Simula
Simula
Hindi ko maintindihan kung bakit talamak sa bayang ito ang panghuhusga sa mga pamilyang hindi mayayaman. Siguro dahil iyon sa laki ng agwat ng sampung porsyentong mayayaman at ang mas malaking porsyento ng mahihirap. O baka rin dahil halos lahat ng mahihirap dito ay trabahador sa mga negosyo ng mayayaman.
I cringed after I heard my sister's words for me. Nasa harap kami ng hapagkainan ngayon at ako na naman ang pinapangaralan, gaya ng dati.
They say the youngest sibling is usually the spoiled one, I say no. Siguro at pinagbibigyan nga ako ng mga magulang ko sa lahat ng kapritso ko lalo na't pareho nang matanda si Mommy at Daddy, may dalawang kapatid naman akong nangengealam sa mga ginagawa ko sa school man o hindi.
"Hindi ba sinabi ko na sa iyong huwag ka masyadong dumikit kay Ella?"
"Tama ang Ate mo, Sancha. Mapapahamak ka lang sa pakikipagkaibigan mo riyan!" si Kuya naman.
"Mabuti na lang at nasabi ni Margaux sa akin kanina. Pareho kayo ni Margaux na nakikipagkaibigan diyan!"
"Mabait naman po kasi si Ella-"
"Ay naku! Kahit ano pa ang sabihin mo, sinasabi ko sa'yong layuan mo 'yan."
Ella is one of those less fortunate girls in our classroom. Lagi'y binu-bully siya ng mga kaklase. Kung dati'y nananahimik ako, nitong nakaraan, hindi ko na nakayanan. For me she's just a victim with poor decisions.
"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon?" tanong ko nang naabutan siyang umiiyak sa kanyang desk.
Nasa likod ko si Margaux, ang dati nang matalik na kaibigan. We both have the same opinion towards Ella and I think she should learn. She won't learn through bullying.
"Are you stupid?" I spat.
Napaangat ng tingin si Ella sa akin.
"Kabit ng Daddy niya ang Mommy mo. Sinong baliw ang may mukha pang ilalapit sa kanya kung obvious na may kasalanan ka. I pity you but I think I'd do the same."
"It wasn't her fault, Sancha," si Margaux na. "She isn't her mother so why would Chayo put all the blame on her?"
"Because, Margaux, Chayo is already hurting! Alam ni Ella na may kasalanan ang Mommy niya sa pamilya ni Chayo, tapos makikipagkaibigan pa siya? That's plain stupid. You're digging your grave!"
Tumahimik si Margaux, siguro'y nakita na sa wakas ang ibig kong sabihin.
"Ang sabi kasi ni Tito Luis, mabait naman si Chayo at... friendly," naiiyak na sinabi ni Ella.
I sighed and rolled my eyes. "No one could be friendly to the daughter of her father's mistress."
Umiling ako at inaya na si Margaux palayo kay Ella.
"Ang harsh mo naman, Sancha, but you're right," si Margaux.
Tumigil kami sa pintuan ng aming classroom. Malapit na ang next period pero may oras pa para makipag-usap. Humalukipkip ako at hinarap si Margaux.
"Kahit ako sasabuyan ko rin siya ng tubig kung kinaibigan niya ako kahit na alam kong may relasyon si Dad at ang Mom niya!"
"Ang bobo rin talaga ni Ella para hindi maisip iyon. Naaawa ako sa kanya pero that's how you learn when you're bobo," si Margaux.
Bahagya akong natawa at nasundan ng tingin ang lalaking dumaan sa likod ni Margaux at umikot sa akin. Lumapad ang ngiti ko at tumuwid sa pagtayo. Soren Osorio, my boy bestfriend, is always handsome and clean. Ngumiti siya at lumapit sa akin. May makahulugang ngiti na iginawad si Margaux sa akin at alam ko kaagad iyon.
Soren is two years ahead of us. He's in Grade 10 right now, kung bakit siya naritong banda sa amin ay hindi ko alam. Ang tinging iyon ni Margaux ay isang pagdududa sa sadya nito rito. I don't want to assume anything that's why I don't like it when Margaux is giving that look.
"Oh, saan ka pupunta?"
"Dumaan lang dito, alam mo na..." sabay ngiti ni Soren sa akin at umakbay din siya.
"Wala na kayong next period?"
"Library. Tara?"
"May Biology pa kami, e."
Soren chuckled. "Sayang. Pero... ang alam ko absent si Mr. Bersabe, ah? E 'di wala kayong pasok sa next period?"
"Talaga?" medyo nabuhayan ako roon.
Napatingin ako sa classroom at nakitang magulo pa ang mga kaklase. Hindi pa naman nag ri-ring ang bell pero nabuhayan pa rin ako sa nalaman.
"Ano sama na lang kayo ni Margaux?" si Soren.
"Paano kung may substitute?" si Margaux.
"Workbooks lang din naman kung may substitute. Tara na!" si Soren kay Margaux.
Ngumisi ako, halos nakukumbinsi na.
Natigil nga lang ang iniisip namin nang nakita ang isang palagay ko'y pansamantalang student substitute ni Mr. Bersabe. Nanlamig ako nang nakita ko kung sino iyon at agad gustong umurong ng sikmura ko. I don't have time for this. I don't have time to be the center of my classmates' jokes right now!
"Siya yata ang substitute," Margaux mentioned the obvious.
Suminghap si Soren at binawi ang akbay sa akin. "Sayang. Akala ko wala!"
Napatingin ako kay Soren. Bakit parang kung yayayain niya kaming mag cutting class ay papayag ako. Kahit pa nakita na kami ng student-substitute, wala akong pakealam.
"Pasok na kayo ni Margaux, Sancha," si Soren.
Kinagat ko ang labi ko at matamlay na pumasok sa loob ng classroom.
Mabilis na nagligpit ang mga kaklase ko nang nakita nila ang pumasok sa pintuan sa harap. He's bringing a biology book and my teacher's records. Inutos niya sa estudyanteng malapit na kuhanin ang workbook.
Bumalik na ako sa upuan ko at nang tumingin sa harap ay napairap na lang nang nakitang nakatingin siya sa akin. Marguax chuckled beside me and I swallowed hard. Kinalkal ko ang bag para kuhanin ang lalagyanan ng mga ballpen.
"Please, lead the prayer Miss Alcazar," the low baritone of his voice echoed.
My classmates immediately reacted their chuckles and funny stares at me. Nagtiim-bagang ako at naglakad na lang patungo sa harap, ayaw nang pahabain pa ito.
I started the spontaneous prayer. Muntik ko nang isali na sana tumigil na ito dahil naiirita ako tuwing kinakantiyawan ng mga kaklase tungkol sa kanya.
I don't know when it all started. I just remember that a rumor has spread among us, back when he was in his senior high school. Kumalat sa buong campus na crush niya ako. Being the poor Team Captain of the basketball's team, he was instantly ridiculed for liking someone beyond his circle. At sa lahat... ako pa!
Many thought that it's just his excuse to get away from commitments or the women who liked him. Isang malaki at magandang strategy dahil walang kukuwestiyon kung bakit hindi niya ako ligawan. Bukod sa kilala ang pamilya ko bilang isa sa pinakamayaman sa Negros, alam din ng lahat na wala akong sinasagot na manliligaw.
It was a perfect excuse, actually. Something that a man like him could perfectly pull off. Kaya lang, bago ko pa nalaman iyon, alam ko sa sarili ko na minsan ko na ring naramdaman na may kakaibang tungo siya sa akin.
Lagi'y maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga kilos niya. At kung hindi pa ebidensiya itong pagtawag niya sa akin para mag lead ng prayer ngayon, ewan ko na lang! Bakit hindi si Margaux? Bakit hindi ang ibang kaklase ko para man lang sana makaiwas siya sa tsismis na kalat sa lahat? He just couldn't do it! He just have to call me!
Hindi ako makapaniwala na may discussion kahit paano bago kami mag answer sa workbook. At sa loob ng discussion na iyon, nagawa niya pang magpatawa at magtawag ng ibang kaklase ko para sa kaunting oral recitation.
Napasulyap ako kay Margaux na nakikitawa sa mga kaklase. Nanatili naman akong seryoso, hindi makasabay sa kahit ano dahil nadudumihan ang isipan sa mismong nagsasalita.
"Now I think you're ready to answer your workbook," he said and everyone groaned their disappointment.
Tumuwid ako sa pagkakaupo at tahimik na pinaglaruan ang ballpen. Handa nang mag answer at hindi nakakasabay sa mga kaklase.
"Lonzo, I mean, Sir, kailan daw po ba babalik si Mr. Bersabe?" si Margaux na hindi man tinatawag sa pagtaas ng kamay ay nagsalita na agad.
Nakita ko ang marahang sulyap niya sa akin bago kay Margaux.
"Oo nga po, Sir! No offense kay Mr. Bersabe pero ang boring niya po!"
Nagtawanan ang mga kaklase ko. He didn't laugh with them. Instead, he furrowed his brows.
"Estudyante pa ako at napag-utusan lang ngayon. Bukas, babalik na si Mr. Bersabe. You should appreciate him more-"
"Pero mas nakakatuwa kasi!" sabi ng nasa harap.
"That's enough. Get a ballpen and prepare to answer these pages. Kindly distrubute."
Nagsulat siya ng pages sa blackboard at ang dalawang kaklase ko sa harap ay kinuha na ang mga workbook. May natira nga lang na grupo ng workbooks sa lamesa niya. Nang natapos siya sa pagsusulat ng pages, kinuha niya ang grupo ng workbook na iyon.
I craned my neck when I saw the one distributing looking at me. Akala ko akin ang workbook. Iyon pala kay Margaux! Sana naman nasa dalawang nag di-distribute 'yong akin at wala kay... Sir!
Natapos na ang dalawang kaklase sa pagdidistribute at patapos na rin si Sir. Wala sa dalawa ang workbook ko kaya ngayon, sigurado akong na kay Sir! Kung minamalas ka nga naman!
Nakita kong binasa niya ang second to the last at pinailalim bigla! Nagsisimula na ang mga kaklase ko ngayon at ako, inaabangan pa ang workbook ko. Ibinigay niya sa isang kaklase ang dapat ay huling workbook.
"Thanks, Sir!"
"You're welcome," he said in a friendly tone.
Tinitigan niya ang huling workbook na nasisiguro kong akin! He opened it and put it somewhere. Maybe on its correct pages. Something that he didn't do while distributing the workbooks of my classmates.
"Here," aniya sabay tingin sa akin.
Binagsak ko ang tingin sa workbook ko at nakitang nasa tamang pahina nga iyon. I accepted it and slowly muttered a thank you.
"You're welcome," napapaos niyang sagot.
Nakita ko ang iilang ulong umahon sa mga kaklase ko. Mabuti na lang at wala namang kantiyaw na dumating. Huminga ako ng malalim at nagsimula na sa pag answer.
Ang nakakainis pa'y hindi ako halos makapag concentrate dahil kahit nasa harap siya at tinatanaw kami, kinakausap naman siya ng iilang kaklase ko sa harap.
"Sir, mahirap po bang mag college?"
Nagtaas ako ng kilay at binasa ng dalawang beses ang tanong dahil hindi na naintindihan pa iyon.
"Sir, puwedeng mag CR?"
"Finish your work first," he said.
"Aww. Ayos lang! Malapit na naman ako, Sir!"
Marami pang tanong. Minsan ay nakikisama pa ang ibang kaklase ko. Minsan, lahat na nakikitawa! Ako lang yata ang seryosong sumasagot para maubos ko na ang sinasagutan! Iyon ang dahilan kung bakit isa ako sa unang natapos. Hindi pa natatapos ang period, tapos ko na ang lahat ng pinapagawa!
Tumayo ako at unti-unting naglakad patungo sa kanya.
"So, Sir? Masaya ka naman ngayon na klase namin ang pinasukan mo?" makahulugang tanong ng isang kaklase sabay tingin sa akin.
I can't believe this! Napasulyap siya sa akin at nagtaas ng kilay sa nagtanong. Humalakhak ang nagtanong at bahagyang nag-angat ng tingin ang iilan pang nakikitsismis.
"Sagutan n'yo na 'yan para matapos na kayo," he commanded with a ghost of a smile.
Natahimik ang mga kaklase ko lalo na nang nakita nila akong palapit sa harap. Nilapag ko ang workbook sa harap niya.
"Tapos na ako."
"Titingnan ko pa," aniya at binuksan ang workbook ko.
Tahimik akong nanatiling nakatayo sa harap niya. Pinagmasdan ko kung paano niya hinimay ang bawat numero na sinagutan ko. He then nodded and licked his lips. Nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Powder room lang."
"Alright..." he said slowly.
"Hala! Ang daya ni Sir!" someone announced.
Inignora ko iyon para hindi na lumaki. He laughed at them and stated his reason.
"Ang sabi ko, puwede na kapag tapos na. Tapos na si Miss Alcazar kaya pinayagan ko na."
Nakalabas na ako pero narinig ko ang paliwanag niya. Narinig ko rin ang kaunting hiyaw ng mga kaklase.
"Huwag na do'n, Sir! Wala kang pag-asa kay Sancha!"
Nagtawanan ang iba.
"I don't know what you're talking about. You have fifteen minutes. Kung ako sa inyo, magpatuloy na lang kayo sa pagsagot."
Nawala na sa pandinig ko ang sagutan. Tahimik ang school dahil nasa gitna ng klase. Ako lang yata ang nasa corridors para sa powder room. Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin at pinadaan ang mga daliri sa aking maalong buhok. Nagpakawala ako ng isang malaking buntong-hininga. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako halos hindi humihinga. Umiling ako at nag-ayos na lang.
Lumabas ako sa wash room, hindi kalaunan. Dahil malapit lang ito sa classroom namin, nakita ko kaagad na nakatayo si Alonzo sa pintuan. Tall, arrogant-looking in his black jeans, and obviously old white longsleeved button down polo.
Ibinaling niya ang mga mata galing sa akin patungo sa loob. May tinanggap siyang workbook at pinalagay na lang sa lamesa. Nagpatuloy ako sa paglalakad pabalik sa classroom. Nakaupo siya kanina sa teacher's table nang umalis ako. Ngayon, nasa pintuan na... nag-aabang.
Tumuwid siya sa pagkakatayo at may ibang workbook pang tinanggap. Nakalapit na ako nang nasa gitna siya ng pintuan.
"Excuse me," sambit ko.
He immediately stepped back.
"Sorry," sabay tingin sa akin at halos dumikit ang malaking katawan niya sa hamba ng pintuan para lang padaanin ako roon.
This is ridiculous! I can almost hear the slight teasing from my classmates! I scowled at my classmates and the slight teasing immediately faded.
Umiling ako at nagpatuloy sa pagpasok sa classroom. I'm petite and slender. He's tall and muscular but surely he didn't need to really give me a wide space on that doorway so I can enter! Dahil sa ginawa niya mas lalo lang nahaluan ang isipan ng mga kaklase ko.
"Grabe, Sancha. Tingin ko talaga totoo ang chismis na gusto ka nga ni Alonzo."
"Tsismis lang 'yon," sabi ko kahit na buong oras ng klase namin, pakiramdam ko ganoon din ang nararamdaman ko.
"Tumayo siya noong lumabas ka. Matanglawin makatingin sa'yo. Halos bakuran ka habang naglalakad patungong washroom!" si Margaux.
"Syempre estudyante ako. Chinicheck niya. Tumigil ka nga, Margaux!"
Ngumisi siya. "But in fairness, he's handsome and hot."
Nagulat ako sa puna ni Margaux. Dati pa'y hindi kami makarelate sa mga mas matanda sa amin ng sobra pa sa tatlong taon. I like Soren even when he's two years older than me. I find him handsome with his baby face. Sa mga kagaya ni Alonzo, hindi na ako makarelate.
"Kanina parang naintindihan ko na bakit kahit na mahirap sila, maraming nagkakandarapa sa kanya."
"I can't relate. I don't find him handsome. Ayaw nga sa kanya ni Anais. Pinandidirian siya."
"S'yempre alam mo naman ang mga iyon. Mayaman lang ang gusto!"
"H-Hindi ba sa azucarera n'yo nagtatrabaho ang mga magulang ni... Alonzo?" si Ella na kanina pa yata nakikinig sa usapan namin ni Margaux.
"Oo. At si Alonzo rin mismo."
"Iniisip kong..." yumuko si Ella. "Kailangan na sigurong mag apply ni Mama ng trabaho."
Nagtagal ang tingin ko kay Ella. Sa huli, huminga ako ng malalim at tumango.
"Puwede sa amin. Kakausapin ko si Kuya."
"Talaga?" she smiled. "Thank you!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top