Kabanata 35
Kabanata 35
Confession
"Physical exam, Doc?"
Kinabahan ako dahil may pag-aalinlangan sa tono ng nurse na nagtanong. Ang kilala naming matandang doktor ay wala palang duty ng Lunes kaya naman naibigay ako sa iba. Ayos lang naman iyon dahil pareho laang naman iyon at kadalasan lab test ang gagawin.
Nasulyapan ko ang cellphone ko na may mensahe galing kay Alonzo. Kaya lang nagtuloy-tuloy na ang mga gagawin at tests kaya hindi ko na muna tiningnan ang message.
While I was being examined and in between my tests, I can't help but think about what happened this weekend. Alam kong ang food poisoning ang isa sa malaking problema kapag nasa industriya ng pagkain. Iyan ang dahilan kaya mas pinagtutuonan ko iyon ng pansin. Mas tatanggapin ko ang kahit anong reklamo sa lasa ng gawa ko kaysa sa kalinisan nito.
I sighed and realized that Alonzo was a big help. Kalmado niyang tinulungan si Almira sa Nanay niya. Ganoon din ang ginawa niya para sa mga biktima. Hindi ko namalayan na nakangiti pala ako habang iniisip iyon. Napawi nga lang nang naalala si Ella at ang ayos niya nang sumakit ang tiyan. Alonzo cared for her too. I know it's his duty as a doctor but I don't understand why I feel... strange.
Naalala ko rin ang sinabi ni Margaux. Alam ko namang hindi magagawa ni Alonzo iyon, kahit pa naiintindihan ko kung bakit naisip ni Margaux iyon.
"It's all in the past now, Sancha. Marami nang nagbago ngayon," his words resonated on my mind.
I know Alonzo as someone trustworthy. I wonder if the years we're apart, that changed, too. Alin nga ba ang nagbago sa kanya na tinutukoy niya.
My heart hurt as I realized that my mind is suddenly too chaotic. Hindi ko gustong pag-isipan ng masama si Alonzo pero may kaunting boses sa isipan ko na nagsasabing ilang beses na rin naman akong nagtiwala at nabigo sa mga kaibigan. It isn't about Margaux anymore. It's a struggle within myself. What happened in the past, caused me to be mistrustful.
Alonzo:
Good morning, Sancha! Pumunta ako sa cafe mo at wala ka. Ang sabi ni Ate Soling hindi ka raw papasok dahil magpapa annual check up ka. That's good. Did you do your fast? Take this time to rest, too. See you later in the hospital!
Kanina pa iyong umaga at naghihintay na lang ako sa iilang results ngayong hapon. I saw another text from him. Mas bago iyon. Kaninang tanghali lang.
Alonzo:
Nasa La Carlota ka?
"Miss Alcazar, eto na po!"
Tumayo ako at kinuha na ang iilang mga tests. I came out all normal and healthy. I was only told to not play with my allergies too much dahil hindi tumatalab ang mga nakasanayang antihistamine kapag napapadalas ang inom. Iyon ang dahilan kung bakit iba-iba ang mayroon ako sa cafe at sa wakas nakabili na rin ng epipen para sa mga malalang atake o kaso.
Palabas ako ng ospital dala ang mga tests ko. Naglalakad patungo sa sasakyan at malalim pa rin ang iniisip nang nakita ko si Alonzo, nakahilig sa harap ng kanyang sasakyan na nakaparking sa tabi ko.
My lips parted. I couldn't hide my shock. Seryoso at medyo nagkakasalubong ang kilay niya nang tingnan ako. I cleared my throat and I realized I didn't reply to any of his texts for today.
"N-Napadaan ka rito..." I started.
Tumuwid siya sa pagkakatayo at tiningnan ang hawak ko.
"Pumunta ako rito dahil nandito ka."
My heart jumped that it hurt. Tinikom ko ang bibig ko at pinigilan ang sarili. Buong araw yata akong negatibo ang iniisip lalo na sa kanya.
"Kumusta ang check up mo at... hindi ka sa Altagracia nagpa check up?"
"Ah. Uhm..."
I have nothiong to say for his last question. I know exactly what my reasons were and I'm not sure if I should tell him. Mas lalo lang gumulo ang isipan ko. I will definitely think about this when I get home. I would never get over this. Is it better to be honest?
"Maayos naman ang check up. Normal naman lahat."
"Sinong doktor mo?"
Sa simpleng tanong na iyon muling tumalon ang puso ko. Nakakainis! And this is while I have negative thoughts about him. If I prolong this I will fall harder and it will only hurt more... if my doubts are right! Hindi ko kakayanin ang isa pang pagkakabigo sa kaibigan. At lalo na sa kanya! Sa kanya na tahimik pero buong puso kong gustong protektahan sa lahat ng nangyari noon! Sa kanya na tahimik kong pinagluksaan nang nalamang nasira ang mga pangarap niya!
"Uh..." Napakurap-kurap ako dahil nalimutan ang pangalan ng doktor sa dami ng iniisip. "May nag assist kanina na resident doctor... sa physical exam-"
"Physical exam?"
"Oo. Pero ayos lang naman ako. Sa... gamot lang mag-iingat. Sa antihistamine." Trying hard to stray the conversation I asked something else. "Kumusta nga pala ang Mommy ni Almira?"
"Ayos na siya. Hinihintay lang ang go signal ng doktor sa paglabas niya sa ospital."
"Si Ella?"
"She's fine, too. Just waiting for the doctor's advice." He paused. "Akala ko pupunta ka ng ospital para magpacheck up. Doon kasi nagpacheck up ang pamilya mo. Bakit dito ka sa La Carlota?"
Kanina pa parang tambol ang puso ko pero sa huling sinabi niya, mas naramdaman ko ang kabog nito. I opened my mouth to breath properly but I tried my best not to look nervous. Yumuko ako, hindi agad sumagot.
I saw him trying to close the distance between us but he stopped a step away from me.
"Are you still bothered about what happened? Hindi sa pastries mo galing ang nangyari, Sancha-"
I cut him off when I realized I can't go home without asking him something. Hindi ko kayang tahimik na isipin na lang ang mga bumabagabag sa akin. Nagpunta siya rito ngayon at kung tama ang pagdududa ko, matindi nga ang galit niya para mag-effort ng ganito para lang sa huli... masaktan ako.
"I've got a question, Alonzo..."
Hindi niya na pinagpatuloy ang sinabi. I took that opportunity to continue.
"I hope you answer me honestly... I probably don't deserve it but I still want to say this."
Kumunot lalo ang noo niya. Kaunting paglapit pa at parang lumundag ang puso ko sa aking lalamunan.
"Gusto mo ba si Ella?"
"Hindi, Sancha. Bakit mo natanong 'to-"
"I want to trust your words but I know I'm bad at trusting people. I'm sorry. Gusto ko lang malaman kung wala ka bang galit sa akin sa nangyari sa atin noon... n-na puwedeng dahilan ng panliligaw mo sa akin ngayon. Kahit na... si Ella naman talaga ang gusto mo."
Hindi siya nagsalita. Natatakot akong mag-angat ng tingin kaya nanatili akong nakayuko. Hindi siya nagsalita.
"H-Hindi mo ba ako nililigawan para lang... ma... masaktan mo ako?"
Chayo believed that Ella and Alonzo were a thing. Ella assumed it, too. Siguro naman may batayan iyon. Thinking about it hurt. Paano pa kung totoo iyon. Kaya hindi ko kakayanin kung tahimik kong iisipin ito mag-isa mamayang gabi o sa magdadaang mga araw. I have to know now!
Hindi siya nagsalita kaya nag-angat ako ng tingin. I realized for some reason, he looked angry. I've never seen him this serious. O kung nakita ko man siya, isa sa pinakamalapit ay iyong nakita niya si Steffi pagkatapos ng halikan namin noon.
My heart pounded harder. I tried to smile but I couldn't make it without looking constipated.
"Uh... Pasensiya na..." Naduduwag dahil sa nakitang iritasyon sa kanya.
Sinubukan kong dumiretso sa sasakyan ko pero humarang siya at humawak pa sa hood ng sasakyan ko para hindi ako makadaan patungo sa driver's seat. I bumped on his chest. Uminit ang pisngi ko at agad na umatras.
"Mamaya na. Marami kang tanong. Sasagutin ko muna, Sancha."
Suddenly sweating bullets and my breathing getting intense, inisip ko pa kung may nakain ba ako kaninang posibleng dahilan ng allergy attack pero wala.
"Wala akong gusto kay Ella. Ilang araw na 'tong bumagabag sa'yo at bakit ngayon mo lang natanong?"
I couldn't answer. My lips trembled.
"Hindi kita nililigawan para saktan ka. If I were angry at you, I'd choose not to come here or see you again. I won't make an effort to take my revenge. It's a waste of time for me."
"I'm sorry-"
"I'm sorry for telling me? Or I'm sorry for doubting me? Which one, Sancha."
Hindi ako nagsalita.
"Nililigawan kita dahil mahal kita. Naiintindihan ko ang pagdududa mo. I'm glad you said this so I'd know... how to... love you better."
I shivered. My cheeks turned hotter.
"I'm a bit pissed... but I know it's reasonable."
"I'm sor-"
"Huwag ka nang magsorry!" agap niya.
Ngumuso ako at pinigilan ang kagustuhang magsorry dahil nagsorry pa ako!
"I checked on Ella because I thought you'd care for the people affected. Hindi iyong pastries mo ang dahilan pero alam ko na nag-aalala ka pa rin sa kanila."
"I d-do care for the people affected. Even when it's not because of my pastries."
"Hindi ko siya gusto, Sancha. At hindi ko siya nililigawan. Hindi ako umuwi rito para saktan ka gaya ng iniisip mo."
I swallowed hard. He sighed heavily. It seems like he's trying to calm down, too.
"I guess... I doubted because... things... have changed and... we both have changed. I-Ilang taon na ang nagdaan at marami na tayong napagdaanan, nakilala, at... marami nang nangyari. Parang..." I chuckled awkwardly. "Mas kapani-paniwala na may iba ka nang gusto. At mas kapani-paniwala na nililigawan mo ako para lang..." I trailed off, couldn't say it anymore.
He tried to close more distance again. Nanatili ang mga mata ko sa kanyang mga binti na kaunting pulgada na lang ang layo sa akin.
"Yes, I've changed, Sancha. We both have that's why I want us to rediscover each other. Though it turns out, whatever changed with you, I realized I'd love you the same. Ngayon kung iniisip mong imposible, tama ka. Sa gitna ng mga paghihirap ko para makagraduate, naisip ko rin na tumigil na sa pangangarap sa'yo."
I stiffened.
"My friends here in Altagracia would always say you're too good for me. You're too rich. Too beautiful. Sadly, I realized it's true. You've always been too good for me, Sancha. It's always like you're out of my world. I'm always far behind and I'd always try my best to be your equal."
Unti-unti ko siyang tiningnan. He still looked pissed. I expected to feel him drift further away from me but instead he looked so vulnerable. It feels as if I am in control of his heart.
"Kaya tumigil ako at ginusto kong kalimutan ka. Kaya lang hindi nangyari."
All my doubts seemed so far away now. Para akong nakalutang sa ere.
"Naiintindihan ko kung hindi ka nagtitiwala sa akin. I'll do my best to make you trust me. I'll start again."
Huminga ulit siya ng malalim.
"Hindi ko alam kung bakit iniisip mo na si Ella ang nililigawan ko. Siguro dahil sa pagbisita ko sa kanya sa ospital, o sa paghahatid ko sa kanila sa ospital, o sa pagbisita niya sa amin sa ospital. Lahat ng 'yon, wala lang sa akin. She once told me that she liked me but I turned her down, Sancha..." namamaos ang boses niya sa huling pangungusap.
Hindi dahil doon ang nagpupumilit na ngiti sa aking labi. It's because my heart has never been this light before... It felt so new... so refreshing. I cleared my throat to cover up the smile.
Pakiramdam ko tuloy ayaw niyang banggitin ang huling sinabi pero napipilitan siya dahil... nagdududa ako.
"Sorry if you think my actions for her mean anything. Wala lang 'yon, Sancha."
"H-Hindi naman. Uh... alam ko naman na doktor ka kaya gagawin mo talaga 'yon. Akala ko lang kasi... usap-usapan din na ano... na... may kung ano kayo."
"Wala, Sancha. Siguro tungkol lang sa sinabi nI Ella sa akin. I turned her down from the very beginning. I just don't know why anyone would think differently."
Tumango ako.
"I'll keep that in mind. She goes to the hospital to bring food for us sometimes. It helps the nurses kaya hindi na rin naman ipinagbabawal ng ibang doktor."
"Ayos lang naman."
"I'll talk to the nurses tomorrow-"
"Ayos lang naman! Hindi ko naman iniisip iyon..." agap ko dahil parang iniisip niya na rin lahat lahat ng interaksiyon niya kay Ella.
I remember Almira is happy about her bringing free food. I can only imagine the other nurses and their happiness for the free food. Iyon nga lang, ngayong iniisip nila na sa kanya iyong panis na ulam, magpapatuloy pa kaya iyon?
"M-May tanong pa ako..." patuloy ko nang nakitang nag-iisip pa yata siya kung ano pang gagawin niya.
His eyes caught mine and he waited for my next question. It's obvious he's a bit tensed.
"Bakit... hindi ikaw ang gumamot sa akin noong... isinugod ako sa ER? Sa unang pagkikita natin?"
Hindi siya gumalaw. Hindi rin umaliwalas ang mukha. Para bang lahat ng tanong ko siniseryoso niya.
"I'm not a resident doctor. And it's the nurses' duty, I don't want them to see that I'm being... unprofessional just because... it's you."
Uminit ang pisngi ko at natantong... Oo nga naman, Sancha! Ano ka ba?!
"Isa pa hindi ako sigurado kung kaya ko bang gamutin ka. Hindi ako kalmado kapag... ikaw na."
"S-Sorry. Akala ko galit ka no'n."
Umiling siya. "I also don't know how to face you yet. I was a bit nervous."
Ngumuso ako at natantong pagkatapos nga pala no'n, nahuli niya ako na nag iispiya sa kanila. How embarrassing! Kaya lang buti na lang at naalala ko iyon!
"I was near your house after the hospital to see if Tita Laura and Tito David are with you. Kasi gusto ko silang kausapin."
"Hindi na naman kailangan, Sancha. Naiintindihan naman nila at hindi sila nagtanim ng galit. Pero kung gusto mong kausapin sila, malapit na nga ang uwi nila. Iimbitahan kita sa bahay... o kung mas kumportable ka puwede na ring ipapabisita ko sila sa cafe mo."
Mabilis akong umiling. Ako na nga ang gusto makipag-usap, ako pa ang mang-aabala. "Huwag na. Sabihin mo na lang kung kailan sila nariyan at kailan sila puwede. Bibisita ako sa inyo."
He swallowed hard and slowly nodded. Naghihintay pa siya ng tanong o sasabihin ko kaya lang... sa puntong ito... isa na lang ang nasa isip ko.
The cold dusk wind blew and I realized we've been here for a while now. Sa parking lot sa harap ng ospital sa La Carlota.
Noong bata pa ako akala ko sa magagandang lugar dapat ang mga magagandang nangyayari. I see special and sweet moments on pretty places, like the Eiffel tower, or the beach, or other pretty places. The first time I tried my best to tell him my feelings, it was on a very random and ugly place. Now it's in another random place. At kung noon, ayaw kong may makarinig, ngayon wala na akong pakealam.
"Sinasagot na kita. I'm your girlfriend now, Alonzo."
Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi siya gumalaw o nagulat man lang. O kung nagulat man, hindi kita iyon. Mas lalo lang lumakas ang pintig ng puso ko at naduduwag na naman. Sinubukan kong muling lagpasan siya, hindi pala kayang magsalita habang titig na titig siya sa akin. He blocked my way again.
"Sandali lang, Sancha," he said in a controlled voice.
Yumuko ako, kinakaabahan pa lalo.
"A-Anong..." he sighed, he couldn't complete a question. "Paano..."
Kinagat ko ang labi ko.
"Bakit mo ako sinasagot?"
Shocked at his weird question, napatingin ako sa kanya. He struggled for better words but he could only sigh tensely.
My long, long rehearsed confession from years ago was reduced to two words now. Nakakatawa dahil kanina lang determinado akong magsalita at tuluyan nang ituloy ang pagsasabi ng nararamdaman pero sa puntong ito... dalawang salita pa lang ang kaya ko.
"Mahal... kita."
He licked his lower lip and sighed heavily.
"Mahal din kita, Sancha."
I smiled and wondered if he'd want the whole long confession I wanted to tell him years ago. I know he deserved it. His confession for me was everywhere from the very beginning. Hindi na kailangan pang magtanong dahil lahat ng kilala, alam na ako nga ang gusto niya. So he deserved my long, long confession from years ago.
He stepped closer a bit. I struggled for words, too.
"I know you e-expected a confession... like before but right now-"
"Ayos na 'to, Sancha. This is more than what I expected," he said huskily.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top