Kabanata 40

Kabanata 40

Someday


"Inaamin ko, Sancha. May pagtatampo ako sa pamilya mo noon dahil nangyari pero alam kong may kasalanan si Lonzo. Siguro kung ako rin naman ang pamilya mo, baka nga ganoon din ang gagawin ko sa lalaking gumawa ng masama sa anak." Sumulyap siya kay Alonzo. Gusto kong magsalita pero pinigilan ko ang sarili ko. "Bata ka pa no'n... hindi puwedeng bigyan ng bigat ang mga desisyon mo. At kilala rin kita... kahit na ganoon ang nangyari, alam ko na hindi mo magagawa iyon ng walang nagtulak sa'yo."

"Hindi naman po ako ginawan ng masama ni Alonzo," pag-amin ko sa maliit na boses.

"Hm. Pero maaaring sa mata ng pamilya mo, ganoon ang nangyari. Pero ayos na 'yon ngayon. kung hindi nangyari 'yon, hindi rin naman mararating ni Alonzo ang narating niya ngayon."

"Hindi pa rin po makatarungan na ganoon ang nangyari. Wala naman po siyang kasalanan. Mas matanda lang siya sa akin ng kaunti kaya sa kanya isinisi ang lahat."

"Ayos lang 'yan, Sancha. May pagtatampo ako noon, pero naiintindihan ko rin naman ang ginawa ng pamilya mo. Isa pa kahit bali-baliktarin, dapat pa rin naman talagang umiwas si Alozno sa'yo dahil siya ang mas nakakatanda. Huwag mo nang alalahanin 'yan." She smiled warmly this time. "Nang sinabi sa akin ni Alonzo na kayo na, tuwang-tuwa ako."

Alonzo chuckled a bit. Nagbuntong-hininga si Tito David at inayos na ang upuan para kay Tita Laura.

"Kahit ganoon ang nangyari noon, Sancha. Kilala kita. Palaisipan na sa akin na hindi ka agad nakapag-asawa. Sa bait at ganda mo, nasisiguro ko ang pumipila mong manliligaw at boyfriend mo kaya hindi ko inaaasahan na..." humalakhak si Tita Laura.

"Si Alonzo lang po ang naging boyfriend ko," marahan kong sinabi, bahagyang nagmamalaki. "At... siya lang po kasi ang gusto ko."

Hiyang-hiya ako pero tinatagan ko ang sarili ko. Ramdam ko ang init sa batok ko hanggang sa pisngi ko. Nasisiguro akong pulang-pula ako.

Alonzo chuckled and pulled me closer to him to hug me. Nakakahiya pero mas mabuti na 'yon kaysa sa makita ni Tita Laura at Tito David ang paumula ko.

"Tama na nga 'yan, Laura. Kumain na tayo at lumalamig na ang sabaw."

Tumawa si Tita Laura. "Pasensya na. Hindi ko naman gustong pag-usapan ang nakaraan pero... Upo ka na, Sancha. Lonzo, paupuin mo!" bahagyang pagalit na sinabi ni Tita.

Umupo ako at kinalma ang sarili. I can sense how his parents watched me even when they are already talking about something else.

"Bumisita nga rito kanina. Kaya inaya ko mamayang gabi. Magpapaluto na lang talaga ako sa lahat dahil kahit iyong iihawin, hindi ko magagawa dahil may mga bibilhin pa kami mamaya, Alonzo."

"Ako na po. Wala naman akong gagawin-"

"Naku, huwag na! Nandito si Sancha! 'Tsaka pupunta naman sina aling Rosa rito, sila na ang bahala!"

"Tutulong po ako," agap ko.

Humalakhak si Tita Laura. "Dito ka na rin maghapunan, Sancha. Nagpaalam ka ba kay Sir Crisanto, Lonzo?"

"T-Tatawag na lang po ako," agap ko ulit.

"Lonzo! Hindi ka nagpaalam?!" gulat na sinabi ni Tita Laura.

"Tatawag ako, Mama. Nasabi ko naman po na iimbitahan si Sancha kapag nandito kayo noong Miyerkules."

"Naku, dapat nagsabi ka pa rin kanina!"

"T-Tatawag po ako. Ako naman po ang dapat nagpaalam."

Ngumiti si Tita Laura. "Huwag ka nang tumulong sa pagluluto, Alonzo. Samahan mo si Sancha rito mamaya habang wala kami at minsan ka lang may rest day. O mas mabuting magpaalam kayo na dito maghapunan mamaya. Iimbitahan sana namin sina Crisanto, Sancha, kaso kaunti lang ang handa namin. Baka sa susunod na Sabado, makapaghanda na ng maayos?"

Nag-angat ako ng tingin at natantong wala na rin iyon kay Tita Laura. She even wants to invite my parents here.

"Nasabi nga po nina Mommy na gusto nilang bumisita rito..." I trailed off when I remembered.

"Naku! Nakakahiya naman! Hindi kaya dapat na tayo ang bumisita, Laura, para hindi na sila maabala?" si Tito David naman ngayon.

"Oo nga, 'no?" lumalim ang iniisip ni Tita Laura. "Dapat pala tayo na lang ang pumunta? Magdala na lang ng pagkain?"

I remember how Mommy said she doesn't want to worry them so they will visit them instead. Parehong-pareho.

Nilingon ako ni Alonzo. He smiled at me.

"Pagkatapos nating magtanghalian, umuwi tayo sa inyo saglit para magpaalam ka na rito na magdinner?"

Tumango ako. "Baka gustuhin nina Mommy at Daddy na bumisita?"

"Kami na ang bibisita sa inyo, Sancha."

Huminga ako ng malalim bago tumango ulit at ngumiti.

Naging normal ang tanghalian. Nagkuwentuhan lang tungkol sa mga ginawa ko pagkatapos ng highschool. Sinabi ko na sa Silliman ako nag kolehiyo at na isang successful feasibility study ang itinayo kong negosyo sa Cebu at etong cafe ko rito. Na kapag tuluyan kong naayos ang rito sa Negros, gusto ko sanang mag open sa Bacolod at sa Iloilo rin.

Kinuwento rin nila na pagkaalis sa kompanya, nakapagtrabaho rin naman sila sa Maynila at malaki ang sahod doon. Mahal nga lang ang cost of living kaya parang pare-pareho lang din. Nakabisita na rin pala sila sa Los Angeles sa graduation yata o pagtatapos ng PGI ni Alonzo.

They were so proud of Alonzo. Sino ba naman ang hindi?

"Medyo blessing in disguise na nawala niya ang offer na maging nurse sa ibang bansa. Nasisiguro ko kasing kapag nakapagtrabaho at nasuwelduhan na ito ng medyo malaki-laki, baka nga hindi na ito magdodoktor. Dati pa nitong gustong maging doktor talaga kaso nga gustong magtrabaho ng maaga at kumita rin ng maaga." Umiling si Tita Laura, mukhang hindi pa gusto kung iyon nga ang desisyon ni Alonzo.

Pagkatapos kumain, tumulong kami ni Alonzo sa pagliligpit. Sinaway naman kami agad ni Tita Laura dahil dumating iyong magluluto at ibang taga linis. Sumang-ayon agad si Alonzo na bumisita saglit sa bahay para sabihin na sa kanila kami magdinner.

"Nariyan na si Laura at David?!"

Inaantok kanina si Mommy habang tinatanaw si Daddy na nag-go-golf. May bisita sila pero sa itsura niya ngayon, mukhang paalisin niya ang bisita makabisita lang kina Alonzo.

"Opo," Alonzo said politely.

"Naku, e 'di bibisita kami!"

"Mommy, next time na lang po," sabi ko. "May bisita kayo at baka rin may bisita sila. Medyo abala pa sila kasi kadarating lang."

"Gusto rin ni Mama at Papa na bumisita rito sa inyo. Kung ayos lang sa inyo..."

"S'yempre, ayos lang, Alonzo! Pero nakakahiya naman at kami pa ang mang-aabala."

"Hindi naman abala kina Mama at Papa, Ma'am. Gusto rin naman nilang bumisita rito."

Natigilan si Mommy. Kumunot ang noo niya. "Alonzo, Tita na lang para sa akin at Tito para kay Crisanto. Huwag nang masyadong pormal at boyfriend ka ni Sancha. Matagal na ring magkaibigan ang pamilya natin."

I am not sure why my heart felt so full. Hindi na nagpumilit si Mommy sa pagbisita dahil may bisita nga naman sila ni Daddy. Nang umuwi kami ni Alonzo, ang iilang tagaluto lang ang naroon dahil may binili at mga binisita raw si Tita Laura at Tito David.

Nasa sala kaming dalawa, nakaupo at binabalikan ang nangyari. Naiisip ko pa ang inamin ko sa harap ni Tita Laura kanina at hindi ko maiwasang pamulahan tuwing naaalala iyon. Alonzo only chuckled and assured me that it's alright.

"There are times when I want to hear... what you wanted to say before, Sancha. At iyong sinabi mo kanina, pakiramdam ko... ayos na 'yon."

"What I wanted to say before?" pagtataka ko.

Tumango siya. "Kung hinayaan kitang magtapat noon, ano kaya ang mga sinabi mo."

Ngumuso ako at naisip na pinigilan niya nga pala ako at siya na ang nagtapat. He actually saved me from the embarrassment.

Hawak niya pa rin ang kamay ko ngayon. Nakapatong sa isang throwpillow ang mga kamay namin. His right arm is wrapped around me and his fingers are playing with mine.

"Na... medyo hindi ko gusto noong nalaman ko na may crush ka sa akin. It was awkward and I didn't like you more because you were bold. But it was your boldness and kindness that made me like you eventually..."

Hindi ko kayang magpatuloy. Pakiramdam ko sasabog ako sa hiya lalo na dahil nakatingin siya sa akin.

"Hindi ko rin naman gusto na malaman mo 'yon, Sancha. Kumalat lang talaga pero kung iyan ang nararamdaman mo, then I should be thankful that it spread. Maybe you would never take a look at me if you didn't know that I like you."

Naisip ko tuloy na tama siya. Hindi ko nga siya napapansin noon. 'Tsaka lang naman siya nagkaroon ng bigat sa akin dahil alam kong may gusto siya sa akin, e. Kung hindi ko nalaman iyon, napansin ko kaya siya?

"You think you'd turn your head to me if you didn't know I like you?"

Nagkibit ako ng balikat dahil talagang hindi ako sigurado.

"May pakiramdam akong hindi. Pero magpapapansin naman ako, Sancha."

Sumulyap ako sa kanya, naalala ang ilang pagkakataong lumalapit siya sa amin ni Ate Soling sa gitna ng trabaho niya kapag nasa azucarera ako.

"Gusto kitang ligawan sa tamang panahon pero alam ko rin naman na kung gusto kong umangat, kailangan kong magtrabaho ng maaga. At hindi ako aabot sa tamang panahon para sa'yo, kaya wala talagang pag-asa. Noong iniisip ko iyon. If the rumors didn't spread, I'd probably disappear in your memory through the years. Baka pa... nakapag-asawa ka na ng iba... at nagmahal nga ng iba."

Kinagat ko ang labi ko, bahagyang nagpapasalamat sa lahat ng nangyari. Kung hindi ko nga nalaman na gusto niya ako, ewan ko kung mapapansin o magugustuhan ko ba siya. At ano pa kaya ang nangyari kung natuloy siya sa ibang bansa at nag nurse? Baka pa nanirahan siya roon at nakapag-asawa na rin ng iba?

"Then we should thank every thing we experienced. Baka rin nag-asawa ka ng iba kung natuloy ka... roon sa pag nu-nurse sa ibang bansa?" nahihiya kong sinabi. Now I'm being selfish.

"Hmm. I was hoping you'd be my girlfriend before I leave. Pero baka rin hindi mo kakayanin magkaroon ng boyfriend na nasa malayo. Kaya tama ka, whatever happened in the past, they all contributed to this moment... one way or another."

Nagtagal ang tingin ko sa kanya at unti-unting naalala ang lihim na bumagabag sa akin simula noong bumisita siya sa bahay.

"Kailan nga pala ang presentation mo sa research mo? At ilang linggo ka sa Maynila?"

"Maybe in four or six months? Depende pa kung kailan ko matatapos. At baka isang buwan, Sancha. O dalawa. Pero uuwi naman ako rito kapag nagkaroon ng rest days."

Ngumuso ako at naisip na puwede rin naman akong pumunta sa Manila. Tutal ay puwede ko ring imonitor ang negosyo ko online. Kumpara sa umuwi siya rito sa ilang araw lang na rest days. Imbes na magpahinga siya, bumabiyahe pa.

"Ako na lang kaya ang pumunta ng Manila? Puwede naman akong magtrabaho online. Isa pa, puwede rin akong maghanap ng lugar doon, kung gugustuhin kong magtayo ng negosyo roon."

"Hmm. Ikaw? Do you need that?"

I smiled and nodded.

"Do you have a condo in Manila?"

Umiling ako. "Maghohotel ako?"

His eyes narrowed. "Ilang araw ka? Gagastos ka lang."

"Kung ilang araw ka roon. Sabi mo two months. Kaya two months!" I have an idea. "May condo siguro sina Dad o si Kuya. Puwedeng doon ako. Gusto mo... roon ka rin?"

Humalakhak siya. "May condo rin naman ako sa Manila, Sancha. Kaya ayos lang ako."

Napakurap-kurap ako.

"May condo ka naman pala! E 'di... sa'yo ako titira?"

Nagkatinginan kami. Natahimik siya at tumigil ang paglalaro niya sa aking mga daliri. I grinned when I realized that there's no reason for me to wait for him here. I can live with him in his condo!

"Maliit ang condo ko sa Manila, Sancha," aniya.

"Ano ngayon?"

Nangingiti siya pero pilit niyang kinunot ang noo at natatawang umiling.

"Hindi magandang tumira ka sa condo ko. Ayaw kong kung ano ang isipin ng pamilya mo."

My face heated again when I realized he's right. They might think... we're... and it's weird... He's my boyfriend so what else will we do when he's free at night? Kahit pa two bedroom man ang condo niya, kahit sino alam na ang iisipin.

Yumuko ako, nahiya at medyo nalungkot.

"Are you okay?" agad niyang hinanap ang tingin ko.

Ako naman ngayon ang naglaro sa kanyang daliri.

"Gusto kong sumama. Ilang taon tayong hindi nagkita. Dapat nga boyfriend na kita noong naghiwalay tayo. Tapos... mahaba ang two months, Alonzo."

"Uuwi naman ako lagi."

Hindi ako nagsalita. He sighed heavily.

"Do you really want to be with me in Manila?"

"Between us, I have a more flexible schedule. I don't want you to adjust your schedule for me when I know I can. Ayos lang din naman... na sa condo ako ni Kuya tumira pero... traffic doon at... sayang ang oras... at..." naghanap pa ako ng puwedeng excuse pero sa huli, isa lang ang totoo. "Gusto ko sa condo mo tumira."

Nagkatinginan kami. Seryoso siya at seryoso rin ako.

"Puwede naman, Sancha."

Malungkot akong umiling. "Ayaw ko rin namang magbago ang tingin ng mga magulang natin sa relasyon nating dalawa."

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Sancha, you know I'm already very sure about you. Are you sure about me?"

Nagtaas ako ng kilay. "What do you mean?" medyo may kalungkutan sa tono.

"I'm determined to compromise when there's a problem, and understand you in everything... I want us together in the future. I'm sure of that. Are you sure about me that way?"

"Oo. That's why I'm already trying to compromise right now. 'Tsaka... hindi na ako magmamahal ng iba, Alonzo."

Ngumiti siya at bahagyang hinaplos ang takas na buhok ko at inipit sa aking tainga. "Sigurado ka ba?"

Tumango ako.

"Then if you're sure... and you want to be with me when I have my presentation in Manila... and probably anywhere I go for the next months and years... and if you're ready... then, will you marry me?"

Matagal bago ko naproseso ang sinabi niya. Napaangat ako ng tingin sa kanya. My jaw dropped. I didn't expect that line to be said so casually. Marahan niyang hinaplos ang aking daliri kung saan dapat ang singsing.

"I want this and I always thought I'd make it special for you. Not like this, without a ring and in an old house. Pero..."

I saw his adam's apple move, marking his hard swallow before he uttered the next words...

"Papakasalan na kita, Sancha. Kung papayag ka, magpakasal na tayong dalawa."

Manghang-mangha sa naririnig galing sa kanya, hindi ako nakapagsalita. I'm so sure of him, too. I love him and I'd marry him, too!

"I'm not deciding this out of happiness. I thought about this a bit. Sa bawat pag-iisip ko, sigurado ako na ikaw ang gusto kong pakasalan. Pag-isipan mo rin sana 'to, Sancha. We can get married a few months from now, before my presentation."

Hindi pa rin ako makapagsalita. He looked away a bit.

"If you want to be girlfriend and boyfriend, but you're sure of me, we can get married... at sa susunod na ang pag-aanak. Tutal bago pa naman tayo at mas mabuting... ganoon muna. Kung gusto mo lang..." napapaos niyang sinabi.

Yumuko ako, biglang na excite sa sinabi niya! Of course I want it! I can't imagine marrying someone else!

"Sorry, I don't have a ring yet. I didn't really prepare for this but I'm sure... I'm marrying you. If... you want it, too."

"G-Gusto ko ring magpakasal na sa'yo," sabi ko.

"Hindi naman kita minamadali. Mas mabuting isipin mo na rin muna talaga dahil seryoso ito. Pero sinasabi ko lang na sigurado ako sa'yo at ikaw ang pakakasalan ko."

"Gusto ko na ring magpakasal sa'yo!"

Hindi siya nagsalita. Umawang ang labi at nanatili ang titig sa akin.

"I like only you, Alonzo. All this time. I liked Soren then but it was nothing compared to how I feel about you," nangilid ang luha ko. "Mahal kita. Ilang taon kitang hindi nakita, mahal pa rin kita. Kaya sigurado akong ikaw ang gusto kong pakasalan. Isipin ko man 'to ng paulit-ulit."

Slowly, a smile crept on his lips and a slow velvetty kiss was placed on my lips. Marahang hinabol ang hininga dahil sa sikip ng dibdib, kasiyahan, at tamis ng halik, inawang ko ang labi ko nang tumigil siya.

I closed my eyes and felt his lips again. This time, I felt him opening my mouth and kissing me intensely. Uminit ang batok at pisngi ko, pinanghinaan bigla at hindi na inalintana na nasa sala talaga kami ng bahay nila. Kami lang dalawa pero hindi man lang ako natakot na may biglang dumungaw o pumasok sa pintuan.

"Gusto kong ma experience na girlfriend kita pero hindi na rin naman ako makapaghintay na mapangasawa ka, Sancha. Kaya seryoso ako na gusto na kitang pakasalan. If you'd make up your mind, I'll tell our parents. At sa pagbisita namin sa inyo, mamamanhikan na ako."

Tumango ako, nanghihina pa rin sa halik niya. Nahihilo ako sa init.

He chuckled. "You want that?"

Tumango ulit ako.

"We'll get married before my research is done. Isasama kita sa Maynila at titira ka na nga sa condo ko. Sa kuwarto ka natin matutulog."

Hinawakan ko ang damit niya, kahit nanghihina ay gustong-gustong sumang-ayon sa kanya.

Ilang araw ang nakakaraan, lihim ko pang pinroblema ang pag-alis niya. Maiiwan ako rito sa Altagracia. Some things are just blessing in disguise, huh? Even those that made us feel bad or gave us pain. Including this!

I felt my world slowly opening up to him. At naramdaman ko rin kung paano niya pinagsikapan na makalapit. Ngumiti ako. He kissed me again, this time a bit longer. Iyong wala na kaming narinig kundi ang aming paghinga at mumunting tunog ng halik.

"I kept your birthday card. It was that day I was sure I'll marry you... someday," he whispered.

"Magpakasal na tayo, please, Alonzo," tanging nasabi ko.

Tumango siya at muli akong siniil ng halik.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #jonaxx