Story #2: Little Camille in Antipolo
Lumipas ang isang taon at kinailangang lumipat ng pamilyang Continente sa Antipolo kung saan malapit sa trabaho ng kanyang inang si Belinda.
Nagrenta sila ng apartment at doon namalagi. Anim na taong gulang lamang siya at ang tanging kasama niya sa apartment na iyon ang yaya niya.
Katulad ng nakagawian, gigising ng maaga ang mga magulang ni Camille at ihahatid ng kanyang ama ang kanyang ina sa trabaho bago siya pumasok sa opisina. Gigising ng madaling araw at uuwi ng wala ng araw.
Ang musmos na si Camille lamang at ang kanyang yaya ang nasa bahay. Madalas ay makikita siyang naglalaro ng kanyang Barbie Set o di kaya ay nanonood ng telebisyon o nagsasagot ng mga takdang-aralin.
Gabi na at lampas alas-sais na makauwi ang nanay ni Camille at madalas ay alas-siete pasado naman ang uwi ng ama.
Hanggang sa isang gabi at patulog na ang mag-anak ay napatingin sa labas ng bintana ang kaniyang ama mula sa ikalawang palapag sa kanilang kwarto.
May isang lalaking naka-upo sa ilalim ng puno sa gate nila. Nakatalikod ito at tila ba naninigarilyo.
Kunot-noong tinitigan ng ama ni Camille ito mula sa bintana.
"Ano yon, pa?" Tanong ni Belinda sa asawa habang nakahiga.
"Tingnan mo 'yon oh. Paano nakapasok yan dito? Nakasara at lock ang gate natin simula ng pumasok ako dito." Saad nito ng hindi tinatanggal ang tingin sa lalaki.
Naririnig ni Camille ang usapan ng magulang at bilang bata na puno ng kuryosidad, nagsimula siyang tumayo mula sa kama at naki-usyoso.
"Mil, anak. Matulog na." Sambit ng ina at hinahatak ang braso niya pabalik sa higaan.
"Ano yon, Mama?" Tanong nito at maging ito ay nangunot ang ulo.
"Wala yun, anak. Close mo na eyes mo." Sabi ng nanay niya na halatang nagtitimpi. Pinandilatan pa nito ang asawa.
"Oh, asan na yun?" Pagtatakang tanong ng ama nito ng bumaling uki ang atensyon sa lalaking nasa labas.
"Wala pang isang minuto ko inalis ang tingin ko, nawala na agad yung lalaki."
"Nakasarado ba sa baba?" Tanong ng ina ni Camille. "Ni-lock mo?"
"Oo. Naka-uwi naman na si Fiona, 'di ba?" Balik na tanong ng asawa sa kanya at tumango naman ito. "Wala naman siyang susi ng bahay para makapasok dito. Kahit sa gate."
Pilit na iniignora ng musmos na si Camille ang usapan ng magulang pero ang makulit nyang utak ay sinasabihan siyang makinig sa kanila.
Imbes na matulog ay pinikit na lang niya ang mga mata. Nagba-bakasakaling maintindihan ang kanilang usapan.
Walang susi sa gate at apartment pero nakapasok? Paano nangyari yun?
Minuto lang ang lumipas pero nawala na sa paningin agad ng kanyang ama?
Saan ito nagpunta?
Paano ito nakarating sa lugar nila ng sarado ang gate?
Mga katanungang hindi nagkaroon ng kasagutan sa musmos niyang isipan.
Hanggang sa wala pang anim na buwan sa apartment na iyon ay nagpasya ang kanyang mga magulang na lumipat sa Cubao at doon manirahan.
End of Two-Shots Story
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top