati kong school. You can call me Lance."

Wow Lance pala ang pangalan niya.

Okay baby Lance.

"Pwede bang baby Lance?" Singit ko while giggling.

"If that's what you want baby Scarlette."

"Huh? Pota pangit niya."

"Gago ginayuma agad?"

"Hindi ka niyan kayang bigyan ng ten na anak."

"Ako bayuhin mo tanga!"



Ramdam ko ang pintig ng aking puso.

Masyado siyang easy to get huh? Hindi magtatagal ang story!

Mas mabilis pa pala ito kaysa sa mga wattpad story na nababasa ko. Tinitigan ko siya habang umupo siya sa kaniyang upuan. Then I was there standing infront pa rin masyadong nashock sa nangyari.

Syempre dami ko narinig na bash.

Kayang kaya kong magsilang nang dalawang dosenang anak basta siya ang tatay!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top