Kabanata 4

Kabanata 4

Guilt


"Are you alright, Sancha? I'm sorry. I didn't know you were allergic to nuts!" nag-aalalang tono ni Soren sa isang tawag.

Hindi ako pumasok kinabukasan. Maayos na naman ako pero dahil sa pag-aalala ni Mommy at Daddy, pansamantala akong lumiban para magpahinga.

"I'm fine since yesterday, Soren."

"P-Pero bakit hindi ka pumasok? Nag-alala ako."

"Si Mommy at Daddy lang. Mas mapapanatag sila kapag magpahinga muna ako kaya pumayag na akong lumiban."

"Shit! I'm really sorry! I should've known! Pinilit pa kitang kainin ang donut na 'yon! Sorry!"

"Don't worry about it. Hindi ko rin naman alam na pati sa almonds ay allergic ako. Ang alam ko'y peanuts lang. At least now I've done tests, malalaman na ang lahat ng allergies ko at iiwasan ko na 'yon ngayon."

"Sige, sabihin mo sa akin ang resulta ng tests kung nariyan na. S-Sinabi mo ba sa kuya mo na ako ang... nagbigay ng donut? Nakakahiya. Badshot na ako sa pamilya mo kung sakali."

"Ah. Hindi naman."

"Buti na lang! Kinabahan ako roon! Hindi ko naman kasi sinasadya 'yon. Kailan ka papasok?"

"Papasok na rin naman ako bukas-"

"That's good. Anyway, I gotta go. Dumating na ang teacher namin. Tatawag na lang ako mamaya pagkatapos ng klase."

Binaba ko ang cellphone ko. Nasa patio ako ng bahay namin at tanaw na sa malayo ang malawak na azucarera. Sina Mommy at Daddy abala sa loob ng bahay dahil may darating silang bisita mamayang hapon.

Nilapag ni Ate Soling ang hiningi kong juice dahil naiinitan ako sa tanghaling iyon. Gusto ko sanang manatili sa kuwarto pero ayaw kong isipin ng mga magulang ko na nanghihina pa ako kaya nandito ako ngayon sa baba.

"Heto na ang juice mo, Sancha."

"Thank you, Ate Soling."

Ilang sandali siyang tumayo sa gilid ko bago nagpasyang maupo sa isang upuan sa malapit.

"Kaya hindi kita pinapakain ng mga ganoon kasi alam kong allergy ka," si Ate Soling.

Si Ate Soling ay pamangkin ng mayordoma namin. Mas matanda lang siya ng kaunti kay Kuya Manolo at namulatan niya na ang pagsisilbi sa amin. Bata pa siya noong kalaro ko siya ng bahaybahayan at kung ano-ano pa. Noong nag eighteen lang siya tuluyan nang nagsimulang maging full time kasambahay namin. Kaya naman hindi na iba ang tungo ko sa kanya.

"Naisip ko rin naman 'yon kaso naalala kong sa mani 'yong allergies ko."

"Iyon din ang alam ko pero inisip ko na lahat ng klase na ang hindi ko ipapakain sa'yo. Sino ba kasi ang nagbigay ng donut? Si Alonzo ba?"

Napa angat ako ng tingin, nagulat sa sinabi ni Ate Soling.

"Hindi, Ate."

"Kung ganoon, bakit siya ang unang nakakita sa'yo na hinihika? Siya rin ang nagdala sa'yo sa sasakyan, hindi ba?"

Umiling ako. "Na... kita niya lang ako at agad na tinulungan pero hindi sa kanya galing ang donut."

"Akala ko kasi dahil siya ang huli mong kasama."

"Kay Soren galing. Huwag mo na lang sabihin kay Kuya Manolo at Ate Peppa. Hindi na naman nila ako inusisa pagkalabas ko ng ospital."

Umiling si Ate Soling. "Alam kong nagagalit ang mga kapatid mo sa pakikipagkaibigan mo riyan kay Soren pero hindi naman siya masama sa'yo kaya... sige. Nagkataon lang siguro na binigyan ka niya ng ganoon at hindi natin alam na allergy ka roon."

"Oo. 'Tsaka humingi siya ng tawad sa akin. Hindi ko nga alam na allergy ako roon, si Soren pa kaya? Kung babanggitin ko ito sa mga kapatid ko, baka mag-isip sila ng masama kaya mas mabuting hindi ko na sabihin."

Tumango si Ate Soling, naiintindihan ang ibig kong sabihin.

Mabuti na lang at dahil masigla akong bumati sa mga bisita ni Mommy at Daddy sa hapong iyon, naisip nila na maayos na ako. Kinabukasan, balik sa normal ang buhay ko. Pinapasok na ako sa eskuwelahan.

Agad akong sinalubong ni Margaux at Ella sa pag-aalala sa akin. Umagang-umaga rin naroon na si Soren at ang ilan naming kaibigan.

"Ayos na ako!"

"Grabe! Nag-alala kaming lahat!" si Margaux.

Ngumiti ako at tiningnan si Soren.

"Sana hindi ka muna pumasok para makapagpahinga ka ng husto."

It was a long talk about their concern for me. 'Tsaka na sila nagmamadaling umalis nang nag ring na ang bell, hudyat ng pagsisimula ng first period.

Balik sa dati ang lahat. Siguro ang naging magandang dulot lang noon ay ang pagbibigay ng regalo at pagkain ni Soren sa akin pagdating ng recess.

Ngumiti ako sa nabasang note galing kay Soren.

There's no nuts in here! I'm sorry. Please get really well.

-Soren

Isang pack ulit iyon ng plain donut at may kasama pang isang litro na juice.

Ngumiti si Ella at pumalakpak nang nabasa rin niya ang note. Lumapit si Margaux at nagngising-aso.

"Ohh. Some development?"

Ngumisi ako.

"Nag-alala 'yon ng husto at na guilty sa nangyari."

"Hindi niya naman kasalanan. Hindi ko rin naman kasi alam na bawal 'yon sa akin," sabi ko sabay bukas sa isang box ng donut. "Kuha kayo."

He gave me some fresh milk for lunch and a whole pack of chips for afternoon snacks. I can't help but admit it. I feel giddy at his extra care for me. Matagal na kaming magkaibigan ni Soren at dahil hindi naman ako malapit sa ibang lalaki, bukod sa kanya, at sa mga kaibigan namin, siguro natural lang din na sa kanya lang ako makakaramdam ng ganito. Hindi rin ako friendly sa mga lalaking gustong makipagkilala sa akin. Hindi ako interesado kaya sa kanya lang talaga ako malapit.

Practice kami mamaya nina Julius sa court sa bahay. I wanna invite you but I want you to go home early and rest. I'll call you when we're done.

-Soren

Iyon ang nasa huling note niya nang inabot sa akin ang pringles at juice pagdating ng hapon.

"Uuwi ka na agad?" kalabit ni Margaux sa akin pagkatapos magpaalam ng huling teacher namin sa hapong iyon.

"Oo, e. Baka pagalitan ako ni Kuya Manolo kapag hindi pa ako nakauwi sa tamang oras. Medyo fresh pa sa kanya ang nangyari kahapon."

Tumango si Margaux. "Sayang. Isasama sana kita. May kikitain ako."

My eyes narrowed as I arranged my books. "Iyong manliligaw mo? Mukhang natutuwa ka na riyan, ah?"

"Ehhh!" may ilang tumili galing sa pintuan.

Magulo na ang classroom at abala na ang lahat sa pagliligpit ng gamit at pag-aayos ng mga silya. Ella pouted on my annoying classmates.

"Kayo talaga! Ang dirty minded n'yo!" si Ella na hindi pa rin napigilan ang ngisi sabay tingin sa akin.

Nawala tuloy kami sa usapan namin ni Margaux.

"Bakit? Anong meron?" si Margaux sabay tayo at diretso sa mga usisero kong classmates.

Umiling ako at nagpatuloy sa pag-aayos sa mga gamit nang biglang humagalpak si Margaux at mas lalong naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Kayo talaga! Tama si Ella, 'no!" si Margaux na parang may ipinaglalaban.

Natigil ako dahil nakita ang panunuya sa titig ni Margaux sa akin.

"Ano ngayon kung nakatayo siya riyan sa tabi ng puno? Anong konek? He's still near the college deparment building. Why do you assume that he's here for her? Kung dito siya sa pintuan, baka pa tama kayo!"

I gritted my teeth. Sinuot ko na ang bag ko at tahimik na sinikop ang bigay ni Soren sa akin na Pringles at juice na hindi ko pa nauubos.

Tumawa si Margaux at mabilis na lumapit sa akin.

"Oh my gosh, Sancha! Si Alonzo nasa labas!"

Mas lalo tuloy nadepina ang kaba sa puso kong kanina ko pa tinatago. Tumikhim ako at sinimangutan si Margaux at ang mga kaklase kong halatang may ibang iniisip.

Our classroom is on the second floor of the second JHS building. Sa pinakadulo dahil first section at ang gilid ay ang college department na. Sa harap namin ang Senior High building, kung saan sina Soren. Sa baba naman nitong mismong building namin ay ang cafeteria.

Hindi ko alam bakit may ibang halo ang isipan ng mga kaklase ko. Base naman sa sinabi ni Margaux, nasa tabi ng puno at wala sa mismong pintuan namin.

"Ano ngayon?" sabi ko na pilit na binabalewala ang panunuya nila.

"Feeling namin hinihintay ka niyan, Sancha! Ang guwapo ni Alonzo!" sambit ng isang kaklase.

"Halika rito, Sancha! Silipin mo!"

"Paano n'yo nasabi na hinihintay siya, e, nasa baba naman? Kayo talaga..." si Ella.

"Eh, bakit? Hindi naman 'yan tumatayo riyan, ah? At naka all-white pa! Nasisiguro kong busy 'yan kaya ba't tatayo 'yan diyan?"

Sa mga usapan nila, na curious tuloy ako. Hindi ko na napigilan ang paglapit sa mga usiserong kaklase at sabay naming dinungaw ang baba.

Naroon nga si Alonzo, nakatayo at sumisilong sa puno. Daanan ang parteng iyon sa gitna ng college department buildings at ang basic education deparment buildings. Ni hindi man lang siya naupo sa mga nagkalat na kiosk. Talagang nakatayo siya na tila ba may hinihintay at nakaharap sa mismong building namin.

"Kayo talaga, kung ano ano ang iniisip n'yo!" saway ko sa mga kaklase ko.

"Hindi ba siya ang nagdala sa'yo sa ospital, Sancha?" usisa ng isa pa.

"Dinala niya lang ako sa sasakyan namin-"

"At sumakay siya sa sasakyan n'yo patungong ospital?"

"Hindi yata. Tss. Tumigil nga kayo."

"Hindi ko pa 'yan nakitang tumayo riyan ng matagal kaya nasisiguro ko na ikaw ang hinihintay niyang bumaba!" a classmate concluded.

Naiirita na sa mga pang uusisa at panunukso, nagpasya akong umalis na roon. With a heavy feeling and despise for my crazy classmates, I marched down the stairs. Kalagitnaan ng pagbaba ko, kinabahan ako bigla.

Paano pala kung tama sila at ako nga ang hinihintay ni Alonzo?

It was too late, though. Nasa baba na ako nang naisip na sana pala pinauna kong maubos ang mga kaklase ko bago ako umuwi. Ngayon, nakatingin na sila sa akin at nasisiguro kong kantiyaw ulit ang aabutin ko kung tama nga ang hinala nila.

Unfortunately, when my eyes met Alonzo's eyes, I immediately regretted everything I did. I was so sure my classmates were right. He was suddenly walking towards me. Mabilis akong naglakad kunwari hindi ko napansin na papunta siya sa akin pero alam ko ring hindi ko siya matatakasan.

"Sancha," tawag ni Alonzo.

Tumigil ako at tumingin kay Alonzo. My face heated when I heard the slight chattering somewhere. Alam ko agad kung saan galing iyon!

"Gusto ko lang... malaman kung ayos ka na?"

Alonzo is tall but he looked taller in his all white uniform. Isang cross body bag ang nakasuot sa kanyang balikat. He was serious but I could tell how it took him everything to come here and check on me. Lalo pa nang bahagya niyang napansin ang ingay.

"Ayos na ako."

Tumango siya sabay tingin sa dala kong pagkain. He licked his lower lip and brought his eyes to me again. I shifted my weight, impatient for this dragging encounter.

"Absent ka kahapon. Nakapagpahinga ka ba ng maayos? Ayos lang ba na pumasok ka ngayon? Hindi ba dapat... nagpahinga ka muna?"

"Ayos na ako kahapon pa. Actually, noong isang araw pa."

Tumango ulit siya at sinulyapan ulit ang pagkaing dala ko.

"Go Alonzo!" sigaw at tawanan na ng mga kaklase ko.

Muntik na akong pumikit ng mariin sa kahihiyan. Pati ang ibang hindi naman nakapansin ay napapatingin na sa amin ngayon! Nag-angat ng tingin si Alonzo sa pangalawang palapag at siguro'y napansin na ang mga kaklase ko.

"Uh, thanks sa pag dala sa akin sa sasakyan."

"Walang anuman 'yon. Napansin ko agad na hindi ka makahinga noong kausap ka ni Soren. Nag-alala ako kaya... hindi ko na napigilang lumapit sa'yo."

"Yiee! Sancha! Bagay na bagay kayo!"

Muling napatingin si Alonzo sa mga kaklase ko.

Tumikhim ako at hindi na nakayanan pa.

"Pasensya na. Kanina ka pa nila napansing naghihintay dito sa labas at sinabi nila na ako ang hinihintay mo."

"Ikaw nga ang hinihintay ko. Gusto ko lang malaman kung... ayos ka."

Umismid ako. "Next time... you can just text me. You have my number now, right?"

He paused for a while before slowly nodding. He swallowed hard. Yumuko siya bago muling tumingin sa akin. He chuckled a bit.

"Sorry. Pinahiya ba kita? Sige... Sa susunod, iti-text na lang kita. Hindi na ako maghihintay."

Napakurap-kurap ako. I know I meant that but I didn't know why I felt bad when he said that.

"Akin ka na lang, Alonzo!" hiyaw sa ibang section namain.

Uminit pa lalo ang pisngi ko. Tumikhim si Alonzo.

"I don't want to walk away from you so... please, walk away now."

Tumango ako at walang pag-aalinlangang umalis sa harapan niya. Hiyaw ulit ang inabot namin. Nilingon ko ang pinanggalingan ko at nakitang nagmamadali na rin siyang naglakad palayo roon, papasok sa college building.

Kanina pa ako sa sasakyan hindi matahimik. Nakatitig ako sa cellphone at para bang may inaasahan. Minsan ay gusto kong magtipa ng mensahe pero hindi ko nagagawa.

I almost jumped when I received a message and I couldn't remember a time when I felt disappointed when I saw Soren's text.

Soren:

Tapos na kami sa practice. Nakauwi ka na?

Hindi ako nagreply dahil may ibang bumagabag sa isipan ko.

Sorry.

Sorry kanina.

Sorry sa sinabi ko kanina. I hope you didn't take it the wrong way.

Masyadong mahaba. Seems like I'm too concerned about what happened when I shouldn't be. It was nothing. But... is it nothing for him?

Soren:

Sancha? Magpahinga ka ng maayos. Gusto mo i-move na lang natin ang practice ko this Sunday para buong linggo kang makapagpahinga?

I sighed and pushed myself to reply to Soren.

Ako:

I'm fine and I'm home. Hindi na. Sige, magpractice ka pa rin. Ayos naman ako kaya walang problema.

Sa wakas nagkaroon ako ng lakas para magtipa ng mensahe para kay Alonzo ngayon.

Ako:

Sorry kanina.

A text from Soren and I almost fainted. The anticipation is killing me.

Soren:

Sigurado ka? Thank you! Pero mas importante sa akin ang kalusugan mo. :(

Hindi na ako nagreply. Pakiramdam ko kapag nagreply pa ako at magrereply ulit siya, mahihimatay na ako sa gulat!

Alonzo:

Okay lang. Naiintindihan ko.

Ayos na 'to, 'di ba? Okay lang daw. Naiintindihan niya naman daw... ang sinabi ko?

Oh God!

Ako:

Naiintindihan ang alin?

Alonzo:

Hindi na dapat ako naghintay doon. Napahiya kita. Ako dapat ang humingi ng tawad sa'yo. Sorry, Sancha.

Kinagat ko ang labi ko at paulit-ulit na binasa ang message niya.

Ayaw ko lang na tinutukso ako. Lumalala kasi kapag nariyan ka. Nagkakaroon sila ng rason para tuksihin tayo lalo.

Ang haba, Sancha! No!

Ako:

Ayaw ko lang na tinutukso nila ako. Hindi mo naman kasalanan.

Alonzo:

Still, I want to say sorry. Kasalanan ko dahil naghintay ako when I could just text you. I won't do it again.

Why do I feel so bothered? Is he... my eyes narrowed at his reply.

Ako:

Are guilt tripping me?

Alonzo:

No. I'm sorry. Please, don't take it the wrong way.

Ako:

Okay.

Walang sumunod na reply. Na send kaya 'yon? Nagrereply naman 'to lagi, ah?

Ako:

Okay..

Hindi talaga nagreply. Napabangon ako sa pagkakahiga nang nagreply siya.

Alonzo:

Alright. Magpahinga ka na. Mag-aaral lang ako.

Oh. Okay!

Ako:

Okay. Sorry kung nakaistorbo ako.

Alonzo:

Hindi ka nakaistorbo. Gusto ko lang na magpahinga ka.

Ako:

Okay.

Alonzo:

Alright.

Hinayaan ko ang sarili kong bumagsak sa kama at tinabunan na ang mukha ng unan. That was close! At least it went okay... pero... tama kaya talaga ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko? Ano naman ngayon kung iba ang pagkakaintindi niya? Ginulo ko ang buhok ko at umikot para ibaon ang mukha sa unan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #jonaxx