Kabanata 36

Kabanata 36

Boyfriend


We stood there silently, watching each other. O siya lang talaga dahil ilang beses kong iniwas ang tingin ko dahil pinag-iinitan ako ng pisngi habang tumatagal.

"Uh, may ibang gagawin ka pa ba rito sa La Carlota? Tapos na kasi ako kaya uuwi na..." I said to disturb our deafening silence.

"Let's have dinner first, before going home."

Unti-unti akong tumango. Iniisip ko naman talaga 'yon kanina kaso baka lang gusto niya nang umuwi na. "May alam akong madadaanang restaurant. Doon na lang."

"Magpaalam tayo sa mga magulang mo. Baka mag-alala sila na ginabi ka."

"Sanay na naman sila na ginagabi ako. Pero... uh... sige, magpapaalam ako."

Sumulyap ako sa sasakyan ko. Umatras siya at lumapit na sa pintuan. Sumunod ako. He opened the car door for me.

"Thanks," sambit ko bago unti-unting pumasok.

"You're welcome. Mauna ka. Susunod ako."

Tumango ako at pinaandar na ang sasakyan. Sinarado niya ang pintuan at umikot na siya. Hinintay kong makapasok siya sa sasakyanan bago ibinagsak ang noo sa manibela. Hindi ako makapaniwala! This is really happening, isn't it? He is now really my boyfriend.

Dati pa lang, mahal ko na siya. Walang ipinagbago iyon. Nang nakita ko siya ulit, tama si Ella nang sabihin niyang bukod sa gusto kong humingi ng tawad, umasa nga ako ng kaunti na gusto niya pa rin ako. When he courted me, the only reason why I didn't say yes immediately was because I wanted to get to know him again. Kaya lang sa isang linggong balik niya sa cafe, walang ipinagbago ang nararamdaman ko. I still do like him so much. I've never liked someone the way I liked him. This is not just because he loved me from the very beginning. I've had a few friends who claimed they loved me, but never did I once got intrigued and hooked the way Alonzo got me years ago.

Hindi ko tuloy alam paano maging girlfriend! Ni wala man lang akong experience paano 'yon! I'm already old enough and yet I'm new to this!

Mamaya pag-uwi ko, magbabasa ako sa internet kung paano ba maging girlfriend! Nakakahiya naman!

Sa tabing parking lot lang siya nag-park. Nasa labas na ako nang lumabas siya sa sasakyan niya. We looked at each other and the only thing running on my head is... 'I can't believe he's my boyfriend!'

"Pasok na tayo?" yaya niya.

"Okay."

Sabay kaming pumasok. My mind is just stuck on the boyfriend thing. Tahimik siya at pinaupo muna ako bago siya. Agad na dumating ang menu kaya tumingin muna kami ng io-order.

"Anong gusto mo?" he asked.

Lagi akong kumakain doon kapag napapadaan kaya sinabi ko lang ang order. Ginaya niya lang ang gusto ko at nagdagdag ng isa pang ulam. We ordered drinks then after that, the waiter went away.

Kilala pa rin naman sa parteng ito ng Negros, mabuti na lang din at hindi naman ganoon ka kilala katulad sa Altagracia. I can only imagine the people around us losing their eyeballs for staring at us too much. Dahil alam ng lahat na may gusto si Alonzo sa akin, isang malaking scoop na magkasama kami sa dinner. Hindi pa nakakatulong na boyfriend ko na nga siya. Hindi man namin isisigaw iyon, pakiramdam ko may paraan para makabasa ng isipan ang mga taga Altagracia. Bago pa namin tahimik na ma enjoy ang isa't-isa, marami nang mang uusisa.

"Maaga kang nag out?" tanong ko dahil hindi naman sa ganoong oras siya dumadating sa cafe sa regular days na may duty siya.

"Nag half day ako," aniya.

A bit shocked, I smiled. "Puwede pala 'yon?"

"Tatlong minor procedure lang naman ang nagawa ko nitong nakaraan at outpatient pa ang dalawa. At tinapos ang mga nakapila sa clinic kaninang umaga bago nag announce ng halfday."

Okay, I slightly don't understand but well it's his work. Tumango ako.

Nakatingin ulit siya sa akin. Umunit ang pisngi ko at hindi nakatagal sa paligsahan ng titigan.

"I'm sorry. Uh... S-Sigurado ka bang..." parang hirap pa siyang maghanap ng pag-uusapan. "Ayos lang sa'yo na ikaw ang pumunta sa amin kapag nariyan na sina Mama at Papa? Gusto rin kasi nilang bumisita sa cafe mo at baka lang mas kumportable ka kapag ganoon?

Napakurap-kurap ako. "Hmm. Ayos lang naman na pumunta ako. Uh, matagal na rin akong hindi nakakabisita sa inyo, isa pa, ako ang may sadya kaya..." I trailed off. "At pwede rin naman silang pumunta sa cafe kung kailan nila gusto. I just think it's better that I visit since... it's my request to see them."

"Alright." Tumango siya at tumitig ulit.

I'm not sure but I find it so awkward! Para akong laging kinukuryente sa titig niya. Is that healthy in a relationship? I really should read more about relationships!

"Uh, I'm not in a hurry but I just want to know what are your plans about... telling your family about us."

My lips parted. I honestly haven't thought about that but now that he mentioned it, I realized I do need to think about it! Siyempre ayaw ko namang ilihim namin ang relasyon namin. Hindi na kami mga bata! It's just horrifying to think about the reaction of the people in Altagracia, including my parents!

"Don't get pressured! I'm not in a hurry. I just want to know if... I should answer honestly when I'm asked or... I don't know..." si Alonzo. "Do you want to take it slow? It's okay."

"Uh, kapag may magtatanong sa akin tungkol sa'yo... o kung tayo ba..." I glanced at him. "I would answer... honestly. Hindi ko naman ililihim. Bakit? Tingin mo mas mabuting ilihim muna?"

Umiling si Alonzo. "Hindi, Sancha. Ganyan din naman ang iniisip ko. It's just that I want to know if... you feel the same about this."

Tumango ako. "Ayos lang naman sa akin na sabihing boyfriend kita. O kumalat man... After all, we're both adults so..."

He nodded as well. "You're right!"

"Sure I want to enjoy our privacy but that doesn't mean we'd keep it a secret."

"I don't want to keep it a secret either."

"But... uh... maybe I can only do it when I'm asked. Though I'll try to tell my parents about it."

"Take your time, Sancha. I want to do it in your pace."

Natigilan ako at napatingin sa kanya. "How about your pace, then? G-Gusto mo ba ng mas mabilis."

"Ah, hindi naman. Kung ano ang gusto mo, iyon din ang gusto ko."

Ngumiti ako at tumango. Dumating na ang pagkain at kumain na kami. It was another awkward thing and it frustrates me how I'm always nervous around him. Ganito ba talaga? Will I ever be comfortable? I hopw so. He seems comfortable with me! And he's trying his best to make me comfortable, too, by putting food on my plate.

"Ayos na ba 'yan?" he asked.

"Oo. Thank you," sabi ko pagkatapos niyang nilagyan ng ulam ang aking pinggan.

"I'll visit early morning tomorrow sa cafe. Papasok ka ba?"

"Actually, it should be my rest days but... papasok ako ng umaga." I changed my mind. Nakakahiya naman!

Kumunot ang noo niya. "Bakit? You should rest. Your week last week was hectic."

Tumango ako. "Bubuksan ko lang naman. Isa pa, I can't fully rest because I have a Cebu branch to maintain. Uuwi siguro ako pagkatapos kong mabuksan o baka bumisita sa salon saglit."

"Haircut?"

Umiling ako. "Maybe hair treatment and manicure..." I trailed off and I realized I'm trying hard to be comfortable! Nakakahiya na naman!

"Pupunta pa rin ako ng umaga. Bibili ng merienda," sabay ngiti ni Alonzo.

"Nandoon naman ako at ihahanda ko ang merienda mo. Huwag mo nang bilhin."

"No, it's okay, Sancha-"

"Coffee, water, and snack lang naman. Ipaghahanda kita ng something healthy para sa merienda mo."

"Talaga?"

Tipid akong ngumiti at tumango.

"Alright then. But promise me you'll make me pay for our dinner, kung magdidinner tayo ulit sa cafe mo?"

Ngumuso ako. Ayaw ko rin siyang pagbayarin ng dinner namin lalo na kapag nasa cafe. Pero pumayag siya sa snack, baka hindi na papayag sa dinner. Maybe eventually, we'll get there, huh?

"Alright. Bukas, pagkatapos mo, baka tapos na rin ako sa spa niyan. Uh... puwede ako sa dinner."

He smiled. "Sige. Nasabi ni Almira na puwede tayong bumisita sa kanila kapag nakalabas na ang Mama niya sa ospital. Hula ko'y kung hindi ngayon, baka bukas ng umaga ang labas kaya puwede tayong bumisita sa kanila after dinner."

Tumango ako at masaya na maayos na ang Mama ni Almira. Ano kayang dadalhin kong low carb dessert?

"Susunduin kita sa spa. Doon ba malapit sa building n'yo? Doon na lang ako didiretso pagkatapos magbihis."

Pagkatapos naming kumain, nagpasya na rin kaming umuwi. Naisip ko nga'ng puwede pa naman magtagal kami. We can still talk more over coffee but I guess we can do it some other time. Lalo na't wala kami sa Altagracia at babiyahe pa. Bukod pa roon, ang alam lang ng pamilya ko ay nagpa check up ako. I texted Mommy I'll go home late and have dinner out but aside from that, she doesn't know I'm with Alonzo.

Hindi pa nakakalayo sa lugar, nakasunod si Alonzo sa sasakyan ko, agad tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Ate Peppa. I answered.

"You're not home yet. Uuwi na kami," panimula ni Ate Peppa. "Inaantok na ako."

"Nasa bahay ka, Ate?"

"Yes. Sabi ni Manolo pag-uusapan natin ulit iyong tungkol sa nangyari noong weekend but it seems like everything is okay now so there's really no need to talk about it anymore. Huwag mo na ring isipin iyon. I went to check on the victims, they all told me that it's probably the spaghetti. Kaya ayos lang, Sancha."

"A-Ah... Thank you, Ate. Uh, pauwi pa lang kasi ako."

"Okay. Magpapaalam lang ako na uuwi na. Kanina pa naglilikod sina Ramon kaya pagod na rin. Take care on your way home. How was your check up by the way?"

"Ayos naman, Ate."

"Good." I can hear my nephew ranting on the background.

Nagpaalam na rin si Ate Peppa. Nang nalapit na sa bahay, tumawag si Alonzo sa akin para sabihing ihahatid ako hanggang gate bago siya didiretso sa kanila. Nang lumiko na ako sa gate namin, tuluyan na rin siyang nag u-turn at umalis na.

Pagkalabas ng sasakyan, paulit-ulit kong inisip kung dapat ko ba siyang inimbitahan papasok ngayon dito. Kaso mas maganda nga'ng magdahan-dahan. Hindi ko pa alam kung handa ba akong umamin sa parents ko tungkol sa amin.

"Kumusta ang check up?" muntikan na akong gumulong sa hagdanan ng double doors namin.

Wala sa sarili akong umakyat. Ni hindi ko napansin na nakatayo si Kuya Manolo sa pintuan. Naririnig ko si Mommy na kinakantahan siguro si Manuella sa loob at si Daddy na tumatawa at idinideklarang inaantok na ang apo.

"Ayos lang, Kuya."

Tumango si Kuya at bumaba ng ilang palapag para salubungin ako. Nakita kong sumungaw si Camila sa may pintuan at umiling na lang para sa asawa.

"Hinatid ka ni Alonzo? Nakita ko sa CCTV, may Subaru na nag u-turn sa labas," he said, straight to the point.

Great! So much for taking it slow! I said if I'm asked, I won't deny it.

"Ah. Yes, Kuya."

"Galing? La Carlota?"

"Uh, oo," sabay patuloy ko sa pag-akyat, gustong iwasan ang usapan.

"Magkasama kayo? Kayo na ba?"

Muntik na akong pumikit ng mariin.

"Manolo..." I heard Camila.

I gave her an assuring smile before I faced Kuya.

"What? It's okay, that's normal. Nagtatanong lang ako," sagot ni Kuya sa tawag ni Camila.

"Oo, Kuya."

"Oo, ano?" nagtaas ng kilay si Kuya Manolo.

My goodness, do I have to say it again. Or elaborate my answer.

"Kami na."

"Boyfriend mo si Alonzo?"

Napatitig ako kay Kuya, hindi na alam kung niloloko niya lang ba ako o totoong hindi niya maintindihan.

"Ba't 'yon hindi pumasok dito? Natatakot?"

Umiling ako. "Hindi naman, Kuya. Pero... uh... kasasagot ko lang kasi sa kanya at ayaw niyang pangunahan ako kung... kung nahihiya pa akong magsabi. Uh, he wants to tell the f-family but..." as I go on with the explanation, mas lalo lang akong nahiya!

Hindi ko alam kung naisip ba ni Kuya na may chance nga kami ni Alonzo. Alam niya siyempreng may gusto si Alonzo sa akin at kalaunan, nang umamin ako noon, alam din niya na gusto ko si Alonzo. Hindi nga lang masyadong ina-acknowledge na may gusto rin ako pero sigurado akong alam niya!

"Kasasagot? Uso pa ba 'yang ligaw-ligaw na 'yan?" humalakhak siya, para bang kinakantiyawan si Alonzo.

"Manolo, tama na nga 'yan. Huwag mong igagaya si Alonzo sa'yo," Camila in a low voice.

"Si Sancha, nariyan na? Oh, hija! Kumusta ang check up?!" si Mommy nang natanaw ako.

Matalim akong tumingin kay Kuya bago tuluyang pumasok sa bahay. The smirk is on his lips as he followed while his arms are crossed. I can hear Camila's whispers for her husband.

"Ayos naman po."

"Tumawag ako kaninang umaga sa ospital, to check on you. Nalimutan kong sa La Carlota ka nga pala. Ba't ka nga ulit hindi sa ospital dito? Mas okay sana rito dahil marami tayong kilala."

"Ah, okay rin naman po sa La Carlota. Ayos naman ang mga results ko roon, Mommy," sabi ko sabay halik sa kanya at kay Daddy. Nakita kong naglalaro pa si Manuella sa sala.

"Sigurado ka? Ipadouble check kaya natin? Dito na sa Altagracia para mas tiwala tayo."

"Ah. Ayos na po 'yon. Pareho lang naman po 'yon."

"Oo nga, at nandoon si Doctor Salvaterra."

"Ah, s-surgeon naman si Alonzo kaya..." I trailed off.

"Sigurado kang ayos lang ang results? 'Yong allergy mo, walang problema?"

"Oo naman po."

Mommy smiled. "Good." Lumipat ang tingin niya sa likod ko, kung nasaan si Kuya. "What's with the smirk on your face, Manolo?"

Kinabahan ako bigla. I was very certain that Kuya will suddenly tell them Alonzo is my boyfriend! I stiffened. I know I said I won't deny it but it would be better if I was ready! At isa pa... kasasagot ko lang kay Alonzo! Hindi ba puwedeng ienjoy muna namin ito ng walang ganitong bagay?

"Nothing, Mom. Uuwi na kami. Nandito na naman si Sancha."

I was so relieved. Pagkauwi nina Kuya, at pagkatapos kong ipakita ang results ng check up ko, 'tsaka pa lang ako umakyat sa kuwarto.

Mabuti na lang at hindi pa naman natulog si Alonzo. I told him that Kuya Manolo was on our house and of course I told him about his questions... and finally my answer.

Alonzo:

Can I call? So we can talk better.

Ako:

Alright!

Hindi kalaunan, tumawag na nga siya. He was a bit worried, I think. Hindi ko man sinabi sa kanya na akala ni Kuya na natatakot siya, alam kong gusto niyang magsabi kay Kuya tungkol sa amin. But of course, he's torn because he doesn't want to pressure me so much about it.

"It's okay. Nagpa-plano ako na... sabihin kay Mommy at Daddy, eventually. Uh... maybe within this week. I don't know."

"Do you want me to be with you as you tell them, Sancha? Gusto ko rin naman iyon pero importante sa akin kung alin ang mas kumportable sa'yo."

"Uh, puwede namang ako muna. Then after I talk to my parents, you can... talk to them if you want."

"Okay. Just tell me when."

Ngumiti ako at tumango. "I'll tell you."

Hindi siya agad sumagot. Nagtaka ako pero nang tuluyan siyang nagsalita, parang may humawak sa puso ko.

"I... hope they'll like me."

Napasinghap ako sa sinabi niya. They do, Alonzo. Kahit pa anong eskandalo ang pumagitan sa atin noon, nasisiguro kong magugustuhan ka nila. With the man you've become right now, I am lucky that you still love me.

"They do."

He chuckled and sighed. "Thanks, Sancha."

Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na. Pagkatapos ng tawag na iyon, nakatulog na agad ako. He only asked me how I went through with my check up. It's actually feels like he's observing me like a specimen as he listened and threw his questions at me.

Nilapag ko sa counter ang hinanda kong merienda para kay Alonzo. It's a large bowl of chicken salad. Gusto ko sanang ibenta ito rito, gaya sa Cebu. Pero titingnan ko muna kung magugustuhan ba nila lalo na't medyo may kamahalan iyon kumpara sa ilang dessert.

"Good morning!" si Alonzo nang nakalapit sa counter.

Pinagmamasdan ko siya kanina na papasok dito, hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko siya. Ngumiti ako at itinulak ang hinanda kong baon niya. May isang tumbler ng tubig doon at isang baso ng kape.

"Good morning. Snacks mo," sabi ko.

Naramdaman ko ang lingon ng kaherang naghihintay na magbabayad si Alonzo. Hindi na rin siya nagkumento.

"Thank you. Anong oras ka sa salon at spa?"

"Mamaya pang alas diez. Hindi pa open ngayon at uunahin ko muna ang mga trabaho ko para sa Cebu branch ko."

"Alright! Text me when about your activities. At tumawag si Almira kanina kung ayos lang daw kaya sa'yo na sa kanila tayo mag dinner mamaya. Request ng Mama niya."

Tumango agad ako. "Sure!"

"I'll tell her, then."

Nagtagal ang tingin niya sa akin. I smiled. He sighed and shook her head a bit before he said his good bye.

"Take care sa... trabaho!" sabi ko, isang bagay na nabasa ko sa research ko bago matulog kagabi.

"Take care with your activities, too," he said and left.

Naabutan kong nanonood at nakikinig ang iilang waitress doon. Nang nakita nilang binalingan ko sila, mabilis na nagpatuloy sa gawain. I smiled, though. Nothing can kill my mood.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #jonaxx