Kabanata 5

Kabanata 5

Water


I was never really attentive to my surroundings ever since. Kapag naglalakad kami ng mga kaibigan ko sa eskuwelahan, kung hindi ako nakikinig lang sa kanila'y nakikitawa naman ako. I was never the person to look elsewhere. Not even to spot Soren anywhere pero sa sumunod na araw, ganoon ang ginawa ko. I'm not sure though if it was for Soren.

Hindi ko inasahan sa sa kiosk malapit sa kinatatayuan ni Alonzo kahapon, matatagpuan ko rin siya kasama ang grupo ng mga kaklase. Lahat sila naka all-white at pare-parehong seryoso sa kung anong pinag-aaralan. May tumatayo at tumitingin sa kanilang mga naka-bondpaper na notes. May iilang nagtuturuan ng kung ano.

Alonzo was in between a boy and a girl. Nakayuko at nagbabasa ng ilang notes. Naabutan ko nga lang siya na bahagyang nag-angat ng tingin sa banda namin bago kunot-noong ibinalik ang tingin sa basahin.

Hindi ko alam kung ganoon ba ako ka inattentive dati dahil ito pa lang ang unang pagkakataong napansin ko siya sa banda riyan. Sure, students sit in kiosk to study but I never really thought he's sometimes there.

"Tapos, ayan na! Excited na ako, s'yempre kasi ang guwapo niya nga..." patuloy ni Margaux habang nag ku-kuwento tungkol sa manliligaw niya. "Pumikit ako tapos naghalikan kami!"

"T-Talaga?!" that caught my attention.

Nga lang, isang tulak sa akin galing sa likod ay napayakap ako kay Margaux. Nagtawanan ang mga lalaki at narinig kong nagmura si Soren sa mga kasama.

"Kayo talaga! Pang-asar kayo lagi!" si Soren. "Sorry, Sancha."

"Mag sorry rin kayo sa akin 'no!" giit ni Margaux dahil nauntog yata ang baba niya sa ulo ko dahil sa nangyari.

"Sorry, Margaux!" si Julius sabay tawa.

Umiling si Margaux at hinawakan ang panga habang bahagya siyang sinusuyo ni Julius.

Nagkamot sa ulo si Soren at ngumiti sa akin. May dala siyang isang malaking Pringles at four seasons na juice. Inilahad niya iyon sa akin.

"Uy! Aba, grabe na 'yan, ah!" puna ni Margaux sabay ngisi.

"S'yempre, para kay Sancha lang."

Ngumiti ako kay Soren at nakinig na sa eksplenasyon niya.

"Ang kulit ng mga kaklase ko ngayon. Iritado tuloy ang teacher kaya ang tagal naming pinag recess!"

As he was talking, my eyes drifted on the kiosk. Napansin ko na may babae na sa likod ni Alonzo. A beautiful girl in her all-white uniform dress leaned behind him. May tinuturo ang babae sa kanyang hand-outs. Tumatango si Alonzo rito habang nakikinig sa kung ano ang sinasabi ng babae.

"Manghang-mangha sa dala ni Soren, ah!" sabay tawa ni Julius sa akin.

Napakurap-kurap ako sabay tingin sa hinahawakan ko. Tumawa si Soren.

"Hayaan mo na sila. Lakas talaga mang-asar satin!"

"Ah. Oo," medyo wala sa sarili kong sinabi.

Tumunog ang bell dahilan ng pagkakapansin namin sa oras. Tapos na ang recess. Nagmura sina Soren at nagreklamo sa bilis noon.

"Tara at ihahatid ko kayo sa classroom n'yo bago kami bumalik!" yaya ni Soren.

I nodded and glanced at the Kiosk.

Muli kong naabutan ang tingin ni Alonzo sa akin. Nasa likod niya pa rin ang babaeng nakita kanina. Mukhang may tinatanong na importante sa kanya. Alonzo immediately tore his eyes off me and continued explaining whatever it was.

"Let's go," si Soren nang nakitang hindi pa ako gumagalaw.

Sumunod ako pero ang huli kong nakita ay pinutol ni Alonzo ang usapan nila ng babae at may sinagot na tawag sa kanyang cellphone.

Tulala ako sa klase habang iniisip ko ang nangyari kanina. May katawagan si Alonzo. Hindi ko kailanman naisip na... pwedeng tumawag. I mean... sure it's a normal thing but I never thought he does that... I don't know why I'm somehow bothered by something so normal.

"Mommy, puwede po ba akong umalis ng Sunday?" tanong ko gabi ng Biyernes.

Dapat ay noon pa ako nagpaalam pero alam ko na naman na papayagan ako kaya walang problema.

"Saan ka pupunta, hija? 'Tsaka... anong oras at magsisimba tayo ng umaga?"

"Hapon pa po, Mom. Siguro mga alas tres pa naman kaya makakapagsimba ako at makakapag brunch pa rin tayo." Ngumiti ako.

Tumango si Mommy.

She's wearing her night gown and even though her hair is now starting to gray, and her skin wrinkling, she still looks regal. I aspire to be as beautiful, simple, and regal as her when I grow up. Mabait din siya at hindi istrikto sa aming magkakapatid.

"Pero saan ka naman, hija? At sino ang kasama mo?"

"Si Soren po," sabi ko.

Mommy blinked calmly and brushed my hair with her fingers.

I decided to tell her honestly. Alam ko naman kasing hindi niya ako pagbabawalan. Ang mga kapatid ko lang ang parehong may ibang opinyon sa mga kaibigan ko.

"He wants to join the basketball varsities next year kaya magpapatrain siya sa coach ng varsity sa senior high, Mom. Si Alonzo."

Tumango si Mommy. "Isama mo si Ate Soling mo, kung ganoon."

Tumango rin ako at ngumiti. "Thank you, Mom."

"Is that boy courting you, hija?" Mommy asked after a long pause.

Napakurap-kurap ako, hindi alam kung alin ang tinutukoy ni Mommy.

"S-Si Soren po?"

"Yes?"

"Uh, no, Mommy. Best friends lang po kami."

She smiled. "Alright."

Naiintindihan ko naman. Kahit na maayos naman ang tingin ni Mommy kay Soren, alam kong nababataan pa siya sa akin para mag boyfriend. I know and anyway Soren isn't courting me so nothing could be possible.

I was chilling on my balcony and watching the stars as I occassionally glance at my phone to put a reply on our group chats and texts when I almost dropped the phone on my face. Paano ba naman kasi!!!

Napabangon ako at pinindot ang biglaang message ni Alonzo.

Alonzo:

Good evening. Gusto ko lang malaman kung tuloy ba tayo sa Linggo?

My phone beeped at the healthy amount of chats from our group chat. All of that, I ignored to type a short reply. Sa iksi noon, inabot pa rin ako ng ilang minuto.

Ako:

Oo. Tuloy naman.

Ni hindi ko pa tinanong si Soren! S'yempre tutuloy 'yon.

Alonzo:

Okay. You can choose not to go so you can rest.

Ako:

Hindi na. Pupunta ako. Nasabi ko na kay Soren at nakapagpaalam na rin ako kay Mommy.

Alonzo:

Alright.

Tumitig ako sa cellphone ko sa huling reply niya. It was a dead end text so why should I reply more?

Binagsak ko ulit ang katawan ko sa duyang hinihigaan at hindi na nakasunod sa usapan ng mga kaibigan.

Sunday came and I woke up earlier than usual. Ginawa namin ng pamilya ko ang madalas na ginagawa sa araw na iyon - nagsimba at sabay na kumain ng brunch sa bahay pagkatapos.

Kinumusta ako ni Ate Peppa at ni Kuya Manolo at pinag-usapan na rin ang lagay ng mga tests ko. Mabuti na lang at niyaya ni Daddy si Kuya at ang fiancee ni Ate Peppa na mag golf sa backyard namin. Samantalang mukhang maaabala naman si Mommy at Ate Peppa dahil bibisita ang wedding organizer ngayong hapon.

I have doubts if i should change in a more sporty attire for this afternoon. I received praises from friends and from Ate Peppa today because of my cute pink checkered dress. Iyon ang dahilan kung bakit baka ipagpapaliban ko ang pagpapalit at iyon na lang ang sinuot ko maghapon.

I immediately regretted it. I mentally noted that I will change the next time. I don't feel fresh at all when I went inside our car with Ate Soling. Kanina ko pa kasi suot ang damit at kahit hindi naman pinagpawisan sa mga ginawa, tingin ko mas mabuti pa rin kung nagpalit ako.

"Ate. Ayos lang ba ang damit ko?" I asked to verify.

Pinasadahan ako ng tingin ni Ate Soling.

"Oo naman, Sancha. Dalagang dalaga ka tingnan."

That did it, though. My doubts faded.

At dahil dapat ay day off 'to ni Ate Soling, hindi ko na siya pinilit na samahan ako ng tuluyan sa loob ng gym. In fact, ibinilin ko na balikan na lang ako mamaya kapag nagtext na ako. Pumayag naman siya at mukhang mas aliw pa sa pakikipagtawagan sa kung kanino sa cellphone.

Lumapit si Soren sa akin nang nakita ako sa labas. Hindi ko inasahan na naroon pa siya gayong may naririnig na akong bagsak ng bola sa loob ng gym. Kung hindi iyon si Soren, ibig sabihin... si Alonzo!

Niyakap ako ng mahigpit ni Soren. Nagulat ako at bahagyang natuwa.

"Thank you for this, Sancha. Sorry na rin sa abala."

"It's nothing, Soren. Wala naman akong ginagawa sa bahay sa ganitong oras kaya buti na rin at may mapaglilibangan ako."

He smiled boyishly. "Thank you."

Sabay kaming pumasok sa gym. For a few moments, I felt a fluttering feeling in my stomach as I walked beside my boy best friend... and my crush.

Yes. I admit that I had always been attracted to him. He looks like those cute boys straight from a teens magazine, modeling as an eye candy for girls. Mabait din siya at caring kahit na magkaibigan lang kami. Iniisip ko pa lang kung paano kapag girlfriend na ako. He'd be extra caring and extra kind, I'd feel like a princess.

"Here is your snacks while you're waiting," si Soren sabay bigay sa akin ng half dozen na donuts at isang Pringles ulit. "If you want sweets or salty food, it's all here."

Humalakhak ako. "You're spoiling me too much. Ni hindi ko pa naubos ang huli mong Pringles na ibinigay!"

His eyes narrowed. The thick brows complimented his fair complexion and his disheveled wavy hair.

"Maybe I should change the menu of next week, huh?"

Inabot niya rin sa akin ang isang litro ng iced tea. Tinanggap ko iyon at nginitian lang siya. Ni hindi ko namalayan na nakapasok na kami sa gym at naroon na nga si Alonzo, nakatingin sa amin.

I stiffened. Nalito ako kung sa bleachers ba uupo o sa bench. Mas kumportable ako sa bleachers pero inilahad ni Soren ang kamay niya.

"Dito ka na! Tayo lang naman, e!" aniya.

"O-Okay," sabay sulyap ko kay Alonzo na ngayon ay tinalikuran kami para subukang mag shoot.

The ball went in the basket. He's wearing a black drifit shirt and a black jersey shorts paired with an old black basketball shoes.

Sa gilid ng bench, ang una kong napansin ay ang dalawang isang litrong mineral water na hindi pa nabubuksan. It's his, right? Dalawa? May iba siyang kasama?

"Dito ka," utos ni Soren sabay turo sa kabilang gilid ng bench.

Nilapag ko ang mga pagkaing ibinigay ni Soren at ang inumin. Bumaling na si Alonzo sa amin at nagtagal ang tingin niya sa akin bago muling tumalikod para subukang mag shoot.

"Good afternoon, coach," panimula ni Soren. "Na-late kami ng konti. Pasensya na."

Tumango si Alonzo at tumigil sa paglalaro para harapin si Soren.

Agad kong napansin ang mga cones at hurdles sa gitna ng court. May iilang bola rin na nagkalat doon. He prepared for this.

"Ayos lang. Kadarating ko lang din."

His eyes drifted on me. Nakita kong bahagya iyong sumuyod sa suot ko bago ibinalik kay Soren ang tingin.

"Nasabi nga ni Leandro sa akin. Wala kasi ako noong try out dahil may duty."

"N-Nasabi ni Leandro?"

"Oo. Ang sinabi niya hindi ka pa raw masyadong mabilis, kaya naisip kong wala masyadong ipinagbago ang laro mo noon."

"Mabilis? Pero magaling naman ako sa shooting."

"Free shooting and not when there's pressure of the game."

Napatingin si Soren sa mga hurdles.

"Ang hinanda kong training sa'yo ay para sa bilis at clutch mo. 'Tsaka na tayo sa shooting dahil mas mapa-practice mo 'yon sa laro na. Mas importante pa rin ang paghawak ng bola at ang stamina," Alonzo said it confidently.

Hindi umangal si Soren. Tumango na lang at isa-isang sinunod ang gusto ni Alonzo.

While Soren is performing the trainings Alonzo has prepared, naupo naman si Alonzo sa bench. Para akong estatwa kahit na malayo naman siya sa akin.

Tumayo siya nang tumigil si Soren at sinigawan si Soren.

"Ipagpatuloy mo! Hindi ka mag iimprove kung hindi mo pipilitin ang sarili mo!"

"But I'm so tired, coach!" si Soren.

I swallowed. Ni hindi ko naisip 'to kanina. Ngayon lang na narinig ang reklamo ni Soren. Kinuha ko ang tuwalya na dala ni Soren kanina at tumayo para sana lapitan si Soren.

Alonzo looked at me and pointed on the bench.

"Diyan ka lang!" utos niya sabay sulyap sa mga pagkain sa gilid ko.

"I... Iaabot ko lang ang tuwalya."

He looked at me with serious eyes. Tumikhim ako at muling naupo sa bench.

"Ayoko na!" reklamo ni Soren sabay tawa.

"Ipagpatuloy mo!" sigaw ni Alonzo na para bang walang pakealam sa pagod ni Soren.

Matagal bago tumayo at tumuloy si Soren. Umiling si Alonzo at hindi na nagsalita habang pinagpatuloy ni Soren ang ginagawa.

Hindi ko napansin na medyo kanina pa pala ako nakatingin sa mga reaksiyon ni Alonzo. He glanced at me and his eyes remained. Hindi agad ako nakaiwas ng tingin kaya nagkatinginan na talaga kami.

My blank expression made it more awkward. Nilingon niya ang pagkain kong dala.

"Buong linggo kang nag juice, ah?"

Bumagsak ang tingin ko sa juice sa gilid ko. Tumayo si Alonzo at muling sinigawan si Soren.

"Ituloy mo! Walang kuwenta 'to kapag lagi kang tumitigil!"

"Wala bang shooting diyan, coach?" sabay tawa ni Soren. "Ang hirap nito!"

Kinuha ni Alonzo ang isang litro ng mineral water. I thought he was going to drink from it pero inilipat niya iyon sa tabi ko.

"Drink your water," aniya at bago pa ako makapagsalita ng kahit ano, bumalik na siya sa kabilang dulo at muling sinigawan si Soren.

Nilingon niya ako. Gulat pa sa inasal niya, hindi pa natatanggal ang tingin ko sa kanya.

"Sa'yo?" tanong ko.

Nilingon niya ang isang litro sa upuan niya.

"Uh, pero..." nilingon ko rin ang mineral water na bigay niya sa akin. "Baka magkulang 'yan?"

"Sobra 'to."

"Ba't ka nagdala ng dalawa kung sobra na pala ang... isa?"

I can almost conclude that he's with someone so he brought two liters. Or... kulang ang isang litro sa kanya?

His lips pursed. Napatingin na ngayon kay Soren, parang ayaw akong sagutin. Hinintay ko nga lang talaga ang sagot. Nang nilingon niya ako at nakitang nakatingin pa rin, nagbuntong hininga siya.

"Dinala ko 'yan para sa'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #jonaxx