Kabanata 8

Kabanata 8

Chocolate


My family spent the whole semestral break wisely. Kasama ang pamilya ng fiancee ni Ate Peppa, nagkaroon kami ng family trip sa Hong Kong. Alam ko ring may family trip din sina Soren sa Palawan at ang ibang mga kaibigan ko, may kanya-kanya ring pinuntahan.

It was a cold November morning for the first day of school after the short semestral break. Kinuwento ni Margaux sa amin kung paano siya nakipagbreak sa boyfriend niya hanggang sa anong ginawa ng pamilya niya sa bakasyon. Julius kept laughing at how fast she switches topics and didn't even dwell on the break up.

"Ang bilis n'yo naman!" si Julius.

"Alin? Sa trip namin?"

"Hindi, 'yong sa boyfriend mo!"

"Oh please, Julius. You switch from one girlfriend to another faster than that!"

Nagtalo ang dalawa at tinawanan ko na lang. Sa likod namin ay ang ibang mga kaklase na galing lang din sa cafeteria pagkatapos ng break.

"Si Alonzo, oh! Yieee!" I heard the beginning teases from behind me.

Nag-angat ako ng tingin at saktong nakita kong bumagsak ang iilang hand-outs ni Alonzo. Mukhang nagmamadali at maraming dala kaya ganoon ang nangyari.

"Tulungan mo, Sancha!" biro ni Margaux.

"H-Huh?"

Mabilis namang napulot ni Alonzo ang mga nahulog. Walang kahirap-hirap. Akala ko didiretso siya sa dinaanan namin pero bahagya siyang lumiko at lumayo sa paglalakad.

"Aww... Umalis na," dismayadong biro ng mga kaklase ko.

Tumawa si Margaux. "Natapon mga hand-outs niya. Ninerbyos siguro noong nakita si Sancha!"

"Margaux!"

"Totoo! Gulat na gulat nga, e! Lumiko tuloy. Nahiya!" sabi ng isang kaklase.

"Kayo talaga!" si Julius.

"Coach mo 'yan Julius. Anong masasabi mo? Tama kami, 'no?"

"Ewan ko. Hindi naman kami nag-uusap tungkol diyan. Kayo talaga!"

"Pero totoo naman kasi ang usap-usapan. 'Tsaka sabi ng Ate ko, never nag deny si Alonzo tungkol sa tsismis na 'yan. Inaasar din 'yan sa batch nila, e!"

"Lahat ng mga nagsasabi, siguradong-sigurado. Paano kaya 'yan kumalat?"

Hindi ko na dinugtungan ang usapan. Kahit pa nagtagal sa isipan ko iyon at ang nangyari kanina. I just remember I heard that the first time back when I was in Grade 7 and Alonzo, Ate Camila, and the rest of their batch was in Grade 12. Narinig ko iyon sa iilang kaklase at ang sunod naman ay kay Ate Steffi at Ate Camila na parehong madalas bumisita sa classroom ko noon. The next thing I know, everyone knows it already. Nang-aasar ang lahat at hindi nakakatulong na lagi ko ring napapansin si Alonzo simula noon.

Ako:

Soren, may training ka ba sa Linggo?

Iniisip kong magpapaalam kay Mommy at Daddy mamayang gabi. Simula kasi noong second periodical at sem break, wala na silang training. Hindi ko alam kailan magpapatuloy at nasanay na si Mommy na tumutulong ako tuwing Linggo sa mga desisyon sa kasal ni Ate Peppa.

Soren:

Iyon nga sana ang sasabihin ko. Bibisita sana ako kanina sa classroom n'yo kaso marami kaming ginagawa. Si Coach kasi nagsabi na ayos na raw ang training ko. Maglaro-laro na lang daw ako kapag may informal games. Ayos na raw ang tinuro niya!

Ako:

Oh? So... there's no training anymore?

Soren:

Hindi ba nag text sa'yo? Iyon kasi ang text niya sa akin. Pinilit ko nga na shooting naman ang ituro sa akin at defense. Sabi niya, kaya ko na raw 'yon. Ipagpatuloy lang ang training na itinuro niya.

Natigilan ako. Lagi'y sa akin iyon nagti-text kung ano man ang gustong sabihin kay Soren. Ni hindi ko inasahan na may numero na siya ni Soren ngayon at doon na siya mismo nagtext.

Ako:

Hindi, e.

Soren:

Malas nga, e! Kitang-kita ko na sana ang improvement ko sa ginawang training. Ngayon pa titigilan. Sinabi ko naman na dadagdagan ko ang suweldo, ayaw pa rin.

Ako:

Baka naman tama siya at okay na nga ang laro mo?

Soren:

Hindi ako kuntento. 'Tsaka ilang buwan pa bago ang sunod na try out. Paano kung bigla akong mangalawang? Pipilitin ko nga sana na mapapayag. Tulungan mo naman ako, oh?

Natigilan ako saglit.

Ako:

Okay. I might... text him.

Soren:

Puntahan natin mamaya sa building niya. Hindi gumagana ang text, e. Ayos lang? Samahan mo ako. After class. Wala daw prof namin mamaya sa last period kaya baka sabay ang dismissal natin.

Ako:

Sige.

Soren:

Kita na lang tayo sa building nila. Alam mo ba saan ang klase niya mamaya?

Ba't ko naman malalaman?

Ako:

Hindi, e.

Soren:

Sige. Basta antayin natin sa building nila. Kita na lang tayo mamaya after class.

True enough, pagkatapos ng klase namin, hindi ako nag-alinlangang pumunta sa building nina Alonzo. I was on the first floor, near the bulletin boards, trying to text Soren. Dahil katatapos lang ng huling klase ko, medyo maingay ang corridor dahil sa abalang mga college students na papunta sa susunod na klase nila.

"Sancha!" Ate Steffi went to me.

Naabutan nila akong nagti-text doon kasama ang kanyang mga kaibigan. Binaba ko ang cellphone ko pagkatapos ma send ang text kay Soren.

"Nandito ka! Sinong hinihintay mo?"

"Uh... Si Soren, Ate. Uh..."

Kumunot ang noo niya at napabaling sa mga kaibigan sa likod. "Soren? College building 'to. Nagkamali ka yata at Senior High pa si Soren."

"Uh, I mean... magkikita kami ni Soren dito. May sadya kasi kami kay Alonzo."

"Oh! Really?" she then looked at her friends.

Maganda si Steffi. Matalik na kaibigan ni Ate Camila at madalas silang parehong hinahangaan dahil sa pananamit at kagandahan. Even Margaux thinks she's hot and cool.

"Talaga? Si Lonzo?" Alam na alam ko agad ang kahulugan ng ngisi niya at ng mga kaibigan niya. Umiling agad ako para mapatunayan na kung ano man ang iniisip nila, nagkakamali sila. "Talaga bang si Soren ang hinihintay mo? O si Alonzo lang?"

"S-Si Soren po talaga," sambit ko sabay sulyap sa cellphone na may message ni Soren. "Nagtext nga-"

"Don't worry, Sancha. We won't judge you if you like Alonzo."

My face heated.

"Hindi ko alam na agresibo ka pala kapag may gusto ka sa isang lalaki. Ikaw talaga ang bumibisita!" si Ate Steffi sabay tawanan ng mga kaibigan niya.

Napadaan si Tristan doon at nakiusisa na. "Ano? Si Sancha, may gusto kay Alonzo?"

"H-Huh? Wala akong gusto kay Alonzo. Hindi 'yan totoo! Talagang nandito lang ako dahil naghihintay ako kay Soren. May sadya kami kay Alonzo!"

"I think I heard that wrong. Alonzo likes Sancha, not the other way around," Levi del Real defended me out of nowhere.

"No, Luis Javier. Nandito siya kasi-"

"Wala akong gusto kay Alonzo!" I said, almost shaking with fear and frustration.

"Sancha!" isang pamilyar na boses ang nagpatahimik sa lahat.

Naestatwa ako nang nakita si Alonzo, kabababa lang galing sa pangalawang palapag ng building. His brows were furrowed as he looked at the crowd in front of me. Mabilis na nagsialisan ang mga babae. Sa ibang direksiyon pumunta at sina Levi ay dumiretso kay Alonzo, tinapik ang balikat. Tristan greeted Alonzo but he immediately went to the Kiosk with his friends.

Mabilis kong binasa ang message ni Soren habang palapit si Alonzo sa akin.

Soren:

May substitute teacher kami! Sorry, Sancha. Puwede bang ikaw na lang ang kumausap kay Alonzo? Pakiusapan mo, please.

Great!

"Ba't ka nandito?" si Alonzo nang nakalapit na.

May iilang sumusulyap at nagtatagal ang tingin sa amin. Marami ang biglaang nag-uusap usap. Doon ko natanto kung gaano ka kalat ang tsismis na iyon sa buong eskuwelahan.

"Uh..."

"Go Alonzo! Yiee!"

Uminit ang pisngi ko. I bowed my head a bit, feeling so embarrassed at the teases from college students.

He sighed. "Halika dito..."

"Lonzo! Next period na! Halika na!" I heard a call from his classmate.

Sumulyap ako at nakitang iyong matalik na kaibigan niya iyon. The girl looked so concerned. Sumulyap din sa akin pero muling tinawag si Alonzo.

"Mauna na kayo. Susunod na lang ako." Bumaling si Alonzo sa akin. "Sumunod ka sakin."

Tumango ako, hindi siya tinitingnan.

Sumunod nga ako sa kanya. Lumabas kami ng building at pumili siya ng Kiosk na walang tao. I can hear the chattering from the first few Kiosk.

"Lonzo! Aba? May pag-asa na ba?" Nagtawanan ang mga estudyante.

He ignored them and continued walking. Sumunod naman ako. Nang tumigil siya, tumigil din ako.

"Sorry about that. Anong sadya mo?"

"Uh... tungkol sa training ni Soren."

Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya. Kung alam ko lang na hindi makakarating si Soren ngayon, sana t-in-ext ko na lang si Alonzo! Nakakahiya na inasar pa kami ng mga college students! At ngayon, nandito siya sa harapan ko!

"O-Okay lang daw ba kung ipagpatuloy. Kahit sa free time mo na lang. G-Gusto niya pang matuto."

"Natuto na siya. Nag-improve na ang laro niya. Iyon lang ang kailangan."

"S-Sa... defense daw at shooting."

"Kaya niya na 'yon. Hindi na kailangang magtraining. Matututo na siya kapag lagi siyang naglalaro."

My lips parted and I realized he's made up his mind about this. It's silly of me to think that I could do something about it.

"Inutusan ka niyang pumunta roon at kausapin ako?"

Umiling ako. "Nagkasundo kami na magkita roon. Kaso... may klase pa pala siya kaya... ako lang."

Bahagyang nagdilim ang tingin niya. Suminghap ako at tumango na.

"So... you won't agree anymore?" I asked.

His lips protruded a bit. He shifted his weight and remained calm as he looked at me.

"Hindi ka na papayag sa training?" marahan kong sinabi.

He swallowed hard. Muling nagkasalubong ang kilay niya.

"Alonzo! Halika na!" his classmate called from the entrance to their building.

Narinig ko ang saway ng nasa kiosk.

"Almira, tigil tigilan mo na 'yan! Kita mong dumidiskarte!"

"Mga baliw!" the girl said to them.

Alonzo stepped on the side, blocking my view of his classmates. Inangat kong muli ang tingin sa kanyang mukha.

"Tawag ka na. Ako na ang bahala sa... pag eexplain kay Soren."

He sighed. "Puwede ako pero hindi na linggo linggo. Busy ako... sa duty," napapaos niyang sinabi.

Napakurap-kurap ako. "Kung busy ka sa school, at tingin mo kaya na ni Soren, sabihin ko na lang sa kanya na... makipaglaro siya sa iba para matuto?"

Umiling siya. "Hindi na. Ipagpapatuloy ko na ang training niya. Hindi lang linggo-linggo. Ako na ang kakausap sa kanya para sa schedule. At kung kailan ako puwede."

I twisted my lips. That's why he was texting him, hindi na pinapadaan sa akin. Naisip ko tuloy kung ayos lang ba na nandoon ako tuwing may practice sila.

"Paano kung isasama niya ako? Okay lang ba na nandoon ako?"

"If you have nothing else to do, then it's up to you, Sancha."

Dahan-dahan akong tumango. "Okay. Thank you."

"You're welcome," he said softly.

Nagkatinginan kaming dalawa. Kung hindi ko lang muling narinig ang tawag sa kanya ng kaklase niya, hindi na ako nagising.

"Tawag ka na," ulit ko.

Tumango siya. "Uuwi ka na?"

"Uh. Oo."

Tumango rin siya. Tumikhim ako at nagpasyang umalis na kaysa maghintay na umalis siya.

"Mauna na ako."

"S-Sige. Ingat ka."

"T-Thank you..." sabi ko at nagmamadali nang umalis sa harapan niya.

Pagkaraan ng ilang segundo, habang naglalakad ako, nilingon ko siya. I saw him shaking his head a bit before finally turning towards their building.

Tuwang-tuwa si Soren nang ibinalita ko sa kanya iyon. Hindi na inalintana na hindi makakadalo si Alonzo linggo-linggo. Ang importante sa kanya, patuloy ang training nila.

We had a wonderful December. Sa Summer na ang kasal ni Ate Peppa kaya mas naging abala rin sa preparation. It will be a grand wedding and it will be held in Cebu. Doon kasi nakatira ang mayaman niyang fiancee. Luluwas kami ilang linggo sa summer para roon at madalas din kami sa ilang weekend para mapaghandaan.

"Gusto ko sanang magpakasal talaga dito sa azucarera! Pero ayos na rin sa Cebu..." si Ate Peppa. "Ikaw na lang, Sancha! Dito ka magpakasal!"

Tumawa si Kuya Manolo. "Ako... dito ako magpapakasal! Wala munang Sancha na ikakasal!"

Ngumisi ako sa pang-aasar ni Kuya Manolo sa akin.

"Hay naku! Kayo talaga. Paloma, may handaan naman tayo rito pagkatapos ng kasal ninyo para sa mga trabahante. Kung gusto mo, magkaroon din tayo ng kasal dito, tulad sa gagawin n'yo sa Cebu."

"Oo nga. Sinabi ko rin po sa kanya 'yan," si Kuya Ramon, ang fiancee ni Ate Peppa.

It was our usual Sunday brunch but my mind is already flying later. It's been a while. Simula noong Christmas break, at dalawang linggo pagkatapos ng bagong taon, ngayon pa lang ulit magti-training si Soren.

But then I realized, his training was like the usual one. Abala si Alonzo sa pagtutok sa kanya sa ilang routines at halos hindi nauupo sa bench.

Sinulyapan ko ang dalawang litro ng mineral water malapit sa mga gamit ni Alonzo. Ganoon din last November, sa huling training nila. Dalawa rin ang dala niya noon. Pero gaya ngayon, hindi niya in-offer. Not that I will take it but I kinda thought he would try again... but he didn't. It's okay, though.

Nagdaan pa ang ilang linggo bago ulit nagkaroon ng training. The February Fourteen of that year was on a Sunday and Soren was lamenting because Alonzo refused a session.

"Ako, okay lang sa akin kasi kasama ka naman sa training! Kaya okay pa rin ang Valentines ko! Si Coach baka may date kaya iintindihin ko na lang!" si Soren nang sinabi sa akin na liliban daw sa araw na iyon.

March came and each session was more difficult than usual. Dahil sa mga huling training na iyon, nag one-on-one si Alonzo at Soren. Kitang-kita sa laro ng dalawa kung gaano kalayo ang agwat ni Soren kay Alonzo. Hindi lang sa height, pati na rin sa stamina at strategy. Alonzo looked so natural playing ball while Soren is just busy catching his breath.

"Grabe! I'm so exhausted. Naubos mo ang bigay kong chocolates?" si Soren nang nakitang lumalabas kami ng gym na wala na akong dala.

May maliit na bag ako pero sa laki ng chocolate bar na bigay niya kanina, hindi 'yon kasya roon. Isa pa, hindi ako kumain kaya hindi ko iyon naubos.

"Naiwan ko! T-Teka... balikan ko lang!" sabi ko ng walang pag-aalinlangan.

Sa halos buong taon naming training, hindi kailanman nauna si Alonzo na umuwi. Akala ko dahil nagbibihis pa siya bago umalis kaya natatagalan kumpara kay Soren. Nang bumalik ako sa gym, doon ko nalaman.

Bumagal ang lakad ko nang nakita ko siyang isa-isang pinulot ang hurdles. May cones pa at nagkalat din ang iilang mga bola. He saw me marching towards the bench. Bahagya siyang tumigil.

"Uh, naiwan ko ang chocolate," paliwanag ko.

He smiled and nodded but he continued picking the next hurdles.

Hindi ko kailanman naisip na sa loob ng halos isang taon, ganito ang ginagawa niya kaya siya nahuhuli sa amin. I felt so bad. I feel like we should help. It should be part of the training.

Imbes na kunin ang chocolate, pinulot ko ang isang bolang malapit sa bench at agad na nilagay sa lalagyanan.

"Ako na, Sancha," aniya nang nakita iyon.

Like I didn't hear him, lumapit ako sa mga cones at kinuha na isa-isa iyon. Nilapitan niya ako at kinuha ang hawak ko.

"Ako na."

"D-Dapat kasali ito sa training ni Soren."

Namungay ang mga mata niya at muling ngumiti. "Parte 'to ng trabaho ko. Ayos lang. Ako na ang bahala."

Hinayaan ko siyang kunin ang dala kong cone. Pinulot niya ang mga sumunod pero pilit ko ring pinulot ang iba.

He stopped. Nilagay ko ang takas na buhok sa likod ng aking tainga. Napansin ko ang tingin niya kaya napabaling ako sa kanya. He cleared his throat and looked away. Kinuha niya ang iilan pang natitirang cones bago dumiretso sa akin para kunin ang nasa kamay ko.

"Thank you," he said.

"Thank you din... sa pagpapatuloy sa training," sabi ko dahil matagal nang gumulo sa isipan ko iyon.

He parted his lips, as if he wanted to say something... but he shut it and just nodded.

"Patapos na," puna ko. "Ang laki ng inimprove ni Soren. Kaya... salamat."

"It was his effort."

"And yours. Pinilit kita kahit na sinabi mong busy ka na sa... duty. Salamat sa hindi pagtanggi."

My heart pounded so hard. I can't believe we're in this conversation!

Nagtaas siya ng kilay at pinulot ang isang bola sa malapit bago nilagay sa lalagyanan ang lahat ng dala. Sinuyod ko ang court at nakitang malinis na iyon.

"Hindi ako tatanggi sa'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #jonaxx