Kabanata 7
Kabanata 7
No
Hindi na natapos ang usapan ng mga kaibigan ni Alonzo tungkol sa magiging celebration nila mamaya. Tumatawa lang si Alonzo at nakikisabay sa kanila. Minsan ay iniistorbo pa siya kahit na may kausap na teachers.
"Ano? May celebration ba?" si Margaux, tanong sa mga kaibigan naming kasama sa team.
Tumawa sila at nag-usap saglit. Pagkatapos ng isang text kay Julius, nagdeklara na siya.
"Sa amin! Mamaya!"
Napakurap-kurap ako.
"Hindi ba isang celebration ang inyo kina Lonzo?" si Ella kay Julius.
Tumawa si Julius. "Next time pa ang celebration namin as a team. Outing kami. Ngayon, sa bahay muna tayo. Tuwang tuwa si Daddy sa pagkapanalo, e! Teka lang at iimbitahan ko si Coach!"
Naroon na si Soren kay Alonzo, kausap at binabati. Nang nakalapit si Julius ay sumulyap si Alonzo sa kanyang mga kaibigan at tinapik niya ang balikat ni Julius.
It's not like I can go, anyway. I'm known to have strict siblings. Tuwing may party, alas sais o alas siyete ang curfew ko. Kapag inabot ng alas siyete, si Kuya Manolo na talaga ang susundo sa akin. Pakiramdam niya, sumusobra na ako kung alas siyete nasa labas pa. So I expect I can't come tonight. Even if I ask permission from my parents, my brother and sister doesn't need permission to drag me out of any party for my curfew.
"Hindi yata pupunta. May party kasi sa kanila, e," balita ni Julius pagbalik.
"Tara!" tuwang-tuwa na yaya ni Soren.
Nilingon agad ako ni Margaux. Alam kong alam niya na mahihirapan ako.
"Kahit for dinner lang, Sancha," si Julius na alam din ang curfew ko. "Hindi ba, alas siyete ka naman?"
Ngumiti ako. "Sige, subukan ko. Magpapaalam lang ako."
"Oo nga. Papayag 'yan! Alas siyete, maaga pa nga 'yan, e!" si Soren.
I excused myself to call my parents. Maluwang sila sa akin kaya hindi ako nahirapang magpaalam. Pero nang narinig ko ang tugon ni Dad na si Kuya Manolo ang susundo sa akin, alam ko na ang ibig sabihin noon.
Kahit na gusto nila akong pagbigyan sa gusto ko, may halong takot pa rin sila para sa akin. They both leave the discipline to my ruthless brother.
"Payag naman daw pero 'yon nga... may curfew ako," sabi ko.
Napansin kong paalis na sina Alonzo at mga kaibigan niya. Levi del Real was in their crowd pero nanatili sa gym at ang mga lowerclassmen na ang kausap.
"Maaga naman maghahanda sa bahay kaya ayos lang 'yan!" si Julius.
Alas singko pa raw ay magsisimula na ang salu-salo sa mansiyon nina Julius. Kaya naman papunta na kami roon. Si Ella ay sa sasakyan ni Margaux sumabay at mag-isa naman ako sa akin.
Napaangat ako ng tingin nang nakitang dadaan kami sa isang major road sa Altagracia. Alam ko rin kasi na ang bahay ng mga Salvaterra ay naroon sa street na iyon.
Their manor is a large and spanish-style old house. Malawak ang frontyard na nalalatagan ng mayamang damo at napaliligiran ng mga halaman. Hindi pa ako nakakapasok sa bahay nila pero galing sa labas, makikita mong malawak din ang backyard ng bahay. It is one of the largest lot that sits on the major road of this town. Pangalawa lang ang noong bahay din na naging grocery store na sa corner ng kabilang street.
Ang alam ko, matagal nang taga rito ang mga Salvaterra. Narinig ko nga noon na may lupain sila sa labas ng Altagracia na naging parte na rin yata ng azuarera namin. Kinailangan ng pera ng mga ninuno niya at hindi na makakaya ang pagpapatayo ng sarili kaya sa huli'y ibinenta na. Now their only property is that large old house on that major highway.
Nilingon ko ang bahay nilan nang dumaan kami at doon nakita ko nga ng mabilisan ang mga kaibigan niyang nag-aayos pa ng mga upuan sa frontyard nila. I saw him, too, laughing with his friends as he helped them do that.
Mabilis lang ang pagkakakita ko dahil mabilis din naman ang patakbo ng SUV namin. Sa huli, tahimik akong lumabas nang dumating na sa mansiyon nina Julius.
Base sa nakita ko kanina, hindi gaya sa batch namin at sa mga nauna pa, hindi nagkakaisa ang mga batch nina Alonzo. They didn't have the rich students of their batch for their party tonight. Ang mga kaibigan din ni Alonzo ay purong mga ka-estado niya. Not that it matters but I noticed how, although, he seems to be friends with the rich boy-classmates, they don't include him to their fancy events. Ganoon din sa kanilang event, hindi imbitado ang mga mayayaman sa batch nila.
I concluded it immediately when I saw Tristan on Julius' party. Tristan is one of the richest guy on Alonzo's batch. Classmates nga sila noong senior high at magkasama rin sa basketball noon, magkaibigan, pero hindi siya kay Alonzo pumunta na party. Kay Julius. Dumating din ang iilang babaeng mayaman sa parehong batch at mas lalo kong napansin kung gaano sila ka divided, based on their social status. I suddenly remember Kuya Manolo and Ate Peppa. Maybe it's that way for the older batches, huh?
"Ganda ng suot ni Ate Steffi!" si Margaux.
Nakaupo na kami sa isa sa mga hinandang lamesa sa backyard nina Julius. Sina Soren ay abala sa pakikipag-usap sa team na nasa kabilang lamesa. Napatingin ako sa tinukoy ni Margaux, one of the richest girls on Alonzo's batch, too.
"Oo nga!" puri ko.
She's wearing a cute cropped terno dress. Nagpapakita ng belly button at ang palamuti roon. She's a jolly girl and I remember her admiring Ate Peppa back when I was in grade school. Hanggang ngayon naman yata.
She walked in and greeted everyone. Pati ang team na ginanahan agad. Ang sexy kasi kaya kahit ilang taon ang agwat, usap-usapan pa rin sa mga boys ng batch namin.
"Na miss ko tuloy bigla mag shopping. Saan kaya 'yan? Makapamili nga."
"Oo nga, ganda ng damit niya," Ella seconded.
"Saan ka ba namimili, Ella?"
"Uh... d-diyan lang sa... La Carlota."
"Huh? Anong mabibili mo sa La Carlota?" medyo gulantang na tanong ni Margaux. "Pang supplies lang 'yong mga nabibili roon."
Naputol ang usapan nang tumili ang isa sa mga bisita at tumakbo patungo sa amin. Imbitado rin pala si Camila. Bata pa ako, bumibisita siya sa classroom ko at dahil pareho ang pangalan ko sa pangalan niya, nahilig siya sa akin.
I smiled and let her hug me.
"I missed you! Akala ko sa kasal ni Ate Peppa lang kita makikita, Crisanta!" si Camila na tinawag pa ako sa tunay kong pangalan.
Dahil sa kaunting tili ni Camila kanina, napalingon sina Steffi sa amin at tiningnan lang ang lamesa.
"Buti pinayagan ka?" she asked, knowing my curfew.
"Oo nga, e. Pero may curfew!"
"Ang ganda ganda mo talaga! Buti nagkita tayo rito!" she said. "Ay naku! Huwag kang mag college sa Silliman! Sobrang hirap at busy!"
Bago pa niya madugtungan ang sinabi, may tumawag na sa kanya sa grupo nina Steffi kaya mabilis ding nagpaalam sa akin.
So we remained on our seats. Kalaunan, ilang kaklase at kaibigan na rin ang pumuno sa mga upuang malapit sa amin. Saktong palubog ang araw nang naiserve ang pagkain.
"Try natin ang beer!" yaya ni Margaux sa isang mapaglarong boses.
"H-Hindi ba bawal pa 'yon sa atin?" si Ella.
"Oo nga, Margaux," sabi ko.
My phone rang. Agad kong kinuha iyon at napapikit ng nang nakita ang numero ni Kuya Manolo roon. And it's only 5:55pm!
"Hello?"
"Nandito na ako."
"Saan po?"
"Kina Julius."
I can hear the hazzard tone on his background.
"It's still 5:55, Kuya."
"Good. Then you have five minutes to say goodbye to your friends."
"Kuya, are you serious? Bumaba ka muna rito at kumain. Mamaya na tayong seven umuwi."
"I have a dinner appointment later so I can't eat and waste time."
Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang naghihintay na mga kaibigan.
"Kuya..."
"Please, Sancha. Pinagbigyan ka na ni Dad, huwag mo nang suwayin at baka higpitan ka lalo," his tone was marked with finality.
"Okay," marahan kong sinabi bago binaba ang phone.
Wala nga akong nagawa. Nagpaalam na ako kina Margaux, Ella, Julius, at Soren. Soren was disappointed but he was busy talking to his friends who won. Gusto niya nga akong ihatid pero tinanggihan ko dahil si Kuya Manolo pa naman ang naghihintay. Baka sermon ang abutin ko kapag nakita si Soren.
"Six O one," si Kuya na masyadong mahigpit.
Umirap ako at inayos na ang seatbelts.
He chuckled at my reaction. "Nanalo sina Julius?"
"Yeah."
"Huwag ka nang magsungit. Kung wala lang akong gagawin mamaya, bababa naman ako at makikikain doon."
"Ba't 'di mo na lang ako sunduin pagkatapos ng appointment mo? Para humaba ang time ko with friends?"
"Gaano kahaba 'yon? I'm not sure anong oras ako matatapos at hindi ako papayag na abutin ka ng alas otso kaya mas mabuting umuwi ka na ngayon."
Sunod-sunod ang sinabi niya habang umandar palabas ang SUV. He glanced twice on the side of the road and I stiffened on my seat. Bumosina si Kuya nang pareho naming nakita si Alonzo, sa kanyang motor at papasok sa mansiyon nina Julius.
Alonzo stopped and nodded. Binaba ni Kuya ang salamin sa side niya at diniretso ko ang tingin ko sa kalsada, hindi alam kung bakit ayaw na tingnan ng diretso si Alonzo.
"Congrats, Lonzo! Narinig ko nanalo raw kayo."
"Salamat, Sir! May kaunti ngang salo-salo sa bahay ngayon. Pumunta lang ako rito dahil inimbita rin ni Julius. Baka may oras kayo..."
Tumawa si Kuya. "May lakad ako, e. Ikumusta mo na lang ako sa parents mo. Congrats na rin sa team n'yo."
"Salamat po!"
"Enjoy kayo. Alis na kami."
Binalik na ni Kuya ang salamin at dire-diretso na ang paharurot patungo sa amin.
Tahimik ako buong biyahe. Kuya Manolo talks and asks things every now and then. Buti at hindi na siya nang-usisa sa kahit ano kaya nang nakarating na sa bahay, nakabati sa kay Mommy at Daddy, dumiretso na ako sa kuwarto.
I spent my whole night reflecting about everything. Galing sa laro at sa mga ngiti ni Alonzo sa kanyang mga kaibigan. I tried hard to think about Soren but there's just nothing to think about him. Kahit pa naging mabait siya sa akin sa buong araw na iyon.
Alonzo smiled at his friends. May inuman sa bahay nila na eksklusibo lang para sa mga kaibigan niya. Hindi invited ang mayayaman sa batch nila kahit pa invited naman siya kina Julius.
Looking back, I wonder then if his calls were from his friends and his crazy reactions was because of them. Besides, masayang masaya siya sa mga kaibigan niya at close na close silang lahat.
Nagbuntong-hininga ako at nakita ang message ni Soren sa cellphone ko.
Soren:
Sana nandito ka pa. I miss you. :(
I smiled a bit and typed in.
Ako:
Oo nga, e. Miss you too. Enjoy kayo riyan.
I don't understand why lately I'm so attentive to Alonzo. Hindi naman dapat.
Siguro medyo nakuha niya lang ang atensiyon ko dahil alam ng lahat na may gusto siya sa akin. Lagi kaming inaasar na dalawa. Hindi rin madalas na may nagkakagusto sa akin kaya siguro... pero hindi naman kumpirmado ang nararamdaman niya. Paano kung mali ako? What if I just assumed that it is true. Nakakahiya naman.
Sa sumunod na Linggo, nagpatuloy ang lahat. Pinilit ko ang sarili ko na maging normal ang pakiramdam sa bawat training ni Soren. Pero habang tumatagal yata ng pag eeffort ko na umayos ang tingin ko, parang mas lalong nagiging mahirap.
After their parties, I saw pictures of what happened on the social media accounts of common friends. At may kaunti ring mga kuwento si Ella at Margaux tungkol doon Lunes pagkatapos ng linggong iyon.
"Alam mo, may nararamdaman ako doon sa inasal ni Ate Steffi noong nakita si Alonzo kina Julius, e."
Tumango si Ella. "Oo nga. Pakiramdam ko rin iyon ang dahilan kung bakit saglit lang si Alonzo kina Julius."
"Oo. Uminom lang ng softdrinks tapos nagpaalam na agad. Hindi na kumain."
"May... handaan naman yata sa kanila," singit ko.
"Oo pero may pakiramdam talaga ako na may something si Alonzo sa barkada nina Ate Steffi. Si Ate Camila nga, hindi masyadong pumapansin, e. Ang bait na no'n."
"Hmm. O baka matapobre lang talaga sila?" si Ella.
"Tawang-tawa nga ako noong ang paunang bati ni Levi ay umalis ka na raw Sancha, kaya 'di niya naabutan! Tawang-tawa kami!"
Hindi ako makadugtong sa sinabi ni Margaux.
"Kaya inasar siya na umalis agad dahil wala ka raw. Buti pa 'tong sina Levi, kahit mayayaman, mabait kay Alonzo, kahit paano. Nagkita ba kayo no'n? Saktong alis mo, dumating siya, e."
"Uh... sa labas lang. Nag-usap sila ni Kuya."
Humagalpak si Margaux. "Nasilayan ka naman pala kahit paano."
Umiling ako at hinayaan na ang pang-aasar nila.
Diretso ang tingin ko kay Soren habang nagtitraining na ngayon ng dribble. Naroon na si Alonzo sa tabi niya at binabantayan siyang maigi. Ilang linggo na ang lumipas at mas dumami ang liban dahil sa nagiging hectic niyang schedule. Wala ring schedule noong linggo ng pagkapanalo nila. Lumiban muna si Soren. Umaayos na rin ang laro ni Soren kaya kahit na madalas walang training, ayos lang sa kanya.
"Kita mo 'yon?" si Soren sabay takbo sa akin.
Pinuri siya ni Alonzo dahil dire-diretso niyang natapos ang isang cone routine. Nanatili si Alonzo sa gitna ng court at pinanood niya si Soren papunta sa akin. Tinawanan ko si Soren pero nang akbayan niya ako para sa pagmamayabang ay agaran ang sigaw ni Alonzo.
"Soren, hindi pa tapos!" he called.
"Ay! Yes, coach!" he said and jogged back to where he came from.
May inutos sa kanya si Alonzo. Alonzo glanced at me for a while before looking at Soren's routines.
"Maybe... Soren's right," I whispered, remembering Soren's words some months ago.
Hindi ko namalayan ang mariin na pagkakahawak sa chocolate na bigay ni Soren. When I saw how Alonzo was walking towards me, I started peeling the chocolate's wrapper, para kunwari may iba akong pinagkakaabalahan.
Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong kinuha niya ang pangalawang bote ng mineral water. I remember the very first time we have this training. My heart pounded against my chest and I'm sweating bullets. Bago pa siya nagtanong, umiiling na ako sa kaba.
"Want some water to go with..." he noticed my shaking head. "that?"
"No," I said with a little too much conviction.
Hindi ko na siya nilingon. Hindi na rin siya nagsalita pero kalaunan, iniwan niya ako roon para lumapit na kay Soren.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top