Story #1: Little Camille in Baguio

"Mil! Halika na dito, malapit na tayong umalis!" Tawag ng kanyang amang si Roberto habang ang kanyang inang si Belinda naman ay sinusuri ang mga bag kung kumpleto na ang lahat.

Ito ang bakasyong kinapapanabikan ng lahat. Bukod kasi sa kanilang tatlo, kasama din ang mga pinsan ni Camille sa side ng kanyang ina at ama.

At ang destinasyon nila ay walang-iba kundi sa Baguio.

Ang maganda pa dito, pumayag ang boss ng kanyang Ama na rentahan nila ang malaking bahay bakasyunan nito doon.

Apat na pamilya sa side ng mama ni Camille kasama sila at ang tita niya at lola sa side ng papa naman niya ang kasama.

Sabik na sumakay sa nirentahang jeep ang mag-anak at ilang beses pa na chineck ng mga ina nila ang gate at pintuan ng kanilang mga bahay bago sila nagpasyang umalis.

Nagbaon din sila ng madaming pagkain at mga panlamig dahil siguradong maginaw doon lalo na sa gabi.

Limang taon gulang pa noon si Camille at halos hindi pa niya alam ang nangyayari sa paligid.

Ang alam lang ng kanyang isip noon ay masaya ang pupuntahan nila. Kasama nya ang mga pinsan niya sa isang magandang lugar.

Sa pagkakaalam niya, mamamasyal sila doon at mananatili ng tatlong araw sa bahay-bakasyunan ng boss ng papa niya.

Nakarating sila ng matiwasay sa Baguio, baon ang masasarap at masasayang tawanan ng mag-anak nila.

Katulad ng napagplanuhan, ang mga nanay ang nakatoka sa lulutuing almusal at hapunan at sa labas na lahat manananghalian para malibot ang Baguio.

Unang araw ay ngiting-ngiti ang lahat ng makarating sa Burnham Park, Mines View Park at Wright Park. Andyan ang maya't mayang kuhaan ng litrato na gamit pa ang camera dahil hindi pa uso noon ang cellphone.

Taong 1993 pa noon. Sariwa pa ang hangin at hindi pa ganoon ka-crowded ang mga tourist spots kaya talagang ma-eenjoy ang paligid.

Matapos mamasyal ay nagtanghalian at hapunan na sila sa labas. Nang makarating sa bahay-bakasyunan, napagpasyahang ang pamilyang Continente, Marshal at Galvez ang sa ikalawang palapag na mga kuwarto  at ang lola at tita niya pati na din ang pamilyang Del Cuevo sa unang palapag na mga guest rooms mamamahinga.

Dahil sa saya at pagod ay agad nakahuli ng antok ang pamilya nila.

Kinabukasan, ganoon pa din ang gawi nila. Pasyal maghapon at maagang uwi sa gabi.

Hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan...

Patulog na sa kanilang kwarto ang mag-anak nila Camille ng kumatok ang Tita niyang si Sandy.

"Ate Bel. Pwede ba dito na lang kami matulog?" Tanong ng Tita Sandy niya kasama ang mga anak na tatlong taon at dalawang taong gulang. Bitbit ng asawang si Kio ang mga unan at gamit nila.

"Bakit?" Pagtatakang tanong ng ina ni Camille.

"Mag-isang nagfaflush ang toilet bowl namin!" Takot na takot na sambit ng kapatid sa kanya.

"Tulog ka na, anak." Usal ng ama ni Camille at tinapik-tapik ang bewang nito sa kama nilang tatlo.

Napakunot ang noo ng batang si Camille sa narinig.

Papaano magfaflush ito ng walang gumagamit? Parang napaka-imposible naman nito.

"Hay nako, Sandy! Umiral pagkamatatakutin mo, sige. Kuhanin nyo kutson niyo don, sa sahig nyo ilatag." Sabi ng natatawang nanay ni Camille at pailing-iling pa ito.

Dali-daling inayos ng mag-asawang Galvez ang kanilang mga anak para makapagpahinga. Wala pang limang minuto ay may mga kumatok uli.

Parehong takot na takot ang mga itong sumalubong sa kanya. Dala-dala nila ang mga unan, kutson, kumot at bag nila.

"Ano problema?" Tawa ng tawa na tanong ni Bel sa mga kapatid at hipag.

"Ate! Dito na lang kami!" Boses iyon ni Tita Ariel na nagmamakaawa. "Kanina pa may nagtutulak ng mga upuan  sa sala! Hindi ako makatulog sa ingay at takot!"

"Opo, ate. Ginagalaw din mga gamit sa banyo namin. " Dagdag pa ni Tita Melissa sa  kanya.

Sa huli, ang orihinal na planong kanya-kanyang kwarto ay naging isa.

Nakalatag ang lahat sa sahig at natulog ng sama-sama.

Hindi na nagtagal ang mag-anak sa bahay na iyon at kinabukasan ay umalis na sila at umuwi sa bahay nila sa Maynila.

Napag-alaman nila na Haunted nga ang bahay-bakasyunan na iyon gawa ng matagal ng hindi natitirhan doon.

At ang tawag sa mga ganoon ay poltergeist.

End of Story #1

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top